Sandali ako napigilan habang nakatutok kay Elvis. Ganoon din ito, nakatutok lamang sa akin. Mayroong kung anong lumibot sa puso ko nang muli masilayan ng malapitan si Elvis. Gusto ko magsumbong rito, gusto sabihin ang mga bagay na nagpapabigat ng loob ko. At higit sa lahat gusto kong sabihin na mahal ko na ang lalaking ito. Hindi na ako nakapag salita pa at sinunggaban ng yakap si Elvis. Mahigpit at kasabay iyon ng pagdaloy ng mga luha ko. Naramdaman ko ang paghaplos nito sa buhok ko. Naramdaman ko rin ang marahan na paghalik nito sa buhok ko. Nang magbitiw ako at hinarap ng tingin ito ay mariin ako nito sinibasib ng halik sa labi. Napapikit ako ng mariin at 'walang tugon sa paghalik nito. Maya-maya lang ay tumigil ito sa pag halik at mahina nagsalita. "May dala akong mga pagkain sa sal

