6 | His Presence

2952 Words
Join my f*******: Group to read my stories for free: Juanna Balisong STORIES ENJOY READING! (/>oNAKAPANGALUMBABA si Andrea sa inuupuang sofa habang nakatanaw sa labas ng binatana. Ang dalawang bodyguard naman na kinuha ng Daddy n'ya ay nakatayo lamang sa gilid at naghihintay. She release a deep sigh at inabala na lamang ang sarili sa panonood sa mga ibong dumadapo sa bird fountain na nasa labas ng bintana. Heto siya ngayon at naboboryo at wala ng magawa. Nagsawa na siya sa panood ng mga pelikula at pagbabasa ng mga libro, wala rin naman siyang mapuntahang iba nang walang umaaligid-aligid sa kanya. Kung maaari nga lang na agawin ang mga trabaho ng mga kasambahay sa mansyon ay ginawa na niya. Kaso nga lang ay ayaw pumayag ng mga ito kahit na humawak man lang siya ng walis tambo. Noong nakaraang araw lang niyong inutusan siya ng Daddy niya na pumunta sa talyer at magsagawa ng inspeksyon. After her job there, ay hindi pa siya umuwi at nakipagkwentuhan muna sa mga manggagawa roon. Syempre ay hindi mawawala ang pagpapa-picture ng mga ito at paghingi ng autograph niya. She enjoyed staying there kahit na sa pansamantalang oras lamang. Na-enjoy niya ang pakikipagkwentuhan sa mga ito, nalaman niya ang iba't ibang kwento ng mga buhay ng mga tao roon, kung gaano kasimple at kasaya mamuhay ng simple. Hindi niya naramdamang iba siya sa mga ito. Animo nagkukwentuhan sila na tila mga magkababata na muling nagkita-kita. Nakaaaliw at puno ng tawa. Ngunit may isang bagay ang nag-iwan ng kwestyon sa kanya. Lahat ng tao na nakasama niya sa talyer ay nagkwento tungkol sa mga karanasan at buhay ng mga ito. Except to a one person... Damien. Ni-isa ay wala itong ikinuwento tungkol sa buhay nito bago ito mapadpad bilang mekaniko. Naroon lamang ito at nakikinig sa usapan at nakikitawa. May mga pagkakataon pa ngang nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya at kapagkuwa'y sinusuway ang mga kasamahan kapag sumusobra na ang katatanong sa kanya. As if he's putting his eyes on her. Sa isiping iyon ay hindi mapigilan ni Andrea ang kiligin. With his small actions ay walang babae ang hindi mahuhulog sa gwapong mekanikong iyon. But... May nasabi sa kanya si Rico tungkol sa binata. Ang tanging naikwento lang daw ni Damien sa kanila ay lumayo ito sa pamilya at namuhay mag-isa. Ni-minsan daw ay hindi nagkwento sa kanila si Damien tungkol sa pamilya nito o kung ano ang meron ito. Damien is really not an open book. Palagi itong pribado kung mag-isip at kumilos. Napakahirap basahin at malaman ang totoong pagkatao nito. 'Who really is Damien? What was he hiding?' Iyon ang mga tanong na pumuno sa kanyang isipan tungkol sa binata. Muli ay napabuntong hininga si Andrea. Heto na naman siya at iniisip ang binata. Bakit ba hindi maalis-alis sa isip niya ang gwapo nitong mukha? Sa rami ng mga naggagandahang lalaking nakatrabaho niya sa pag-aartista ay nakasisiguro siyang may mas gwapo at mas macho pa kaysa rito. Ngunit ewan niya ba at iba talaga ang karisma at tama ni Damien dahil namumukod-tangi ito. 'Bakit, tinamaan ka na ba?' Kastigo sa kanya ng isang bahagi ng kanyang utak. Agad na nagsalubong ang mga kilay ng dalaga at kumunot ang noo. HA! Paanong mahuhulog siya sa binata kung gayong kabaligtaran ito ng kanyang Ideal Man. Her Mr. Right. Yes. The one she's been looking for. Her dream man. Sweet, gentleman, family oriented, a very kind person, has a pure heart, a person who can answer her all needs. Yes. That's her qualities of her Mr. Perfect. Oh! How she wish na makita na niya agad ang lalaking para sa kanya. Malapit-lapit na ring lumampas ang edad niya sa kalendaryo at sana naman ay mabilis na i-deliver na sa kanya ni Lord ang dream man n'ya. And speaking of the hot mechanic, imposibleng maging ito ang ideal man niya ano? Sa sobrang bait nga nito sa kanya ay talagang mabibwiSWEET na siya. Aba! Hindi ata matatapos ang araw na hindi puputok ang butse niya ng dahil kulugo! "Ms. Andrea?" Natigil si Andrea sa pagmumuni-muni nang marinig ang pagtawag sa pangalan niya. Napalingon siya at umayos ng upo. "What is it April?" Ngumiti sa kanya ito at lumapit, "Hindi po ba ay nabanggit niyo po noong nakaraan na kailangan n'yong mamili ng gamit ninyo? Bukas na po ang mall sa bayan, baka gusto n'yo pong mamili." "Oh right, salamat sa pagsabi." Nakangiting tango niya rito bago ito umalis. Dahil nga ay naubusan na siya ng mga skincare products at kung ano pang mga burloloy na ginagamit niya sa katawan ay tiis-tiis muna siya sa mga organic na nabibili niya. Kaya nga lang ay hindi siya sigurado sa mga nabili kaya alanganin din siya. Mas maganda iyong sa trusted at certified products nang sa gayon ay sigurado ang epekto. Tumayo na siya sa kinauupuan at nag-unat. Gayong wala naman siyang gagawin at nabo-boring na rin siya ay mamabutihin pa niyang pumunta sa mall na tinutukoy nito para mamili ng nga pangangailangan niya. Ayon sa pagkakaalam niya, iyon ang nag-iisang mall na mayroon ang lungsod. Sana naman ay meron do'n ng nga hinahanap niya kundi ay baka tawagan na niya ang PA niyang si Janelle para lang magpabili rito ng mga 'needs' niya. She's already wearing a Adriana style light blue dress na tinernohan na lamang niya ng sandalyas. Hinayaan niyang nakalugay ang maalong buhok saka nagsuot na lamang ng beige color woolen hat at sunglasses para takpan ang pagkakakilanlan. "May lakad po ba tayo ma'am?" Tanong ng isang bodyguard niya nang makita siyang nakagayak. "Oo, d'yan lang sa bayan." Agad na inihanda ng isa pang bodyguard ang sasakyan paglabas niya. Pinagbuksan naman siya ng isa ng pinto ng kotse upang lumulan. Napailing na lamang si Andrea sa dalawa. Ito na nga ba ang sinasabi niya sa Daddy niya. These two men is just making everything obvious. Mas mapapansin siya ng mga tao kung may kasama siyang mga Berjilio. Wala na siyang nagawa pa kundi ang sumakay na lamang. Hindi na niya magagawa pang bawiin ang sinabi ng ama gayong narito na ang kinuha nitong mga bodyguard niya. ** Unang bumaba ng sasakyan si Andrea kasunod ang dalawang bodyguard. Tumingin siya sa paligid at tinantiya kung may nakatingin o may nakapansin sa kanila. Nang masiguradong wala na masyadong nagdaraanang tao sa kanilang pinag-park-an ay hinarap niya ang dalawa. "Bago tayo tumuloy, may ipapakiusap sana ako sa inyo," naghintay ang dalawa sa kanyang sasabihin, "kung pwede sana h'wag kayong masyadong malapit sa akin dahil mas mapapansin tayo ng tao." "Pero po ang bilin ni Mr. Del Juanco ay bantayan kayo ng maigi," Angal ng isa. "I know, pero mas makakakuha tayo ng atensyon kung over naman kayo sa pag-guard sa'kin." "Kung gano'n po, paano po ang gagawin namin?" Tanong naman ng isa. Inayos ni Andrea ang pagkakasuot ng sumbrero nang may mapadaan sa kanilang tabi. Husto siyang lumapit sa dalawa upang pabulong na sabihin ang plano. "You'll walk 3-5 meters away from me, h'wag kayong masyadong madikit sa akin at h'wag na h'wag kayong papahalata na kasama ninyo ako. Just act as if you're strolling. In that way, you can still guard me. Kung may mangyari man at least ay nasa paligid kayo. Understand?" Sabay na tumango ang dalawa. "Now, ako muna ang mauunang maglakad at sumunod na lamang kayo." Aniya at nagpatiunang naglakad. Maaliwalas ang panahon at aakalain mong may kasiyahang nagaganap sa lugar sa dami ng tao. Hindi ganoon kasiksikan at tama lamang, sapat na upang maglakad-lakad siya nang walang nakapapansin kung sino siyang tunay. Sa kanyang pagtungo sa nasabing mall ay pasimpleng nagpalinga-linga si Andrea sa paligid upang tingnan kung nakasunod ba sa kanya ang dalawang bodyguard. Tulad ng sabi niya ay ilang metro ang layo ng mga ito sa kanya at palihim siyang sinusundan. Nakahinga siya nang maluwag. Mukhang gumagana naman ang plano n'ya. "O tabi! Tabi! May kariton na dadaan!" ** After couple of minutes na pag-iikot niya sa bayan ay napagdesisyunan na ni Andrea na pumunta na ng mall. Masyado kasi siyang nawili sa katitingin sa buhay na buhay na paligid at nakalimutan na ang siyang ipinunta roon. Nang makarating si Andrea sa harap ng naturang mall ay hindi niya inaasahan ang madadatnan. Maraming tao ang nakaabang sa entrance. Ang iba ay nakatambay at naghihintay sa tabi. Tiningnan niya ang oras sa pambisig na relong suot. 8 minuto bago pumatak ang alas-diyes. Lumapit siya sa gwardyang nakaantabay sa tabi upang magtanong. "Kuya, ano pong oras magbubukas ang mall?" "Maya-maya lang po ma'am, hintay lang po tayo ng saglit pa at naghahanda na po ang mga staffs sa loob." Sagot nito. "Sige po, salamat." Tango niya at bahagyang sumilip sa loob ng mall. May mga tao siyang nakitang nag-aayos sa loob. Mukhang naghahanda ang mga ito sa pagbubukas ng mall. Muli ay lumingon siya sa paligid at nakapamaywang na pinagmasdan ang lugar. Patuloy ang pagdating ng mga tao. Mukhang napaaga ata ang punta niya. Napayuko siya sa isang paslit nang mapadaan ito sa harap niya. Bahagya niyang ibinaba ang salaming suot at nakangiting kinindatan ang batang babae. Napangaga ang bata na tiningala ang dalaga at hinila ang kamay ng kasamang ina. "M-mama..." Tila hindi ito makapaniwala sa nakita. "Shhh..." Senyas niya sa bulinggit. Inosenteng ngumiti at tumango lamang ito bago nagba-bye sa kanya nang hilahin na ito ng ina. Sinuyod niya ng tingin ang dagat ng mga tao. Hindi na niya mahagilap ang mga bodyguard na kasama. 'Nasaan ang dalawang 'yon?' Kunot ang noong hinagilap niya ng tingin ang mga ito. Aalis na sana siya nang bigla na lamang magkagulo ang mga tao. Nagkasiksikan at tulakan na animo nakikipagbuno ang mga ito. Naipit si Andrea sa gitna at pilit na gumagawa ng paraan upang makaalis sa tipon. "Isa-isa lang po at lahat po tayo ay makakapasok ng mall! Huwag po tayong magtulakan mga ma'am, sir!" Sigaw ng isang gwardya na nasa mismong entrada ng mall. Lahat ay nag-uunahang makapasok kaya hindi na inaalala kung may natutulak ba o nasasagi. Animo mga desperadong esperma na nag-uunahang makarating sa paroroonan at sarili na lamang ang inaalala. "E-excuse me." Pilit na nakipagsisiksan si Andrea sa kumpol ng mga tao. Pasulong siya na nakipagtulakan upang makaalis, ngunit hindi kaya ng katawan niya ang sandamakmak na taong tumutulak sa kanya paatras. "T-teka lang po---Aray!" Hindi sinasadyang masiko siya ng isang lalaki dahilan ng pagkakatanggal ng kanyang kalo. "Andrea!" Umiindang napapikit siya sa tinamaang noo. Hindi pa man natatapos ay natapakan naman ang kanyang paa ng isang babae. "Ahh!" "Andrea!" Dahil sa tulakan ay nawalan ng balanse si Andrea. Ngunit imbis na sahig ang kanyang babagsakan ay isang matipunong dibdib ang kanyang kinalagyan. "Okay ka lang ba?" Tanong ng tinig at inalalayan siya. Tanging tango na lamang ang naitugon ni Andrea. His huge frame was covering her small body. Nakaalalay ito sa kanya at hinahawi ang mga taong nakikipagtulakan. She's inside of the man's arm samantala ang isa naman ay ginagamit nito sa paggawa ng daraanan nila. Hinapit pa siya nito palapit sa dibdib nito. His arm on her shoulders hugging her tightly. Mahigpit na napakapit si Andrea sa damit ng lalaki, clutching her fingers in his shirt upang hindi mahiwalay rito. Ang kaninang nagririgodon niyang puso dala ng pangamba ngayon ay humupa na. Ramdam niya ang mainit nitong katawan na nakadikit sa kanya. His warm embrace was assuring her her safety making her feel secured. Hanggang sa makaalis sila sa kumpol ng mga nagsisiksikang tao ay nanatili siya sa bisig ng lalaki. "Okay na, malayo na tayo sa kanila." Ani ng baritonong boses na nagbalik sa kanyang katinuan. Binitawan na siya nito. Agad niya itong hinarap upang mapagsino. Magkasalubong ang makakapal na pares ng kilay nito. His jaw was clenching na animo nagpipigil. But his eyes are full of worryness. Damien looked at her with distress. "Anong ginagawa mo do'n mag-isa? Akala ko ba may mga bodyguard ka na?" Animo tigreng umaatungal na sabi nito. "M-meron nga but... kanina lang kasama ko sila." "What are they wearing?" "They're both wearing black---" Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin nang basta na lamang siya lampasan ni Damien. His hand was clenched into a fist na animo handa nang makipagbakbakan. Agad na sinundan ng tingin ni Andrea ang binata at nakita kung sino ang susugurin nito. It was her two bodyguard sitting in a bench, outside a convenience store. Nagtatawanan pa ang mga ito habang nagkukwentuhan. Napatigil ang dalawa nang lumapit si Damien sa harap ng mga ito. "Ano po 'yun sir?" "May maitutulong po ba kami?" Nakakunot ang noo nagwika ang binata, "Anong trabaho ninyo?" Sabay na nagkatinginan ang dalawa. "Bodyguard ng sikat. E ikaw?" Maangas na tanong nito. Napangisi si Damien. "Hindi n'yo na kailangan malaman. Kung totoo ngang bodyguard kayo, nasaan ang binabantayan n'yo?" "Ba't naman namin sasabihin sa'yo?" Ani ng isa sa kanyang kaliwa. Tumayo ang isa pa at hinarap siya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na animo kinikilatis siya. "May problema ba tayo brad?" Tango nito. Nagtatagis ang mga panga ni Damien na pinantayan ng tingin ang lalaking kaharap. Sa asta nito ay tila minamaliit siya. Pagak na napatawa siya sa sarili. Ganoon na ba ang mga tao ngayon? Kaya ka nang malit-maliitin depende sa kung ano ang tingin nila sa'yo? Wala na sa tao ang respeto, nasa pera na. Makalasap lang ng kaunting kaginhawaan, mapagmataas na at hindi na marunong magpakumbaba. "Tinatanong ka." Tulak pa nito sa kanyang balikat. Nanlilisik ang matang tiningnan niya ito. "Oo, meron. Ito." At mabilis na dumapo ang kamao niya sa pisngi nito. Nanlaki ang mata ni Andrea nang makita ang ginawa ni Damien. Dali-dali siyang nagtungo palapit sa mga ito. "Aba't hay*p 'to ah!" Agad na nakabawi ang lalaki mula sa pagkakasubsob at umamba ng suntok. Mabilis na nakaagaw ng atensyon ang dalawang lalaking nagpapambuno. Ang ilan ay nagulat sa biglang pag-aaway ngunit niisa ay walang nais na pumagitna at pumigil sa mga ito. Inis na nakagat ni Andrea ang labi. Wala bang aawat sa mga ito? Ang lahat ng mga nakiki-usyoso roon ay tila nanonood ng palabas at tila natutuwa pa. 'Wala man lang ba silang gagawin?! Mga tsismoso't tsismosa!' Nilingon niya si Damien. Bago pa man dumapo ang ikalawang suntok nito sa lalaki ay mabilis siyang umiksena upang umawat. "Hey! Stop it! Tama na!" Hila niya kay Damien palayo sa bodyguard niyang nakaupo na sa sahig. Ang isa pang bodyguard ay umawat na rin at inalalayang makatayo ang kasamahan. "G*go 'to ah! Sino ka ba?" Galit na ani ng bodyguard na napuruhan. "Kung ginagawa n'yo sana trabaho n'yo nang maayos, hindi mo aabutin 'yan." Damien replied with his voice growling with anger. "Damien, please stop." Pabulong na pakiusap ni Andrea sa binata at hinigpitan ang pagkakakapit niya sa braso nito. Pilit niyang itinatago ang mukha sa buhok at sa salaming suot dahil na rin sa dami ng taong nakatingin sa kanila. Mabigat ang paghinga dala ng nagbubugsong galit na niyuko ni Damien ang katabing dalaga. His raged breathing ay dahan-dahang bumalik sa normal. Nang makita ang pangamba at takot sa mukha ni Andrea ay nahimasmasan siya. Tumingin siya sa paligid at nakita ang mga tao sa paligid na nakiki-usiyoso sa nangyayari. Muli ay tiningnan niya ang dalaga. Nakayuko ito at pilit na itinatago ang mukha sa buhok. Walang pag-aalinlangang hinubad niya ang suot na damit, showing his full built torso and broad chest and shoulders. Itinakip niya sa ulo ng dalaga ang damit upang itago ang pagkakakilanlan nito sa mga tao. Agad na pinamulahanan si Andrea sa ginawa ng binata. Hindi niya inaasahang gagawin iyon ni Damien kahit na maraming tao ang nakapalibot sa kanila. Ang ilang mga babaemg naroon ay nanlaki rin ang mata nang makita ang mala-adonis na katawan ng lalaki. Damien again face the two men. "Maghanda na ulit kayo ng panibagong resume. Dahil ako na mismo ang nagsasabi sa inyo, wala na kayong babalikan pang trabaho." Pinal nitong saad bago hinila paalis sa lugar ang dalaga. Tikom ang bibig na nagpahila na lamang si Andrea kay Damien. Magkadaop ang kanilang mga kamay na tinatahak nila ang nakaparadang sasakyan nito. Kita niya ang galit sa mukha ng binata ngunit malamyos at puno ng pag-iingat na hawak nito ang kanyang kamay na tila ay ayaw siyang masaktan. "T-teka, saan tayo pupunta?" Takang tanong niya rito nang pagbuksan siya ni Damien ng pinto ng sasakyan. "Sa langit." Anito at inalalayan siyang makalulan. Nanlalaki ang mga matang napamata si Andrea sa binata. Muli ay nagwala ang kanyang puso at mabilis na uminit ang kanyang mukha. Ibang langit ata ang iniisip niya. Umikot si Damien upang sumakay sa driver's seat. Umupo na ito at sinimulang maniobrahin ang sasakyan. Kita ni Andrea kung papaano mag-flex ang mga muscle sa katawan nito sa bawat paggalaw. Ang matipuno at malapad nitong dibdib at balikat ay animo kumikinang dahil sa pagtama ng araw. Napakalambot ng buhok nito kung titingnan na animo gugustuhin mong ipasada ang mga daliri mo dito upang suklayan. His side profile is so masculine, purmadong-purmado ang matulis nitong panga at talagang nakakalalaki. Kung tutuusin ay daig pa nito ang mga modelong nakabalandra sa mga billboards sa EDSA. "Alam kong gwapo ako, kaya sige, pagsawaan mo ang katawan ko hanggang gusto mo." Nakangising sabi ni Damien at pinaandar ang sasakyan. Mabilis na umakyat ang dugo ni Andrea sa mukha nang mapansin nito ang pagtitig niya. Animo siya siling labuyo na namumula sa kinauupuan at mabilis na nagbaling ng tingin sa ibang direksyon. "Tse! Hambog." Pabulong niyang usal ngunit pinamumulahanan pa rin ng mukha. ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡ CONTINUATION BELOW.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD