Chapter 18: Dream date

1451 Words
PATRICE FLORES VILLAFUERTE It's weekend, wala nanaman akong magawa. Mag isa nalang ako dito sa condo ko, si Sam naman ay may pasok sa trabaho at opening siya kaya mamayang pag out niya pa kami magkikita. I'm so stressed kapag ganito lang ang ginagawa ko sa buhay ko. Laging nasa bahay. Hay. I took a deep sigh nalang. Simula noong maging kami ni Sam, she never let me do my things like, Night life. Pinagaawayan din namin yun minsan pero syempre, naintindihan ko naman kung bakit ayaw niya akong gawin ang mga dati kong gawi. She wants me to be serious in life, hindi na daw kasi ako bata to act like a teenager. Whatever. At dahil mahal ko si Sam. Syempre susunod ako. I never be like this "Andres de saya" before sa mga nagiging ka relasyon ko. Sa kanya lang ako naging ganito. I don't know? Maybe kasi mahal na mahal ko siya at sa kanya ko lang naramdaman ang mga ganitong bagay kaya ganito nalang ako kung sumunod sa mga bilin niya. I was wondering if she really into relationships before? Hindi kasi masyadong romantic si Sam. She's so matured na din kasi magisip and sobrang maton niya, like napaka manly magisip. It's 11:30am in the morning. Malapit na maglunch pero wala akong maisip na lutuin. Hayy ang boring talaga! So, I decided to go out. Habang nasa labas ako, iniisip ko kung anong magandang gawin. I really want to get some fun out of me. Sobrang nabobored na ako sa buhay ko like, I wanna have my night life back again. Pero nung naiisip ko yun, naalala ko si Sam, alam kong hindi niya magugustuhan yung gagawin ko, but hmm saglit lang naman so let's have some fun!! _________________________________________________________________________ SAMANTHA LOPEZ Nagiisip ako kung ano ang pwedeng gawin na masaya at hindi mabobored na date para kay Patrice. Habang naglilinis ng table ay nagulat ako sa kung sinong nakatingin sa'kin. Isang familiar na babae, hmmm... teka? Di kaya siya yung? "Hi Sam." sabi nito sabay upo doon sa table na kakaligpit ko lang. "Sino? Ah! Ikaw yung nanghingi ng number ko nung isang araw." "Yes. Hahaha." Natawa naman siya ng bahagya, "buti naalala mo pa ako? So... How's life?" "Ah eh." Hindi ako makapagsalita kasi nakatingin yung manager ko sa direksyon namin. "Saglit lang magpapaalam muna ako na mag break, hindi kasi kami pwede makipgusap sa customer ng matagal eh." Makaraan ng ilang minuto. Lumabas kami saka nagpunta sa isang malapit na coffee shop. Libre niya daw eh. "So, teka lang ah. Ano bang pangalan mo? Ilang beses na tayo nagkatagpo pero never kong nalaman ang pangalan mo." Takang tanong ko sa kanya. "Hahaha. Oo nga pala no. Hindi pa pala ako nakapag pakilala sa'yo." Sabi niya sa'kin sabay abot ng kamay niya para makipag shake hands. "I'm Jean by the way." Nakangiting sabi sa'kin. "Jean? Ano apelyido mo?" Tanong ko ulit sa kanya. "Jean Dela Cruz" tugon naman nito sakin. "Ow. Haha, okay. Jean, Samantha Lopez ang pangalan ko” sabi ko naman sa kanya. "Yeah I know." Sabi niya. Nagulat ako ng sinabi niyang alam niya ang pangalan ko. "P-paano mo nalaman?" Takang tanong ko naman sa kanya. "Well, hahaha I have my source matagal na kitang kilala Sam." Okay wait, medyo creepy na ha. "Okay? Bakit naman? Paano mo nalaman?" "Siguro medyo natakot ka no? Wag ka matakot." Pag aassure niya. "No offense ha, pero syempre, medyo creepy lang din. O baka coincidence lang na makilala mo ko diba?" Hindi kaya stalker ko ang babaeng ito? Maya maya ay nagulat ako nang may humawak sa braso ko. "Why are you talking to my girlfriend?" Pagtingin ko si Patrice pala. "P-patrice." Sabi nito saka hinila ako palabas. Paglabas namin ng coffee shop. "What are you doing here with that girl?" Halatang nang gagalaiti ito sa inis. "Mali ka ng iniisip okay? Tsaka bakit nandito ka? Diba may pasok ka?" "Uwian na namin. Tsaka gusto kitang makita. Pero bakit may kasama kang iba?" Parang maiiyak na siya sa inis. "Mali ka ng iniisip Pat. She's just a friend of mine" Pagsisiguro ko sa kanya. "Friend? Eh yung babaeng iyon hindi naman friend kung tumingin sa'yo e" tumataas na ang tono ng boses niya. "Okay sige let's say na may gusto siya sa'kin pero wala naman akong gusto sa kanya eh. Okay?" "It's not like kailangan may gusto ka din sa kanya. May girlfriend ka na Sam okay? Ako yung girlfriend mo." Niyakap ko siya para hindi na siya magisip pa ng mga kung ano ano. "Stop it okay? Wag ka na magisip diyan. Hindi naman ako mawawala sa'yo e. Para kang bata na umiiyak na inagawan ng candy." "Natatakot lang ako mawala ka. Ayoko kasi mawala ka sa'kin. Please, wag mo na ulit gagawin 'yon ha?" Sabi nito habang nagpapacute sa'kin. "Opo, hindi na. Kumain ka na ba? Pa in na din ako, doon ka na kumain sa restaurant." Sabay hila sa kanya habang hawak ang kamay niya. __________________________________________________________________________ PATRICE FLORES VILLAFUERTE Naalala ko na naman yung babaeng kausap ni Sam. Naiinis nanaman ako. Nagiinit ang dugo ko sa babaeng 'yon. Alam na alam ko na may gusto siya sa Bebe ko. Andito naman ako ngayon sa restaurant nila Sam, habang hinihintay ko ang order ko naisip kong iistalk yung babaeng 'yon. Ewan ko ba pero na i-insecure pa rin ako kahit alam ko naman sa sarili ko na maganda ako. Hindi naman kasi ganda lang dapat puhunan mo, dapat syempre may personality ka din lalo sa kagaya ni Sam. Napaka independent na tao at may paninindigan. Nang buksan ko ang f*******: account ko ay agad kong tinype ang pangalan niya sa search box ko. Nagulat naman ako sa nakita ko. Ang profile picture niya ay naka two piece lang at nasa boracay siya nang kunan siya ng litrato nang kung sino man. Tapos ang kinis niya din, kutis mayaman. Di ko namalayan nag me make face na pala ako sa harap ng cp ko at si Sam naman natatawang nakatingin sa'kin. "Oh? Busangot ka nanaman diyan." "Hmp!" Pagtataray ko sa kanya. Sabay isa isa niyang nilapag ang order ko. "Wag ka na bumusangot at kumain ka muna diyan." Alam niya na nagseselos pa rin ako sa babaeng iyon. Matapos kong kumain ay sinabi ko na hihintayin ko na din siya maka out sa duty niya since pang umaga naman siya today. Matapos ng ilang minuto. "Let's go?" Pagaaya niya. Sabay hawak sa kamay ko. Napangiti naman ako saka hinawakan din ang kamay niya. "Saan tayo pupunta?" "Basta. Halika." habang naglalakad ay bigla siyang napatigil. "Teka? Kumakain ka ba ng kwek kwek?" "H-ha? A-anong kwek kwek?" takang tanong ko naman. Its my first time na makarinig ng ganoon. "Street foods? Hindi ka pa nakakakain?" Gulat na tanong niya. "A-ah hindi e. Ayaw ako pakainin ni Mommy ng ganoon madumi daw." Humaglpak naman siya ng tawa. "Seryoso? So ngayon, kakain tayo ng street foods. Ipapasubok ko sa'yo ang best street foods dito sa manila." Naglakad lang kami papuntang Rizal park. Ewan ko pero naexcite ako nung nagpunta ako doon. Para talaga akong bata. Kumain kami ng sorbetes, kwek kwek, fish ball, kikiam at kung ano ano pang street foods na makita namin. Halos hindi ko maipaliwanag ang feeling ko ng maexperience ko lahat ng ito. Sa sobrang hyper ko nag aya na si Sam na maupo doon sa mga bakanteng bench sa tabi. "Grabe, nakakapagod." Sabi nito. Magpupunas siya ng pawis niya gamit ang kamay niya pero pinigilan ko siya. "Teka! Wag mong gamitin 'yan." Kinuha ko ang panyo ko sa bag saka siya pinunasan. "Wag kang magpupunas gamit kamay mo. Grabe pawis mo." Natigilan ako ng bigla niya akong halikan. Smack lang naman. "Ang cute mo talaga." Sabi niya sa'kin. Nag blush naman ako sa sinabi niya. "Uy, nag blush siya." Bigla niya akong inasar. Syempre nainis naman ako pero kinikilig talaga ako sa sinabi niya. "This is the best date I've ever had." Pagsasabi ko sa kanya. "Napaka cool mo talaga Sam. Wala pa akong naging karelasyon na dinala ako sa park, pinakain ako ng mga street foods." sabi ko habang nakatingin sa malayo. "Lagi nalang sa mamahaling restaurant, tapos yung amount ng food di naman worth it, di ako nabubusog." "Kaya ang payat mo eh. Hayaan mo dadalhin kita sa mga karinderya sa susunod." Sabi nito. "Napaka simple mo talaga at isa yan sa mga nagustuhan ko sa'yo Sam. You're simplicity in life. I envy you for being YOU. I just hope I can be like you." "Nandito lang ako para pasayahin ka at alagaan." alam kong sincere siya sa sinasabi niya sa'kin. Sam, kung alam mo lang, sobrang nahuhulog na ako sa'yo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD