She, Who Used To Smile pt. 2

4161 Words
SA loob ng isang convenience store ay magkaharap na nakaupo ang dalawa sa isang table. Both of them are holding a cup of coffee sipping silently. Medyo tago ang parte kung saan sila nakaupo kaya hindi sila gaano kapansin ng mga taong nagdaraanan. Andrea sip on her cup at pasimpleng tiningnan ang lalaking nakaupo sa kanyang harap. He's wearing a sweat shirt and a faded denim tokong short. Naghuhumiyaw sa kakisigan ang naghihimutok nitong kagandahang lalaki kahit pa na simpleng damit lamang ang suot. May napapatingin din sa kanilang gawi at minamata ang walang kaalam-alam na binata. Sino nga naman ba ang hindi mapapalingon kung ganito kagwapo at kisig ng tao? 'Duling na lamang ang hindi mapapalingon dito.' Wait. Did she just compliment him? Agad na naipilig ni Andrea ang ulo. 'No.' No She didn't. Pero kakasabi niya lang--- 'Bangag ka lang.' Naramdaman ata ni Damien ang ginawa niyang pagtitig kaya napalingon ito. Kamuntikan nang masamid si Andrea nang mahuli siya nitong tinititigan ang binata. Purong katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Tanging ingay lamang ng ibang tao naroon at ang ugong ng aircon ang namumutawing ingay. Ni-isa ay walang nais magsalita o magsimula ng paksa. Uminom si Damien sa kanyang cup ng kape. Mula sa pag-inom ay pasimple niyang pinagmasdan ang dalaga. Nakatingin ito sa ibang gawi at iniiwasan ang kanyang mata na tila ba ay inaaliw nito ang sarili sa pagmamasid sa paligid. He then examine her. Nakasuot ito ng makapal na salamin at walang kahit anong kolorete sa mukha. Napakasimple kung titignan ngunit napakaganda. Nagtaka pa siya nang makita na tila nag-iba ang kulay ng mata nito. It's brown and not a diamond-like tulad noong una niya iyong makita. Malamang ay nagsuot ito ng contact lense upang itago ang magandang pares ng mala-diyamanteng mata. Nakasuot ito ng grey hoodie jacket na magpahanggang ngayon ay hindi pa inaalis ang hood sa ulo nito. Mabuti na iyon upang hindi ito makilala. Naalala ni Damien ang ginawang aksyon kanina sa grocery. 'Really Damien? Akala ko ba hindi mo s'ya tutulungan? E ano 'to? Inaya mo pa magkape. Magaling...' Ani kanyang isang bahagi ng utak. Mariin siyang napapikit. Hindi naman siya si Superman na laging tagapagligtas nito, it's just that... Nasa alanganin itong sitwasyon at nagkataong naroon lang din siya. Ramdam ni Andrea ang titig sa kanya ni Damien. Kaya kahit na nananakit na ang leeg niya kakalingon sa mga bagay-bagay sa paligid ay talagang tiniis niya ang sakit upang maiwasang makatagpo ang nakahihipnotismo nitong mata. 'Hindi ba s'ya titigil kakatitig sa'kin? Baka matuluyang magka-stiff neck na'ko rito.' Pasimple siyang umirap sa hangin. Hindi na niya matiis ang katahimikan. Papasaan pa ang pag-aya nito sa kanya roon kung wala man lang silang pag-uusapan? Nakagat ni Andrea ang pang-ibabang labi. 'Ano ba? Pano ba?' God! The awkwardness is killing her! Marahang ibinaba ni Andrea ang cup sa table at nagpunas ng tissue sa labi. Muli niyang isinuot ang mask bago nagwika. "A-ah... Damien." Lumingon sa kanya ang binata Bigla ay nilukob ng kaba si Andrea. She felt conscious with herself knowing that Damien is staring at her. Tila ay nagkabuhol-buhol ang kanyang iniisip at hindi alam kung ano ang sasabihin. Kill those sexy eyes! They're hypnotizing! "A-ano... Uhm... S-salamat. Salamat kanina." Aniya sa mababang tinig at agad na nag-iwas ng tingin. Nilaro niya ang hawak na cup. 'Fix yourself Andrea!' Nakagat niya ang ibabang labi. She gather all her courage upang sabihin na ang mga dapat sabihin. She deep sighed at mariing napapikit. 'Tell it! Tell it!' She opened her eyes and meet his intimidating eyes. Ngunit agad din siyang napaiwas at niyuko na lamang ang hawak na cup. She just can't stare at those sexy eyes. Pakiramdam niya ay tumatagos ang titig nito sa kaibuturan niya at inaalam ang iniisip. "And also... Sorry about last week." Aniya at nanatilinh nilalaro ang cup na hawak. "I didn't mean to say that. Nadala lang ako sa galit. A-and yes you have a point. Inaamin ko na nagkamali ako and I owe you a lot of times sa pagtulong sa'kin." Nakahinga siya nang maluwag nang masabi ang dapat. Sa wakas ay nasabi niya. Kahit papaano ay nabawasan ang guilt niya sa sarili. Pakiramdam niya ay gumaan-gaan kahit papaano ang pakiramdam niya. "But sorry to tell you na hindi ako tumatanggap ng tawad kung hindi sa akin nakatingin." Anito sa baritonong boses. Agad na napaangat ng tingin si Andrea at hindi makapaniwalang napamata sa binata. 'Seryoso ba 'to?' Matapos niya ipunin lahat ng lakas ng loob para sabihin ang lahat ng iyon ay ganoon lamang ang madidinig niyang tugon. Marahas siyang napabuga ng hangin. "Now, eyes on me Andrea." Damien said with his hoarsed voice sending her tingling sensation in her ears. 'Anak nga naman ng butchi oh!' Magmumukha lamang siyang pathetic kung uulitin niya ang lahat ng sinabi. At saka, totoong sincere siya habang sinasabi iyon! Pinagdududahan ba siya nito? Muli siyang napatingin kay Damien. 'Nang-iinis ba ito o ano?' Ngunit wala sa mukha nito ang pang-aalaska at seryoso ang mukhang naghihintay sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang si Andrea. Umayos siya ng upo at tumingin sa nakaka-hypnotismong pares ng mga mata nito. Pakiramdam niya ay natutunaw siya sa kinauupuan habang nakatitig sa mga mata nito. Ibinaba niya ang mask at muling nagpakawala ng malalim na hininga. "I-I'm sorry. Really am sorry for what I have done last week. You have your point and I admit my fault. Sadyang nadala lang ako sa galit ko that's why..." Titig na titig si Damien sa mukha ng dalagang kaharap. He couldn't help but to just stare at her beautiful face kahit pa nakapang-disguise ito. Her eyes are full of emotion kahit pa natatakpan ng contact lense ang iris ng mata nito. He saw how her lashes flatter everytime she blinks, how her delightful lips pronounce every syllables of words she speaks. "Thank you for helping me, a-again." Pagtatapos ni Andrea sa sinabi. Nanatiling nakatitig sa kanya si Damien. There's no emotion, just a poker face. Nakaramdam ng kaba si Andrea. Malamang ay magiging malaki ang galit nito sa kanya, kahit pa na artista siya kung ang ugali naman niya ay patapon, walang magkakagusto sa isang gaya niya. But no, that's not her. S-she was just a bit... conceited. Yes. Ipinatong ni Damien ang mga braso sa lamesa at pinagsiklop ang kamay. Napaayos naman ng upo si Andrea. Seryoso tumingin sa kanya ang binata na tila ba ay nasa isa siyang husgado at kailangang sabihin niya ang totoo. Wala sa sariling napalunok ang dalaga. "Hindi mo ba alam kung gaano ka kaganda kapag nagsasalita ng seryoso?" Halos mag-ala siling labuyo si Andrea sa kinauupuan at bigla na lamang nag-init ang kanyang mga pisngi. Nanlalaki ang matang napatingin siya kay Damien. Nakangiti na ito na tila ay aliw na aliw siyang pinagmamasdan habang pinamumulahanan. Paano nito nagagawang magsabi ng ganoon nang harapan? "S-sira ka ba?" Namumulang aniya. Nakangiting aso ito at abot tainga ang ang ngiting muling nagwika. "Nagmumukha ka ng kamatis sa sobrang pula. Kinilig ka no?" Nakangising sabi nito. Agad na napahawak si Andrea sa kanyang pisngi at ramdam ang pag-iinit niyon. Mas dumoble ata ang init ngayon ng panahon. "Ang k-kapal mo! Ba't naman ako kikiligin aber?" Pakiramdam niya ay matutunaw ang pisngi niya sa sobrang pag-iinit niyon. Madami nang nagsabi na maganda siya ngunit ewan niya ba at iba ata ang naging talab sa kanya nang si Damien naman ang magsabi niyon. At saka, hindi niya inaasahang sasabihin nito iyon sa ganoong pagkakataon kung kailan ay seryoso ang usapan. 'Adik!' "Halatang-halata sa pula ng pisngi mo, kinilig ka." Hindi maalis ang maaliwalas na ngiti nito sa labi. Inis na muling isinuot ni Andrea ang facemask. "Tigilan mo 'ko. M-mainit lang ang panahon ngayon." Napatawa ang binata dahilan upang pagtinginan sila ng mga taong naroon. Napakalalim ng boses nito at talagang nakakaakit kung tumawa. Lalaking-lalaki. Inis na hinampas ito ni Andrea upang sawayin. "Ano ba! Mahiya ka nga!" Pabulong niyang ani at sinipa ang paa nito sa ilalim ng lamesa. "Binibiro lang kita." Anito at umayos ng pagkakaupo. "Pero seryoso ako sa sinabi kong maganda ka." Muli ay namula ang dalaga at pinanlakihan ito ng mata. "Oo na, oo na, baka isipin kong may gusto ka na sa'kin niyan." Natatawang ani Damien. "K-kilabutan ka nga!" Nagpupuyos ang loob niyang sumbat dito. Ang lakas ng apog nitong sabihin iyon sa kanya. Ha! Siya magkakagusto sa gwapito at matsong mekanikong ito? Napairap na lamang sa hangin si Andrea at muling sinulyapan ang binata. Wala sa sariling napaubo siya nang makitang nakatitig pala ito sa kanya nang malapitan. Para itong batang nakadukwang sa lamesa at titig na titig sa kanya. "Namumula ka na naman." Pang-aalaska nitong muli na mas lalong ikinainis niya. Padabog siyang tumayo. "Bahala ka sa buhay mo. Isipin mo na kung ano gusto mong isipin." Aniya at nagmamartsang lumabas ng convenience store. "H-hoy sandali! Yung pinamili mo!" Agad na kinuha ni Damien ang supot ng mga plastik sa sumunod dito. ** Tumigil si Damien nang maabutan ang dalaga sa tapat ng kotse nitong nakaparada sa parking lot ng bangko. "Hindi ka naman mabiro, gusto lang kitang mapatawa dahil masyado kang seryoso." Inabot niya rito ang plastik na hawak. Muli itong hinarao ng dalaga. "Sinong hindi magiging seryoso kung ang kausap mo parang papatay ng tao kung makatingin?" Nakapamaywang na anito. Muli ay napatawa si Damien. "At least seryoso kang humingi ng tawad. Pero kanina mukhang napipilitan ka pa." Agad na nangunot ang noo ni Andrea. "Excuse me? Sincere ko 'yong sinabi at dalawang beses ko pa ngang inulit sa'yo." Napailing na lamang si Damien. "Pinagmamalditahan mo na naman ako samantalang hindi ko pa nga tinatanggap ang sorry mo." Andrea frustratedly sighed. This man's really getting to her nerves! "Fine." Umayos siya ng tayo at hinarap ito. "I'm sorry." She then lend her hand to him. Napayuko si Damien sa kamay ng dalaga na nakalahad sa kanya. Ilang segundo ang lumipas bago tinanggap ni Damien ang kamay ni Andrea. Senyales na tinatanggap nito ang paghingi niya ng tawad. Ngingiti na sana si Andrea nang may maramdaman na kuryenteng mabilis na dumapo sa kanya mula sa kamay ni Damien. His palm was warm and so calming. The electricity traveled down to hers and gives her shiver down to her spine kaya mabilis na binawi ng dalaga ang kamay. There was it again. The unknown electricity coming from nowhere. Nakita niya na maging ang binata ay natigilan. Binalewala ni Andrea ang pakiramdam na iyon. "A-akin na." Tukoy niya sa supot na pinamili niya kanina. Agad na ibinigay naman sa kanya iyon ni Damien. "Ni-minsan ay hindi kita nakitang ngumiti man lang," kapagkuwa'y wika nito. "Laging nakasalubong ang kilay mo. Daig mo pa ang matandang uugod-ugod kung magsungit." Aangal pa sana si Andrea nang may mapagtanto. Hindi malaman niya kung maiinis ba dito o hindi. Ngunit... namataan na lamang niya ang sarili na napatitig sa binata. He's genuinely smiling at her na tila ba ay wala lamang ang nangyari. He's talking to her as if there was nothing to bother. Sana ay ganoon din kabilis mabalik sa dati ang lahat para sa kanya. Sana ay ganoon din kabilis na muli siyang tanggapin ng mga tao. Sana ay... ganoon din kabilis magpatawad at umunawa ang lahat. "O kita mo," napangisi si Damien nang mapansin ang pananahimik ng dalaga. "Para ka na namang blangkong papel. Ang bilis uminit ng ulo mo ni-wala pa nga akong ginagawa. Hindi ka ba naturuang ngumiti ng magulang mo?" "Baliw." Tanging nausal na lamang ni Andrea at inilagay sa loob ng sasakyan ang pinamili. Inilabas niya mula sa wallet ang isang libo at ibinigay rito. Tiningnan lamang ni Damien ang bill na hawak niya. Kinuha ni Andrea ang kamay ng binata at inilagay roon ang pera. "H'wag kang mag-isip ng kung ano-ano. Bayad ko 'yan dahil ikaw ang nagbayad ng pinamili ko kanina sa grocery. Kung ayaw mo, just think of it as my 'Thank' sa pagtulong mo sa akin kanina." Namayani ang sandaling katahimikan bago napagdesisyunan ni Andrea na sumakay na ng kotse. "Have to go." Aniya at lumulan sa sasakyan. In-start niya ang engine at muling sinulyapan ang binata sa sid mirror. He was still looking at his hand where the bill is na tila ba ay hindi pa napoproseso sa utak nito kung ano ang hawak. Hinawakan na niya ang kambyo at minani-obra ang sasakyan. "Teka lang!" Napatigil siya sa akmang pag-andar nang tawagin siyang muli ni Damien. Napalingon siya rito at inilabas ang ulo mula sa nakababang bintana ng kotse. "Ano yun?" Muli ay pumaskil ang mui-gwapito nitong ngiti na kahit sino ay matutunaw kung masisilayan. "Tinatanggap ko." Anito. "Huh?" "Yung sorry mo. Apology accepted." Damien charmingly smiled at her, showing his complete white set of teeth. His jaw look so perfect with that gorgeous smile. He's indeed a charmer at kahit matanda ay kikiligin kapag nakita itong lalaking 'to. Sumaludo pa ito sa kanya bago naglakad palayo. Napakunot na lamang ang noo ni Andrea at wala sa sariling napangiti. Sinundan niya ang nakatalikod nitong papalayong pigura. Nakapamulsa ito habang ang isang kamay ay hawak ang supot ng siya ring pinamili nito kanina. Muli ay napangiti siya. "Aabante ka ba o hindi?!" Napapitlag siya nang may mamang sumigaw sa likuran ng kanyang sasakyan. Delivery truck iyon na may kargang mga gulay. Agad siyang napabalik sa kinauupuan at pinaandar ang sasakyan. ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡ IPINARADA ni Andrea ang kotse sa garahe matapos makarating. She turned off the engine at kinuha ang supot ng pinamili sa katabing upuan. Muli, ay wala sa sariling napangiti siya. She just can't help it but to smile every time she remembers Damien's gorgeous smile at her before leaving. Nakita n'ya ang sarili sa salamin. God! She looked like a hypomaniac! Kung kanina ay para siyang bulkang nag-aalboroto, ngayon naman ay para siyang timang na nakangiti sa ewan. Iiling-iling na umibis siya ng sasakyan bitbit ang pinamili. "Naku miss Andrea, mabuti po at nakabalik na kayo!" Nagkukumahog na salubong sa kanya ni Nanang Esme na isa sa kanilang mga kasambahay. "Ano po iyon?" "A-ang Daddy po ninyo kasi..." Napakamot ito sa ulo at tila hindi mapakali. "Dad's here?" Tiningnan niya ang oras sa phone na hawak. Dapit Alas onse y medya pa lamang ng umaga. "Opo, kanina pa po bago po kayo makarating." "E ang aga pa ah?" Kinuha nito mula sa kanya ang bitbit at sabay nilang tinungo ang daan. "Iyon nga ho, galit na galit nung umuwi. Hinahanap po kayo." Napatigil sa paglalakad si Andrea at napakunot ang noo. "Daddy's looking for me? But why?" Lingon niya rito. "H-hindi po namin alam. Basta po ay nagulat nalang din po kami nung mapauwi nang biglaan si Sir." Puno ng pagtataka na mabilis na naglakad si Andrea papasok ng mansyon kasunod ang ginang. Pagkapasok niya ay unang hinanap ng kanyang mata ang ama. "Where's Dad?" "Nasa---" "Finally you're here!" Isang maawtoridad na tinig ang nagpatigil sa kanilang kinatatayuan. Animo sundalong makikipagdigma na lumapit si Buendio kay Andrea. His face was all serious at ang mata ay puno ng pagpipigil ng galit na tila ba baril, na sa isang maling galaw mo lamang ay papuputukan ka ng bala. Nakaramdam ng kaba si Andrea. She know that there's something happened. But the thing is what? "H-hey Dad, you're looking for me?" Tumigil ang ama sa kanyang harap. "Yes. I believe you have something to say to me." Muling napakunot ang noo ng dalaga. "Come up stairs." Anito at nagpatiuna na. Nagkatinginan na lamang si Andrea at Nanang Esme. "Alam n'yo po ba ang ibig-sabihin ng Daddy?" "Naku ma'am, sundan n'yo nalang po si Sir nang malaman ninyo." Udyok sa kanya nito. ** Isinara ni Andrea ang pinto ng office ng kanyang ama nang makapasok. Nakita niya ang Daddy niyang nakatalikod sa kanya and was facing the big painting of their family on the wall. In the painting was her mom, Anastasia, her Dad, and her at the middle. They were all smiling wearing same color of blue clothes "Why didn't you tell me?" Ani kanyang ama habang nanatiling nakatalikod sa kanya at pinagmamasdan ang painting. "Didn't tell you what Daddy?" Maging siya ay walang kaide-ideya sa kung ano ang tinutukoy ng ama. "The incident at the talyer." Nanlaki ang mata ni Andrea sa naulinagan. 'How did he know?' Ni-isa ay wala siyang pinagsabihan tungkol sa nangyari, dahil maging si Damien at ang mga tao sa talyer ay tikom ang bibig tungkol doon. Humarap sa kanya ang ama. "Tell me hija, why?" Muli ay umusbong ang kaba kay Andrea. She do know that his father will be furious kapag nalaman nito ang nangyari. Knowing that his father is very protective to her, hindi niya alam kung ano ang kaya nitong gawin kapag nagkataon. Nakagat na lamang ni Andrea ang ibabang labi. "Dad..." "Aren't you trusting me?" "No, that's not it." Mabilis niyang bawi. "Then why didn't you tell me hija? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin ang nangyari? Paano na lamang kung may nangyari sa'yong hindi maganda?" Napayuko ang dalaga. Playing her nails like a little girl asking for a candy. "It's just that... I know you'll be worried so much and---" "And what do you think you're doing? Mas lalo mo lang akong pinag-aalala!" Animo kulog na umugong ang boses ng ama sa silid. "Ama mo ako Andrea, normal lang na mag-alala ako sa'yo dahil magulang mo 'ko. Pano kung hindi lang iyon ang nangyari sa iyo? Sinong matinong magulang ang hindi mag-aalala sa anak n'ya kung nalagay na sa panganib ang buhay?" Nanatiling tikom ang bibig ng dalaga. She know this will happen. Sermon ang aabutin niya. "Hindi natin alam kung papaano tumakbo ang isip ng mga tao. We don't know what's going on in their minds to the point it's getting to be dangerous for other people like you. Tingin mo ba laging may taong sasagip sa'yo? Tutulong?" Bigla ay pumasok sa isipan ni Andrea si Damien. "Hindi sa lahat ng pagkakataon may magmamalasakit sa'yong tao para tulungan ka. Pano kung iyong taong pinagkatiwalaan mo ang s'yang tatraidor sa'yo? May magagawa ka?" ( "Yung sorry mo. Apology accepted." Damien charmingly smiled at her, showing his complete white set of teeth. His jaw look so perfect with that gorgeous smile. He's indeed a charmer at kahit matanda ay kikiligin kapag nakita itong lalaking 'to. Sumaludo pa ito sa kanya bago naglakad palayo. ) "Ang sa'kin lang naman, sana intindihin mo rin na magulang mo ako na nag-aalala kung nasa mabuting kalagayan ka." Buendio approached her daughter. He held her on her both arms and looked at her worriedly. "You are the only one that left to me..." Napaangat ng tingin si Andrea sa ama. Her father's eyes were glittering of love and care. "You are the only one that is left to me, hindi ko kakayanin kung mawawala ka pa sa'kin. Your mom already left us. Ikamamatay ko kung may nangyari sa iyong masama." "I'm sorry Dad." Tanging nasambit na lamang ng dalaga. His Dad has his point. He's the only parent she has, normal lang na maging over protective ito sa kanya lalo na at silang dalawa na lamang ang magkasama sa buhay. She must listen to her Dad's sermon dahil para rin naman sa kapakanan niya iyon. Par iyon sa ikabubuti niya. Andrea knows that her Father knows what's the best for her. Kaya nga ay kahit na gusto na nitong patigilin siya sa pagiging artista ay hindi nito ipinilit dahil alam ng Daddy niya na masaya siya sa trabaho. He do supports her on everything. Hindi nito basta-basta pinangungunahan ang mga desisyon niya dahil he's just there to guide her. Inaalalayan siya sa bawat desisyon at aksyon na gagawin niya. 'Now I admit it. I was wrong.' She do admit that to herself na nagkamali siyang ilihim sa ama ang nangyari. "I'm sorry Dad," niyakap ni Andrea ang ama. "I should've tell you. Natakot lang ako dahil alam kong sesermonan mo na naman ako." Buendio hugged his daughter back. "Yes, I will. Pero isipin mo na para rin sa iyo 'yon." "I know." Ngiti ni Andrea sa ama at kumalas sa pagkakayakap. "Now I decided." "Decided what Daddy?" Nagtatakang tanong ng dalaga. "To hire a bodyguard for you." "What?" Halos lumuwa ang mata ni Andrea sa pagkabigla. "You're overreacting Dad! Bodyguard? Seriously?" "Look who's overreacting." Kibit balikat nito at tinungo ang lamesa kung saan naroon amg telepono. "It's for your own safety hija." Nais sabunutan ni Andrea ang sarili. "You're treating me again like a 16 years old! Nag-iingat naman ako tuwing lumalabas, nagpapaalam. Sadyang nagkaproblema lang noong nakaraan and that's all. You don't have to hire a bodyguard Daddy." Hawak na ng ama ang telepono sa kamay at may dina-dial na numero. "Oh really? I have my eyes on you Andrea kaya h'wag mo akong ma-that's all-that's all d'yan." Napanganga na lamang si Andrea. Tama ba ang narinig niya? "Oo nga, pano mo nalaman ang nangyari sa talyer?" Unang pumasok sa isip niya ay si Damien o Rico na siyang maaaring nagsumbong sa ama. "As I said, may mga mata akong nakatutok sa'yo. Malamang kung hindi pa sinabi sa akin ni Maren ang nangyari ay hindi ko malalaman." Napakunot ang noo ni Andrea. "Maren?" Sounds very familiar to her. Tumango ang ama. "You remember her? Iyong anak ni Aling Marissa na dating nagtrabaho sa sakahan." Sandaling napaisip ang dalaga at inaalala ng mga pangalan at tao. Aling Marissa used to be one of the farmers on their land bago pa man patayuan ng mga landscapes at bahay ang lupain. Naalala niya na may anak itong babae na halos kaedaran lang din niya. "Okay, Maren she is. Pero Dad, hindi mo na kailangan pa mag-hire ng bodyguard. Miminsan na nga lang ako makaramdam ng kalayaan kukuha pa kayo ng aasungot at susunod-sunod sa akin." Ipinagkrus niya ang mga kamay sa dibdib. "Ikaw ang matigas ang ulong hindi nag-iingat. Baka nakakalimutan mong artista ka? Ginusto mo 'yan panindigan mo." Mas lalo na lamang napasimangot ang dalaga. She know she can't stop her father anymore. Buo na ang desisyon nito. "Fine. Basta ayoko ng aasu-asungot sa paligid. The bodyguard must know their place. Ayoko naman magmukhang obvious na para akong reyna ng England kung bantayan." "Don't worry, I know one." Kindat pa sa kanya ng ama at ipinagpatuloy ang pagkalikot sa telepono. Marahas na napabuga na lamang ng hangin si Andrea. Wala na siyang magagawa pa. Ang tatay ba naman niya ay animo presidente ng Soviet Union kung mag-isip. Minabuti na lamang niyang lumabas na at magtungo sa sariling kwarto. Matapos ma-dial ang numero ay naupo na si Buendio sa kanyang swivel chair. Habang hinihintay ang pagsagot ng kabilang linya ay nagbuklat siya ng isang folder. Makailang ring pa ay sumagot na ang tinatawagan. "Hello Tonying? Si Buendio ito. May itatanong sana ako." ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡ "HETO ang sukli mo." Iniabot ni Damien ang sukli sa costumer na bumili ng mga parts. "Balik ka, meron kami ng lahat ng hanap mo." Tango niya rito bago ito lumisan. "Naks! Lakas maka-chickboy." Pang-aasar ni Rico at ipinatong ang pawisang braso sa counter. "Loko, sales talk ang tawag doon hindi pangbobola." Isinampay ni Rico ang bimpo sa balikat. "Biruin mo, marami ata tayo ngayong costumer." Anito at sinulyapan ang shop na may mga inaayos na mga sasakyan. "Kumusta pala iyong paso ni Cholo?" "Iyon, dinala na sa hospital. Ang sabi first degree burn daw, mabuti at naagapan agad." Napatango na lamang si Damien. "Kapag nakabalik kamo, ibigay ito." Nilahad niya ang botelyang ibinigay kanina ni Nanay Rosario. "Ano to?" Kinuha ni Rico ang maliit na bote at tiningnan. "Pamahid sa sugat. Hugasan muna ang sugat bago pahidan niyan. Tatlong beses kada araw para mabilis gumaling ang sugat at hindi mag-iwan ng peklat." "Sige, ako nalang magbibigay." "'Mien, nasa telepono si Mr. Del Juanco gusto ka raw makausap." Ani Glenn na nakadungaw sa pinto ng opisina. Nagtatakang napatingin si Rico kay Damien. "Ano naman kaya ang sadya ni Daddy---este Mr. Del Juanco?" Nagkibit-balikat lamang si Damien at pumasok ng opisina. "Daddy-hin ko 'yang mukha mo e." Ani Glenn na siyang pumalit muna sa pwesto ni Damien. "Malay mo naman at may pag-asa ako kay Andrea? Ay di matatawag ko na ring Daddy si Mr. Del--- ARAY!" Napadaing na lamang si Rico nang hampasin siya sa ulo ni Glenn ng nirolyong diyaryo. "Eh kung poknatan kaya kita? Hmm?" Umasta pa itong muling hahampasin si Rico. "E ikaw? Babalik pa ba gerlpren mong nasa abroad, e ni-halos hindi na nagparamdam sa iyo?" "Aba't! Lamang lupang ito! Ibaon kaya kita ng buhay? Bumalik ka nga sa trabaho mo." Pagtataboy rito ni Glenn. Itutuloy... ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡ Hope you enjoyed! Don't forget to vote★ and leave a comment~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD