Chapter 29

1597 Words

Naglalakad ako palapit sa gawi ng mga ito, doon napansin kong abala si Elvis sa kausap nito sa phone habang ang ilang tauhan naman ay 'wala ang atensyon sa akin. Akmang hahakbang pa ako palapit sa mga ito ngunit agad ko napansin ang maluwag na daan. Sandali ako napalingon doon at ibinaling ang mga paa ko roon. Dahan-dahan ako naglakad habang hindi nililingon sina Elvis at ang mga tauhan nito. Pabilis ng pabilis ang bawat hakbang ng mga paa ko. Maya-maya lang ay narinig ko na ang malakas na pagtawag mula sa likuran ko dahilan ng biglaan kong pagtakbo ng mabilis. Minadali kong makalabas ng mall. Muntikan pa akong masubsob ngunit agad ako naka kapit sa pader. Nilingon ko si Elvis na hingal tumatakbo palapit sa akin. Natataranta kong hinubad ang sandals ko at naka yapak na lumabas ng mall.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD