SAMANTHA LOPEZ
Honestly speaking, I have a hard time with Patrice. Hindi ko alam na ang dami niyang flaws. Hindi maiwasang magaway kami kahit na hindi pa kami ganoon na nagtatagal, she's getting into my nerves!
Narito ako sa condo niya ngayon, it's 8:00am in the morning and yet hindi pa siya nagigising. I know na may klase siya ng 9:00am. Grabeng katamaran.
"Patrice, gumising ka na diyan!" Naiinis kong sabi sa kanya. Hindi talaga magising gising ang babaeng 'to. Naiinis na ako, tulog mantika.
"Hmmm... Sam... ano ba. Inaantok pa ako." Nagmamaktol na sabi niya habang pikit mata pa siya.
At siya pa ang may ganang mainis ha.
"Alam mo Pat pag di ka nagising hindi kita idedate ng isang linggo!" sa sobrang yamot ko, binagsakan ko siya ng pinto. Maikli lang talaga ang pasensya ko pero pagdating sa kanya, ineextend ko pa.
Nagtungo nalang ako sa kusina at nagpasyang ipagluto nalang sya. Kahit naman ubod ng arte yun ay mahal ko pa rin kaya kahit naiinis ako sa kanya, ipagluluto ko pa rin siya.
Binuksan ko ang ref, halos walang kalaman laman ang ref niya. Saktong pagbukas ng pinto ng kwarto niya at lumabas na din siya.
Humihikab hikab pa at nagunat unat. "Ba't kasi ang aga mo?" magkasalubong ang kilay niya bang patungo ito sa kanyang dining table saka nagpasya na umupo.
"May pasok ka, wag ka ngang tamad! Pinagaaral ka ng Mommy mo tapos ganyan ka?" Parang ako pa ang nanay kung pagsabihan ko siya ngayon.
"Eh sa ayoko ngang pumasok? Ha?" ito nanaman kami, siguradong magaaway nanaman kami.
"Alam mo? Nakakainis ka na. Concern lang naman ako sayo, kaya ko to ginagawa. Ngayon kung ayaw mo, pwes aalis nalang ako. Goodluck sayo." Mahinahon kong sabi sa kanya.
Lumakad na ako palayo ng maramdaman ko nalang ang paghawak niya sa kamay ko. "Babe, I'm sorry." Lambing na sambit niya.
Huminga muna ako ng malalim saka siya hinarap. "Hindi ko alam kung ano bang problema mo, napaka pabebe mo!"
So ito nanaman siya, pinakitaan niya nanaman ako ng beautiful eyes niya. Nag pout siya ng kanyang labi para mas lalo pang maging effective ang pag papapacute niya.
Ilang minuto ko lang siyang tinitigan.
Tinignan ko ang kanyang mukha, mula sa mata, ilong at labi.
"Huuuuuy. Pansinin mo naman ako. Sorry na kasi."
Hindi ko pa rin siya iniimikan.
"Okay, I'll promise na hindi na ako magpapalate ng tulog."
Saka ko lang siya inimikan. "Sure? Mamaya niyan nag gaganyan ka lang pero di mo naman gagawin."
"Oo na nga. Teka?! Di ako nagpapaunder, sayo lang ako nag ka ganito."
"Well, masanay ka na, kasi kailangan mong matuto. Hindi ka na bata Pat para bantayan ko oras oras, wala pa rin ba yung maid mo?" Takang pagtatanong ko. Sa pag kakaalam ko kasi ay nagpaalam ito sa kanya ng 2-3 days lang sa probinsya pero magpaghanggang ngayon ay di pa rin siya nakakabalik.
"Ewan ko kay Mommy. Di naman nagfefeedback sa'kin si Manang e." Maarte niyang sabi.
Hindi ko talaga alam kung bakit ako na inlove sa taong 'to.
"Bakit? Nagsasawa ka na ba?" Oh here we go again. Inuumpisahan niya nanaman ako.
"Patrice pwede ba? Maghanda ka na, papasok ka pa sa school e." Naiirita na ako sa kanya. Lagi niya akong dinadaan sa mga ganito.
"No! Kiss mo muna ako." Grabeng pag ka isip bata.
"Ayoko. Hangga't di ka pa naliligo, bad breath ka kaya." Pangaasar ko sa kanya, napasimangot siya sa sinabi ko kaya ako tawang tawa lang sa tabi niya.
"I hate you!" nagmamaktol siya habang papatayo siya sa kama niya at ako di pa rin matigil sa kakatawa.
Nagdesisyon akong pumunta muna sa kusina niya buti na lang ay mamayang 12pm pa ang shift ko.
Hay patrice, hindi ko alam bakit sa kabila ng mga kaartehan mo, mahal pa rin kita.
Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Patrice. Hindi ko nalang pinansin iyon at nag focus na lang ako sa ihahanda kong pagkain para sa kanya, para pagalis niya ay may kinain naman siya.
Ayokong maranasan niya yung naranasan ko na laging magisa at walang nagaalaga man lang.
"What's with the breakfast?" Nagulat ako at nabitawan ko yung breadknife na hawak ko.
"What the... Ano ka ba naman patrice, pwede mo naman akong kalabitin nalang ah?" Hingal kong sabi habang hawak ang dibdib ko.
"Oh... I'm sorry love, I was just thinking kung ano ang ginagawa mo." Papalapit siya ng papalapit sa'kin. Ako naman napapaatras sa ginagawa niya, yung boses niya na kaninang nagpapacute, naging seductive naman.
"N-nako patrice, kailangan mo ng maghanda sa school anong oras na oh."
"Shhh." Nilagay nya ang hintuturo niya sa mga labi ko. Tumingin siya sa mga mata ko saka dahan dahang inilapit ang mukha niya sa'kin.
"P-pat..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng halikan na niya ako sa labi.
She's been gentle the whole time she kissed me. And of course, I kissed her back.
"Hindi pa rin nagbabago yung lasa ng mga labi mo, masarap pa din." Sabi niya saka inilayo ang mukha niya sa'kin. Ako naman natulala lang sa mga nangyari.
Bumalik nalang ako sa ginagawa ko.
After kong matoast yung mga bread, pinaghandaan ko siya ng kape.
" I was wondering... we can go out of town this... hmm? Weekend?"
"Patrice, you know na may work ako diba?" Sabi ko habang isinasawsaw ko yung tinapay sa kape.
" I can talk with your manager naman if ever." Mukhang excited na sabi niya.
"You know na hindi yun pwede. Diba? Wag mo na ipilit ang hindi pwede"
"Sam naman, hindi ba pwedeng wag ka masyadong magpaka pagod diyan sa trabaho mo? Hindi ba pwedeng mag enjoy ka naman?" Alam kong sa tono palang ng boses niya ay naiinis na siya.
"Patrice, kung pwede lang talaga e hindi naman ako aangal dyan, pero alam mo naman na mahirap lang ako, wala na akong magulang, ako lang bumubuhay sa sarili ko, palibhasa ikaw, marangya na ang buhay na kinalakihan mo kaya sanay kang magawa lahaaat ng gusto mo. Eh ako? Kailangan ko pang kumayod sa isang araw para makasurvive."
"You know naman na if you need help---" hindi ko na sya pinatapos pa sa mga sasabihin niya nang magsalita na ako.
"I don't need any help from anyone, or even you." Matigas na sabi ko. Medyo nahurt ako sa sinabi niya. Oo, aaminin ko na maprinsipyo akong tao.
"I just want to help you babe, that's all, nothing more nothing less, what's the problem with that ha? Andito naman ako para alalayan ka, andito ako kaya you should not feel lonely anymore."
"That's not my point Patrice." Halos mang galaiti ako sa inis ng sambitin ko iyon sa kanya. "I just want you to understand me, you should understand what my life is. Noong nakilala mo ako, ganito na ang takbo ng buhay ko, and aware ka naman siguro na hindi ako ganoong klase ng tao na umaasa sa iba."
"I don't know kung bakit pati sa'kin ang pride pride mo. Gusto ko lang naman maramdaman mo na may taong nagmamahal na sayo, na hindi ka na iiwan. Pero bakit parang mali pa ako sa pagtulong ko? What do you want me to do then?" Sambit naman ni Patrice sa’kin. Damang dama ko sa mga sinasabi niya na parang bigat na bigat siya sa pinagdadaanan niya.
"Just let me handle my life, that's all" sambit ko naman. Ramdam ko sa awrahan naming dalawa ang tensyon.
"Hindi ko naman pinanghahawakan yung buhay mo eh. All I want is your time, and YOU. Masama bang mag demand sayo kahit minsan lang? I understand kung ano ang pinagdadaanan mo, and just so you know hindi rin ako naging masaya na mayaman ako, mayaman ang pamilya ko dahil nasa akin na lahat ng pressure. I don't know how to handle that because of my Mom. You don't know kung ano din ba ang pinagdadaanan ko so don't you ever say na nagagawa ko lahat ng gusto ko." Nagbabadya ng tumulo ang luha niya kaya inagapan ko na agad siya ng yakap.
Ramdam ko ang lungkot sa mga sinabi niya sa'kin and I realized how stupid I am. Nakalimutan ko nga pala na only child siya at siya ang tagapagmana ng kumpanya nila, alam kong hindi niya ginusto ang ganitong klase ng buhay.
"I'm sorry for being harsh to you kanina. I love you, and you know that diba?"
"I-ikaw kasi... B-bakit ayaw mo pa sumama sakin..." Parang bata kung umiyak tong si Patrice.
Hinalikan ko siya sa noo saka pinunasan ang mga luha niya. "Okay sige na, magpapaalam ako dun kay bakla para makapag out of town tayo okay?"
Ngumiti naman agad siya saka ako niyapos ng mahigpit na yakap.
"Yehey! I love you!"
Napangiti na lang ako sa kanya habang yakap yakap ko siya.