Samantha Lopez
Narito ako sa waiter's station habang hawak hawak ang dibdib ko na ngayon ay hindi mawari kung anong kaba ang naramdaman ko sa ginawa niyang pagtitig sa'kin. Nabalik ako sa ulirat ng bigla akong tawagin ni Nenang na kasalukuyang busy sa paghahain ng ibang putahe para sa guests niya. "Sam ayos ka lang ba dyan? Namumutla ka ah? Anong ginawa sayo ng magandang babaeng guest natin?" sunod sunod niyang tanong sa'kin. Hindi nagsisink in sa'kin ang mga sinasabi niya dahil naiisip ko pa rin ang nangyari kanina.
Pagtibok ng puso ko ba ang naramdaman ko kanina? O isang kaba lamang na walang dahilan?
Nang maibigay ko na ang order slip ko ay agad ko namang hinanda ang tubig na kanina niya pa hinihingi.
Isa isa konh nilagay ang baso at isang pitsel ng tubig saka ito binuhat patungo sa table niya.
Nang makalapit ako sa table niya ay dali dali kong nilapag ang baso at pitsel ng tubig, ngunit sa pangalawang pagkakataon hahawakan sana niya ako sa braso ng maiangat ko ito at saktong nahawakan niya ang kamay ko na ikinagulat ko.
Kahit pati siya ay nagulat sa ginawa niya. Napatikhim siya saka lumingon sa ibang direksyon, na siyang pagkakataon ko para umalis.
Nang makaalis ako mula sa kanya ay agad akong nagtungo sa CR. Dali dali kong sinara ang pinto saka naghilamos. Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa ngayon dahil sobrang kabog ng dibdib ko lamang ang naririnig ko. Napatingin ako sa salamin saka napahawak sa dalawang pisngi ko. Ilang araw na akong bothered sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero matapos ng make out session namin ay hindi na iyon maalis sa isip ko. Parang namarkahan na nga nya ang labi ko ng mga labi niya dahil sa halik na iyon na aaminin kong nadala din ako.
Aalis na sana ako ng CR matapos kong magpasyang bumalik sa trabaho, ngunit iba nga naman talaga ang tadhana dahil nasaktuhang pumasok si Patrice.
Napatingin ako sa kanya at ganoon din siya sa'kin. Hinga Sam, hinga ka. Hindi mawari ang tensyong namamagitan saming dalawa.
Agad niyang sinara ang pinto saka pumaharap agad sa'kin.
Unti unti siyang lumapit sa'kin. Saka tinignan ang labi ko paakyat sa mga mata ko. Sobrang awkward ang namamagitan samin dahil kami lang naman ang nasa CR ngayon.
"Bakit nagkakaganyan ka? Magsalita ka naman." sabi niya habang mariing nakatitig lang sa'kin.
"P-Para saan?" utal na akong magsalita sa kaba na nararamdaman ko. Hindi ko mawari ang mararamdaman ko, napakalapit na ng mukha niya sa'kin.
Halos matuyo ang lalamunan ko sa kaba lalo na at bumabalik sa isipan ko ang mangyari sa'min sa condo niya.
"Bakit hindi mo imulat ang mga mata mo at tignan mo akong maigi, hindi ba ako maganda?" turan niya na lalo kong ikinakaba.
Aaminin ko na maganda talaga si Pat. Unang kita ko palang sa kanya ay naattract na ako sa kanya, ngunit naisip ko na kagagaling ko lang sa heart break at ayoko muna ang mag mahal. Gusto kong magmahal kapag handa na ako at kaya ko na ulit buksan ang puso ko sa iba. Napakahirap sa proseso ng pagmomove on ay ang acceptance, sa lahat ng sakit at hirap, lalo na kung matagal ang past mo. Napakahirap sa part lalo na sa taong mas nagmahal.
Hay! Nako naman. Nakapagbigay pa ako ng advice ng dis oras sa oras ng kagipitan.
Nang imulat ko ng mga mata ko. Kitang kita ko ang perfect shape ng mukha niya, ang puti at hugis nito, yung mga mata niya na ang sarap titigan.
"Magsalita ka, bakit hindi ka maalis sa isipan ko simula nung umalis ka sa condo ko." bulong niya. Halos ibulong nalang niya sa'kin ang mga salitang sinasabi niya. Rinig ko pa rin ito na siyang nagpatindig ng balahibo ko.
"H-hindi ko alam." kabadong sagot ko. Napakalapit na kasi ng mukha niya sa'kin at yung pintig ng puso ko halos hindi ko na macontrol. Anytime soon, baka mahimatay na ako sa sobrang kaba.
"This is my first time na ang isang babaeng hindi ko tipo, ay hindi maalis sa isip ko. I was thinking about YOU, all day. Alam mo ba yon?" isang dipa nalang ang layo ng mga labi namin. Napapapikit nalang ako sa ginagawa nitong paglapit sa'kin.
At hindi ko inaasahang.
Hahalikan niya ako, she's kissing me. Hindi ko maiwasan ang hindi gumanti ng halik sa kanya.
Yung lambot ng labi niya, ramdam ko against my lips. Parang may sariling isip ang mga palad ko at napahawak ako sa magkabilang pisngi niya, slow lang ang kiss na iyon pero damang dama ko ang sarap at lambot ng labi niya. Limang minuto matapos ng halik ay natauhan na ako.
Ayokong madala sa halik na iyon. Ayokong maging mapaghanap sa mga halik at hawak niya sa'kin.
Saktong may kumatok na sa CR kaya agad agad akong umalis sa loob nito. Habol hininga ako ng makalabas ako. Tulala at wala akong masabi sa nangyari.
Kahit naman ako! Hindi ako halos makatulog gabi gabi kakaisip sa kanya. Sa ginawa niya, lalo lang akong nahirapan na makalimutan siya.
It was all my fault! Hinalikan ko pa kasi siya nung unang meet namin! Doon palang, unti unti na akong naattract sa tulad niya! Napaka mo! Sam! Isa kang tanga!
"Sam? Okay ka lang ba? Kanina pa kasi ready ang order mo sa guests mo. Sinerve na nga ng ibang waiter e." sabi ni Nenang. Hindi ko namalayan na nagtagal pala ako sa CR.
"A-ah sige. Pakisabi salamat." sabi ko. "Asaan si Sir? M-magpapaalam na sana ako na mag a under time ako." sabi ko kay Nenang.
Nagalala naman ito sa'kin dahil akala niya ay may sakit ako. Nagpanggap na lang ako na may sakit ako. Para kasi akong lalagnatin sa init ng nararamdaman ko.
Matapos kong magpaalam ay agad naman akong pinayagan. Nagtungo na ako sa locker room at aktong nagpalit na agad ng damit, pagkatapos ay niligpit ko na din ang gamit ko sa bag ko.
Palabas ako ng resto, ng hindi ko namalayan na may nabangga nanaman ako. Sa katangahan ko nanaman! Kamalasan nalang lagi. Hays!
"A-aly?" nagulat man pero napangiti ito ng makita ako sa kanyang harapan.
"Hi Sam. Saan ang punta mo?" magaan ang ngiti niya sa'kin.
"Ah eh. Ano kasi... Pauwi na kasi ako." sabi ko habang lumilinga linga sa gilid gilid. Tinitignan ko kung nandyan si Pat.
"Tara... Ihahatid na kita---" naputol ang sasabihin niya ng may magsalita sa likuran ko. Aktong inakbayan niya pa ako.
"Hindi na. Sa'kin na siya sasabay." sabi ni Pat na ngayon ay nasa tabi ko na. Para naman akong nanigas sa kinatatayuan ko.
"Ah. Ikaw pala Ms. Patrice Flores---" pinutol niya ulit si Aly sa pagsasalita.
"Pat nalang. Hindi kasi ako komportable kapag binubuo ang pangalan ko." sabi nito habang nakangiti ng nakakaloko. May sayad ba ang babaeng ito.
"Hmmm. Okay sige. Sam una na ako. Mag INGAT ka. See you around!" sabi nito sabay kindat sa'kin bago lumakad papalayo samin.
"Akala nun ah." sabi ni Pat. Napa Ehem ako dahil sa akbay-akbay niya pa rin ako.
"Ay sorry. Sabay ka na sa'kin. Hatid na kita." pag boboluntaryo niya ngunit tumangi ako.
Dali dali na akong naglakad papalayo sa kanya dahil ayaw ko siyang makasama paguwi. Lalo lamang akong nalilito sa ginagawa niya. Nag iiba ang ugali niya nitong mga nakaraang araw.
I hate to admit it... But I can't stop thinking about her.