Join this f*******: Group to read my stories for free:
Juanna Balisong STORIES
ENJOY READING! (/>oPAGSILIP pa lamang ng bukang liwayway ay gising na si Damien. Maaga siyang naghanda upang dumalo sa imbitasyong kanyang pinaunlakang daluhan. Noong nakaraang araw ay pinaanyayahan siya ni Mr. Del Juanco na mag-umagahan sa mansyon ng mga ito. It was just a sudden invitation at hindi sa kanya nabanggit kung ano ang dahilan ng biglaang paanyaya ng ginoo.
Humarap siya sa salamin na nakasabit sa dingding at isinuot ang bagong plantsang polo. He wanted to look formal lalo na at makakaharap niya at makakasabay sa umagahan ang nakatatandang Del Juanco. Ang tanging nabanggit lamang nito sa kanya sa telepono ay may mahalaga raw itong sasabihin at pag-uusapan nila.
He fix the collar of his cream-colored polo at muling pinagmasdan ang repleksyon ng sarili. He pared it with gray trouser and a pair of his old black leather shoes. His messy auburn hair was still wet, dripping some droplet of water on his polo.
Kinuha niya ang ginamit na tuwalya at ikinuskos sa basang buhok. Sandaling naupo muna siya sa swivel chair at nakadekwatrong ipinatong ang paa sa lamesa. Still rubbing the towel on his wet hair, binunot niya ang cell phone niyang naka-charge at tsinek kung mayroon bang mensahe sa kaniya ang kanilang boss.
Nakita niyang walang kahit anong mensahe si Boss T, kaya ay tsinek niya ang contacts upang tawagan sana ito nang mahapyawan ang isang numero.
'Andrea'
Unang-una sa listahan niya sa mga contacts.
Mayamaya lamang ay pupunta na siya sa Anastasia upang daluhan ang paanyaya ng butihing ama nito, hindi malabong makita niya roon ang dalaga. Paniguradong mag-aalburuto na naman ito kapag nakita siya.
Muling rumihistro sa kanyang alaala ang mukha ng dalaga.
"Kilala mo ba 'yang babaeng 'yan?" Duro pa ng kahero kay Andrea habang iniisa-isang ini-scan ang pinamili ng binata. "Baka scammer 'yan kuya Damien at may technique para makapangloko."
"Excuse me?" Agad na nagpuyos ang galit kay Andrea. "Lakas ng tama mong tawagin akong scammer! E ikaw nga itong nagpapanggap na maskulado, nahiya ka pang lumadlad!"
Napangiti si Damien nang maalala kung papaano umarko ang kilay nito at maningkit ang mga mata. How her lips pout and her lashes flutter. She do really looks more beautiful kapag nagsusungit o seryoso... But what's even more is when she smiled.
"Teka lang!" Sigaw ni Damien dahilan upang muling mapalingon sa kanya ang dalaga mula sa sasakyan nito.
Nakalabas ang ulo nito mula sa bintana ng kotse. "Ano yun?"
"Tinatanggap ko na." Aniya.
"Huh?"
"Yung sorry mo. Apology accepted." He charmingly smiled at her showing his complete set of white teeth. Sumaludo pa siya sa dalaga bago nakapamulsang naglakad palayo bitbit ang supot ng pinamili.
He can sense she's still looking at him kaya ay lumingon siya rito ngunit huli na dahil nakabalik na ito sa loob ng sasakyan. He saw her reflection on the side mirror of her car. Napatigil si Damien nang makita ang repleksyon nito sa salamin.
She's smiling.
Iyon na lamang ang huli niyang nasilayan bago nito pinaandar ang sasakyan at umalis. Naiwan siya roong tinatanaw ang lumilisang sasakyan at hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang magandang ngiti ng dalaga.
Damien will never forget that smile on her lips. Iyon na ata ang pinakamagandang ngiting nakita niya sa tanang buhay. Madalas niya itong nakikitang laging nakakunot ang noo at mataray, but she's even way more beautiful when she smile.
Doon niya na napagtanto na tamang tinulungan niya ito noong araw na iyon dahil isang marikit na ngiti naman ang kapalit ng pagtulong niya.
Kung ganoon lang din naman pala ay baka araw-arawin na niyang gustuhing makita ang babae, kahit pa na sumabog itong parang nuclear bomb. Kung ang pagkatapos ng sakuna ay hindi masusukliang ngiti sa labi ng dalaga, ay baka hindi na siya magsawa pa.
Now that she finally learnt how to thank even in small favor...
"A-ah... Damien." Tawag pansin sa kanya ng dalaga. "A-ano... Uhm... S-salamat. Salamat sa kanina." Anito sa seryosong tinig at nag-iwas ng tingin sa kanya. She's just staring at her cup while playing her fingers on the tip of it.
Alam ni Damien na hindi ganoong klaseng tao si Andrea gaya ng iniisip ng iba tungkol sa kumakalat na issue sa dalaga. Ramdam niya ang sensiridad sa boses nito sa pasasalamat at paghingi ng tawad. She might look very brave outside but she has a sincere and pure heart inside.
Naputol ang pagmumuni-muni niya nang may kumatok sa pinto. Mula roon ay pumasok si Glenn na may hawak pang tasa ng kape na siyang iniinom nito.
"May lakad ka ata?" Pansin nito sa suot niya at maupo sa lumang sofa'ng naroon.
Tumayo siya upang ipagpatuloy ang pag-aayos. "Oo, inimbitahan ako ni Mr. Del Juanco na mag-umagahan sa kanila dahil may pag-uusapan daw kaming mahalaga." Muli siyang humarap sa salamin upang suklayin ang buhok.
"Nays naman! Mamamanhikan ka na ba?"
Agad na napatawa si Damien. "Sira ka talaga! H'wag mong lapatan ng kamunduhan iyon, simpleng umagahan lang ang mangyayari. Sa susunod ay isasama ko kayo kung gusto n'yo." Naglagay siya ng kakapiranggot na gel sa kamay at ipinahid sa buhok.
"Huwag na at baka makaabala pa kami sa panliligaw mo." Tukso pa nito at humigop sa hawak na tasa ng kape.
Napailing na lamang si Damien at lumabas na ng silid. Naabutan pa niya ang ibang kasamahan sa talyer na nagkakape sa labas habang sinasabayan ng mainit na pandesal ang inumin.
"Rico, mauna na 'ko. Kayo na muna ni Glenn ang bahala sa talyer." Bilin niya rito.
Ngunit ang huli ay bangag pa mula sa pagkakabangon sa higaan na tumango lamang sa kanya at kumagat sa hawak na pandesal. Hindi malaman ni Damien kung matatawa ba o ano sa hitsura nitong mukhang bangkay na bumangon sa libingan.
Lumulan na si Damien sa luma niyang pick-up truck at sinimulang painitin ang makina. Binugahan niya ng hangin ang side mirror at pinunasan gamit ang laylayan ng polo upang luminaw, matapos ay muling tiningnan ang repleksyon sa salamin.
"Tsk! Gwapo!" Kindat pa niya sa sarili saka sinimulang maniobrahin ang manibela.
Damien turned the stereo on while driving. Mula sa radyo ng sasakyan ay tumugtog ang pamilyar na kanta.
[ Can't Take My Eyes Off You by Joseph Vincent ]
♬♪ You're just too good to be true
Can't take my eyes off you
You'd be like heaven to touch
I wanna hold you so much
At long last, love has arrived
And I thank God I'm alive
You're just too good to be true
Can't take my eyes off you ♬♪
Sa kalagitnaan ng pagbiyahe niya ay hindi mapigilan ni Damien na mapagmasdan ang magandang tanawin. Mula sa bintana ng sasakyan ay tanaw niya ang papaangat na haring araw, kay sarap sa balat ng dampi ng init na ibinibigay niyon.
Kita rin niya ang mga nagyayabong at nagluluntiang mga puno't halaman na mas lalong nagpapaganda sa lugar. May iilang tao na rin ang sinisimulan ang kanilang araw sa pagwawalis ng mga nahulog na tuyong dahon, samantala ang iba ay nagkakape habang sinasabayan ng maagang kwentuhan kasama ang mga kakilala't kaibigan.
♬♪ Pardon the way that I stare
There's nothin' else to compare
The sight of you leaves me weak
There are no words left to speak
But if you feel like I feel
Please let me know that it's real
You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you ♬♪
Binagalan ni Damien ang takbo ng sasakyan nang may iilang estudyante ang tumawid sa pedestrian lane.
"Magandang umaga ho Mang Dionicio!" Bati pa niya sa isang kakilala nang madaanan ito. May bitbit pa itong supot ng mainit na pandesal na bagong bili nito mula sa panaderya.
"Aga natin Damien ah." Tango nito sa kanya habang may nakapaskil na ngiti sa labi.
Sinaludohan niya ito at muling pinatakbo ang sasakyan.
♬♪ I love you, baby
And if it's quite alright
I need you, baby
To warm the lonely night
I love you, baby
Trust in me when I say ♬♪
Ilang saglit lamang ay natanaw na niya ang paroroonan. 'Anastasia Landscape.' Basa niya sa pangalan ng naturang exclusive subdivision.
Itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng guard house upang batiin ang guard na naroon. "Good morning kuya Pot!"
"Oy Damien!" Pagkilala sa kanya nito.
"Papunta po ako ngayon kay Mr. Del Juanco."
"Oo nga at nabanggit niya sa akin. Sige at dumiretso ka na." May pinindot itong buton upang magbukas ang malaking gate ng subdivision.
"Salamat po, mauna na 'ko." Paalam niya rito at muling umarangkada.
♬♪ Oh, pretty baby
Don't bring me down, I pray
Oh, pretty baby
Now that I've found you, stay
And let me love you, baby
Let me love you... ♬♪
Kasabay ng pagputok ng kariktan ng umaga ay ang siya namang pagbugso ng kakaibang damdamin kay Damien. Nakararamdam siya ng kaba at excitement sa hindi malamang dahilan. Dahil ba sa makakausap niya ang ginoong Buendio? O ang muling makita at masilayan ang kagandahan ng dalagang si Andrea? Kung alin man sa dalawa ay hindi siya nakasisiguro.
Napapangiting tinapakan niya ang gas at muling nagpatuloy sa pagmaneho patungo sa mansyon ng mga Del Juanco.
♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡
TINAKPAN ni Andrea ang mukha gamit ang isang unan at pilit na muling pinapatulog ang sarili. Kagabi pa napuputol ang tulog niya at magigising na para ba siyang bangkay na ayaw patahimikin ng mga naiwang kapamilya.
She groans at naupo sa kama. Hinawakan niya ang ilalim ng mata. For sure ay magkaka-eyebags siya nito dahil buong magdamag na nauudlot ang sana'y tuloy-tuloy niyang pagtulog dahil sa dalawang bagay na bumabagabag sa kanya.
First was... Her Daddy decided to hire her her personal bodyguard upang bantayan siya saan man magpunta. Nagtatago na nga siya sa media ngunit heto naman at may mata pang nakabantay sa kanya. She just wanted her life to be quiet for once. Tipong wala siyang iniintinding problema at magpapasakit sa ulo niya.
Sinabi niya na rin sa sarili na tatanggapin ang 2 months leave upang pagpahingahin naman ang kaluluwa niyang naghihingalo na dahil sa ka-toxic-an ng mga tao sa paligid niya. These months of her vacation will be her 'Self-time'. Meaning, iintindihin na lamang niya ang sarili at wala ng iba.
But then, ang over protective na Daddy naman niya ang hahadlang sa gusto niyang mangyari. Magkakaroon pa ng bodyguard na bubuntot-buntot sa kanya.
Naihilamos na lamang ni Andrea ang mga palad sa mukha.
And the other one is...
"... Apology accepted." Damien charmingly smiled at her showing his complete set of white teeth. His jaw look so perfect with that gorgeous smile. He's indeed a charmer at kahit matanda ay kikiligin kapag nakita itong lalaking 'to.
Muli ay natagpuan niya ang sariling ini-imagine ang nakangiting mukha ng gwapong binata. 'Oh kill those smile!' Hindi siya pinatahimik at pinatulog ng ngiting iyon. Pamatay talaga!
"The heck is with you Andrea!" Inis na pagalit niya sa sarili at sinabunutan ang buhok upang magising mula sa pananaginip ng hindi tama. "Hindi na 'to tama."
Minabuti pa niyang bumangon na sa higaan at bumaba. Total ay mukhang hindi na rin naman siya makakabalik pa sa pagtulog, mas mabuti pang sabayan niya na lamang na mag-umagahan ang Daddy niya bago ito pumasok sa trabaho.
Kinuha niya ang beige color na roba mula sa sinasabitan niyon at basta na lamang isinuot. Hindi na siya nag-abala pang magsuklay o maghilamos man lang, dahil na rin sa kakulangan niya sa tulog ay sinapian na rin siya ng katamaran sa sobrang sabog at bangag.
Pagkababa niya ay nakarinig siya ng boses ng dalawang tao. Mula iyon sa kusina at isa roon ay boses ng ama niya kung hindi siya nagkakamali. Ngunit hindi ito nag-iisa at may kasama.
'May bisita ba si Dad? This early?' Tiningnan niya ang oras sa grand clock na naroon. Magpapasado alas-siyete pa lamang ng umaga at karaniwan ay mga ganitong oras ay nag-uumagahan na ang kanyang ama.
Muli ay narinig niya ang mga boses. Nagtatawanan ang mga ito.
Nagtaka siya. Wala namang nabanggit na bisita sa kanya ang ama. Ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon. Marahil ay isa sa mga katulong lamang na kinagigiliwan ng kanyang Daddy ang kausap nito.
Humihikab pa siyang naglakad papasok ng kusina habang kamot-kamot ang magulong buhok.
"Sinasabi ko sa'yo Damien, hindi ka maniniwalang hinabol siya ng inahin! HAHAHAHAHAHAHA!"
Napatigil sa pag-uunat at paghikab si Andrea nang mabungaran ang dalawang lalaki sa kusina na masayang nagkukwentuhan habang nagluluto.
Napatigil sa pagtawa ang kanyang ama at napalingon sa gawi niya. Ang lalaking kasama nito ay gayon din at napatingin sa kanya, naudlot pa ang sana'y pagkagat nito sa hawak na garlic bread nang makita siya.
His tall and masculine figure was leaning against the marble table, ang manggas ng polong suot nito ay nakarolyo hanggang siko, showing his strong arms. Namumutok sa suot nito ang malapad nitong dibdib at balikat. And looking so f-cking fresh with his not-so long hair as if it was waves made by the soft sea in the seashore.
Wala sa sariling napalunok si Andrea. Oh God! Those features! Nananaginip ba siya?
Lumapit siya sa lalaki at tinitigan ito nang maigi. Kailangan niyang siguraduhin kung namamalik mata lang ba siya o talaga naroon nga ang binata
Nanigas sa kanyang kinatatayuan si Damien nang hustong lumapit sa kanya ang dalaga. Ilang pulgada na lamang ang layo nito sa kanya. Mula sa pagkakayuko sa babae ay sumisilip sa kanya ang mayayaman at bilugan nitong dibdib sa suot nitong roba. Agad na pinamulahanan si Damien at nag-angat ng tingin sa magandang mukha ng dalaga.
Napatigil si Damien nang maramdaman ang hintuturo nitong tumusok sa kanyang pisngi.
Titig na titig si Andrea sa binata na tinusok-tusok ang pisngi nito. Naninigurado lamang siya dahil baka nananaginip pa siya ng gising.
Napatigil lamang siya sa pagdutdot sa pisngi nito nang hawakan ni Damien ang kanyang kamay. Ang mainit nitong palad ay naghatid sa kanya ng kakaibang elektrisidad na mabilis na dumaloy sa kanyang katawan.
Nanlalaki ang matang napaangat ng tingin si Andrea sa binata. "Y-you're here?"
"Uhm... Oo?" Naguguluhang tugon nito sa kanya.
Agad na lumayo si Andrea kay Damien na tila isa itong multo na nagkatawang tao.
"Gising ka na pala hija." Natatawang ani ng kanyang Daddy na siyang nakapagpabalik mula sa kanyang katinuan.
Muli siyang napakurap at napatingin sa lalaking naroon kasama ng kanyang ama. Tama ba ang nakikita niya? Si Damien ay naroon? Naroon sa pamamahay nila?
Nakita niya kung papaanong lumandas ang mata ng binata sa kanya mula ulo hanggang paa. Mula sa titig nito ay hindi malaman ni Andrea kung anong klaseng init ang dumaloy sa kanyang katawan. Kahihiyan ba o intimidasyon. Doon na lamang naalala ni Andrea ang hitsura. She's only wearing a robe and underneath it was only her night gown.
Mabilis pa sa kidlat ni Thor na nayakap niya ang sarili at patakbong muling umakyat sa kwarto. 'Pusang galang anak ng tokwa!'
Naiwang nagtataka na lamang ang dalawang lalaki sa kusina.
"Hindi po ata nagustuhan ni Andrea na narito ako." Ani Damien kay Mr. Del Juanco at muling kumagat sa hawak na tinapay.
"Naku, h'wag mong isipin iyon. May pagka-abnormal din ang isang iyon minsan." Tugon naman ng ginoo at pinagpatuloy ang pagluluto.
Nanatiling nakatingin si Damien sa pinanggalingan ng dalaga. Maging siya ay nagulat na lang din nang bigla itong tumakbo na animo nakakita ng multo. Gayon pa man, she look like a goddess with those innocent look on her face when she saw him. Napakarikit at kabigha-bighaning makita ang dalaga sa umaga nang wala pang ayos. Just her and her fascinating beauty.
**
Halos maghingalo si Andrea nang maisara ang pinto ng kwarto. Hindi naman siguro siya duling o nahipan ng masamang hangin ang kanyang mata para makita ang hindi inaasahang makikita.
Naupo siya sa tapat ng vanity mirror. Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang t***k ng kanyang puso dala ng labis na pagkabigla. Pakiramdam niya ay tumakbo siya sa isang napakahabang marathon sa sobrang kabog ng dibdib.
Nagmukha siyang timang doon na sinundot-sundot ang pisngi ng binata. Naninigurado lamang siya dahil baka nilalaro lamang siya ng utak. Pero hindi!
"Arrghh!" Paulit-ulit na sinampal-sampal niya ang pisngi para magising.
Ano bang pumasok sa isipan niya at ginawang fishball ang pisngi ng binata?
She depressingly lean on the table at inis na sinabunutan ang magulong buhok. Tiningnan niya ang repleksyon sa salamin.
He charmingly smiled at her. Sumaludo pa ito sa kanya bago naglakad palayo...
Ang lalaking hindi nagpatahimik sa kanya at hindi nagpatulog buong gabi ay ngayon naroon sa pamamahay nila! Ano namang ginagawa nito roon kung gayon?
She then remembered something...
"Now I decided... I'll hire a bodyguard for you...
Marahas na napatayo mula sa kanyang kinauupuan si Andrea. "No way!"
No way talaga! Aba, hindi na nga niya magawang tiisin pa ang kaimbyernahan niya sa lalaking iyon, hindi na siya nito pinatulog, at ngayon ay magiging bodyguard pa niya? NO WAY-HIGH WAY!
Kahit magsama-sama pa ang lahat ng banal huwag lang siyang isugo sa lalaking iyon. Baka hindi na siya umabot ng singkwenta ay uugod-ugod na siya at marami ng kulubot sa mukha dahil rito.
Pero...
Hindi rin naman siguro ano? Baka kaya naroon lamang ang binata ay upang kausapin ang ama niya o baka pinatawag ng Daddy niya para kausapin tungkol sa nangyari. Baka siya lang itong nag-i-imagine na si Damien ang bodyguard na tinutukoy ng Daddy niya.
Mas mabuti pang tanungin at kumpirmahin na niya agad sa ama ang tungkol roon.
Muli na sana siyang lalabas ng kwarto nang muling may mapagtanto. Niyuko niya ang sarili.
No. Hindi siya pwedeng lumabas nang ganoon ang ayos. At least man lang sana ay magmukha siyang presentable kahit papaano... hindi katulad kanina.
Nasapak na lamang niya ang noo. 'You're a big joke Andrea.'
♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡
CONTINUATION BELOW.