Chapter 16: Simplicity is Beauty

1276 Words
PATRICE FLORES VILLAFUERTE It's saturday morning, nandito pa din ako sa apartment ni Sam. Pag gising ko wala na siya sa tabi ko, kanina ay yakap yakap ko lamang siya. "Sam? Where are you?" tawag ko sa kanya pagbangon ko sa kama. Naalala ko pala na may nangyari sa'min at yung mga damit namin sa sahig ay nakakalat. Bumangon ako saka kumuha ng maisusuot ko sa closet niya. Sinuot ko nalang din yung polo niya na ginagmit niya sa work, alam kong off niya today kaya wala namang siyang gagawin ngayon. Eh kung ayain ko kaya siya makipagdate no?Eh kung wag nalang kaya? Kasi baka naman isipin niya na naghahabol ako sa kanya? Bakit hindi ba? Napaisip naman ako. Oo nga no? Ako pala naghahabol sa baaeng 'yon. Well, pag tinamaan ka na ng pana ni kupido wala ka ng kawala. Halos mabaliw na kasi ako sa condo ko kada gabi na matutulog nalang ako. Yung animo'y namimiss ko ang bawat halik at yakap niya sa'kin? Yung mga pagaalaga niya sa'kin nung pinatira ko muna sya sa bahay ko. Yeah. Naalala ko nanaman yun. Ang childish ko sa part na yun but anyways, ayun nga. Inlove na inlove na ako sa kanya. Ako na nga halos nanliligaw sa kanya. Hindi naman iyon problema sa'kin dahil ginugusto ko din na maghabol sa kanya. It sounds weird para sa'kin dahil kung dati rati ay ako ang hinahabol, ngayon naman ako na ang naghahabol. Napagpasyahan ko na lumabas na ng kwarto saka hinanap si Sam. Hinanap ko na siya sa CR pero wala siya. Pagbaba ko sa kusina ay nakita ko ang pigura niya, nakatalikod kasi ito at medyo magulo pa ang buhok. "Oh? Gisinbg ka na pala? Good morning! Let's have breakfast, napagod ako kagabi e." sabi niya with a smile. Sana laging ganito no? Yung tipong laging light lang ang mood naming dalawa. "So what's for breakfast?" takang tanong ko habang papalapit sa kanya. "Nag prito ako ng sunny side up egg and hotdog, kung gusto mo ng toasted bread, may toaster and bread loaf ako dyan" sabi niya habang nagbabati pa ng itlog. Dahan dahan akong lumapit mula sa likuran niya saka siya niyapos ng yakap. Ang warmth ng pakiramdam kapag ganito na yakap ko siya. "Hmmm... Let's stay like this for a moment." sabi ko saka isinandal ko ang baba ko sa balikat niya at mahigpit na niyakap siya. Wala naman akong nararamdaman na pagtutol mula sa kanya. Ilang minuto din kaming nasa ganoong posisyon. Pagkatapos ay napagpasyahan na namin kumain ng sabay. Magkatapat kami sa round table niya na 2 seaters lang. Ang apartment kasi ni Sam ay medyo may kaliitan lang, actually di ako sanay sa ganitong lugar ngunit pagdating sa kanya ay okay lang kung saan niya ako dadalhin. Ganito pala ang feeling na mainlove ng sobra no? Yung feeling na parang lagi kang lutang? (Syempre hindi naman ako nakadroga no) what I mean is... Walang oras na hindi mo siya naiisip, o di kaya namimiss. Hindi ko namamalayan na napapatingin na pala ako sa kanya ng matagal at halos hindi ko na nagagalaw yung pagkain ko. "Huy!" tawag niya sa atensyon ko. Bigla naman akong nabalik sa ulirat na animo'y napahiya ako sa ginagawa kong pagtitig sa kanya. "Bakit di mo ginagalaw yang pagkain mo?" Takang tanong niya habang siya ay patapos ng kumain. Kahit kailan talaga hindi ko rin matantya ang kasungitan niya pagdating sa'kin. "Wala lang... Ano kasi... May iniisip lang ako." Sana hindi niya mahalata na siya ang tinitignan ko kanina pa. Bigla naman nagiba ang ekspresyon ng mukha niya at bigla itong nagalala. Hinawakan niya ang kamay ko saka ako tinanong, "May problema ba?" Nanlaki ang mga mata ko na napatingin din sa mga mata niya. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at unti unti kong naramdaman ang pagbilis ng t***k ng puso ko. "Huy! Bakit ka ba natutulala diyan? Nagaalala ako sa'yo e." Halata sa tono ng pagkakasabi niya ang pagaalala. Dali dali ko namang binawi ang kamay ko na hawak niya saka bumalik sa pagkain. "W-wala. Wala akong problema. May naisip lang talaga ako, hayaan mo na yun. Kumain ka pa." "Oo, kakain pa ako, wala kang kasama dito e kawawa ka naman." Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maaasar sa kasweetan na may halong pang asar sa sinabi niyang iyon sa'kin. Maya maya ay natapos na din kaming kumain saka nagtungo sa sala, napagpasyahan ko munang manuod ng movie, naramdaman kong tumabi siya sa'kin. "Anong gusto mong panuorin?" Tanong niya habang tumitingin din doon sa mga dvd na hawak ko. "Ikaw ano bang gusto mo? Action or Romance?" Tanong ko naman sa kanya habang namimili kami. Sa huli ay napagpasyahan naming manuod ng isang lesbian movie. She was busy on fixing the dvd player habang ako ay nakaupo sa may sofa, mataim na tinignan ko siya. She's so sexy, beautiful and hot. Iba iba nanaman pumapasok sa isip ko my gad. "Nakapagdecide ka na ba ng papanuorin?" Sabi nito habang hindi pa ito natatapos sa pagaayos ng dvd player niya. Hindi agad ako nakasagot dahil busy ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. Ganoon na ba ako kabaliw sa babaeng to at parang wala akong naririnig? Nakahalata siya na hindi ako sumasagot sa kanya kaya naman agad itong pumaharap sa kinaroroonan ko, kung saan nakatingin pa rin ako sa kanya ng mataim. "Huy! Ano? Tulala?" takang tanong nito sa'kin. Kahit kailan talaga itong si Samantha. Hindi man lang makiramdam na gusto ko lang siyang titigan maghapon. "Ah---eh pwede ba manuod nalang tayo ng sine?" Pagaaya ko out of nowhere. "Ha? Hindi ba magastos pa yun? Ayaw mo ba dito sa bahay ko?" Balik niyang tanong sa'kin. "Hindi naman sa ganun, ano kasi... Ano... Gusto ko lang naman... na makasama ka. I mean... Magdate man lang tayo." Sabi ko, medyo kinakabahan ako kasi first time ko na ako pa ang magaaya ng date, samantalang ako ang hinahabol dati. Ngayon? Parang ako pa ata ang naghahabol sa babaeng 'to. "Patrice, uunahan na kita." Saka siya tumabi sa kinauupuan k."Hindi ako tulad ng iniisip mo, yung typical na gustong kumakain sa labas, o di kaya manunuod ng sine. Bawat sentimo na kinikita ko, pinahahalagahan ko, kaya hangga't kaya kong makatipid, nagtitipid ako." "Kahit ako naman ang magbabayad okay lang e." Pagkumbinsi ko. Hinawakan niya ang kamay ko saka siya niya ako tinignan ng mataim. Mata sa mata, "Pat, alam kong mapera ka at mayaman. Ayokong isipin mo na iyon ang habol ko sa'yo. Kahit na "tayo" eh gusto kong maramdaman mo na sincere ako sayo, na hindi lang iyon ang minahal ko sa'yo kundi IKAW mismo. Minahal ko lahat sayo kaya sana wag mo na ipilit pa ang gusto mo, simple lang ako mamuhay Pat, ito ako. Hindi ako kagaya ng iba na materyal ang basehan sa pagmamahal." Sa bawat salitang binibitawan niya, kasabay noon ang pintig ng puso ko. Lalo pa yata ako nahuhulog sa babaeng ito. Ibang iba siya sa lahat ng nakilala ko, hindi siya yung typical na katulad ng mga naging girlfriend o boyfriend ko na pera lang ang habol sa'kin. Halos lahat naman kasi ng nakikilala ko ay sa bar o di kaya sa mga kung saan saan lang, pero itong si Sam, ibang iba siya. "So? Tayo na?" Tanong ko. Isang ngiti ang bumungad sa'kin, saka siya tumango. Sa sobrang saya ko nayakap ko siya ng di oras. Sobrang nagagalak ako ngayon dahil kami na ng babaeng dati rati ay sa panaginip ko lang makakasama at mahahagkan. I kissed her with love, saglit lamang iyon ngunit puno ng pagmamahal. "I love you, sam." "I love you too, Patrice."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD