3 | The Hot Mechanic

4764 Words
Join my f*******: Group to read my stories for free: Juanna Balisong STORIES ❗ SPG WARNING❗ ENJOY READING! (/>oHOLDING a clipboard and a pen on his hands, kausap ni Damien ang leader ng grupo ng mga motorcycle riders na kanila ngayong costumers. Nagpapaayos ang mga ito ng mga tires at parts dahil sa mahabang biyaheng nilakbay. "Bale 25 kami lahat so 25 motorcycles din." Tumango si Damien sa kausap at isinulat ang ditalye sa hawak na clipboard. "Mukhang medyo matatagalan pa tayo rito. Sa dami ninyo ay kukulangin ang mga tauhan namin dito. Okay lang ba kahit na magtagal kayo? Baka malayo pa ang pupuntahan ninyo?" "Hindi naman, saka ayos lang na magtagal pa kami rito, para na rin makapagpahinga kami sa biyahe. Saka balita namin, ang shop n'yo raw ang pinakamagaling kumumpuni sa lugar." Napangiti si Damien. "Tatanggi pa ba ako? Tama ka d'yan." Buong pagmamalaking tugon niya. Isinara ni Damien ang ballpen na hawak. "Saan ba kayo paroron at mukhang malayo-layo na rin ang biyahe ninyo?" Tiningnan niya ang iba pang riders na naroon na may kanya-kanya ring motorsiklo. "Papa-Tagaytay kami e." "Malayo-layo nga. Sige at tatawagin ko na ang ibang mekaniko para masimulan nang ayusin ang mga sasakyan ninyo. May bakanteng lote sa harap, malilim doon at pwede n'yong pagpahingahan." Turo niya sa harap na bahagi ng shop kung saan may lilim ng punong mangga. "Salamat brad." Tapik nito sa kanyang balikat bago pumunta sa mga kasamahan. "Damien," napalingon siya kay Glenn. "Ilan daw ba sila?" "Beinte singko lahat." Inilapag niya sa counter ng hardware ang clipboard at ballpen. "Ang dami ah! Mabuti nalang pala at walang nag-leave sa atin ngayong araw." Anito habang binibilang ang mga motorsiklo na nakaparada sa malawak na espasyo ng shop. "Tiyak na malaki ang kikitahin natin dito, baka magbigay pa ng bonus si boss T!" Tukoy ni Glenn sa kanilang amo. "Tawagin mo na sila para masimulan na ang pag-aayos. Malayo pa naman ang pupuntahan ng mga costumers natin." "Yes manager." Saludo pa ng ugok bago tinawag ang ibang tauhan sa talyer. Tiningnan ni Damien ang oras sa orasan na nakasabit sa dingding ng hardware, isinasaad doon na mag-a-alas nueba na ng umaga. He put his both hands on his torso at nakapamaywang na nagpalinga-linga sa paligid. Kanina niya pa hinihintay ang dalaga. Ang usapan nila ay maaga ito pupunta upang kuhanin ang kotse nito, ngunit malapit ng magtanghali ay ni-anino nito ay wala pa. He again look at the group of men na nakatambay sa harap talyer. Tantya niya ay naglalaro lamang sa 25-35 years old ang mga ito. Binilinan na niya si Andrea na dapat ay 7 o 8 ng umaga ay naroon na ito sa talyer dahil marami silang customers na darating. Ngunit ang iniiwasan pa ata niyang mangyari ay hindi maiiwasan ng pagkakataon. Ang sa kanya lang naman ay baka mabastos ang dalaga ng mga lalaki. And he don't want that to happen to her. Kahit na mukha namang matitino ang mga ito ay kung talagang bastos ay bastos. "Manager, saan po ang uunahin namin?" Agaw pansin sa kanya ni Cholo. "Inspeksyunin n'yo muna isa-isa para malaman ang sira. Check n'yo ang breaks at mga headlights." "Sige po." Maging ang ibang mekaniko sa talyer ay nagsimula ng magtrabaho. He removed his Tshirt at ang tanging naiwan na lamang ay ang puting sando. Showing his perfect body, maging ang ibang kalalakihan ay napapatingin sa magandang pangangatawan ng lalaki. "Bakit ba ang unfair ng mindo?" Kapagkuwa'y sabi ni Rico at naghubad na rin ng damit dahil sa init. Tiningnan niya ang katawan. Kung ikukumpara ang mala-juanito niyang katawan ay walang-wala ito sa mala-adonis na si Damien. "Sana all mahal ni Lord." Tingin niya kay Damien. Balewala lamang dito kung magmukha itong gusgusin o dugyot dahil sa gandang lalaki. Si Damien ang tipo ng lalaki na kahit hindi ayusan ay talagang gwapo. Lumulutang ang pagka-maskulado nitong katawan dahil sa hapit at naghihimotok na sando. "Pakagat sa pandesal mo Rico." Natatawang ani Damien at kinuha ang toolbox. "Bans nga ang sa iyo." Tingin niya sa bumabakat na abs nito. "O halika na," itinaas ni Damien ang laylayan ng damit. "Kagat na." Pigil ang tawang tiningnan niya si Rico. "Sira-ulo!" Tuluyang napatawa ang binata. Maganda rin naman ang katawan ni Rico. May hitsura rin ito at may pagka-Robin Padilla ang dating. Sadyang nakukulangan lamang ito ng confidence. Napailing na lamang si Damien at nagsimula na ring mag-ayos. ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡ MULING pinasadahan ni Andrea ng tingin ang kabuuan sa salamin. She comb her hazelnut hair using her brush at nag-spray ng hair moisturizer. Nang makuntento ay lumabas na siya ng kwarto at bumaba at hinanap ang ama. "Dad?" Nakita niya itong nakaupo sa salas habang katapat ang laptop. Lumapit siya rito. "Hey honey, good morning." Lingon sa kanya nito. "You look beautiful. May lakad ka ata?" Napansin ni Buendio ang magandang bihis ng anak. 'Well, she looks good at everything.' Niyuko ni Andrea ang sarili. She's wearing a sleeveless light blue tank top and a highwaisted white leggings. Pinaresan niya ito ng blue converse at puting cap. "Uh... Yeah, kukuhanin ko na iyong kotse ko e. Pwede mo ba akong samahan Dad?" "Naku hija, hindi ako pwede ngayon. I have a meeting at 10 then after it ay kailangan kong pumunta sa company." Muli nitong nilingon ang laptop kung saan ay nakaready na ang virtual meeting ng mga ito at may hinihintay na lamang. Agad na rumihistro ang pagkadismaya sa mukha ng dalaga. "Is that so? Pero hindi ko alam ang papunta sa sinasabi ninyong talyer." Buendio move his chair to face her daughter. "I'll give you a map kung gusto mo. Malapit lang naman ang talyer at tiyak na hindi ka maliligaw." "Ano ako, si Dora?" Ingos ng dalaga. Napatawa ang ama. "Silly," Umikot na parang bola ang mata ni Andrea. "I'm just making sure dahil baka kung saan ako mapunta." "Kaya nga binibigyan ka ng mapa." May isinulat ang Daddy niya sa notebook at pinunit iyon. Inabot sa kanya nito ang isang kapirasong papel. May nakasulat na linya roon na nagsasaad ng kanyang daraanan. "Just follow the line there. Sa paglabas mo ng subdivision ay kumanan ka, then sa pangalawang kanto kumaliwa. Tawirin mo ang kalsada and few steps lang may makikita ka ng Tonying's Hardware na signage. That easy." Paliwanag nito na tila isa lamang iyong alpabeto. Nakakunot ang noo na pinagmasdan ni Andrea ang papel na hawak. "Are you sure with this Dad?" "Aba, sa tinagal-tagal ko na ritong nanirahan walang eskinita ang hindi ko alam. Pati pa nga pagkakasunod-sunod ng baranggay saulo ko." May pagmamalaking wika pa ng ama. Napabuntong-hininga na lamang si Andrea at ibinulsa ang papel. Wala siyang choice kundi ang pumunta mag-isa. "Okay, I'll go ahead para makabalik din agad." Akmang tutunguhin na niya ang pinto nang muling magsalita ang ama. "Maglalakad ka lang?" Muli niyang nilingon ito. "Do I have a choice?" Aniya at ipinagkibit-balikat. "Wait," ani ng ama niya at may sinenyasan. "April!" Agad na tumalima ang isang dalagang kasambahay nila. "Ano po iyon Sir?" "Hindi ba at may bike ka?" "Opo, meron po." Tango nito. "Baka naman pwede mong pahiramin si Andrea. May pupuntahan kasi itong anak ko." "H-hihiramin po ni ma'am Andrea ang b-bike ko?" Nanlalaki ang mga mata nito na tila hindi makapaniwala sa naulinagan. "P-pero po sir medyo kinakalawang na po iyon. Baka po madumihan ang suot ni ma'am Andrea." "It's okay April," singit niya sa usapan. "Hindi naman ako ganoon kaarte ano? Can I barrow your bike please?" Napalingon sa kanya ito. "Sigurado po kayo?" Wala ng pag-aalinlangan na tumango ang dalaga. ** Sakay ng medyo kinakalawang na bisikleta ay sandaling tumigil muna si Andrea sa tabi ng kalsada. Suot niya ang puting kalo at itim na facemask upang hindi makilala ng mga tao. Kalalabas pa lamang niya ng subdivision at hindi pa nakakarating sa paroroonan ay tagaktak na ang pawis niya. Sa sobrang init ay halos hindi niya magawang pumadyak pa. "Ma'am Andrea?" Napalingon siya sa guard house at nakita ang bodyguard na si Potpot. "May pupuntahan po kayo?" Bumaba siya ng bike at lumapit dito habang hila-hila ang bisikleta. "Kuya, pwede bang magpahinga muna ako rito kahit saglit?" "Sige po, dito po kayo sa loob, may electric fan po rito." Isinandal niya ang bisikleta sa tabi at pumasok sa loob ng guard house. Naupo siya sa isang monoblock katapat ng electric fan. "Saan po ba ang punta ninyo?" Tanong nito at inabutan siya ng isang bote ng mineral water. Andrea pull down her facemask at binuksan ang bote saka uminom. "Kukuhanin ko kasi iyong kotse ko sa talyer." Inayos niya ang pagkakasuot ng sumbrero at sumilip sa labas ng bintana. Mahirap na dahil baka may makakita at makakilala sa kanya. "Pupunta po kayo sa Tonying's Hardware? Nasabi po sa akin ni Glenn na marami po silang costumers ngayon." "It's okay kuya Potpot. Kukuhanin ko lang naman ang kotse ko don at hindi na magtatagal." Isinara niya ang boteng hawak at muling inayos ang pagkakasuot ng facemask. "Aalis na po kayo ma'am?" "Oo e. Salamat kuya." Inayos ni Andrea ang pagkakapusod ng buhok at ipinasok iyon sa sumbrero. Now her hair looks like a pixie cut. Siguradong wala ng makakakilala sa kanya. "Ingat po kayo ma'am." Tumango siya rito bago muling kinuha ang nakasandal na bisikleta at umalis. Mabuti na lamang at natakpan ng mga ulap ang araw at hindi na ganoon kainit. Mukha namang hindi makulimlim at sakto lang ang aliwalas ng panahon. Pedalling the bike, nagpalinga-linga si Andrea sa paligid. After years na hindi pag-uwi sa kinalakihang lugar ay marami ang naging pagbabago. Medyo malayo man ito sa modernong lungsod ay kapansin-pansin pa rin ang kagandahan at kalinisan ng lugar. Sa kabila ng pagyakap nito sa modernisasyon ay napapanatili pa rin ng lugar ang kagandahan ng kultura at kalikasan. May mga mayayabong na puno parin ang nakatanim sa gilid ng mga daanan. Sementado ang kalsada at ni-isang basurang nakakalat ay wala kang makikita. Maging ang mga tao ay disiplinado at sumusunod sa batas trapiko. 'Cross the road on left and find the hardware.' Iniliko niya ang bisikleta at maayos na tinawid ang kalsada. The soft breeze was gently caresses her smooth skin na tila siya ay niyayakap. Napakapresko ng hangin na tumatama sa kanyang mukha. Kung maaari lamang na tanggalin niya ang suot na sumbrero at facemask para langhapin ang samyo ng hangin ay ginawa na niya. Kailan ba ulit siya makakaramdam ng kalayaan? Iyong tipong hindi na niya kakailanganing magtago at magpanggap. Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga. 'All will be alright in time Andrea...' Ipinagpatuloy niya ang pagpedal, at ilang padyak pa ay nakita na niya ang malaking signage ng hardware. Sa paglapit sa talyer ay napansin ni Andrea ang grupo ng mga riders na nakatambay sa may lilim ng punong mangga sa tapat. Nakasuot ang mga ito ng uniporme ng grupo at vest. Sandali siyang napatigil sa hindi kalayuan. Bigla ay nakaramdam siya ng pangamba dahil baka may makalilala sa kanya. Humigpit ang hawak ni Andrea sa manibela ng bisikleta. Ano na lamang ang mangyayari sa kanya kapag nalaman ng media kung nasaan siya? Embes na maasam niya ang katahimikan ay baka mas lalo lamang kumumplikado ang lahat. Mas ibinaba niya ang pagkakasuot ng kalo at siniguradong walang buhok ang makikita. She then again ride the bike at tuluyang tinungo ang talyer. ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡ ABALANG-abala ang lahat sa pagkukumpuni ng mga motorsiklo. Lahat ng tauhan ng talyer ay naroon upang ayusin ang beinte singkong mga motor ng kanilang costumer. Ang mga motorcycle riders naman ay pansamantalang nakatambay sa lilim ng mangga sa tapat ng shop. Doon ay may mga upuang gawa sa pinagtagpi-tagping kahoy na kanilang inuupuan. Napalingon ang lahat nang may bisikletang tumigil sa tapat ng shop. "Pre! Pre! Tingnan mo! Hayun oh!" Nguso ng isang rider sa babae dahilan upang mapalingon na rin doon ang pansin ng iba. A very appealing lady parked her bike on the side. Wearing a sleeveless light blue tank top, showing her flawless arms na kulang na lamang ay magliwanag sa sobrang kakinisan at kaputian. Mahihiya atang dumapo ang langaw sa balat nito dahil baka dumulas lamang iyon doon. Kitang-kita ang magandang hubog ng balingkinitan nitong katawan sa suot nitong fitted high-waist white leggings. Bawat kurbada ay detalyadong-detalyado. "Ang ganda pare! Panalo!" Pabulong na wika pa ng isa habang sinusundan ng tingin ang dalaga. The lady was wearing a mask and a cap kaya hindi nila maaninag ang mukha nito. Ngunit sa magandang katawan pa lamang ay panalo na! "Baka naman hipon iyan kaya tinatago ang mukha." Natatawang komento ng isa. "Lapitan mo dali! Hingin mo yung number." Udyok ng mga riders sa isa nilang kasamahan upang lapitan ang babae. "Kayo nalang!" Piksi naman ng lalaki. "Sige na! Hihingin mo lang naman yung number e!" Pamimilit pa ng mga ito. Halos mapugto na ang hininga ni Andrea sa sobrang tensyon. Dama niya ang mga tingin na ipinupukol sa kanya but she don't mind about their stares. Ang inaalala niya ay baka may makakilala sa kanya kapag nagkataon. Inayos niya ang stand ng bike at maayos itong ipinarada sa gilid. She tighten the wear of her cap and pulled up her mask. Tanging mata na lamang ang nakikita sa kanya. "Uhm... Excuse me." Halos mapatalon sa gulat ang dalaga nang may biglang magsalita sa kanyang gilid. Bigla ay umahon ang kaba kay Andrea at mahigpit na napahawak sa kanyang sumbrero. 'D-did they recognized me?' Kinakabahang kastigo niya sa sarili. "Ahh... Miss, gusto ka sanang makilala ng mga kasamahan ko. Can I get your number?" "N-no." Mabilis na iling niya at naglakad palayo rito. Ngunit hindi pa man siya nakakailang hakbang ay may kamay na pumigil sa kanyang braso. She looked at the hand on her arm. 'Aba't ang kulit!' "Kahit pangalan mo nalang miss." Ipiniglas ni Andrea ang braso dahilan upang mabitawan nito. "No. Thank you." Madiin niyang sabi habang iniiwasan ang tingin nito. Nagmartsa siya paalis at pumasok sa shop. Akala ni Andrea ay doon na matatapos ang lahat ngunit nagkamali siya. Sa pagpasok sa shop ay agad na natuon naman sa kanya ang tingin ng mga mekanikong nag-aayos doon. Yumuko siya upang itago ang pagkakakilanlan. "Pare may chixs!" Siko ng isa sa katabi. Napatingala si Cholo sa dalaga habang kinukumpuni ang isang motorsiklo. "S-sino pong hanap ninyo?" Napatingin sa kanya ang dilag. Tila ay nahipnotismo si Cholo sa mala-diyamante nitong mata nang mapalingon ito sa kanya. "I'm looking for Damien." Wika nito sa seryosong tinig. "S-si manager po?" Siniko ni Cholo ang katabing kaibigang si Tonton. "Uy si manager daw." "N-nasa loob po." Tila namamalignong tugon ni Tonton at itinuro ang direksyon ng loob ng opisina ng shop. Matapos niyon ay lumakad ito patungo sa opisina ng kanilang shop. "Ang... g-ganda..." Bulong ni Cholo sa katabi habang sinusundan pa rin ng tingin ang magandang dalaga. "H'wag ka, kay manager iyon!" Tampal naman ng kaibigan sa mukha nito. Andrea walked straight sa itinuro nito. Humawi ang mga nakaharang sa kanyang daraanan, tila ay ayaw ng mga itong mabahiran siya ng dumi o kalawang. Para siyang si Noah na hinawi ang karagatan. Tila siya modelong rumampa sa runway show at pinapalakpakan ng lahat dahil sa mga tingin at titig sa kanya ng mga ito. Hindi malaman ni Andrea kung mahihiya o maiinis. Ngayon lang ba nakakita ang mga ito ng magandang babae? For sure ay hindi naman. Diretso niyang tinungo ang sinasabing opisina. She knocked on the door at naghintay kung may sasagot. She can't stand their stares anymore na tila isa siyang usa na naghihintay malapa ng mga gutom ng hena. She again knocked but this time ay mas malakas. "Anyone there? Damien?" Sa inis niya sa paulit-ulit na pagkatok ay pinihit na niya ang seradura. Bukas iyon. Hindi na siya nagdalawang isip pang pumasok at ini-lock ang pinto. 'Goodness! Daig pa ng mga adik ang mga 'yon kung makatingin!' Inis niyang hinubad ang sumbreo at mask. Kasabay ng pagsara ng pinto ng opisina ay ang pagbukas naman ng pinto ng cr. Fresh from shower, Damien walk out from the cr and closed the door. Ang tanging suot lamang nito ay ang pantalong maong. His broad shoulder and well-built body was oozing with hotness. He was robbing a towel on his wet auburn hair. Tumigil ata sa pagproseso ang utak ni Andrea at napatitig na lamang sa lalaki. Jesus Christ! He's so freaking hot! Upon rubbing his hair with a white towel, a drop of a dripping water from his wet hair sexily drop to his strong chest dripping down and down to his formed bunch of rich abs. Sinundan ni Andrea ng tingin ang butil ng tubig na tumulo sa buhok nito pababa sa ulalam nitong katawan papasok sa pantalon nito. She wonder... where that water went after it travel down to his sexy torso? Napatigil sa pagpunas si Damien sa basang buhok nang mapansin ang dalaga sa may pinto. "Andrea?" Gulat niyang bulaslas nang mapagsino ito. Bakas rin sa magandang mukha nito ang pagkagulat nang makita siya. Hindi niya mapigipan ang sarili na suriin ito. She look so gorgeous with those fitted white leggings at hulmang-hulma ang bilugan nito hita at binti. Her messy hazelnut hair was sexily disheveled down to her shoulders. Her slender body was shown with her light blue tank top. Every angle and curves of here are really captivating. "Andrea." Muling tawag ni Damien sa dalaga. Napaangat ang tingin ni Andrea sa mui gwapito nitong mukha. His eyes was fierce with a pair of thick brows. Napaka-manly ng pagkapunto ng panga nito. His lips was so red and she wants to imagine how is the feeling of being kissed by this hot mechanic. Tila nanlabo ang kanyang paningin kaya ilang beses siyang napakurap. At sa muling pagmulat ay kanyang namataan, Damien slowly walk towards her while not breaking their intense stares. She stepped back but... fool of her! She's trapped dahil pinto na pala ang nasa likod niya. God! She can feel her heart pounding so hard as if it was racing! Napasandal si Andrea sa pinto nang tumigil ito sa harap niya, ilang dangkal ang pagitan sa kanilang dalawa. She can feel his hot fresh mint breath striking down to her face. She can smell his fresh manly bath scent that sents shiver down to her spine. Pakiramdam niya ay nais matunaw ng kanyang tuhod. Ilang dangkal na lamang ang layo nila sa isa't isa at halos nagkakapalitan na sila ng hininga. When she exhale, he inhale and vise versa. Sinalubong ni Andrea ang nagaapoy na titig nito sa kanya. She look up to him and saw the desire on his eyes. She saw how Damien's eyes look down to her lips as if he was thinking of kissing her. Nagipon ng lakas ng loob si Andrea upang makapagsalita. "What's making you stop Damien?" She utter while also looking to his tempting lips. She saw how his adam's apple moved. She raised her hand and gently touch his lips with her fingers. It was so soft and delightful. She then again meet his desiring gaze. She can feel that he also wanted to touch her but... "What's making you stop from touching me Damien?" Andrea daringly asked without breaking their burning gazes. Damien sighed when he felt Andrea's fingers stroking down his neck and to his chest. His breath become rage with temper. "I don't want to hurt you." He answered sexily with his hoarsed voice. "Why? Are you... going to hurt me?" Andrea bit her lips while intensely looking to his eyes. Marahas na napasinghap si Andrea nang tawirin ni Damien ang kakarampot na pagitan nila at siilin siya ng mapusok na halik. She felt his arm encircled around her waist to pull her more closely. He was kissing her hungrily. She put her hands to his broad shoulders ang feel his masculinity. Oh! she feel secure in his arms. She answered his kiss with the same tense and feel the magic brought by his lips. Pakiramdam ni Andrea ay matutumba siya sa oras na bitawan siya nito ngunit mabuti na lamang ay mahigpit ang pagkakayakap sa kanya ng matitipuno nitong braso na tila umaalalay sa kanya. She felt his other hand roam on her body. She can feel the warmth coming from his palm on her skin that makes her feel hot too. Damien's hand slid under her tank top feeling the softness of her porcelain skin. "D-damien..." Anas niya dala ng kakaibang sensasyon. Bumaba ang halik ni Damien sa kanyang leeg, kissing every sensitive part of her neck. She felt his hands under her tank top drawing circles on her skin. "Andrea..." Damien bit a very sensitive part of her neck that made her moan in pleasure. "Andrea." . . . "Andrea!" Napakurap nang ilang beses si Andrea nang maramdaman ang mahinang pagyugyog sa kanya ng dalawang kamay sa kanyang magkabilang braso. Nabalik siya sa katinuan at tila siya nagising sa isang malalim na panaginip. Unang bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Damien. He was holding her in both arms looking concerned and worried in his eyes. "Are you okay? Namumula ka." Anito at marahan siyang hinawakan sa noo upang tignan ang kanyang temperatura. "I-I'm fine, get off me." Piglas niya rito at bahagyang lumayo. Agad naman siyang binitawan ng binata. What the h-ck did just happened? Was she hallucinating? A-ano iyong nangyari kanina? Tiningnan niya ang sarili. She's still wearing her clothes... properly. She then looked at Damien. He's still only wearing a faded denim jeans, holding a white towel. Halos lumuwa ang mata ni Andrea nang may mapagtanto. Napatakip siya sa kanyang bibig dahil sa hindi makapaniwalang reyalisasyon. For Pete's sake! Did she just have a wet day dream? Her sharp eyes look at the confused man infront of her. > 'Bumaba ang halik ni Damien sa kanyang leeg, kissing every sensitive part of her neck. She felt his hands under her tank top drawing circles on her skin.' Napahigpit ang pagkakahawak niya sa hinubad na sumbrero at mask. She really did have a wet day dream with this... Pinasadahan niya ng tingin si Damien. He's only wearing a denim jeans pants showing his perfect body while holding a white towel on his hands. ... Hot mechanic. Mabilis na naipilig niya ang ulo. Goodness! She couldn't believe that she really did hallucinate! Baka dala lang ng init kaya ganoon. Maybe she's just hydrated at kung ano-anong masamang hangin na ang pumapasok sa kanyang utak. "Gusto mo ng tubig?" Kapagkuway tanong sa kanya ng binata. Tumango si Andrea at muling napatingin sa mala-Chris Evans nitong katawan. Napahaplos siya sa lalamunan, she felt her throat dried. Nauuhaw nga siya. "Y-yes. Please." "Maupo ka muna d'yan at ikukuha kita." Turo nito sa upuan katapat ng office table na naroon. Sinunod naman ng dalaga ang sabi nito at naupos sa upuan. Naihilamos niya ang kamay sa mukha at malalim na napabuntong-hininga. 'What the f-ck are you imagining Andrea?' Nasabunutan niya ang sarili dala ng pagkapahiya. Naalala niya ang hitsura ni Damien. Napansin kaya nito ang pagha-hallucinate niya sa mga "bagay-bagay"? Malamang ay oo. Nagmukha siyang t-nga kanina sa harap nito. 'Oh God!' Now she really hate herself. Muling bumalik si Damien bitbit ang isang baso ng tubig. Nakasuot na ito ng dirty white shirt. Hindi malaman ni Andrea kung bakit siya nakaramdam ng pagka-dismaya. Dahil ba hindi na niya masisilayan ang ulalam nitong katawan? Wala sa sariling muling naipilig ni Andrea ang ulo. Okay, malala na ang sira ng utak niya. "Heto," bigay sa kanya ng binata ng baso. Inilapag niya ang sumbrero at mask sa table at tinanggap ang inilad nitong baso. Ilang lagok lamang iyon sa kanya dala ng sobrang kaba at tensyon. "Gusto mo ikuha pa kita?" "No, hindi na." Iling niya rito. Mabuti at nahimasmasan na siya kahit papaano. 'Anong masamang hangin ang nakapasok sa utak ko at nangyaring I imagined THAT—' Tila nais magtaasan ng kanyang mga balahibo nang muling maalala iyon. 'T-nginaaa Andrea! Gumising ka!' Kung maaari lamang niya sampalin ang sarili upang magising ang inuubo niyang utak. "Mabuti pa siguro kung dumito ka muna kahit saglit. Malamang dahil sa init ay—" "No need." Putol niya rito at muling tumayo sa kinauupuan. "Pumunta lang ako rito para kunin ang kotse ko at hindi para magtagal pa." Diretso niyang sabi. Hindi na niya kaya pang magtagal sa lugar na iyon kasama ang binata dahil baka kung ano-ano na naman ang kababalaghang pumasok sa kanyang isipan. "Hindi kita pwedeng pabayaang umalis sa ganyang kalagayan. Baka mamaya ay himatayin ka sa daan at madisgrasya." "You don't have to worry yourself about me. I can handle myself. Now, where is my car?" Pagmamatigas niya. Napapamaywang na lamang si Damien na tumingin sa nagmamatigas na dalaga. "Dito ka hanggang sa maging okay ka na. Karga de konsensya ko pa kung may mangyari sa'yo." Tila kumukulong takure na nag-init ang ulo ni Andrea. "Ilang beses ko pa ba kailangang uulit-uliting sabihin sa'yo na okay ako, kaya ko. I'm not that reckless in driving kaya wala kang dapat ikabahala. Now tell me, nasaan ang kotse ko para makaalis na'ko." Nangungunot ang noong wika niya. Nakapamaywang na napatingala sa kisame si Damien. Sinusubukan talaga ng babaeng ito ang pasensya niya. "Pwede ba Andrea, h'wag mong gawing makitid ang utak mo." Nanlaki ang mata ni Andrea at napanganga sa naulinagan. "Anong sinabi mo?" "Hindi mo ba nakuha ang sinabi ko? Papatayin ako ng konsensya ko sa oras na hinayaan kitang umalis sa ganyang lagay. Magiging problema ko pa kung may mangyari sa'yo kapag nagkataon." "E 'di h'wag mong problemahin!" Naiinis niyang tugon dito. Aba! Ang lakas din ng apog nitong tawagin siyang makitid ang utak. Ito nga ang hindi makaintindi na hindi nito kailanganing problemahin siya. "Alam mo, ikaw lang naman itong nagpupumilit na idamay ang sarili mo sa mga problema ko. Why don't you just mind your own business Damien? Hindi iyong nakikialam ka sa problema ng iba." Hindi ito agad nakahuma sa sinabi niya. Damien just stared at her as if she hardly hit him with her words. Well, masakit talaga kapag sinampal ka na ng katotohanan. Taas-noong naglabas si Andrea ng wallet. "Magkano ba lahat nang mabayaran na kita. Just tell me the price, babayaran ko ng cash." Tiningnan niya ang laman ng wallet. Mabuti na lamang pala ay nakapag-withdraw siya kanina bago pumunta roon. "Ganon na lang ba kadali sa'yo 'yon?" Wika nito sa seryosong tinig. Napaangat ang dalaga ng tingin dito. Ano na naman bang ipagpipilitan nito? Kanina pa naghahalo ang inis at init ng panahon sa kanya at palagay niya ay kaunting push pa ay puputok na siya. Damien stared at her with his serious face. He look so much handsome with that look for the love of heaven! Ngunit... Andrea felt scared the way he stared at her. Mali ata ang pagkakakilala niya sa lalaki. "Ganon na lang ba talaga sa'yo kadali 'yon? Ni-hindi mo man lang magawang i-appreciate yung ginawang tulong sa'yo." Muling wika nito. "Ginawa ko 'yun kasi gusto kong tumulong, dahil nagmamalasakit ako. Tingin mo kasi lahat ng tumutulong sa'yo may hihingin na kapalit. Ni-salitang 'salamat' hindi mo pa masabi. Iba talaga kapag may pangalan ano? Nadadaan sa pera ang usapan." Si Andrea naman ang natigilan. Wow. She... didn't know what to say. Wala siyang maapuhap na sasabihin laban dito. It seems the cat finally got her tongue. Hindi niya alam kung papaano makailag sa sinabi nito dahil kung titingnan kahit saang anggulo ay tamang-tama siya. Namagitan ang katahimakan sa kanila. Salita lamang iyon ngunit... Ngayon niya lang naramdaman na talagang masakit ang masampal ng katotohanan. She don't know how to depend herself dahil talagang wala naman siyang maipagtatanggol pa. E sapol na sapol na siya. "Fine," nakagat ni Andrea ang ibabang labi. "K-kung hindi ko pa makukuha ang kotse ko ngayon, b-babalik nalang ako sa susunod na araw." Aniya at tumalikod dito. Mariin siyang napapikit. 'Pano ba maglaho na parang bula?' Aniya sa sarili at tinungo niya ang pinto. "Andrea—" Ngunit hindi na niya ito pinakinggan pa at tuluyan nang lumabas ng opisina nito. Sa sobrang pagkapahiya sa sarili gayon din dito ay hindi na niya kakayanin pang makaharap ito. Sobra-sobra ng kahihiyan ang dinanas niya at gusto na lamang niya magpalamon sa kung anong elemento sa lupa. CONTINUATION BELOW.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD