SA harap ng hapag ay tahimik ang lahat na kumakain. Tanging kalansing lamang ng mga kubyertos ang maririnig habang ang lahat ay tahimik na kumakain.
Buendio cleared his throat to break the silence. "Damien hijo, kumusta ang hanapbuhay sa talyer?"
Nag-angat ng tingin si Damien at ngumiti. "Okay naman po Mr. Del Juanco. Malakas naman po ang kita ng shop kahit papaano."
Nakaupo si Andrea katabi ng ama at tahimik na kumakain Nagtusok siya ng pancake sa tinidor at sinubo. Hinayaan niya na lamang mag-usap ang dalawa at hindi na sumali pa sa diskusyon ng mga ito.
"Mabuti naman kung gano'n. Siya nga, may nangyayari rin bang aberya kung minsan?" Tanong ni Buendio.
Agad na nagpantig ang tainga ng dalaga at pasimpleng tiningnan ang binatang kaharap sa hapag.
"Hindi naman po maiiwasan ang aberya pero agad din naman namin pong nasosolusyunan ang problema." Sagot nito.
Napatingin si Andrea sa ama. Nakangiti ito habang kumakain, pero duda s'ya sa ngiti na iyon. Kilala niya ang Daddy niya, magsisimula ito sa mga simpleng tanong hanggang sa tumumbok kung ano nga ba ang nais malaman. Nagpatuloy siya sa pagkain na parang normal lang na pagsasalo ang nagaganap.
"May I know kung ano itong recent na aberya sa talyer? Baka may maitulong ako." Nakangiting pang-uusisa pa ng ama.
Napakibit-balikat na lamang si Andrea. Alam niya na kung saan patungo ang usapan. Ang Daddy pa ba niya? E daig pa nito si Gas Abelgas kung mag-imbistiga.
Napaangat ng tingin si Damien sa katabing ginoo. "Napaso po si Cholo sa braso dahil hindi sinasadyang madikit sa mainit na makina."
"Dios mio, kumusta naman ang paso ng batang iyon? Malala ba? Naidala ba sa doktor?"
"Opo, maayos na po at nagamot na ang paso n'ya." Tango ni Damien.
Napatango naman si Buendio. Ngunit hindi iyon ang ibig niyang malaman pa. He lean his arms on the table at bahagyang inusog ang upuan palapit sa binata. "B-but what about before that. Before that happened... May nangyari ba?"
Ibinaba ni Damien ang hawak na kubyertos. Sasagot na sana siya when he felt someone was staring at him as if intently catching his attention. He turn his eyes to the side where the lady with a goddess face were sitting. He met her diamond eyes, it's reflecting the sunlight from the window at kumikinang iyon na tila ba pinakamahal na uri ng kristal.
Kita niya ang hindi nito pagkapalagay sa kung ano ang usapan nila ng ama nito. Her diamond eyes is giving him the "just-tell-him" look. Mukhang alam na ng Daddy nito ang nangyari at iyon ang nais malaman ng ginoo mula sa kanya. Kung gayon ay wala na siyang magagawa pa kung hindi ang sabihin sa ama nito ang nangyari.
Damien again turn to Mr. Buendio who's waiting for his answer. "Nagkataon po na marami pong costumer noong araw na iyon noong magkagulo dahil aksidente nilang nalaman na naroon po si Andrea. Kinukuha po kasi ng anak ninyo ang kotse niya nang makilala siya ng mga taong naroon."
Pinakikinggan lamang ni Andrea ang usapan ng dalawa. Mukhang nakuha naman ni Damien ang nais niyang ipahiwatig dito na sabihin na sa Daddy niya ang totoong nangyari. Lalo lamang hahaba ang usapan kung hindi niya ginawa iyon.
"Anong nangyari pagkatapos?" Animo tsismoso na tanong pa ng ama.
"Hindi naman po nasaktan si Andrea. Ako po mismo ang naghatid sa kanya rito para masiguradong walang makakasunod sa kanya. Kinausap ko na rin po ang mga costumer at mga tao sa talyer noong araw na iyon, na walang dapat na makaalam kung nasaan po s'ya ngayon." Paliwanag ng binata.
"Is that so?"
At tumango lamang si Damien.
Naghintay pa si Andrea ng karugtong sa sasabihin ng binata ngunit hindi na niya narinig pa ang inaasahang dapat na ilahad pa nito, kung bakit at papaano siya nakilala ng mga tao sa talyer noong araw na iyon.
Nagtatakang tiningnan ni Andrea si Damien upang kunin ang atensyon nito at itanong ng mata kung bakit hindi nito sinabi sa Daddy niya ang nangyari sa loob ng opisina ng talyer. Ngunit ang binata ay hindi ata naramdaman ang tingin niya... o sadyang iniiwasan nitong katagpuin ang mata niya?
Nagpakawala ng isang mahabang buntong-hinanga si Buendio na animo natigil sa pag-iisip ng kung anong bagay. It was a sigh of relief knowing that his daughter were okay noong mangyari ang insidente. Ang nais niya lamang ay ang malaman ang katotohanan sa naganap hindi dahil sa pango-osyoso ngunit dahil isa siyang ama na nag-aalala lamang sa kalagayan ng anak. He will do anything to protect his daughter.
"H'wag po kayo mag-alala Mr. Buendio dahil nasa tabi po ako no'n ni Andrea at siniguradong hindi po siya masasaktan o magalusan man lang." Muling wika pa ng binata.
Muling napaangat ng tingin si Andrea nang marinig ang sinabi ng binata. Halos tumalon ang puso niya sa sobrang pagwawala. His words are different and it makes her heart flutter hearing those words from him. Ayaw niyang mag-assume ngunit iba talaga ang tama niyon sa kanya. Why does he sound so goddamn romantic na animo hinihingi ni Damien ang kamay niya sa Daddy n'ya?
'Nope. Hindi-hindi-hindi.' Nais sampalin ni Andrea ang sarili dahil sa iniisip. Why would she even think that way? Si Damien? Manliligaw? Oh No---a big NO. But why is her heart right now is racing? Pinansisikipan siya ng dibdib tuwing maalala ang sinabi ng binata.
"I know hijo and I owe you a thank you." Pormal na tugon ng ama. "Salamat sa pagprotekta sa anak ko noong mangyari iyon. I really care for my daughter at nang malaman ko ang nangyaring iyon, I was really scared na baka napano na si Andrea."
Lihim na napangiti si Andrea sa sinabi ng ama. Her father do really care for her. Bukod sa pagiging artista ay isa iyon sa mga ipinagmamalaki niya, that she has a very loving father who always care for her.
"But I know na natatakot lang siyang magsabi sa akin, that's why ikaw na ang nilapitan ko Damien. Tell me, ano ang maitutulong ko sa talyer bilang pasasalamat sa'yo?"
"Naku, h'wag n'yo na pong intindihin iyon Mr. Del Juanco. Sa katunayan po ay sobra-sobra na ang natanggap ko." May ngiti sa labing binalingan ng tingin ni Damien ang dalaga.
Hindi nakaligtas kay Buendio ang pagsulyap ni Damien sa walang kamalay-malay na unica hija niya. His eyes were glittering with admiration while looking at his daughter.
"Oh... I wonder kung ano ang natanggap ni Damien." Malisyosong bumaling din ng tingin si Buendio sa anak.
Napaangat ng tingin si Andrea mula sa pagkain nang maramdaman ang maiinit na tingin sa kanya. Nagtataka na ipinaglilipat niya ang tingin sa dalawang lalaki. 'What are they talking about---' Nanlaki ang mata niya nang makuha ang nais ipahiwatig ng ama. Halos mabulunan siya sa kinakain na agad na napainom ng tubig.
"Oh God! Dad no!" Mariin niyang tanggi sa kung ano mang iniisip ng ama. Iniisip nitong ibinigay niya ang... Ang b-bataan sa binata which is not! Hindi siya ganoon ka-easy-to-get ano?!
Napatawa na lamang si Buendio sa inasal ng anak. "Calm down sweetie, I'm just teasing you."
Inilang lagok lamang ni Andrea ang tubig na laman ng basong hawak. Dios na mahabagin! Hindi niya kakayanin ang ganoong biro!
"Sige na Damien, tell me kung ano ang maitutulong ko bilang pasasalamat." Muling baling ng tingin ni Buendio sa binata.
"Ayos lang po talaga Mr. Buendio, wala ho iyon at simpleng pagtulong lang." Kamot nito sa ulo.
"So humble of you hijo. Andrea," lingon naman ng ginoo sa anak.
"Yes Dad?" Ibinaba ni Andrea ang hawak na kubyertos nang matapos kumain.
"Sumama ka kay Damien pabalik sa talyer."
"What? Para saan?" Bulaslas ni Andrea at napatingin kay Damien. Ano naman ang gagawin niya roon?
"Pumunta ka sa talyer at magpatulong kay Damien upang i-check ang mga kagamitan na nasira dahil sa insidente nang maipaayos at mabilhan ng bago bilang pasasalamat sa pagtulong nila sa'yo. Masyado kasing humble ang manager nila para tanggapin ang iniaalok ko." Pagpaparinig ni Buendio sa binata.
Nakangiting napailing na lamang si Damien sa iwinika ng ginoo.
"But why me? Hindi ba pwedeng ipautos mo na lang sa iba iyan?" Kunot-noong tanong ng dalaga. Bakit ba siya pa ang nais pagawin niyon ng ama kung pwede naman nitong ipautos na lamang sa ibang tauhan nito iyon?
"Ikaw na ang gumawa, total ay wala ka rin namang gagawin sa buong maghapon kundi ang magkulong dito sa loob. Lalabas ka lang naman kung may bibilhin at minsan ipinapautos mo pa dahil lang tinatamad ka. Lumabas ka nang mainitan ka at hindi iyong nagpapaputi ka ng mata." Sermon sa kanya ng ama.
Hindi na nagawa pang makaangal ng dalaga at napasimangot na lamang. Ayan tuloy at nasermunan pa siya ng ama. Well, totoo naman ang sinabi ng Daddy niya, lumalabas lamang siya kapag may kailangang bilhin. Minsan pa nga ay hindi na siya nasisikatan ng araw at mas pinipiling magkulong na lamang sa loob ng bahay.
"And also," muling baling sa kanya nito. "About hiring you your bodyguards, bukas o sa makalawa they will start their job. I expect you'll cooperate well and don't be stubborn."
Agad na nagtagpo ang mga kilay ng dalaga at nagpantig ang mga tainga. Did she heard it right? "Wait Daddy, tama ba ang narinig ko? 'Bodyguards'? Sssssss...?" Aniya at ginaya pa ang tunog ng ahas.
"Yes honey, you heard it right." Tango ng ama at uminom ng kape sa baso nito.
"But Dad? You'll just making it obvious kung kukuha ka ng maraming bodyguard na bubuntot-buntot sa akin! Mas mapapansin ako ng mga tao kung ganoong marami ang nakapalibot sa'kin tuwing lalabas ako. One is enough and i don't need a bunch of bodyguards, kaya ko ang sarili ko."
"Stop being so stubborn Andrea." Ani ng ama sa seryosong tinig. "Hindi ka pa ba nadala sa nangyari sa'yo? Tingin mo kaya ng isang bodyguard lang kung maraming tao ang dudumog sa'yo?"
"But Damien---" agad na natigil sa sasabihin ang dalaga at natuptop ang bibig. What is she thinking? Tingin niya ba ay si Damien ang kukunin ng ama bilang bodyguard niya? Napatingin siya sa kinauupuan ng binata. Nakatingin ito sa kanya na tila hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Napabuntong hininga na lamang si Andrea. "Never mind."
"No hija, Damien can't be your bodyguard."
Nanlaki ang mga mata ng dalaga na napatingin sa ama. Nabasa ba nito ang iniisip niya?
"Alam kong kaya kang protektahan ni Damien but he also has his job na hindi niya pwedeng pabayaan. Tonying put his trust on him by handling his business to him at alam kong hindi kayang biguin ni Damien ang tiwalang iyon." Paliwanag ng ama.
'I didn't mean it that way.' Nais sanang itugon ni Andrea ngunit mas piniling huwag na lamang isatinig. Mas pagmumukhain niya lamang obvious ang sarili kapag sinabi iyon. Ngunit bakit may bahagi ng kanyang puso ang nadidismaya sa isiping hindi si Damien ang magiging bodyguard niya? She might sound demanding ngunit iyon talaga ang inaasahan niya... But she's wrong.
Muli ay napasulyap siya sa binata. She immediately avoid his gaze by drinking her own mug of coffee. Napapahiyang napayuko na lamang si Andrea sa kinauupuan at nakagat ang ibabang labi. God! She look so pathetic! Ano ba ang pumasok sa isip niya at kamuntikang masabi iyon?
"Andrea," Naramdaman niya ang paghawak ng kanyang Daddy sa kamay niya. "This is for your own good, please understand. And if you want, dalawang bodyguard na lamang ang ipapadala ko para hindi ka ma-conscious. I'll talk to them to make a distance para hindi magmukhang obvious. They will just stand near you, iyong sapat ng layo para hindi mapansin ng mga tao na kasama mo sila. Just for your safety honey." Nangungusap ang mga matang pakiusap ng Daddy niya sa kanya.
Napatingin si Andrea sa ama. Kung gayon ay wala na siyang magagawa pa kundi ang tanggapin ang nais ng ama. She do understand why her father's doing this. It's just to protect her. Artista siya at hindi malayong marami ang makakakilala sa kanya sa mga pampublikong lugar. Marapat lang na may palaging nakaantabay sa kanya kung sakaling may mangyaring hindi maganda.
She sighed and nod. "Yes, Dad."
♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡
MATAPOS mag-umagahan ay nauna nang umalis si Buendio upang pumasok sa trabaho. Naiwan naman si Andrea kasama si Damien, na siyang inutusan ng ama na pumunta sa talyer kasama ang binata.
"Tara na?" Tanong ni Damien nang makita ang dalaga na kababa pa lamang ng hagdan.
Tumigil si Andrea sa isang baitang bago makababa ng hagdan upang pantayan ang tangkad ng binata. Nagtatakang tumingin sa kanya si Damien at hinihintay ang sasabihin.
"Why you didn't told Dad about what happened at your office?" Puno ng kyuryosidad na tanong niya.
Lumamlam ang mata ng binata sa tumingin sa kanya. "Kung ano ang nais malaman ni Mr. Buendio ay iyon lang ang binigay ko. Kung ano ang namagitan sa'tin ay sa'tin na lamang iyon at hindi na kailangan pang malaman pa ng iba."
Sandaling napatitig si Andrea sa binata. He s staring at her with those hypnotizing eyes na tila ba ay hinehele siya at sinasabing huwag mag-alala. Muli ay nararamdaman na naman niya ang pagwawala ng kanyang puso. Ramdam niya ang labis na pag-iinit ng kanyang pisngi.
"Ano, tara na?" Nakangiting aya sa kanya ng binata. Muli na naman niyang nakita ang killer smile nito na paniguradong maraming babae na rin ang nabaliw dahil dito.
Napakurap-kurap si Andrea bago nakabalik sa katinuan. "Y-yeah, let's go." At nagpatiuna ng palabas ng mansyon. Panigurado ay napansin na ng binata ang pamumula niya.
Sinundan ni Damien ng tingin ang dalaga nang lampasan siya nito. Sandaling pinakatitigan ni Damien ang pigura ng dalaga. She's wearing a plain mustard color shirt and a black cycling shorts paired with white sneakers. Nakalugay ang maalong buhok na tila umiindayog kasabay ng paggalaw ng katawan nito.
"Teka lang," aniya rito na nagpatigil kay Andrea at lumingon sa kanya. "Gagamitin mo ang bike?" Tanong niya at tumingin sa labas ng bintana kung saan kita ang nakaparadang bisikleta na siya ring ginamit nito noon.
Napakunot ang noo ng dalaga. "Oo bakit?"
"Hindi na kailangan, dala ko ang sasakyan ko kaya sumabay ka na sa'kin." Pakita ng binata sa susi ng sasakyan at nakapamulsang lumabas ng mansyon.
Napamaang na napanganga na lamang si Andrea na sinundan ng tingin ang lalaki. Niyuko niya ang sarili at tiningnan ang suot. Ready na ready pa naman siya na magbisikleta, tapos ay sasabihin lang nito na sumabay na lamang sa sasakyan nito?
"HAH!" Pagak niya at nagmamartsang muling umakyat ng kwarto. Kung sana ay sinabi agad nito kanina pa lamang ay sana hindi na siya naabala pa sa pagpapalit ng damit. 'Shete!'
**
Hawak ang cell phone ay nakasandal sa kanyang truck si Damien habang hinihintay ang dalaga. Nagpadala siya ng mensahe kay Rico na ayusin at linisin ang talyer dahil sa pag-i-inspeksyon na gagawin. Nakakhiya rin naman kung maaabutang marumi at magulo ang talyer.
Ayon nga sa ipinag-utos ni Mr. Del Juanco, tingnan at ilista lahat ng mga nasirang gamit upang mapalitan. Hindi na niya nagawa pang maka-hindi dahil ipinilit na ng ginoo at ayon din dito ay naka-usap na nito and kanilang boss na si Tonying.
Matapos mapindot ang sent ay muli niyang ibinulsa ang telepono. Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ang pagdating ng isang pigura ng babae. Ang pabango nitong gamit sa katawan ay humahalimuyak sa buong paligid at nagdadala ng kakaibang sensasyon sa kanya. She smell like rose. Napakahalimuyak at nakakaadik.
She's still wearing the same shirt but this time hindi na cycling shorts ang pares, kundi ay blue denim shorts na aabot lamang sa kalahat ng bilugang hita nito ang haba, showing her long porcelain legs. Naka-tack in ang harap ng damit nito sa maong na short making it simple but stylish. Ang buhok nito ay natatakpan na ngayon ng kulay itim na wig, samantala ang dyamanteng mga mata naman ay nakatago sa kulay kapeng contact lense na suot nito.
Mukha na lamang itong simpleng mamamayan din ng lungsod, ngunit hindi maikakaila ang kakaiba at malakas na appeal. Her flawless skin, her perfect height, her attitude. Napakasupistikada tingnan kahit sa simpleng pananamit. Kahit basahan ata ang ipasuot dito ay magmumukhang mamahalin.
"Tara." Aya nito at nilampasan siya.
Hinila ni Andrea and seradura ng ng pinto ng sasakyan upang sumakay na sana. Ngunit---Pilit na hinila niya muli ito ng may mas malakas na pwersa. Wa-epek. Kahit na anong hila pa niya ata ay tila na-stock na ito at ayaw na magbukas.
Naiinis na kinalampag niya ang handle. "What the---"
"Ako na." Ani ng baritonong tinig.
Hinawakan ni Damien ang handle ng pinto at hindi sinasadyang magkadaiti ang kanilang mga daliri.
Nahigit ni Andrea ang sariling hininga nang maramdaman ang mainitin na palad ng binata sa kanya. It's so warm and comforting yet there's again that unidentified current na lagi niyang nararanasan tuwing mapapalapit o magkakadikit sila ni Damien.
Agad na binawi ni Andrea ang kamay at bahagyang lumayo sa binata.
Maging si Damien ay napatingin sa dalaga. He want to feel again the softness of her skin, how her hand fit in his. He wanted to hold her more longer but... Binuksan na lamang niya ang pinto at hinayaan itong makalulan.
Nang makasakay na silang dalawa ay saka na pinaandar ni Damien ang makina at lumarga.
Tahimik at ni-isa ay walang nais bumasag sa nakabibinging katahimikan. Nakatingin si Andrea sa labas ng nakabukas na bintana at tinatanaw ang bawat madadaanan. Samantala, si Damien ay pasimpleng sinusulyapan ang katabing dalaga habang nagmamaneho.
Hindi mapakali si Andrea sa kinauupuan. Ramdam niya ang maya't-mayang sulyap sa kanya ni Damien na tila ba ay may sasabihin itong hindi maisatinig. Maybe he's just checking on her but goodness! Naiilang siya sa tuwing lilingon ito sa kanya. May dumi ba siya sa mukha o kung ano sa katawan?
'Really Andrea? Kailan ka pa nakaramdam ng pagkailang?' Napailing na lamang siyang nangalumbaba at tumingin sa labas ng bintana upang itago ang pamumula ng mukha.
Ibinalik ni Damien ang mata sa kalsada. Nais niyang magbukas ng paksa na maaari nilang pag-usapan ngunit tinangay na ata ng hangin maging ang utak niya dahil wala siyang maisip. Ano ba ang maaari nilang pag-usapan ng dalaga kung halos lahat ng tungkol dito ay kabaliktaran niya? She's a star but he's just a stone.
Binuksan na lamang niya ang radyo upang kahit papaano ay maitaboy ang ilang na namamagitan sa kanila. Mas mabuti na iyon kaysa naman sa hamakin siya ng pag-iisip niya.
[ Close To You by Carpenters ]
♬♪ Why do birds suddenly appear
Every time you are near?
Just like me, they long to be
Close to you ♬♪
Napalingon si Andrea sa binata nang tumugtog mula sa stereo ang tugtuging iyon.
"Bakit?" Lingon sa kanya ni Damien. "Akala ko gusto mo ng music habang nag-e-emote ka d'yan sa bintana."
"Seryoso?" Nakaarko ang isang kilay na aniya.
Nakangiting nagkibit-balikat lamang ang binata sa kanya at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Umikot ang mata ni Andrea na napahalukipkip sa kinauupuan. 'Nang-aasar ba ito o ano?' Pero hindi na siya umangal pa at nakinig na lamang din. Carpenters is one of her favorite band, mabuti na rin iyong may musika silang pinakikinggan upang patayin ang awkwardness sa kanilang dalawa.
♬♪ Why do stars fall down from the sky
Every time you walk by?
Just like me, they long to be
Close to you... ♬♪
♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡
PINAGBUKSAN ni Damien ng pinto ang dalaga nang makarating sila sa talyer. He offered his hand upang alalayan itong makababa.
"Salamat." Ani Andrea nang makaibis mula sa sasakyan.
"Gerlpren mo manager?" Tanong ng isang tauhan nang mapansin ang dalagang kasama ni Damien. Maging ang iba ay naagaw ang atensyon nang makita ang dalawa.
"Loko hindi," tawa niya at binato ito ng nakarolyong dyaryo. "May ipinautos si Mr. Del Juanco tungkol sa mga gamit na nasira nong nagkagulo rito sa talyer. Nandito si Ms. Berna---" napatigil si Damien sa pagsasalita nang hilahin ni Andrea ang damit niya sa likod. Napalingon siya sa dalaga.
"Hindi na kailangan magpanggap, ako na." Anito at humarap sa mga tauhang naroon. "First of all, gusto ko pong humingi ng tawad sa gulong nangyari noong nakaraan. Nadamay pa po kayo at ang talyer. I really am sorry dahil hindi ako naging maingat noon."
"Teka lang po," pukaw ng isa. "Kayo po ba si Andrea? Iba po ang buhok at mata ninyo kaysa sa Andrea na artista."
Napatawa ang dalaga. "Ako po si Andrea Del Juanco. Nakasuot lang po ako ngayon ng disguise para hindi po ako makilala ng mga tao. Ang totoo po niyan, this is my hometown. Dito po ako ipinanganak at pinalaki ng mga magulang ko. Kaya sana po ay wala pong ibang makaaalam kung nasaan ako ngayon. Mahigpit pong ibinilin ng management ko iyon. I have my trust on you. Sa'tin-sa'tin lang po muna." Marikit na ngiti nito sa mga ito.
"P-pwede bang magpa-picture?" Tanong ni Rico na may hawak na agad na cell phone. Ang mata nito ay tila kumukutitap nang makita ang iniidolong artista.
"Oo naman, basta ay walang magpopost sa social media. Sa ngayon." Ngiti ng dalaga.
Nilingon ni Damien ang babaeng katabi. Hindi siya makapaniwalang inilantad nito ang totoong pagkatao sa mga kasamahan niya. Ang usapan nila kanina ay ipapakilala niya ito bilang assistant lamang ng ama at Bernadette ang pangalan, ngunit hindi niya inaasahang sasabihin nito ang totoo.
Andrea smiled at them like she used to in television and magazines.
How jealous he is to see her smiling at his men but not at him. Puro pagtataray at irap lamang kasi ang natatanggap niya sa dalaga at mailap pa sa usa kung makita ang ngiting iyon. Pero sa mga ito ay napakadaling makita niyon samantalang siya ay aabutin pa ng ilang pagmamaldita at irap. Nakamot na lamang ni Damien ang ulo.
"O sige na, balik na sa trabaho habang nagiinspeksyon si Ms. Del Juanco." Instruksyon niya sa mga ito na agad ding nagsibalikan sa mga ginagawa.
"Acting like a boss huh?" Nanunuyang lingon sa kanya ni Andrea.
"Oh yeah, I'm the boss here." Nakapamaywang na hinarap niya ang dalaga. "Any problem?"
Natatawang napakibit-balikat na lamang si Andrea sa inasal ng binata. Putspa! Siya lang ba o talagang mas gumwapo ang loko?
"Bakit mo nga pala sinabi sa kanila na ikaw nga si Andrea?" Pag-iiba ni Damien ng usapan.
"Well..." Humalukipkip si Andrea at tumingin sa mga manggagawa. "They seem trustworthy persons so bakit hindi?" Muling tingin nito sa kanya bago kinuha ang isang notebook at ballpen at nagpatiuana.
Napangiti na lamang si Damien na tiningnan ang dalaga. 'This woman is really unpredictable.' Iiling-iling niya at sinundan ito.
**
Habang nag-iinspeksyon sa mga nasirang gamit ay hindi maiwasang mapansin ni Damien ang ibang kasamahan na panay ang lingon sa dalaga. Halos mabali na ang leeg ng mga ito sa kalilingon sa babae masulyapan lamang ito.
Nilingon niya ang nakatalikod na pigura ni Andrea. Ngayon ay kausap nito sa Glenn sa hindi kalayuan. Natatago man ang magandang katawan ng dalaga dahil sa suot nitong T-shirt ay hindi maikakaila na may maganda itong hubog. Namumula ang mestisa nitong balat dahil sa init. Bilugan at maputi ang makikinis na pares ng binti nito at kahit isang peklat o sugat ay hindi mo kakikitaan.
Hindi nakaligtas sa kanya ang paghila ng dalaga pababa sa denim short nitong suot. Muli ay napalingon siya sa ibang naroon na hindi pa rin maalis ang mata sa dalaga. Ngayon nauunawaan na niya kung bakit halos maging kwago na ang mga ito masilayan lamang ang babae.
Kinuha niya ang polo niyang nakasabit sa upuan at lumapit sa dalaga.
"Hindi naman po malala yung sira nito at saka kaya naman po naming ayusin."
"Ganon po ba? Sige po ipapalit ko nalang po yung isang makina sa listahan. Salamat po ulit kuya Glenn." Ngiti ni Andrea sa lalaki bago ito nagpaalam sa kanya. Ipinatong niya ang notebook na hawak sa ibabaw ng hood ng dyip at nagsulat doon. Kaunti na lamang ay matatapos na niya ang ginagawa.
Napatigil siya nang maramdaman ang pagpulupot ng kung ano sa kanyang baywang. A strong hand wrapping a polo on her waist from behind. Niyuko niya ang polo. Parang nakita na niya ito noon ngunit hindi niya ganoon maalala. Napalingon siya kung sino ang taong nasa likod.
Halos maging estatwa si Andrea sa kinatatayuan nang mapagsino ang gumawa niyon. Napatingala siya kay Damien at nagkasalubong ang mga mata. Tila tumigil sa pagtibok ang kanyang puso nang masilayan ang gwapo nitong mukha na iilang dangkal na lamang ang layo nila sa isa't isa.
She can feel his warm deep breath na tumatama sa kanyang pisngi. It gives a chilling sensation na tila siya kinikiliti mula sa kaibuturan. His strong arms wrapped around her making her feel secure. His manly scent na talagang hahanap-hanapin mo.
Napahigpit ang hawak ni Andrea sa ballpen na hawak nang husto pang lumapit sa kanya ang binta. Ilang sentimetro na lamang ay maaari ng magdikit ang kanilang labi. Wala sa sariling napalunok siya. 'I-is this...'
Akmang ipipikit na niya ang mata nang maramdaman ang paghigpit ng pagkakatali ng polo sa kanyang baywang.
Agad siyang napamulat ng mata. "Oh!"
Namumulang natauhan si Andrea at niyuko ang polong nakapulupot sa kanyang baywang. Iyon nga ang polong ipinahiram sa kanya ni Damien noon noong una silang magkita.
"H'wag kang mag-alala malinis 'yan. Kung gusto mo iuwi mo pa 'yan at itabi sa pagtulog kung nami-miss mo 'ko." Ani Damien at lumayo na sa kanya.
"Wala ka naman sigurong saltik ano?"
"Wala, pero baka ikaw meron." Nakangising kindat nito bago ito umalis.
Naiwang nakasimangot si Andrea at nakakunot ang noo. Pvtek! Pahiya s'ya do'n ah! Naiinis na kinuha niya ang notebook. Sayang, akala niya 'yon na ang---
Nasampal ni Andrea ang sarili. 'Hoy Andrea! Tigil-tigilan mo 'yang kamunduhan sa utak mo!' Saway niya sa sarili at nagmamartsang naglakad.
Ngunit hindi niya mapigilan ang sariling kiligin. Niyuko niya ang polo sa baywang at hinawalan iyon. Damien did it to protect her. Kanina ay pinagsisisihan niyang nag-shorts pa siya knowing na maraming lalaki ang nakapalibot sa kanya. Wala naman siyang balak mang-akit ano? Sadyang mainit lang ang panahon kaya ganoon.
Muli niyang nilingon si Damien na ngayon ay may kasalukuyang kausap sa telepono. Naramdaman siguro nito ang kanyang titig kaya ay lumingon ito sa kanya at ngumiti.
Napapahiyang mabilis na bumaling patalikod dito si Andrea. Nahuli siya nitong nakatingin dito! Yakap ang notebook ay mabibilis ang hakbang na naglakad siya palayo upang itago ang pamumula at pagkapahiya.
Itutuloy...
♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡
A/N: Hi there, Juanna here! Pasensya na po kung nawala ako at hindi agad nakapag-update. We writers also need Pahinga mula sa stress. And now I'm finally back after 2 months, sana po ay hindi ninyo nakalimutan ang aso't pusa natin. If ever man po na nakalimutan n'yo na ang daloy ng story, feel free to re-read it para ma-refresh ang mga kaganapan. Sending love and sparkles!♡
Hope you enjoyed! Don't forget to vote★ and leave a comment~