Chapter 9: Maybe yes, Maybe not

1202 Words
Patrice Flores Villafuerte Buong gabing wala akong tulog. Sa kahihiyan ko pa naman nung isang araw tingin niyo ba ay makakatulog ako? At yung Samantha na iyon. Siya ang dahilan kaya ganito ako ngayon. Wala akong tulog at wala ako sa sarili ko. Napapadalas din ang tanong ng mga kaibigan ko sa'kin. I'm so messed up! Habang naglalakad magisa sa may hallway ay hindi ko namalayan na may nabungo na pala akong babae. "I'm sorry!" singhal nito habang pinupulot ang mga nahulog niyang gamit. Ugh! May naalala nanaman ako sa insidenteng nangyaring ito. "Sa susunod, tumingin ka sa dinadaanan mo." pataray na sabi ko. As usual, hindi ako nagsosorry kung kanino lang no? Ni hindi ko naman siya kilala. I was expecting na aalis na siya pero hindi. Tinignan niya lamang ako ng tahimik kung saan siya nakatayo. "I have my first impression to you Ms. Patrice." sabi nung babae. Napatigil ako saglit at napatingin sa kanya. "What do you mean?" sabi ko habang mariing nakatitig dito. Infairness, she's pretty. Maputi, maganda, makinis at sexy. Well, obviously. I'm checking her out. "I'm Aly by the way." pagkasabi niya noon ay agad niyang inabot ang mga palad nya sa harap ko tanda na gusto niyang makipagkamayan sa'kin. "Sorry, hindi ako interesadong makipagkilala." maldita na kung maldita pero wala ako sa mood para makipagkilala. Maglalakad na sana ako ng bigla siyang humarang muli sa harap ko. "Masyado kang suplada Ms. Patrcice." makahulugan niyang sabi sa'kin. Ano bang gusto ng babaeng ito sa'kin ha? "Kilala ka sa buong St. University as a spoiled brat daw." dugtong niya pa. Nako wala ako sa mood ngayon para makipagbangayan sa kanya. "Alam mo? Madami pa akong gagawin e so please, stop bothering me at sinasayang mo lang ang oras ko." Naglakad na akong muli ng bigla niyang sinabi ang pangalan ni... Samantha Lopez. Napaharap ako sa kanya saka siya tinignan ng mariin. "Anong alam mo about kay Sam? Bakit kilala mo siya?" sabi ko, kinakabahan kong tanong sa kanya. Ano ang alam niya about sa babaeng hampas lupang iyon ha? Sa tagal na wala akong balita sa kanya. Kaya hindi na ako nagtataka kung may makikilala pa siyang iba. "Seryoso? I thought doon siya tumira sayo for 3 consecutive days then hindi mo man lang siya kinilala sa tatlong araw na nakakasama mo siya doon sa unit mo?" sabi niya with crossed arms pa and a angelic/demonic face. Napakuyom ang kamay ko, yes definitely I'm not a patient person. Kapag tinanong ko ang isang tao I want a guaranteed answer. Agad agad, pero sa babaeng hitad na ito. Mukhang mahihirapan akong makahanap ng sagot mula sa katanungan ko na ngayon ay naglalaro pa sa isipan ko. Napasimangot ako at siya? Patuloy lang sa pangaasar niya sa'kin. Mukhang tuwang tuwa pa ang aly na ito sa pangaasar sa'kin. "Pano? Maiwan na kita dyan Ms. Pat. I have classes pa e." umabante siya ng konti upang tumapat sa akin. Sabay sabing, "See you around. Villafuerte." saka tuloy tuloy na naglakad ang babaeng hitad. Napadabog ang aking paglalakad patungo sa aking next class. Nakakabaliw ang pagiisip. Sino ba talaga siya? At ano ang alam niya about sa amin ni Sam? "Pat!" sigaw ni Queenie sa'kin. At aktong kinagulat ko naman iyon. "What?" pataray na tanong ko, kasabay noon ang pagtaas ng kanang kilay ko. Istorbo.. "What the hell? Taray mo ha. May nangyari ba?" alalang tanong sa'kin ng amazonang unggoy na ito. Oo! Kahit mga kaibigan ko, once na tinarayan ko. Parang hindi ko sila kaibigan! Mga hampas lupa! "Wala ako sa mood makipaglokohan Queenie ah." sabi ko sa kanya, napatayo ako sa kinauupuan ko saka naglakad palabas ng classroom. Seryoso? Lutang ako. Nacurious ako sa Aly na iyon. Hindi ko alam kung sino ba siya at ganoon siya makapagsalita sa'kin. Parang ang dami dami niyang alam about sa'kin at lalong lalo na kay Sam. Habang naglalakad ako ay di inaasahang napadpad ang tingin ko sa isang babaeng sapat ang katangkaran. Kilala niyo na kung sino siya, walang iba kundi si Sam. Hindi pa rin pala nagbabago ang kanyang style sa buhay. Simple pero astig. Parang kamakailan lang ay kasa kasama ko siya sa Unit ko, ngayon ay parang strangers na lang kami na hindi talaga nagkakilala at walang alam sa isa't isa. Aaminin ko, being with her in 3 days sa unit ko ay masasabi kong, mabait siya, maalaga at maalalahanin. May mga oras kasi na magtatanong siya sa'kin kung kumain na ba ako o di kaya ay okay lang ba ako. Kapag nanunuod kami sa sala, bigla na lang siyang magtatanong sa'kin kung kamusta ang araw ko at ano ang nangyari sa buong araw ko. It feels like she was so interested about what I've done in a day. That's why na feel ko agad ang pagiging komportable sa kanya. Kaya lang, may mga time talaga na sinusumpong ang babaeng iyan at aasarin ako sa umaga kaya minsan di ko maiwasan abg gumanti sa kanya. Naiinis ako lalo na kapag pinipikon niya ako sa paraan niya ng pang aasar. Pero yun din naman ang gusto ko sa isang babae. Hindi yung sobrang sweet pero sakto lang. Parang tropa lang kayo na nagkukulitan. So naiisip mo na magiging kayo? Ha? Patrice? Maybe Yes, Maybe Not. Pero hindi naman iyon ang importante sa'kin. Habang tumatagal na hindi ko siya nakikita ay mas lalo lamang akong interesado sa kanya na kilalanin pa siya ng mabuti. Malay mo? Siya na ang matagal ko ng hinihintay. Napagpasyahan ko na pumunta sa restaurant ng kapatid ni Rizz. Paniguradong duty siya ngayon. I can come naman daw anytime I want e. Mas okay na din yun dahil I can avail discount daw. Nang maupo ako sa isang magandang table ay agad kong tinawag ang waitress na gusto ko. Well, si Sam ang gusto kong mag order take sa'kin walang iba. May lumapit sa akin na ibang waiter but I requested him na si Sam ang gusto ko, kaya nilapitan niya si Sam at aktong tinuro ang table ko mula sa kanya. Gulat man ang mga matang tumingin ito sa'kin ay nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa'kin. Nang makarating siya ay agad niya akong tinanong kung anong order ko without looking at me. Nainis naman ako sa inasal niyang iyon, nakatuon kasi ang atensyon niya doon sa hawak niyang order slip at parang may sinusulat siya doon. Inoobserbahan ko lamang siya habang nagsasalita ako, aktong sinusulat niya agad ang mga order(s) ko. Hindi niya talaga ako magawang tignan. Nirepeat order niya pero hindi siya tumingin sa'kin. Kaya I grab her arm na ikinataka niya. Di sinasadyang magtugma ang aming mga tingin sa isa't isa. Na nagpabilis naman ng t***k ng puso ko. Kakaibang kaba ang naramdaman ko sa tingin niyang iyon. Na ikinailang ko. What the hell? This is my first time na makaramdam ng ganito towards a girl?! And well, just so you know Pat. You never ever want to get some fvcking attention to the people who don't want to know you nor are interested in talking with you. Kailan ka pa naging mapaghanap sa atensyon ng iba? Ha? Sa kanya lang ako nagkaganito. Seryoso. And I think hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD