Patrice Flores Villafuerte
Bakit parang feeling ko ayaw ko ng may lumalapit na ibang babae o lalaki sa kumag na iyon? Tsaka bakit ganoon nalang ako makaramdam ng kirot sa puso ko ng makita ko kung paano siya kiligin doon sa babaeng amoy lupa na iyon?
Wala naman akong karapatang makaramdam ng kung ano kay Sam dahil alam kong pagtatawanan niya lamang ako, at tsaka she's not my type? Gusto ko yung maganda, sexy, maputi, chinita. Hindi tulad niya, morena, bilugin ang mga mata hindi ganoon kasexy.Malayong malayo sa tipo ko ang tulad niya kaya imposibleng magkagusto ako sa kanya.
Habang naglalakad ay nakaramdam na ako ng pagpatak ng tubig sa aking balat. Pagtingala ko sa kalangitan, nakita kong papalakas na ang ulan. Nangalkal ako ng bag ko at ayun, wala pala akong payong. Edi wow!
Kumaripas ako ng takbo pero huli na. Basang basa na ako ng ulan. Ugh. Yung kotse ko pa naman ay nasa parking pa, medyo malayo pa rito mula sa direksyon ko.
Pagtila ng ulan saka lamang ako nagtungo sa sasakyan ko, pagsakay ko sa driver's seat nagiiba na ang nararamdaman ko.
Pinilit kong magmaneho pauwi, kahit na parang sumasama na ang pakiramdam ko.
Pagdating ko sa Unit ko, hindi agad ako nakaligo, hinanap ng mata ko agad si Sam.
Teka? Bakit kaya siya agad ang hinanap ko?
Nagpasya akong magtungo agad sa Kwarto at mahiga sa kama knowing na basang basa pa ako. Nakaramdam ako ng pagod saka hindi namalayang nakatulog na pala ako.
Pagpatak ng ala syete ng gabi ay saktong nagising ako. Gustuhin ko mang tumayo pero hindi ko kaya, parang ang bigat ng katawan ko.
Naramdaman ko na lamang na nagbukas ang ilaw.
Pinilit kong buksan ang aking mga mata and to my surprise siya agad ang bungad sa'kin.
But definitely, napansin ko na nagmamadali na siyang kunin ang bag at mga gamit niya. Hindi ko alam pero bakit parang naapektuhan ako doon.
"Amm... Uuwi na ako sa apartment ko ha?" hindi pa ako makaimik agad, ayoko ng nararamdaman kong ito. Naiinis ako.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako kumibo noong sabihin niya ang mga iyon. Aalis na siya? Paano na ako?
Ilang sandali pa. Naramdaman kong lumabas na siya ng kwarto. Ako naman ay dahan dahang tumayo, medyo masama ang pakiramdam ko.
Lumabas din ako ng kwarto at nakita kong nag aayos na siya ng mga gamit niya. Iiwan niya na nga talaga ako.
"A-alis ka na?" hindi ko namalayan nanasambit ko na pala ang mga iyon.
Papalapit ako ng papalapit sa kanya hanggang sa makalapit ako sa kanya. Aktong nagsalita naman siya ngunit hindi ko na narinig pa ang mga iyon ng mawalan na ako ng malay.
Makalipas ng ilang sandali, akalain mong nabuhat niya ako patungo sa kwarto ko. Naramdaman ko ang mainit niyang kamay sa mga binti ko na siyang nagsisilbing suporta sa'kin.
Seriously? Talagang ramdam mo ah?
Naramdaman ko nalang na inihiga niya ako sa kama, ako naman si Tanga, tulugtulugan pa.
After no'n ay di ko na alam ang mga sususnod niyang gagawin, pinapakiramdaman ko siya sa mga kilos niya kahit nakapikit ako. Nanindig ag balahibo ko ng maramdaman kong unti unti niyang ina unbotton ang blouse ko. Anong ginagawa niya?!
Halata sa mga kamay niyang alanganin siyang ginagawa iyon.
Ilang sandali pa ay di ko na natiis, iminulat ko ang aking mga mata saka agapang hinawakan ang kanyang kamay, pinilit kong tumayo saka inilapit ang mukha ko sa kanya.
Tumingin ako sa kanyang mga mata saka ko pa inilapit ang aking mukha, halos isa na lang ang hinihingahan namin.
Sa mga oras na iyon, pareho kaming hindi makapagsalita. Ramdam ko ang tension na namamagitan sa amin. Tumitig siyang muli sa mga labi ko, at doon ako nagkaroon ng pagkakataong dampian siya ng halik.
Na ikinagulat ko na mismo sa aking sarili. Hindi ko mawari pero wala akong naramdaman na kahit anong pag palag mula sa kanya. Hindi ko maiwasan na mahawakan ang batok niya, mas lalong nagiging mainit ang tension sa amin.
Mas bumilis at mas dumiin ang paraan ng paghalik ko sa kanya, mas naging wild, mas sumarap.
"Hmm..." halos mapaungol na siya sa ginagawa kong pag halik sa kanya. Bumaba ako ng kama saka umupo sa lap niya, hawak niya ang baywang ko na hinahaplos haplos niya din na mas ikinababaliw ko.
Shit Sam. Hindi ko alam na ganito ka kasarap.
Bumaba pa lalo ang halik niya sa leeg ko, na mas ikinabaliw ko pa. Dinila dilaan niya rin ito at ipinaikot ang kanyang dila sa aking leeg. Mas nanghina ako sa ginawa niya.
Mga ilang minuto ang tinagal ng halikan namin, naramdaman kong napahigpit siya ng kapit sa aking blouse. Malapit na niyang matangal iyon pero ramdam ko na pinipigilan niya ang sarili niya. Hingal na napatigil kami sa ginagawa.
Napasandal ako sa noo niya at gayun din siya, pikit na nagsalita siya, "S-sorry." malumanay na sabi niya.
Ibinalik niya ang butones ng blouse ko saka ako inalalayang makabalik sa kama. Maging ako ay nagtataka sa ikinikilos ko, hindi ko gawain ang manghalik ng kung sino pero... Iba ang naramdaman kong sensation kay Sam. Mukhang magaling siya at may experience.
Sandaling lumabas siya ng kwarto, ako naman ay nagbihis na ng inilabas niyang damit mula kanina. Napapaisip ako sa mga nangyari. Ano ba ang nangyayari sayo Pat?
Naninibago ako sa aking sarili. Lately, nakakaramdam akonng selos kapag may lumalapit kay Sam na ibang babae, at kapag... Ugh wag naman sana!
Naalala ko nanaman yung malanding babaeng yon! Akala mo kung sinong makahalik kay Sam!
Naramdaman kong nagbukas ang pinto, nalungkot ako sa aking nakita.
Dala dala ang bag, nagpaalam siyang aalis na.
"Amm..." hindi siya makatingin ng deretcho sa'kin. It really feels awkward.
"Aalis na ako. Magiingat ka dito ha?" matapos niyang sabihin iyon ay aktong tatalikod na siya sa'kin.
Nang pigilan ko siya, "Wait!"
Napatingin siyang muli sa'kin. At aktonf lumapit naman ako sa kanya.
"Yung... About dun sa Kiss." medyo nahihiya din ako habang sinasabi ko iyon sa kanya.
"Hayaan mo, hindi ko naman ipagkakalat iyon, at kalimutan nalang natin yung nangyari." dere deretcho niyang sabi. Sabay talikod at naglakad palayo.
sa katunayan ay ayaw kong kalimutan ang nangyaring iyon, yung make out namin kanina. Ewan ko, gusto ko naman yung nangyari pero bakit parang para sa kanya, ayaw niyang maalala yon?
Habang tinitgnan siya papalayo, pinapakiramdaman ko ang sarili ko.
Pat? Ano bang nangyayari sayo?
Are you attracred to her?
Or worse...
Are you falling in love with Her?