Gumalaw ang mga kamay nito at hinawakan ang malusog na dibdib ko, para akong nakukuryente sa bawat halik nito sa leeg at tainga ko. Marahan kong hinihimas ang matipunong dibdib nito at mahina ako nagsalita. "Halos hindi pa nag iinit ang pwet ko rito sa banyo, 'eto ka na naman," mahinang saad ko. "Sinusulit ko lang itong gabi na ito, dahil siguradong hindi na naman ako makakalapit sayo bukas kapag umandar na naman 'yang toyo mo sa utak," mahabang turan ni Elvis at nanlaki ang mata ko. Mahinang naitulak ko ito palayo at dinampo ang puting tuwalya sa sahig, binalot sa hubad kong katawan at hinarap si Elvis. "Anong sabi mo?" masungit kong saad rito ngunit dahan-dahan pa rin itong lumapit sa akin at muli akong hinalikan. Hindi na ako nakatanggi pa at hinayaan lamang ito sa paghalik sa akin

