Chapter 8: Denial Stage

1512 Words
Samantha Lopez Habang papalayo ako sa unit ni Patrice ay di ko maiwasang balikan ang mga nangyari kanina. Napakabilis lamang ng mga pangyayaring iyon, hindi ko alam at hindi ko iyon inaasahan na magagawa niya akong halikan. Kung hindi pa siguro kami tumigil ay baka umabot pa yun sa Kama. (If you know what I mean) Mabuti na lamang at laki na lang din ng aking pasasalamat na hindi iyon natuloy. Bandang alas nuwebe na ng gabi, napagdesisyonan kong dumaan muna sa isang coffee shop. Hindi ako maaaring magkamali, ang coffee shop na ito ay pag mamay ari ni Sofia Villanueva-Sandoval. Nagorder ako ng isang Banoffee Pie at isang Café Latté. Sikat daw kasi sa kanila iyon, at doon mas nakilala ang Restaurant at Coffee shop na ito. Pagka order ko ay saktong nag hanap na ako ng mauupuan. "Sam?" biglang sabi ng isang babaeng nakaupo sa isang couche doon. Aktong napalingon naman ako. Nagtatakang tumingin ako sa kanya, nakangiti lamang siya sa'kin habang ako ay nagtataka sa kanya. She offered me a seat in front of her, "Halika, maupo ka." sabi niya habang itinuturo ang kabilang upuan na kaharap niya. "Saktong wala akong kasama ngayon.""Tekaaaa? Sino ka ba?" tanong ko na halos ikinatawa niya ng bahagya. "Imposible naman na di mo ako maalala sa ganda kong ito?" medyo mahangin ang babaeng ito. Pero sa totoo lang, maganda nga talaga siya, maputi, bilugin na mga mata at sexy pa. "Amm.. Hahanap nalang ako ng bagong mauupuan." sabi ko, lalakad na sana ako papalayo ng bigla niya akong harangan sa dinadaanan ko. "Dito ka na. Wala naman akong kasama, btw. Alyssa nga pala. Call me aly nalang. Ako yung nakabunggo mo noong nakaraang araw." aktong iniabot nito ang kamay sa'kin. Nakipag shake hands naman ako sa kanya at tahimik na na upo ako sa bakanteng upuan. Medyo awkward ang moment na iyon. She was just staring at me, samantalang ako di ako makatingin sa kanya. Medyo naiirita pa nga ako dahil hindi ako sanay sa ganitong feeling na nakaka intimidate. "Siguro... Much better na lumipat muna ako." sabi ko dahil hindi ko na matiis ang ganitong feeling, hindi ako sanay sa mga awkward moments katulad nito. "You know what? You're beautiful." she said with no hesitations. Napatingin ako sa kanya at seryoso ang kanyang mukhang tumingin sakin. I didn't utter a word. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang hirap pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nang bigla siyang muli magsalita. "You know, I keep watching you. Favorite restaurant ko kasi ang pagmamay ari ni Ms. Andrea.""So... Matagal mo na akong minamanmanan? Ganoon?" nagtataka kong sabi. Bahagyang napatawa siya at saka naman sumagot ng... "Huwag mong isipin na spy ako or something ah? Matagal na kitang pinagmamasadan mula sa malayo" bigla siyang sumeryoso sa sinabi niyang iyon. "Bakit?" tanong ko sa kanya. Nagtaka ako sa sinabi niyang iyon. She didn't even know me well para ganyan ang masabi niya. "Hmmm... I think? Because... I'm totally attracted to you?" patanong na sabi nito. Mukhang hindi ito sigurado sa sinabi nya. "Alam mo? Siguro ganyan ginagawa mo sa lahat ng babae o lalaking nakilala mo. Pero pasensya ka na, straight ako at hindi ako papatol sa babae" ma otoridad kong sabi sa kanya. Nakakainis dahil akala ng mga ito e basta basta lamang akong babae na pwede nilang paibigin! Parang si Patrice! Ugh. Naalala ko ang babaeng yun. Kamusta na kaya siya? Kamusta na kaya ang kalagayan niya? Okay na kaya siya? ______________________________________________________________________________ PATRICE FLORES VILLAFUERTE I was in the middle of something ng biglang may kumatok sa pinto ko. "Wait lang! Sino yan?" I was expecting for Sam. Teka? Bakit si Sam ang iniisip ko? "Hi babe! Matagal ka ng di nagpaparamdam sa'kin!" oh my si Joanne! My ex. "Ba't nandito ka? Diba tapos na tayo?" I was expecting for Sam pero sya ang dumating. Teka? What am I saying ha? Bakit si Sam na lang palagi nasa isip ko? What the fvck. "Why? Hindi ka na ba nagagandahan sa'kin Patrice?" she was looking at me wildy at parang may gusto siyang ipahiwatig sa sinabi niyang iyon. "Please Joanne. Matagal na tayong tapos kaya wag mo na akong kulitin pa. Si Jonelle naman ang girlfriend mo bakit di mo siya kalabitin pag gusto mo ha? Bakit ba ako na naman ang ginugulo mo?" pataray kong sabi sa kanya. Inis na inis ako, hindi ko alam kung bakit. Sobrang badtrip ako ngayong araw na ito. Walang maingay dito. Hindi pa nakakauwi si Manang hanggang ngayon dito sa unit ko. Wala man lang akong makausap and now, andito pa ang ex ko na kanina pa nangungulit sa'kin. Naiinis ako. Lalapit na sana si Joanne sa'kin pero pinigilan ko siya. Ayaw ko ng gulo, gusto ko manahimik na lang dito sa unit ko maghapon kesa makipagsex sa babaeng kulto na ito. Wala na ata sa wisyo ito at ginagawa niya ang mga kabalbalan na alam naman niyang mali. Nakakainis na! Pagdating ng hapon ay sa wakas umalis na din si Joanne. Bumalik nanaman sa pagiging tahimik ang buong bahay. Pumaroon ako sa kusina dahil narinig ko ang tyan kong kumukulo na sa gutom. Naalala ko, hindi pa pala ako nag umagahan at nag tanghalian, hindi ako marunong magluto. Habang nasa kusina ay biglang pumasok nanaman sa isip ko ang Sam na iyon. Tuluyan na nga siyang umalis, bakit ako nakakaramdam ng lungkot? Hindi ko masasabing gusto ko na siya pero matapos ng make out na yun kanina ay bakas pa rin sa aking mga labi kung paano siya humalik. Kung paano niya ako hawakan. Ugh!! Am I crazy to think about that? All of that? Detail by detail talaga Pat? My gahd. Get back to yourself! Come on! Bumalik ako sa ulirat ng makita kong bukas pala ang ref. Kanina pa pala ako naexpose. Dahil sa wala naman akong makitang mailuluto sa ref ay nagpasya na lamang akong lumabas at magpunta sa café na paborito ko malapit dito sa may building kung saan ako nakatira. Nagsuot nalang ako ng maong shorts at black crop top, saka isinuot ang maroon boots ko. Well, I have my sense of fashion kasi at hindi ako lumalabas ng bahay ng kung ano lang ang suot ko. Gusto ko yung mapapatingin sa'kin ang mga tao kapag naglalakad ako sa kalsada. Matapos kong magbihis ay dali dali na akong lumabas at inilock ko na agad pinto saka dalidaling nagtungo sa elevator. Pagkalabas ko ng building ay dali dali na akong nag lakad patungo sa café na madalas kong puntahan. Dito talaga ako madalas tumambay. Gustong gusto ko din ang pasta nila dito dahil napakasarap talaga. Yung mga diet pasta nila. Pag pasok ng café ay nagtungo na ako sa counter saka nag order ng isang Hot Americano saka ng Zitti de Cuezo. Isa sa mga paborito kong pasta na kinakain ko dito. Naghanap agad ako ng upuan dahil iseserve nalang daw ang order ko. Pagharap ko sa mga tables ay may napansin ako. Isang babae, kung makatitig siya sa'kin ay parang kilalang-kilala na niya ako ngunit, hindi ko ito pinansin at dere-deretcho ako doon sa bakanteng upuan at table na nakita ko. Sa unahan iyon na malapit sa pinto. Pag upo ko ay agad kong inilapag ang number at ang pouch ko sa may table. Nagpasya akong kunin ang iphone ko, Saka binuksan ito. Unexpectedly ay nakita ko ang mga ilang larawan namin ni Sam. Yung mga stolen shot ko sa kanya habang kumakain kami sa mesa, habang nanonood siya ng movie kasama ako sa sala, habang natutulog siya sa sofa at habang nagluluto siya sa kusina. Hindi ko namalayan na napapangiti na ako habang tinitignan ko ang mga larawang iyon na nagsisilbing alala naming dalawa sa bahay. Biglang napataas ang kilay at napakunot ang noo ko. Bakit ba naaalala ko nanaman iyong babae na iyon? Oh my god! Wag mong sabihin Pat na... Gusto mo na siya? Holy crap. No way! There's no way na magkakagusto ako sa kagaya nya. She's not my type of a girl! Duh! At isa pa. She's poor. How can you say that to her? Matapos ka niyang alagaan at pagsilbihan sa bahay mo e ganyan lang din pala ang magiging tingin mo sa kanya? "Ma'am... Ah eh okay lang po ba kayo?" nagulat ako ng biglang magsalita yung waitress na magseserve ng... “Sam?" malakas ang pagkakasabi ko noon, rinig sa buong café iyon dahilan para mapatingin ang mga tao sa'kin. "Ma'am excuse me? Hindi po ako si Sam. Here's your Hot Americano and Zitti De Cuezo." magkasunod niyang inilapag ang mga inorder ko. Oh my... s**t! No way! Pati ba naman dito Pat?! Ugh nakakahiya ka! "I'm sorry... And thank you." as the waitress left my table I gave her a fake smile. Pati sa ibang lugar maaalala mo pa siya? What's happening to you?! Nagpatuloy nalang ako sa pagkain... What the hell happened to you Pat? Galit na sabi ko sa sarili ko. I really wanna know what kind of feeling this is. I really want to know. From.. Her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD