Chapter 6: Revenge Day 3

1473 Words
Samantha Lopez Ano bang trip ng kumag na 'yon? P*tcha! Nakita niya pa yung ibang bahagi ng katawan ko. Hindi ko alam kung sino ba samin ang manyak na dalawa. Halos lumuwa ang mga mata niya ng makita niya ang balat ko (You know). Buti at last day ko na sa condo niya. Makukuha ko na din ang pinakaaasam kong name plate ng buong buo. Paano kasi! Daming arte ng gagang yon! Ayaw pa ibigay sa'kin. Ugh. Habang naglalakad, ako naman itong wala sa sariling nakabangga ng isang estranghera. Hindi ko alam kung sino pero... "Miss? Okay ka lang?" alalang dabi nito sa'kin. Napatulala ako sa ganda niya. Grabe! mala anghel ang itsura ng babaeng estrangherang ito. "A-ahh ehh o-okay lang ako." hindi alintana sa'kin na lumabas ang pagiging bisexual ko. Sheyt na malagkit! Ang ganda niyang talaga! "Amm.. Sige una na ko." sabi nito, halatang nagmamadali ang babae. Habol tingin na lamang ako sa pagalis niya. Nasa store na ako ng bandang 2pm at tamang tama, dumating ang boss namin. Nabalitaan ko din na dadating si Rizz ngayon galing America kaya naexcite ako sa balitang iyon. Sa wakas makikita ko ulit si Rizz, matapos ng napakatagal na panahon. "Ang lalim nanaman ng iniisip mo dyan inday!" sabi ni Nenang na ngayon ay nagaayos ng inventory namin sa waiter's station. Napabuntong hininga nalang ako, nagaabang ng guest. Walang katao tao ngayon. Matumal ang tao. Nang biglang may pumasok, pamilyar siya. Teka? Siya ba yung?--- s**t! Siya yung nakabunggo ko kanina!! Dali dali akong nagtungo sa direksyon niya saka siya inalalayan patungo sa table na gusto niya. "Teka? Familiar ka sa'kin?" malumanay na tanong ng babae habang nakatitig ito sa'kin. Hindi ko alam kung paano ko siya tititigan. "Ahhh! Tama! Ikaw yung babaeng nakabangga ko kanina! s**t! Dito din pala tayo magtatagpo." maligayang sabi niya, na ikinatuwa ko naman dahil pakiramdam ko ay ang saya saya niya na makita ako. Feeling mo naman dyan Sam! "So ready to take orders na po ba sila?" malumanay na pag alok ko da kanya. Kailangan talaga ay lalambingin mo ang Guest mo para matuwa siya at comportable siyang makakausap mo. "Ammm... Pwede bang ikaw nalang? Hahahaha joke. Isang ano... Hmm." namula ata ako sa sinabi niyang iyon? Ano ang gusto niyang iparating sa'kin? Hindi ako mapakali, para akong pagpapawisan ng malapot sa sinabi niya. "Okay just give me your number." sabi nung babae, napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko. "H-ha? Ma'am? Yan lang ang nasabi ko, malakas at mabilis na pagtibok ang puso ko lamang ang naririnig ko. Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko. Ang ganda niyang talaga. She slighty smiled at me and repeat what she said, "I just want to have your number, SAMANTHA." WOAH. Sino ba itong babaeng ito at kilala niya ako? F*ck! Napalunok ako, ngunit sinulat ko na din ito sa Order slip ko saka binigay sa kanya. "I'll just text you Sam, hope to bump with you soon. See you around!" malandi ang pagkakasabi niyang iyon saka siya humalik sa pisngi ko. Naestatwa ako, hindi ko alam na ganoon lang kabilis ang mga pangyayari. Nagpunta ako sa counter saka walang kamalay malay na iniabot ang order slip ko. Nakatulala pa rin ako at tila wala sa sarili. Si Nenang ay nakatingin lamang sa'kin. Napatingin siya sa ibinigay ko, "Hoy babae! Magoorder ka ba? Bakit number mo ang nakalagay dito?!" tatawa tawa niyang sabi sa'kin. Namula ako sa pagkapahiya, habang nagtatawanan kami sa kagagahan ko may biglang nagpunta doon sa counter. Babatiin ko na sana ng makita ko ang impakta. "Sino 'yon? at Kilig na kilig ka?" mataray na sabi niya. Hindi ko siya pinapansin at nagpaka busy ako. Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya. Tinitigan niya lang ako ng Matagal. Napatingin ulit ako sa kanya, nakataas ang kanang kilay niya. "Ano problema mo?" pagtataray ko din sa kanya. "Sino ba yung kinausap mo kanina?" ano bang problema nitong impaktang ito? Punyeta. "Ano naman sayo kung makipagtext mate ako sa iba?" pagtataray ko. Hindi agad siya nakapag salita, tila nagiisip siya ng isasagot niya sa'kin. Nang paalis na ako, aktong hinawakan niya ang braso ko na ikinagulat ko. Hindi ko alam kung ano ang problema niya. "Bitawan mo nga ako!" sabi ko sabay pumiglas sa pagkakahawak niya. Tuloy tuloy ako sa paglalakas hanggang sa di ko na makita ang pagmumukha niya. Pagdating ng gabi ay aktong lalabas na ako ng store. Malakas ang ulan, mabuti na lang at may payong akong dala. Habang naglalakad sa may daan naalala ko bigla na last day ko na sa bahay ni bruhang impakta. Pagkadating na pagkadating ko sa Unit ni Impakta ay nagtaka na ako, pata abg ilaw ng sala. Nilibot ko ang mata ko ngunit wala pa siya doon. Hindi ko alam kung ano ang nangyari doon, hindi man lang nga ako kinukulit nun. Hinanap siya ng mga mata ko pero wala talaga. Kaya nagpasya akong puntahan ang kwarto niya, pagbukas ko ng pinto ay nadatnan kong madilim din doon. Nagulat ako at the same time kinabahan. Binuksan ko ang ilaw at nadatnan ko si impakta, balot na balot ng kumot. "Amm... Uuwi na ako sa apartment ko ha?" paalam ko sa kanya, dahil last day ko na din naman sa pagpapahirap niya. Nahohome sick na din ako, ilang araw ba naman akong patulugin sa Sofa niya na leather pa? Ang init tuloy, hindi ako sanay sa tinutulugan ko. Wala akong narinig ni isang salita mula sa kanya. Habang nagliligpit ng gamit ay naramdaman kong may papalapit na yabag sa direksyon ko. Lumingon ako mula sa likuran at nakita ko si Impakta. Nagulat ako sa itsura niya dahil putlang putla ito. "A-aalis ka na?" halatang pilit itong nagsasalita. Tinitignan at inoobserbahan ko lamang siya mula sa kinauupuan ko. Hindi ako sumagot at nagpatuloy ako sa pagliligpit ng gamit. Hanggang sa naramdaman ko na lamang siyang napayakap sa likod ko. "Impakta, ano ba yan. Bakit mo ko niyayakap? Nagdadrama ka-----" napatigil ako ng mahawakan ko ang mukha niya, pawis na pawis at sobrang init niya. Pagtingin ko ay nakapikit na siya. May sakit ba siya? Pinahiga ko siya sa Sofa saka kinapa kapa kong muli ang Noo niya. Totoo nga?! May sakit siya?!! Paano 'to? Binuhat ko siya sa kwarto niya, saka kinumutan, kumuha ako ng maligamgam na tubig saka ipinahid sa mukha niya, pababa sa leeg niya. Napalunok ako ng ibababa ko na sa bandang dibdib niya. Hindi ko alam kung bubuksan ko ba ito blouse niya. Kailangan Sam! Kawawa naman siya! Kailangan mo din palitan ang damit niya. Fvck! Paano 'to? Nakakainis naman! Ugh. Wala na lamang akong nagawa, kumuha ako ng pamalit na damit niya. Shit! Ito na... Woooh! Ito na! Mahinahon kong itinabi ang mga pamalit na damit na kinuha ko mula sa closet niya, saka dahan dahang bumalik sa pwesto ko. Bale nakahiga siya paharap sa kisame kaya di mahirap tanggalin ang damit niya. Ilang beses akong napalunok. Aaminin ko na, sa unang pagkikita namin ng impaktang ito ay nagandahan na ako sa kanya, kaya lang... Napakataray at arte niya kaya nawala agad sa isipin ko na may kagandahang loob ba siyang itininatago. Dahan dahan kong tinangal ang butones ng blouse niya. Fvck! Yung ano!... Yung bra niya! Triumph ang tatak! s**t. Weh? Yun lang ba talaga ang napansin mo? O yung cleavage niya na napakakinis at puti? Jusko! Ugh!! Binilisan ko na lang ang pagtanggal ng damit niya saka siya pinunasan. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon. Nagulat ako, bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Kinabahan ako at napatingin ako sa mukha Na ngayon ay nakangisi na. Napatanggal ako ng di oras sa pagkaka hawak niya, nataranta ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hiyang hiya ako. "Pulang pula ka? Nahihiya ka ba?" malumanay na sabi niya, pinipilit niya pang magsalita. "A-ahh... Aalis na ako. Ammm... Ano..." natigilan ako ng mabilis niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. Yung mga mata niya, halatang pagod na pagod, namumutla ang mukha niya dahil sa mataas na din ang lagnat niya. Ilang minuto akong tumitig sa mga mata niya, hanggang sa di ko namamalayang napatingin na pala ako sa mga... Labi niya. Napalunok ako ng di oras at narinig niya iyon. Napatawa siya ng konti sa narinig niyang iyon. "You wanna kiss me?" sambit niya habang napakagat labi pa. Tignan mo 'tong babaeng 'to! May gana pang landiin ako e may sakit na nga siya! Psh! "H-hindi no! B-bakit naman kita hahalikan e... May sakit ka! Baka mahawa pa ako!" pag depensa ko. Sam naman e! Bakit naman kasi sa lahat pa ng titignan mo e... Yung labi niya! Agad kong iniwas ng tingin sa kanya. "So kapag wala akong sakit? Hahalikan mo ko?" may halong pang aasar na sabi niya. Hindi ako makapagsalita, aminado naman ako na... Naaakit din ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD