4 | She, Who Used To Smile

4639 Words
Join this f*******: Group to read my stories for free: Juanna Balisong STORIES [A/N: Tsaraaan! Muli akong nabuhay hahahaha! Pasensya po at natagalan got really busy these past days but thank you for waiting!] ENJOY READING! (/>o<)/ ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡ INIS na itinaktak ni Andrea ang hawak na botelya ng coconut oil jel niya. Sa huling taktak ay parang utot na lamang ang lumabas. Ubos na ang laman ng bote. Tiningnan niya ang mga nakahilera sa gilid ng sink ng bathroom. Maayos na nakahilera roon ang iba't-ibang produktong ginagamit niya sa katawan bilang pag-aalaga sa sarili. She look for another bottle of her coconut oil jel ngunit agad ding nalukot ang kanyang mukha nang makitang wala na siyang stock ng nasabing produkto. "Sh-t." Inis na itinapon niya ang hawak na bote sa trashbin na naroon. It was her last stock. Hindi niya maaaring itigil ang pagsu-supplement sa buhok niya. Masyado ng haggard ang buhok niya dahil sa dami ng products na ginagamit niya noon, dahil sa mga casting at guestings kailangan ay magmukha siyang presentable at perpekto sa mata ng tao. As a public figure and actress, kailangan din niyang mapanatili ang kagandahan ng tubo ng kanyang buhok dahil kung hindi ay baka mapanot na siya sa halo-halong kemikal na ginagamit sa kanya ng mga hair stylist. Nakasimangot na humarap siya sa salamin at tinanggal ang pagkakabuhol ng tuwalya sa kanyang ulo. She gets the brush and brushed her wet hair. She's only wearing a robe tied on her petite body. Katatapos niya lamang maligo dahil sa sobrang kabanasan. It's been two weeks simula noong umuwi siya roon and for her, it feels like its almost a month sa bagal ng paglipas ng araw. 'As of now, siguro naman ay naayos na ni Jerome ang issue.' She wonders. Kinuha niya ang blower sa drawer at isinaksak iyon. She then blow dry her hair while still combing it. Makalipas ang ilang minuto ng pagpapatuyo ng buhok ay iniligpit na niya ang mga ginamit. Ilang araw na rin ang nakalipas mula noong huling makausap niya si Damien. Hindi na rin sila ganoon nagkikita dahil miminsan lang din naman siya maglalalabas. But the guilt was still there. Pinagsisihan niya ang mga nasabi sa binata. At hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap ito. Siya man sa kanyang sarili ay nahihiya. Ano pa bang mukha ang kanyang maihaharap rito matapos ang lahat ng mga nasabi niya? Malamang ay mag-iiba ang tingin sa kanya nito. Pero ano nga ba ang tingin sa kanya ni Damien? For sure ay alam na nitong artista siya na may tinatakasang issue. Does he look at her like the way the others do? Isang pariwarang babae na walang dignidad? Sa isipin pa lamang iyon ay nalulugmok na siya. Naiinis sa hindi niya malamang dahilan. Muli niyang tiningnan ang repleksyon ng sarili sa salamin. Goodness! Dinaig pa niya ang walis ng mangkukulam sa sabog niyang buhok. Medyo nagda-dry na nga ang buhok niya idagdag pa ang init ng panahon. Mukha siyang walis tambo na isang taong ginamit bago napalitan. Nagmamartsang lumabas siya ng bathroom at nagbihis. Kailangan niyang makabili ng stock para sa kanyang buhok at kung hindi ay baka magmukha na siyang bruha sa susunod. She wore a plain white spaghetti strap on top of a grey hoodie and a black pants. Itinali niya ng mataas ang buhok at isinuot ang puting pares ng sneakers. Nagsuot siya ng brown eye contact lenses. She gets her thick black eyeglasses and a mask as her disguise. Hindi na siya naglagay pa ng kung anong kolorete sa mukha at tanging dampi ng baby powder lamang. Wala naman sigurong makakapansin sa kanya kung magmumukha siyang nerd sa isang school. Well, a gorgeous nerd she is. Bumaba siya ng kwarto at agad na nasalubong ang isang kasambahay. "Magandang umaga po ma'am Andrea, kaaalis lang po ng Daddy ninyo papuntang trabaho. Gusto n'yo po bang ipahanda ko na ang lamesa para agahan ninyo?" "No, thank you. Mamaya na lang ako kakain pagbalik ko." Isinuot niya ang hood ng jacket at umaktong aalis na nang may maalala. "Oh wait," muli siyang humarap dito. "Ano po iyon?" "May alam ka ba na pwede kong pagbilhan ng mga healthcare products? Like lotion, hair products... Or any store na nagbebenta ng ganon." "Sa Robinson mall po. Kaya lang po ay under renovation pa po kasi ang mall kaya tiyak na sarado po iyon ngayon." Tila mas lalong nanamlay si Andrea. Kung gayon ay wala siyang mabibilhan sa lugar. Pasasaan pa ang paghahanda niya kung gayong wala naman pala siyang mabibilhan? Hindi malaman ni Andrea kung saan at kanino maiinis. Sa sarili ba niya o sa sunod-sunod na kamalasan niya? "Pero po may alam po akong nagbebenta rito ng mga organic na produkto." Kapagkuwa'y muling wika nito. Tila kutitap na nangislap ang mata ng dalaga. Papatusin na niya kahit pa sa kalye-kalye lang basta ang mahalaga ay epektibo at maganda ang produkto. "S-saan?" "Sa Botika ni Rosario po. Kilala po aling Rosario sa paggawa ng mga organic dito. Saka ako na po nagsasabi sa inyo ma'am Andrea, epektib na epektib po ang mga binebenta ni aling Rosaryo. Iyon nga hong malaking peklat ko sa binti ay medyo nawala-wala na dahil sa binili kong pamahid sa kanya." Ipinakita niyo ang likurang bahagi ng kanang binti. May kaunting peklat pa ang natitira roon ngunit hindi na ganoon kahalata. "Where can I find this store?" Puno ng kyuryosidad na tanong ni Andrea. "Madali n'yo lang po makikita ang botika sa bayan dahil pansinin naman po iyon sa dami ng mga nakasabit na dekorasyon sa labas. May malaking signage rin po iyon ng pangalan ng tindahan." Muling nabuhay ang dugo ni Andrea sa naulinagan. "Thank you!" Buong sigla niyang ani rito at animo batang excited na excited na lumabas ng mansyon. Hawak ang susi ng kanyang kotse ay agad siyang nagtungo sa garahe at lumulan sa sasakyan. Walang patumpik-tumpik na pinaandar niya iyon at lumarga. ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡ NAKAUPO si Damien sa isang upuan sa loob ng hardware habang hawak ang cell phone. Siya ngayon ang kasalukuyang nagbabantay sa counter ng hardware habang sila Glenn at Rico naman ang nasa talyer at may inaayos na mga sasakyan. ?Faith: "Kuya Damien naman, kausapin mo na kasi si Dad nang magkaayos na kayo." Ka-video call niya ngayon ang babaeng bunsong kapatid na si Faith. "Para ano? To scold me again dahil hindi ko sinunod ang gusto niya? All my life Faith, sinunod ko ang gusto niya para sa'kin and maybe this is my time to take his place. Na ako naman ang masunod sa buhay ko." Isinandal ni Damien ang sarili sa upuan. ?Faith: "Dad will understand your reasons. I'm sure he will." Anito sa kabilang linya habang katabi ang lalaking anak na si Alonzo na abala sa pagkukulay sa coloring book nito. "Sup buddy?" Kaway niya sa pamangkin. ?Faith: "Look baby, it's your uncle men-men." Ani Faith sa anak at ipinakita sa kanya. Agad na ngumiti naman ang limang taong gulang na si Alonzo nang makita si Damien sa telepono. ?Alonzo: "Hi uncle men-men! Look! I'm coloring a car!" Bibong ipinakita ng bata ang kinukulayang libro sa kamera. Napangiti naman si Damien dito. "Wow! You're doing well bud." ?Faith: "Go baby, continue coloring. Me and your uncle will have a conversation." Ani Faith sa anak at muling humarap sa kamera. "So, why didn't you tried to talk to Dad kuya?" Tanong nito nang makaalis ang anak. Inabot ni Damien ang electric fan gamit ang paa at itinutok iyon sa kanya. "I already did tried to explain myself to him, pero anong napala ko? Sinabihan niya lang ako na nag-aaksaya ng panahon sa mga walang kakwenta-kwentang bagay. Really? Ganon na ba ang tingin niya sa'kin, a mess?" Animo bolang romolyo ang mata ng kapatid. ?Faith: "Kung ako ang tatanungin? May punto rin naman si Dad. Yes, you are just wasting your time dahil sayang nga naman ang panahon ng pinag-aralan mo kung hindi mo rin magagamit. Just look at yourself. Hindi naman sa nang-aano ha? But frankly to say kuya, maganda naman ang buhay na ino-offer ni Dad, but still you choused to be there. Fixing things kapalit ng maliit na kita." Napailing na lamang si Damien. "You'll never understand Faith dahil hindi mo alam kung ano yung pinagdadaanan ko. At saka, baka nakakalimutan mong mas matanda ako sa'yo ng limang taon, kung makaasta ka para kitang tiyahin." ?Faith: "Well? I'm just stating the fact 'big brother'. Ah basta, you talk to Dad to settle down both of your businesses. It's been half a year simula noong umuwi ka sa'tin. And you're making mom sick sa pag-aalala sa'yo." Dinig ang pagkairita sa boses ni Faith na pinagsabihan ang nakatatandang kapatid. Napakamot na lamang si Damien sa kanyang ulo. "Tumatawag naman ako sa kanya." ?Faith: "Once a month? Minsan pa nga hindi e. Really kuya, hindi ka naman siguro inakay na babalikan lang ng inahin para pakainin? Kung saan-saan ka na nga nakakarating, ni-hindi mo man lang sa amin nasasabi kung nasaang lupalop ka na." "Faith," lumamlam ang mukha ni Damien at sumeryoso ang tinig. "You knew me very well, aren't you? I'm a very private type of person at ayokong nakikihalobilo sa alam kong hindi naman ako kahalo. Ayoko ring madungisan kung ano na ang naabot ninyo. Ano na lamang ang sasabihin ng iba na kapag nalaman nila na ang sikat na Brazilian model na si Faith Alba at ang French novelist na si Cesar ay may kapatid na pariwara?" Hindi nakaimik ang kapatid sa kabilang linya. "See. Ayokong madamay kayo ng kuya Cesar mo sa akin. I'm happy to see the both of you growing on your own. Pinaghirapan n'yo 'yan at ayokong ako pa ang maging dahilan ng pagkasira ng sa reputasyon n'yo bilang kapatid." Napabuntong hininga si Damien. "Like you, before, hinahanap ko rin ang sarili ko. Like what is the point why I'm here? What really is my purpose. And finally, nakita ko na kung saan ako masaya that's why I choused to be here. Be a mechanic kahit na maliit lang ang kinikita but I'm really happy doing this. Tulad mo kung pano mo minahal ang modeling." Hindi na nagawa pang makasagot ni Faith sa sinabi ng kuya Damien niya. He has his point also at ang tanging gusto lamang nito ay mapabuti ang lagay nila ng kuya Cesar niya. But still... Hindi pa rin mapanatag ang loob niya gayong alam niya na may alitan at hindi pagkakaunawaan ang ama nila at ang kuya Damien niya. ?Faith: "I get-I get it. Pero kuya Damien, please talk to Dad. Hindi maganda iyong hindi kayo nagpapansinan at nagkakausap man lang." "I will pero hindi pa ito ang magandang pagkakataon. Let's just let the things cool down first." ?Faith: "Then kailan pa?" Nakataas ang isang kilay na anito. Mula sa ligod ni Faith ay nakita ni Damien ang pagdaan ng isang pigura. "Is that Lorenzo?" Tanong niya at ngumuso sa likod nito. Napalingon naman si Faith sa itinuturo niya. Indeed it was Lorenzo. He's wearing his usual attire. Office attire. Looked always good and ravishing in his black suit and slacks. ?Faith: "Ah yes. Lorenzo!" Tawag ni Faith sa asawa. Napalingon naman ang lalaki sa gawi nila. "It's kuya Damien on call." Lumapit si Lorenzo sa kinaroroonan ni Faith at dumukwang sa likuran ng sofa. ?Lorenzo: "How are you Damien? It's been a while, I didn't hear any thing about you." "As busy as you Lorenzo. Busy-busy-han." Ani Damien at tumawa. ?Lorenzo: "I heard Daddy Sev already talked to you about F&Co. What's your plans?" "As of now, am not really ready to handle the company. Like it's really not for me. Hindi lang talaga ako maintindihan ni Dad." ?Lorenzo: "I see..." Tango-tango nito. ?Faith: "Bakit kasi ayaw mong intindihin muna naman si Dad?" Sabat ni Faith. Inis na napakamot so Damien sa ulo. "Lorenzo kausapin mo nga iyang asawa mo. Pakipukpok ako sa ulo nang makaintindi." Akmang lalapat na ang kamay ni Lorenzo sa noo ni Faith nang panlakihan ito ng mata ng huli. ?Faith: "Sige subukan mo, pag-uuntugin ko talaga ang ulo ninyong dalawa." Pagbabanta nito. Kibit-balikat na ibinaba ni Lorenzo ang kamay. "Papayag ka bang ginaganon-ganon ka lang Lorenzo?" Kutya ni Damien dito. "Tayo ang batas. 'Di dapat tayo nagpapa---" ?Faith: "Batas-batas ka d'yan? Dukutin ko bituka mo gusto mo?" Angal ng kapatid. Napatawa si Damien sa turan nito. Faith may look soft but really she is a tigress. Ang Celestina Fuentes 2.0 nga kamo. ?Lorenzo: "No we are not the law nor the ruler Damien. I'm just giving Faith what she deserves, to be treated like a Queen. Am I right my Queen?" Lingon ni Lorenzo sa asawa at hinagkan ito sa sintido. ?Faith: "Oh so sweet of you my King!" Kinikilig na ani Faith and pinches Lorenzo's nose. Romolyo ang mata ni Damien sa nasilayan. "At sa harap ko pa talaga ninyo napiling maggaga-ganyan?" ?Lorenzo: "Jealous Fuentes?" Animo nang-aasar ma wika ni Lorenzo at tumingin kay Damien. "Really Zembrano?" ?Faith: "Oo nga ano?" Kunwa'y ani Faith. "Bakit nga ba hindi ka muna maghanap d'yan ng mapapangasawa nang matuwa naman sa'yo si Mom na may maiuuwi ka namang magandang balita. Then after it, saka mo i-handle ang company. Tapos ang problema." "Brilliant of you Faith Alba." Nanunuyang ani Damien. "Naku, ikaw tigil-tigilan mo 'ko baka gusto mong ipadukot ko kay Cesar mga anak mo?" Sa kanilang tatlong magkakapatid na Fuentes, si Cesar ang mahilig at lapitin sa bata kaya naman kung umuuwi ito sa Pilipinas ay walang araw na hindi nito kasama ang mga pamangkin. Minsan nga ay kinagagalitan na ito ni Faith dahil basta-basta na lamang nitong hihilain ang mga anak niya at magpupunta sa mall, park o kung saan maaaliw ang mga bata. Ngunit imbis na mapikon ay tumawa lamang si Faith. ?Faith: "What? What's wrong with it?" Nasapak na lamang ni Damien ang noo. ?Lorenzo: "Sorry guys I have to go. I have a meeting to attend with international associates." Paalam ni Lorenzo at kinantalan ng halik sa labi ang asawang si Faith. ?Faith: "You go, take care." Ani Faith dito. "Ikaw ba, wala kang trabaho ngayon?" Tanong ni Damien sa kapatid. Muling humarap si Faith sa camera ng phone nang makaalis si Lorenzo. ?Faith: "Naah, magpapaka-mommy muna ako ngayon. I'll go attend Francesca's ballet class later and in the afternoon we'll go together with Alonzo sa Enchanted Kingdom. Noong isang araw pa naghihimutok ang dalawa na makapag-EK e hindi naman namin masamahan ni Lorenzo because of our schedule. Kaya heto, next week end naman ay ang tatay naman nila ang kasama nila." "Mabuti naman," tango ni Damien dito. "Mabuti iyong nabibigyan n'yo ng oras at panahon ang mga anak ninyo. Mahirap na dahil baka hindi ninyo namamalayan na lumalaki na pala sila nang hindi ninyo natutukan." ?Faith: "I know Kuya. Ayoko rin naman masayang ang pagkakataon na makita ko silang lumaki. Pano 'yan, sige na at maghahanda na ako para sa ballet class ni Cesca." Tukoy nito sa pitong taong gulang na panganay na anak. "Sige, I'll call you soon again. Ingat kayo." ?Faith: "You too Kuya." Matapos makapagpaalam ay namatay na ang tawag. Damien stretched his arms and legs at nag-unat. Matagal-tagal na rin mula noong huling makausap niya ang kapatid but he's grateful knowing that they're doing fine. Kumusta naman kaya ang adik---este ang isa pang kapatid na si Cesar sa France? Muli niyang tiningnan ang cell phone at akmang tatawagan na ang numero ni Cesar nang makarinig ng isang hiyaw mula sa talyer. "AAAAAHHHHH!" Sa labas iyon nanggaling. Agad na napatayo si Damien at dumukwang sa counter upang sumilip. Nakita niya si Cholo na pinapalibutan ng iba pang kasamahan. Hawak nito ang kaliwang braso at dumadaing. Lumapit na si Damien sa mga ito. "Anong nangyari?" "Napaso po manager." Sagot ni Tonton. "Aksidente pong nadikit ni Cholo ang braso n'ya sa mainit na makina." Nilapitan niya si Cholo ang tiningnan ang paso nito. "Glenn," tawag niya. "Samahan mo si Cholo hugasan ang braso nya sa gripo. Hintayin n'yo ko, bibilhan ko ng gamot." Tumango naman si Glenn at inalalayan si Cholo. Hindi na siya nag-abala pang gumamit ng sasakyan. Iilang metro lang din naman ang layo ng bayan sa talyer. ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡ "SIGURADO po ba kayong effective 'to?" Tanong ni Andrea sa aling nagtitinda ng hawak niyang dalawang bote ng coconut oil. "Magtatagal ba ako sa pagbibenta ng ganito kung hindi epektibo?" Ani ng ginang. "Kayo po si..." Tiningang ni Andrea ang malaking signage sa labas ng tindahan. "Rosalia?" "Rosario hija," pagtatama nito. "Rosalia ang kapatid ko." Nakangiting tugon nito. "Sure po kayong effective 'to ah, dalawang bote na ang bibilhin ko." Aniya at inilapag sa counter ang mga boteng hawak at naglabas ng wallet. "Ito nga ang binabalik-balikan ng mga dalaga dito dahil maganda ang epekto." Iplinastik nito ang mga bote ng coconut oil na binili niya. Ibinigay ni Andrea ang five hundred pesos bill at kinuha ang plastik. "Sabi ninyo iyan ha. Kapag hindi ay magrereklamo talaga ako." Biro niya. Tinanggap naman iyong ng ginang at naghanda mg panukli. "Ngayon lang kita nakita rito. Ikaw baga'y bago lamang dito?" Abot sa kanya nito ng sukli at sinipat ng mabuti ang kanyang mukha. "Ahh... O-opo. B-bago lang po ako rito." Pagak na tawa ni Andrea at inayos ang pagkakasuot ng hood ng jacket niya. "Aba'y pagka-init ika'y naka-jacket pa. Hindi ka ba nababanasan?" Pasimplemg pinunasan ni Andrea ang tumulong pawis sa kanyang pisngi. "N-nilalagnat po kasi ako kaya... nilalamig." Pagsisinungaling niya. Kahit init na init na siya ay talagang tiniis niya. Iyon lamang ang paraan upang hindi siya makilala ng mga tao. "Sige po mauna na ako. Babalik na lang po ako sa susunod kapag naubos na ito." Taas niya sa hawak na plastik. Ngumiti lamang sa kanya ang ginang. Palabas na si Andrea ng tindahan nang may pumasok na panibagong costumer. Agad siyang nagyuko ng ulo at lumabas. "Magandang umaga po 'Nay Rosario." Napatigil sa paghakbang si Andrea mang maulinagan ang pamilyar na boses. Lilingon na sanang muli siya nang may isa pang costumer ang pumasok. Binaliwala na lamang niya ang guni-guni na baka kakilala niya ang boses na iyon, kaya naman ay dali-dali na siyang lumabas ng tindahan. Maraming tao ang nagdaraanan at baka may makakilala sa kanya kapag nagkataon. Mabuti na iyong nag-iingat. Tinungo niya ang nakaparadang kotse ata agad na lumulan. ** "Naku sayang Damien at hindi mo naabutan." Untag ni Aling Rosalia sa binata. "Ano po iyon?" "May magandang babae kanina ritong bumili. Maputi, makinis, matangkad!" Napatawa si Damien sa ginang. "Sus! kayo talaga 'Nay Rosario, ibinugaw na naman ba ninyo ako?" "Sayang nga at hindi kita nabanggit sa kanya, nakaligtaan ko na rin. Ang ganda e, napatulala ako." Natatawang napailing na lamang si Damien. "Ano ba ang iyo at napadayo ka?" "Napaso kasi si Cholo sa makina. Meron ka ba d'yan 'nay para sa paso?" "Naku, malala ba?" May bahid ng pag-aalala na tanong nito. "Hindi naman ho gaano." "Heto," abot sa kanya nito ng isang maliit na bote. "Ipahid niya kamo dalawamg beses sa isang araw. Kailangan munang malinisan ang sugat bago pahiran." "Salamat po." Akmang mag-aabot na siya ng bayad nang pigilan siya ng ginang. "H'wag na hijo. Maliit na bagay lang iyan para makatulong. Ipakumusta mo nalang ako sa lagay ni Cholo." Napangiti si Damien. "Salamat 'Nay Rosario." Tanging tango lamang amg itinugon sa kanya ng ginang. Bukod sa pagtitinda nito mg mga organikong produkto, ay kilalang-kilala si Aling Rosario sa pagiging matulungin nito. Napakabait at madaling pakisamahan sa kabila ng edad nito. Itinuring na itong nanay-nanayan ni Damien mula noong mapadpad siya roon sa lugar. "Mauna na po ako." Paalam niya. Pagkalabas ng tindahan ay agad na nagtungo si Damien sa isang grocery store. Mamimili na rin siya ng stock para sa talyer. Mga kape, biscuit at ibang kutkutin at pang meryenda. Mahalagang may stock sila dahil sa umaga ay talagang nagkakape ang lahat, sa hapon ay ganon rin na sinasamahan ng tinapay bilang kanilang break time. Dumiretso siya sa isang corner kung saan naka-display ang mga kape. "Damien!" Napalingon siya sa katabi. "Brandon, ikaw pala." Pagkilala niya rito. Dati itong nagtatrabaho sa talyer. "Para ba 'yan sa talyer?" Tukoy nito sa hawak niyang isang brand ng dalawang dosenang kape. "Ah oo, naubusan na ng stock e. Alam mo naman ang sa talyer, kape ang puhunan para magising ang kaluluwa." Tawa ni Damien. Naglakad siya sa kabilang stall kung saan naka-display naman ang mga biscuit. "Ikaw, kumusta ang hanapbuhay mo?" Nakasunod sa kanya si Brandon habang namimili rin ito ng bibilhin. "Hayun, sa awa ng Diyos kumikita naman. May mga pagkakataon na madalang ang benta, minsan malakas." Kibit-balikat nito. Dati itong mekaniko sa talyer na ngayon ay may sarili ng hanapbuhay. Sa maliit na puhunan ay nagtayo ito ng sariling negosyo ng pagbebenta ng isda sa palengke. "Ganyan talaga. Kung malugi man ay normal lang yun, parte 'yan ng pagnenegosyo e. Ang mahalaga ay bumabangon at lumalaban." Napangiti si Brandon. "Buti ka pa nga e, parang wala kang pinoproblema. Parang ang dali-dali lang sa'yo ng lahat." Napailing si Damien. "Hindi mo rin sigurado dahil may kanya-kanya tayong pinagdaraanan." Kumuha siya ng isang pack ng biscuit. Right. Every person has their own problems at hindi natin alam kung ano man iyong pinagdaraanan nila. Kung gaano iyon kabigat para sa kanila. We might look at it as a simple circumstances pero sa kanila ay malaking bagay iyon na kailangan nilang panghawakan at pasanin. We can't understand that person dahil hindi natin nararanasang malagay sa kalagayan nila. Kung gaano sila kahirap na at gumawa at pumili ng desisyon. And it depends on you, how you look at those things. Nasa sa iyo na iyon kung papaano mo iintindihin at uunawain ang pinagdaraanan ng isang tao. Patuloy silang nagkukwentuhan habang namimili nang may marinig na tila nag-aaway sa may counter. Napasilip ang dalawang lalaki sa kaguluhang nagaganap roon. May iilang mamimili rin ang nakapila sa harap kaya hindi nila gaanong maaninag kung ano ang nangyayari. "Hindi ko naman kayo tatakasan e!" Dinig nilang wika ng isang babae na tila ay may kaalitan. "Sige Brandon, mauna na ako." Agad na tinapos ni Damien ang pamimili ng mga kailangan at pumunta sa may counter. Padami na nang padami ang mga naaabalang costumer dahil sa gulo. "Excuse me po." Aniya sa isang ginang na nakaharang at dumaan upang makalapit sa kaguluhan. Nakita niya ang cashierman na si Jun na nakikipag-alitan sa isang costumer. "Eh miss, hindi nga ho pupwede." "Paanong hindi pwede?" Nakapamaywang na sagot ng babae. "I said, iiwan ko muna rito ang mga pinamili ko then babalikan ko. I'll just need to withdraw a cash at magbabayad ako." Napakunot ang noo ni Damien nang mabosesan ang tinig. Tiningnan niya ang nakatalikod na pigura ng babaeng costumer. Nakasuot ito ng grey hoodie-jacket at black leggings. Nakasuot ang hood ng jacket sa ulo nito kaya hindi niya makumpirma ang pagkakakilanlan nito. But somehow her voice was familiar. "Paano po ako makakasigurado na babalikan ninyo ang mga ito?" Tukoy ng cashierman na si Jun sa mga naka-plastic ng mga pinamili ng babae. "Hindi po pupwedeng iwan ninyo ito rito at hindi bayaran dahil na-resibuhan ko na po. Sa akin po makakaltas kapag hindi ninyo nabayaran iyan. At least man lang po ay mag-iwan kayo ng I.D. o kahit anong card para sa katunayan na babalikan po ninyo ang mga pinamili ninyo." Inis na nakagat ni Andrea ang ibabang labi. Kanina pa nag-iinit ang ulo niya sa kaherong ito. Padami na rin nang padami ang nakukuha nilang atensyon sa ibang mamimili. At hindi maganda iyon para sa kanya. Tiningnan niya ang wallet na bitbit. May ilang mga cards at I.D. naman siyang naroon ngunit hindi niya maaaring ibigay iyon dahil makikilala siya nito kapag nagkataon. Baka mangyari na naman ang kinatatakutan niya. Wala na kasi siyang cash na natira dahil ipinambayad niya sa pagpapagawa ng kotse niya noong nakaraang linggo. Ipinautos niya na lamang ang pagbabayad dahil sa hiyang humarap pa sa mga taong naroon lalo na kay... Napabuga na lamang ng hangin ang dalaga. "Look," muli niyang tiningnan ang kahero---kahera o ano man ito. "Wala akong I.D na pwedeng ibigay at wala rin akong cash na dala. And if you'll let me, kaya nga ako magwi-withdraw ay para makabayad. Do I look like a criminal to you? Manggagantso?" Naka-arko ang isang kilay na aniya rito. Ngunit ang hangal na baklita ay tiningnan lamang siya mula ulo hanggang paa na tila ba pinagdududahan siya. Well... Wearing a hood jacket and a simple black leggings? Mukha ba siyang kahina-hinala? Idagdag pa ang pagkakapal-kapal na eyeglasses niya at magulong buhok. Do she really look like na gagawa ng masama? Andrea aggressively groan with irritation 'Juice ko Lord! Pahabain ninyo ang pasensya ko dahil baka makasapak ako rito nang wala sa oras.' ** Nanatiling nakatayo lamang roon si Damien at pinagmamasdan ang nakatalikod na babae. Kita niya ang pagkuyom ng kamao nito na animo ano mang oras ay sasabog na ito na parang bomba dala ng pagkainis. Muli ay naalala niya ang nakaraang pangyayari noon sa talyer. Kung gaano rumihistro ang takot sa magandang mukha ng dalaga nang magkagulo. Should he help her? Pero baka kung ano na naman ang isipin nito sa kanya kapag ginawa niya iyon? Na nanghihimasok na naman siya sa sarili nitong problema. Nagkibit-balikat na lamang si Damien at tumalikod. Maybe he better not to. Ngunit agad din siyang napatigil nang muling nagsalita ang dalaga. "For your info 'miss...TER.' kaya kong bilhin ang grocery'ing ito kung gugustuhin ko. At hindi ako magpapaka-kriminal para lang sa maliit na halaga." Puno ng diin ang bawat salita na wika ni Andrea. "Ah talaga ba? Kaya mong bilhin ang grocery pero wala kang pambayad ng pinamili mo?" Sarkastikong sagot ng kahero. Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Andrea. "Aba put---!" Bago pa man niya maituloy ang sasabihin ay may biglang sumingit. "Ako na Jun." Isang matipunong braso ang humila sa kanya at humarap sa cashier. Kunot ang noong napatingin si Andrea sa lalaking bigla na lamang sumingit. Nanlaki ang kanyang mata nang mapagsino ito. 'What the...' Si Damien ang humarap sa nag-aalburutong kahero. Bigla na lamang nagbago ang ekspresyon nito at tila biglang lumamlam nang makita siya. "Fafa---" napaubo ito. "Damien." Inilabas ni Damien ang wallet at naglabas ng pera."Ako na ang magbabayad dito," tukoy niya sa pinamili ni Andrea. "Isama mo na rin itong akin." Inilapag niya ang mga hawak sa counter upang marisebohan. "Kilala mo ba 'yang babaeng 'yan?" Duro pa ng kahero kay Andrea habang iniisa-isang ini-scan ang pinamili ng binata. "Baka scammer 'yan kuya Damien at may technique para makapangloko." "Excuse me?" Agad na nagpuyos ang galit kay Andrea. "Lakas ng tama mong tawagin akong scammer! E ikaw nga itong nagpapanggap na maskulado, nahiya ka pang lumadlad!" Kita niya ang panlalaki ng mata nito. Hindi makakaligtas da kanya ang malagkit nitong tingin kay Damien. Hah! Sinong niloko nito? Siya pa ba na halos lahat ng uri ng tao ay nakasalamuha na? Lakas ng loob nitong tawagin siyang scammer dahil lang sa suot niya? Napaka-judgemental! Taas noong tiningnan niya ito. "Where's your tongue honey?" Nakaarko ang isang kilay na sabi niya. Napatulala na lamang ito sa kanya at walang maapuhap na sasabihin. Andrea finally smiled triumphantly. "Really sis, hindi mo kinaganda ang pagiging judgemental mo." Bago pa man siya makapagsalita pa ng iba ay agad na siyang hinila ni Damien palabas ng grocery bitbit ang mga supot ng mga pinamili. ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡ CONTINUATION BELOW.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD