"Pasensya na pero kailangan n'yo ako papasukin. Nasa loob ang Mommy ko. meron lang akong bagay na kailangan sabihin sa kaniya," mahabang sambit ko sa guwardya. Hindi ko ako pinakinggan, kahit anong pag pupumilit ko ay hindi ako pinayagan nito. Napakamot na lamang ako sa ulo ko at tinalikuran ang guwardya. Ngunit maya-maya lang ay nahagip ng tingin ko ang isang pamilyar na lalaki. Bumaba ito ng sasakyan, at nakasuot ng itim na suit. Mayroon ring itong kasamang ilang ga tauhan. Agad ako umiwas ng tingin at itinago ang mukha ko upang hindi ako nito makita. Seryoso ang mukha ni Elvis deretso pumasok sa casino at binati pa ito ng gwardya kaninang kausap ko. Jusko, bakit narito si Elvis? Nagtatakang tanong ko sa isipan ko. Nang makapasok si Elvis sa casino ay magmamadali akong pumara ng t

