The Hot Mechanic pt. 2

3493 Words
Ngunit hindi na niya ito pinakinggan pa at tuluyan nang lumabas ng opisina nito. Sa sobrang pagkapahiya sa sarili gayon din dito ay hindi na niya kakayanin pang makaharap ito. Sobra-sobra ng kahihiyan ang dinanas niya at gusto na lamang niya magpalamon sa kung anong elemento sa lupa. "P-pare! Pare si Andrea!" "Andrea?" Napatigil sa paglakad si Andrea nang marinig ang kanyang pangalan. Nanlaki ang mata niya nang makita na lahat ng tao sa talyer ay nakatingin na sa gawi niya na tila hindi makapaniwala ang mga ito. 'Did they recogni—' Oh shoot! Nakalimutan niyang isuot ang sumbrero at mask niya! "Si Andrea nga!" Ngunit huli na dahil nakilala na siya ng mga ito! Agad na umahon ang kaba at takot sa dalaga nang magsimula nang magkagulo ang lahat. Nagsilabasan na ang mga ito ng cell phone at kinuhanan siya ng litrato. "Andrea Del Juanco!" "Pa-picture Andrea!" "Pa-autograph ako!" Nanginginig sa takot si Andrea na tumingin sa paligid. Halos lahat ng naroon ay nakilala na siya at may kanya-kanya ng hawak na cell phone. Hindi pwedeng malaman ng media at ng ibang tao kung nasaan s'ya! Pakiramdam niya ay pinanghihinaan na siya at matutumba. Napaatras siya nang unti-unti nang dumumog ang mga ito. Hindi na malaman ng dalaga ang gagawin dahil napuno na ng pangamba ang kanyang utak sa kahihinatnan ng lahat. 'N-no...' Sa muli niyang pag-atras ay may nabangga siya na matigas na bagay. A strong arm encircled on her shoulder at hinapit siya palapit sa katawan nito. Napalingon siya sa may-ari niyon. "Layo." Wika nito sa boo at maawtoridad na tinig na nagpatigil sa lahat. Mas hinigpitan pa ni Damien ang pagkakayakap sa kanya palapit sa katawan nito. Isinuot sa kanya nito ang sumbrerong naiwan niya sa opisina. She can feel the warmth brought by his body. Kahit papaano ay nabawasan ang pangamba niya nang maramdaman ang pagprotekta nito sa kanya. She felt secured in his arms. Walang salitang inakay siya ni Damien palabas ng shop habang nakapaloob parin sa bisig nito. Nakatingin lamang sa kanila ang mga tao sa paligid at sinusundan ng iilan. Dinala siya ng binata sa likod na bahagi ng talyer kung saan naroon ang kanyang kotse. Binuksan nito ang pinto at pinasakay. "Sakay." Anito at inalalayan siya makalulan. Umikot ito sa kabilang bahagi at sumakay na rin. Isinalpak nito ang susi at pinaandar ang makina. May iilan paring mga tao ang nakasunod sa kanila at nakaharang sa daan. Nakakunot ang noo ng binata na pinindot ang busina ng kotse upang patabihin ang mga ito. Nang maklaro ang daan ay agad na ipinaharurot nito ang kotse palayo sa lugar. "Si Andrea pala 'yon?" Ani ni Cholo kay Tonton. "Oo nga. Sayang at hindi man lang tayo nakapagpa-picture." Nanghihinayang naman na wika ng isa. "Hayaan mo at papasahan nalang kita. Marami akong nakuhang pictures n'ya kanina." May pagmamalaking ipinakita nito ang cellphone. Nagtatakang nagkatinginan naman sina Rico at Glenn. Tama ba ang kanilang nakita? Si Damien at ang sikat na artistang si Andrea ay magkakilala? Muli ay sinilayan nila ang papalayong kotse na lulan ng mga ito. ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡ TAHIMIK na bumabiyahe sina Damien at Andrea. Wala ni-isa ang nagsasalita at ang tanging tunog lamang ng umaandar na kotse ang umaalingangaw. Malakas pa rin ang pintig ng puso ni Andrea dahil sa nangyari. Halo-halong takot, pangamba at pagkabigla ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Ano bang ka-tangahan ang sumapi sa kanya at nakalimutan niya na hindi nga lang pala sila nag-iisa sa lugar na iyon? There are 40 people outside o higit pa. She played her fingers on her lap. Kung hindi napigilan ang kaninang muntikang mangyari ay baka dinumog na siya. Her agency will really screw her to death dahil sa kabobahan niya. Napalingon siya sa binatang nagmamaneho. Damien was seriously driving while his eyes are on the road. There was no any emotion shown on his magnificent face. Nakakunot ang noo nito at tutok na tutok ang atensyon sa daan. "H'wag mo 'kong tingnan ng ganyan." Kapagkuwa'y sabi nito sa seryosong tinig at nananatiling nakatuon ang mata sa kalsada. "Alam ko na ang nasa isip mo kaya uunahan na kita. Tinulungan kita dahil kailangan. Kaya h'wag mo ng isipin at problemahin pa 'yang nasa isip mo dahil ginawa ko na. Nanghimasok na naman ako sa problema mo. Tapos." "But that's not what I—" Nilingon siya ni Damien with his deadpan look. His eyes were like ice. Napakalamig at walang emosyon. Nagkamali nga siya. Damien is not like a typical guy. Nakagat na lamang ni Andrea ang ibabang labi. Tila ay dinala ng ihip ng hangin ang kanyang sasabihin at nablangko. Itinikom na lamang niya ang bibig. Papara saan pa ang pagpapaliwanag niya kung iba na ang tingin nito sa kanya? She deep sighed at muling sumandal sa kinauupuan. She look at outside the tinted window of her car at pinagmasdan ang tanawin na kanilang nadaraanan. She crosses her arms on her chest at nanahimik. God! Gusto na lamang niya maiyak sa lahat ng nangyari. While driving, napansin ni Damien ang pananahimik ng dalaga sa tabi. He slowed down the car at pasimple niya itong nilingon. Andrea was silently looking outside the car's window. Kita niya ang naghahalong emosyon sa diyamante nitong mata na hindi niya mawari kung ano ang mas umaangat. Lungkot ba o pangamba? He saw a tear scapes from her diamond eyes na agad nitong pinahid gamit ang kamay. She's holding herself to cry. Wala sa sariling napabuntong hininga na lamang si Damien at muling ibinalik ang tuon sa pagmamaneho. ** "Nandito na tayo." Imporma ni Damien at pinatay ang makina ng sasakyan. Nasa tapat na sila ng mansyon ng mga Del Juanco sa Anastasia. Hinubad ni Andrea ang seatbelt at pipihitin na sana niya ang pintuan nang bumukas iyon. Damien who open the car's door lend her a hand. Tiningala ng dalaga ang mukha ng nakaabang na binata. Nahihiya man ay tinanggap niya ang nakalahad nitong kamay at umibis na rin ng sasakyan. "Heto," bigay sa kanya nito ng susi ng kanyang kotse. Tinanggap iyon ng dalaga. "Ipapahatid ko nalang dito mamaya ang bike kapag natapos na ang gawain sa talyer." Dagdag pa nito at tiningnan ang oras sa suot na pambisig na relo. "S-sige." Tanging tango na lamang ni Andrea rito. She feel so awkward. Namulsa si Damien at tiningnan ang dalaga. "Mauna na'ko. Marami pang kailangang gawin sa shop." Anito. Mahigpit ang hawak ni Andrea sa car key at nagpahabol na salita. "A-ah Damien..." Tumaas lamang ang isang kilay ng binata at hinintay ang kanyang sasabihin. Andrea's heart was beating rapidly na animo nakikipag marathon. Kinakabahan siya. Actually ay kanina pa niya inihahanda ang sarili kanina palang sa biyahe upang kausapin ito. Ngunit kahit ano atang pagpapakalma ang gawin niya ay tila kitikiti naman ang kanyang puso at hindi mapalagay. 'You have to say it Andrea!' Udyok niya sa sarili. "A-ano uhm... Gusto ko lang s-sabihin na... Salam—" ♬♪TELL ME WHY! AIN'T NOTHIN' GOT A HEART ACHE!♬♪ Parehas silang natigilan nang marinig na mag-ring ang cell phone ni Damien sa bulsa nito. Sabay silang napatingin roon. "Pasensya na." Pasintabi nito at dinukot mula sa bulsa ang cellphone at sinagot ang tawag. "Hello Rico." Nanatiling nakatayo lamang roon sa tabi si Andrea at nakinig sa usapan nito. Mukhang ang tumatawag ay ang katrabaho nito sa talyer. "Ngayon na? Sige, sige papunta na'ko." Pagkatapos niyon ay pinatay na nito ang tawag at muling ibinulsa ang cell phone. "Kailangan ko na bumalik. Kailangan na kasi ako roon." Anito at patakbo ng umalis. "D-damien wait!" Ngunit bago pa man niya masabi ang dapat sabihin ay nakalayo na ito. Bumagsak na lamang ang balikat ng dalaga dahil sa pagkadismaya. "Salamat..." Bulong na lamang niya sa hangin habang tinatanaw ang papalayo nitong pigura. "Ma'am Andrea?" Lapit ni April sa amo nang makita ito. "Nakabalik na po pala kayo. Hali na po kayo sa loob, baka po masunog ang kutis ninyo sa init." ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡ NAPALINGON ang lahat nang muling magbalik si Damien. Everyone there was looking at him as if waiting for his announcement about the actress. At ano naman ang gustong marinig ng mga ito? Ang malaman kung saan nakatira ang dalaga? Kung bakit ito naroon? Agad siyang nilapitan ni Rico at Glenn. "May problema tayo 'Mien." Ani Rico. "Nasira iyong machine ng Battery charger at jumper natin. May nakasagi yata kanina kaya natumba." Imporma ni Glenn. "Kaya nga iyong mga dead batteries ng ibang motor hindi na maayos dahil walang pagtsa-charger-an." Napakamot na lamang sa ulo si Rico na sinulyapan ang nag-iisa nilang machine na ginagamit sa pag-charge ng mga baterya ng sasakyan. Nakapamaywang na pinagmasdan ni Damien ang paligid. Nagulo ang shop dahil sa hindi inaasahang pangyayari kanina. May ilang equipments din ang nasira at ilang nasugatan. Damien brush his hair with his bare hands. Kanina ay animo may giyera at bigla na lamang nagkagulo. Mabuti na lamang at agad na naaksiyonan ang kaguluhan at marahil kung hindi ay mas malala pa rito ang nangyari. Nilingon niya ang mga lalaking nakatambay sa lilim ng punong mangga. May pinagpipiyestahan ang mga ito sa kung ano mang meron sa mga cell phone nito. "Pare tignan mo ito, ang ganda ng kuha ko kanina kay Andrea." Dinig pa nilang wika ng isa at ipinakita sa mga kasamahan ang litrato. "Aba oo nga ano, papasa ako n'yan!" "Ako rin!" Nangunot ang noo ni Damien at kumuyom ang mga kamao. Napansin naman iyon ng dalawang kaibigan at nakaramdam ng kaba sa anumang posibleng mangyari. "Damien," hawak ni Glenn sa balikat ng binata upang pakalmahin ito. Nilingon ito ni Damien. "Hindi ako gagawa ng gulo. Kakausapin ko lang sila." Aniya sa kalmadong tinig at tinungo ang grupo ng mga kalalakihan sa lilim ng mangga. Hindi mawari ni Glenn ngunit kung sa tinig at hitsura man niti ay mukhang kalmado, mas nangingibabaw ang pangamba niya. Hindi pa nila nakikita ng ganoon si Damien. Marahil ay totoo nga ang ika nila, mas nakakatakot ang kalmadong dagat dahil hindi mo alam kung anong oras ito magngangalit. Sinundan na lamang ng tingin ni Rico at Glenn ang binata. "H'wag ka mag-alala Glenn, alam ni Damien ang gagawin niya." Damien approach the group of men feasting on their phones. Tila busy'ng busy ang mga ito dahil hindi man lang siya napansin sa kanyang paglapit. Tumikhim siya upang kuhanin ang atensyon ng mga ito. "Pwede ko ba kayong makausap." His tone was serious. And it's not a question, it's more an authority. "Ano 'yon brad?" Tanong ng leader ng grupo. Ang iba ay napatingin sa kanilang gawi at nakinig sa usapan. "Tungkol sa nangyari kanina, irespeto sana natin ang privacy ng tao. Wala sanang ibang makakaalam sa kung nasaan ang aktres. Na nakita n'yo s'ya." Puno ng kaseryosohan niyang wika sa mga ito. Nagkatinginan ang lahat na tila ay hindi naintindihan ang nais niyang ipahiwatig. Muling nagwika si Damien. "Buburahin ninyo ang mga pictures o maghahanap kayo ng ibang talyer na mag-aayos sa mga motor ninyo." Walang paligoy-ligoy niyang wika. "Teka brad, baka pwede naman natin iyang pag-usapan?" Nag-aalangang sabi ng leader ng grupo. "Kung hindi ninyo buburahin ang mga litrato, mabuti pang umalis na kayo." Mapagbantang ani Damien. Lumapit na rin doon si Glenn at Rico nang tumataas na ang tensyon. Sandaling nagkatinginan ang mga ito. "Sige, sige. Buburahin namin lahat." "Sir naman, minsan na nga lang namin makita si Andrea, malapitan pa." "Oo nga sir, kahit souvenir lang sana." Dinig nilang hirit pa ng ilan. "Ano bang mas mahalaga sa inyo? Buhay n'yo o ang picture na 'yan? Baka nakakalimutan ninyong malayo pa ang babiyahien natin. At sa oras na hindi natin naipa-check at naipaayos ang mga motor, baka mamaya ay madisgrasya pa tayo sa daan." Natahimik ang lahat dahil sa paninermon ng kanilang lider. Ni-isa ay wala ng nagtangka pang umapila at nanatiling tikom na lamang ang mga bibig. "Sige na, burahin n'yo na." Labag man sa kalooban ay wala ng nagawa pa ang grupo. Leader na mismo nila ang nag-utos. Binura nila ang mga litratong nakuha. "Paano kami makakasigurado na binura n'yo ngang talaga ang mga pictures?" Ani Glenn. "Mangyari lamang po na ipakita ninyo sa amin ang inyong mga cell phone patunay na walang kahit isang litrato ang natira." Segunda naman ni Rico. Isa-isa nilang tsinek ang mga cell phone ng mga ito at nakitang burado na ang lahat ng litratong nakuhanan. "Pasensya ka na brad sa nangyaring gulo." Hinging paumanhin kay Damien ng lider. "Wala iyon. Ang mahalaga ay nagkaintindihan at naayos na." Ngiti mi Damien. Nakahinga naman ng maluwag si Glenn mang humupa ang tensyon. Tama nga si Rico, alam ni Damien ang gagawin sa mga ganitong pagkakataon. "Makakaasa kang walang makakaalam tungkol dito at sa'tin-sa'tin lang." Kinamayan at nagkangitian na rin ang dalawang lalaki. "Rico, Glenn," baling ni Damien sa mga kaibigan. "Sabihan ang lahat na bumalik na sa trabaho." Tumango ang dalawa at tumalima. Muli nang bumalik si Damien sa kanyang ginagawa. "Naks naman!" Damba sa kanya ni Rico. "Hindi mo sinabi sa akin na si Andrea pala ang gerlpren ah." "Sira! Anong girlfriend ka d'yan?" Binuksan niya ang toolbox at hinanap ang gagamiting tool. "Iyon ba iyong kinukwento ni Glenn noong nakaraan? Iyong magandang babae raw na tinulungan mo." "Oo siya 'yun." Sinimulan niyang kutingtingin ang inaayos. "Hanep pre! Artista pa!" Tila proud na proud pang sinuntok siya nito sa braso. "Itong si Glenn kow! Hindi man lang alam na artista na pala ang nasa harap." "Alam mo naman ang isang iyon, e mas makaluma pa sa lolo ko sa tuhod. Hilig lang niyan ay makinig ng radyo." Natatawa niyang ani. "Oo nga." Pagak itong tumawa. "E ikaw? Hindi mo ba alam na artista pala iyong tinulungan mo?" Natigilan si Damien. Ang totoo ay noong nakaraang araw lang din niya nalaman na isa palang sikat na artista ang dalaga. Kaya pala napaka pamilyar ng maganda nitong mukha. Nang mapadaan siya sa isang karinderya upang bumili ng ulam ay napanood niya ang isang balita tungkol sa kumakalat na eskandalo tungkol sa aktres. But he realized something... The way Andrea acts ay malayong-malayo sa kumakalat na tsismis tungkol dito. Well, hindi naman kasi talaga niya lubusang kilala ang dalaga kaya sino s'ya para husgahan ito? "Hindi. Noong isang araw ko lang nalaman." Kibit balikat niya. "Ang swerte mo, crush na crush ko 'yun e! How to be you po?" Kantiyaw ni Rico. ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡ BUONG maghapong nakahilata si Andrea sa kama niya. Pinipilit niyang matulog ngunit ang utak niya naman ang ayaw magpatahimik sa kanya. She exagerately pull down the covers at humilata sa kama. God! This is killing her! She felt so guilty dahil sa mga sinabi sa binata. Damien has his point at tama ito sa sinabi. Siya lang naman itong nagmamataas at nagmamatigas. Now she feel so awkward around him. Hindi na niya alam kung papaano pakikitunguhan ang binata. She wanted to talk to him seriously but... she don't know how to. Napahilamos na lamang si Andrea sa mukha. 'Ang t-nga mo self.' Pagalit niya sa sarili. Juice coloured! Kinakain na siya ng konsensya niya at ayaw na siyang patahimikin. "I'm home! Where's Andrea?" Dinig niyang tinig ng kanyang Daddy. Mukhang kararating lamang nito. "Nasa kwarto niya po si ma'am Andrea. Mukhang nakatulog po dahil sa init." Muling itinalukbong ni Andrea ang kumot sa sarili at mariing pumikit. Hindi naman ganoon kainit sa kanyang kwarto dahil sa air condition. Utak niya lang talaga ang ayaw magpatulog sa kanya kahit na anong pilit niya. "Sir Buendio, may tao po sa labas at hinahanap po si ma'am Andrea." "Sige at ako nalang ang haharap." Nagising ang buong diwa ni Andrea nang marinig iyon. Naalala niya ang sinabi ni Damien na ihahatid nito ang naiwang bisekleta sa shop. Pagkakataon na niya iyon upang makausap ang lalaki! Pero anong sasabihin niya sa lalaki? Humingi ng tawad? Ang mag-sorry? Ah basta! Dali-dali siyang bumango ng kama at sumilip sa bintana. She saw a figure standing on the gate of their mansion while holding a bike. Nagliwanang ang mukha ng dalaga at dali-daling nag-ayos ng sabog niyang hitsura. "M-ma'am Andrea!" Nagulat pa ang isang kasambahay nang makita siyang bumaba ng hagdan. Nagmamadali niyang tinakbo ang pinto at lumabas. Sa gate ay naabutan niya ang kanyang Daddy na may kausap. Habang papalapit, biglang bumagal ang mga paa ni Andrea nang makita ang lalaki sa may gate. "Pasensya na po Mr. Del Juanco kung pumasok ako ng ganito ang hitsura sa subdivision ninyo. Hinatid ko lang naman po itong bike na naiwan po ni miss Andrea sa shop." It wasn't Damien. "Naku, ano ka ba Rico. Ayos lang. Salamat sa pag—Andrea." Napalingon sa kanya ang butihing ama. "I thought you were asleep." "Magandang hapon po miss Andrea." Abot taingang ngiti sa kanya ng lalaki. Tanging tango at kiming na ngiti lamang ang iginanti niya rito. "Here's Rico, hinatid niya ang naiwan mong bike sa talyer." Pakilala sa kanya ng ama. "Thank you Rico. I owe you one." Ngiti niya rito at kinuha mula rito ang bisikleta. Halos mamula naman na parang kamatis ang binata. "W-walang ano man po. S-sige po Mr. Del Juanco, miss Andrea. Mauna na po ako. Magandang hapon po ulit sa inyo." "Sige hijo, salamat din." Nang maisara ang gate ay sabay na silang muling pumasok ng ama. Tulak-tulak ang bike, bagsak ang balikat ni Andrea dala ng pagkadismayang hindi makita ang inaasahang binata. Ano bang inaasahan niya? Ang makita ito matapos niyang sumbatan ito? 'You're just making yourself a fool Andrea.' "Why are you acting like that? Parang dismayado kang hindi nakita ang prince charming mo?" Pansin sa kanya ng kanyang Daddy. "Acting like what Daddy? Napagod lang ako kanina." Patay malisya niyang ani. "Why? Are you expecting for Damien?" "What?! N-no. No of course. Bakit naman?" Pagak siyang napatawa ar nag-iwas ng tingin sa ama. 'Hindi ka naman masyadong obvious ano, Andrea?' Nagkibit-balikat na lamang si Buendio. "Okay, sabi mo e." ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡ PARANG kitikiti sa tubig na nagtatalon si Rico nang makabalik sa talyer. "Sheeeeet~ Damien ang ganda niya sa malapitan!" Ani pa nito at niyugyog si Damien sa balikat. Napapailing na lamang ang binata sa kabaliwan nito. Kanina pa nila natapos ang pagkukumpuni sa mga motor ng kanina nilang customer. Ipahahatid na sana niya kay Tonton ang naiwang bisikleta ng dalaga nang magprisinta si Rico. At ang loko nagpumilit pa. "Pakiramdam ko pati mga balahibo ko sa puson nagsitayuan nung magtagpo ang aming mga mata." Wika nito habang inaalala ang mala-diyosang mukha ng dalaga. Napabuga si Glenn ng ininom na kape. "P*ta!" "Tapos alam mo ba Damien..." Hirit pa nito na animo batang excited ipakita ang bagong laruan. "Yung ngiti n'ya! Dios ko yung ngiti n'ya makalaglag brief!" Napatayo na sa kinauupuan niya si Glenn at binatukan si Rico. "Malala na sakit mo sa utak!" Napakamot na lamang si Rico sa ulo at masama ang tingin na binalingan si Glenn. "Masama bang maging fan boy minsan? Idol na idol ko yun e!" Natatawang pinagmasdan ni Damien ang dalawa. "E mga tao lang din naman 'yang mga iniidolo mo. Parehas lang din kayong tao na humihinga ng hangin, umuutot, kumakain." "Palibhasa kasi ikaw old school! Mga idolo mo patay na at matagal ng pinaglamayan!" Ganti ni Rico. "Aba't—!" "O ano? Ano? Ano?" Naghahamong ani Rico. Nasapok na lamang ni Damien ang noo. Daig pa ng mga ito ang mga batang kalye kung magbangayan. Napatawa rin siya nang may maalala. Ganoon na ganoon din sila ng kapatid na si Cesar tuwing nagkakasama sila. He then remembered Andrea... Ewan niya ba at nakaramdam siya ng galit hindi para sa dalaga kundi para sa sarili. The moment he saw her tears on her eyes, pakiramdam niya ay nais niyang sapakin ang sarili. Inaamin niyang naging harsh siya rito. Ngunit hindi rin niya maitatanggi sa sarili na kung hindi niya iyon sasabihin ay hindi lang di ito matututo. But the fact that he hurt her feelings makes him to want to punch himself. Kanina ay natakot lang din siya sa posibleng mangyari rito nang magkagulo. He was relieved nang pasimple itong inenspeksyon at walang kahit anong sugat at galos ang natamo. Mabuti na lamang at naroon siya upang protektahan ito. Now, how will he approach her? Napaisip siya sa sarili. Paano nga ba? Matapos ang sinabi niya rito ay malamang na lalayo ang loob nito sa kanya. 'You'te not thinking Damien!' Pagalit niya sa sarili. Pero papayag ba siyang hanggang doon na lamang ang lahat? 'No.' Itutuloy... ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡ Hope you enjoyed! Don't forget to vote★ and leave a comment~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD