●♡●♡●♡●
MONTHS AGO
"Nandito na naman ba tayo Damien?" Nangungunot ang noo ni Severino na tiningnan ang panganay na anak. "Ilang beses ko na ba sa'yong sinabi na wala kang mapapala sa kalalakwatsa mong 'yan."
Nakaupo sa sofa si Damien habang sinesermonan na naman ng ama. Pinagsiklop niya ang mga kamay at nagpaliwanag. "Dad, I told you. Hindi naman ako basta nagliliwaliw lang kung saan-saan... I'm trying to find myself." Pagtatangol pa niya sa sarili.
"Finding yourself? Bakit, nawawala ka ba?"
Napakamot sa ulo si Damien sa pamimilosopo nito. "Dad naman, what I mean is, I'm finding my passion. Hinahanap ko kung saan talaga ako magaling."
"But you're excellent in everything Damien! Hindi pa ba sapat iyon?"
Napabuntong-hininga na lamang ang binata.
"Papasaan pa ang pag-aaral mo ng Mechanical engineering? E hindi ba kaya nga tinapos mo ang kursong iyan ay para sa kumpanya? Dahil ikaw ang magmamana ng business natin kapag ako'y nawala na."
Napaangat siya ng tingin sa ama. "H'wag naman kayong magbiro ng ganyan Dad. Mas malakas pa kayo sa kalabaw."
"Iyon na nga, hanggang kailan? You know what," Namaywang ang Don at tiningnan ang anak. "Why can't you just handle our business. Tutal ay alam mo na naman kung papaano patakbuhin ang F&Co. since you already have your experience."
In his Father's tone, it wasn't a suggestion but a command.
F&Co. is a construction company that provide a wide variety of services. These services include turnkey projects, new construction, interior fit-outs, site improvements and renovations. Kilala ang kumpanya dahil sa pagtatayo ng mga magagandang istruktura. Kabilang ang F&Co. construction sa mga malalaking construction company na kinililala maging sa ibang bansa.
Muling napabuntong-hininga si Damien.
He graduated Magna c*m laude in Bachelor of Science in Mechanical Engineering. He also take Master's degree in Mechanical Engineering in UK and after it kukuha pa sana siya ng Doctor of Philosophy sa naturang degree ngunit hindi na niya itinuloy pa iyon. Sayang lamang sa panahon.
Aanhin niya ang tinapos kung hindi naman talaga iyon ang gusto niyang marating?
He wanted to take Automotive Engineering. Ang interes talaga niya ay nasa mga sasakyan, he wanted to design new vehicle models or vehicle systems using engineer design software, enhance the technical performance, and et cetera. Ngunit dahil sa kagustuhan ng ama ay hindi iyon ang kinuha niyang kurso.
'It's so hard to be the first born...' Aniya sa sarili.
Napakahirap maging panganay dahil naiipit ka sa gitna. Kung pipiliin mo ba ang nais mo o ang prayoridad mo bilang panganay.
He take Mechanical engineering instead of Automotive Engineering dahil prayoridad niyang i-handle in the future ang kumpanya ng pamilya nila.
Naiinggit siya sa mga nakababatang kapatid niya dahil natupad na ng mga ito ang nais na marating. Cesar is now a novelist, Faith is a model. Siya na lamang itong napag-iiwanan.
"Dad, I'm... Not really for this."
"What do you mean?" Kunot ang noong napabaling si Severino sa anak.
"I'm not really for the position you are offering. Tingin ko ay hindi iyon para sa akin. I want to explore more to find what I really want."
Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ni Severino. "At ano ang gusto mo? Gumaya sa mga napapariwara? Damien, I'm offering you a life! Matagal ko nang isinulat ang magiging future mo. Sasayangin mo lang ba iyon?"
"But that life is not what I want Dad!" Bahagyang tumaas ang tono ni Damien dala ng tensyon
Unti-unting bumigat ang hangin sa paligid dahil sa namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa. Mabigat ang bawat paghinga na tila nag-iipon ng lakas.
Muling nagwika si Damien. "Ayokong gamitin ang impluwensya ng pangalan natin para lang makuha ko agad ang gusto ko. I want to work hard for it ng walang kahit kaninong tulong o impluwensya. I want a life where I can decide on my own at walang dumidikta."
Sa sinabing iyon ng binata ay hindi agad nakapagsalita si Severino. He was so stunned with what he'd heared.
Matapos niyon ay walang sabing lumabas si Damien at iniwan ang ama. He just can't take it anymore. Sakal na sakal na siya.
●♡●♡●♡●
PRESENT
Nahilot na lamang ni Damien ang noo nang maalala ang huling pag-uusap nila ng ama. Was he too harsh to him? Malamang ay nasaktan niya ang damdamin ng ama. Ngunit wala naman talaga siyang intensyong saktan ang damdamin nito. The only thing that he wanted is to make his Dad to understand him. Na may sarili rin siyang buhay at kagustuhan.
Damien stretched his strong arms at inilagay iyon sa batok. Ipinatong niya ang dalawang paa sa lamesa ng office at ipinagkrus iyon.
Now he finally feel the freedom here. Nae-enjoy niya ang pagkukumpuni ng mga sasakyan at paggawa ng pagsusuri sa mga ito. Inilabas siya ang isang sketch pad sa drawer at tiningnan ang mga drawing na iginuhit niya roon.
Naroon nakalagay ang mga drawing niya ng mga sasakyan na siya mismo ang nagdisenyo. Mga makina, models ng sasakyan, at iba pang mga ideya tungkol dito.
Maliit man ang kinikitang sahod mula sa pagmemikaniko at minsang pagpasa-pasada ay minahal na niya ang trabaho. Ni-minsan ay hindi siya nagsawa sa araw-araw na gawain. Balewala ang pagod kung mahal mo ang trabaho.
Kinuha niya ang isang tasadong lapis saka muling gumuhit sa isang blangkong pahina ng kanyang sketch pad.
Dito sa trabaho niya ay malaya siya. Walang dumidikta at mahal niya ang ginagawa. Unlike with what his Father's want, napaka-demanding ng oras kung tinanggap niya ang alok nitong trabaho.
Naalala niya ang mamahaling kotse na nakaparada sa likod ng shop. Pagmamay-ari iyon ng dalaga na tinulungan niya noong nakaraang araw. It was a McLaren 260R. Isang magandang uri ng super car na nagkalahalaga ng milyon-milyon. Naayos na nila ang pumutok na gulong niyon at tsinek na maging ang kondisyon ng sasakyan. Kulang na nga lang ay ipa-car wash niya pa iyon.
Tiningnan niya ang tahimik na cell phone na nakalapag sa office table. "May balak pa bang tumawag iyon o pababayaan na lang niya na mangalawang ang kotse niya rito?" Tukoy niya sa dalaga na siyang nagmamay-ari ng mamahaling kotse.
Muling sumagi sa kanyang isipan ang magandang mukha ng dalaga. Natatandaan niya pa kung papaano magtagpo ang mga kilay nito at mangunot ang noo tuwing magmamaldita ito sa kanya. He can still remember her voice na akala mo isang amazona na naligaw sa kagubatan. He can still remember her sweet scent that soothes his nose like it was giving him a satisfaction whenever he smell it.
Wala sa sariling napangiti siya. Malaking utang na rin ang naipon nito sa kanya. Inayos at in-inspeksyon na niya ang sasakyan nito, hinatid ang dalaga ngunit maski salamat man lang ay wala siyang natanggap mula rito. At aba! Pinagmalditahan pa siya.
Hindi siya makapapayag na wala siyang bayad na makukuha. Siya nga itong lugi dahil puro pagmamaldita lamang ang natanggap niya mula sa dilag.
Ngunit sa isipin pa lang na muli niyang masisilayan ang magandang mukha nito ay hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti.
"We will meet again Andrea..." He said while grinning to himself.
Pagbukas ni Glenn ng pinto ay naabutan niya ang kaibigan na parang aso na ngumingiti sa kawalan. Kinuha niya ang isang suot na tsinelas at binato ito. "Para kang timang d'yan!"
♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡
"HACHOOOOO!" Napakamot si Andrea sa ilong matapos mabahing. "May kung sino sigurong maligno ang pinag-uusapan ako." Aniya at pinahidan ang ilong gamit ang isang tissue.
Nakaupo siya sa kama ng sariling kwarto habang nakatutok sa kanyang laptop. Sinabi sa kanya ng manager na si Jerome na h'wag muna siyang mag-open ng kahit anong social media account. It is for her safety upang hindi malaman ng mga tao kung nasaan siya.
She's sure naman na walang makakakilala sa kanya sa lugar dahil bukod sa hindi ganoon ka-sibilisado ang lugar ay malayo ito sa modernong lungsod. Iyon din ang lugar na kinalakihan niya kaya sigurado siyang mababait ang mga tao roon.
Inabala niya ang sarili sa panonood ng movies at dramas na patok ngayon. Ngayon na lang din ulit siya nagkaroon ng time para sa sariling katahimikan. But she do admits na naboboryo pa rin siya.
There's nothing much activity to do para maaliw ang sarili. Wala rin naman siyang mapupuntahang lugar dahil hindi na niya ganoon kasaulo ang pasikot-sikot sa maliit na lungsod. Isa pa, hindi na niya alam kung saan nakatira ang mga dating naging kaibigan niya.
Napasimangot na lamang si Andrea at napabuga ng hangin. She blow some strands of her hair na tumatabon sa kanyang mukha. Ano pa bang pwede niyang gawin bukod sa humilata maghapon?
Binalingan niya ng tingin ang laptop. Jerome said she's not allowed to open her social media accounts. Pero kung gumawa siya ng isang dummy account ay hindi naman siguro nito malalaman iyon. Nais niya lang malaman kung ano na ang kaganapan sa internet. Kung namatay na ba ang issue tungkol sa kanya.
Gumawa siya ng fake account na kunyare ay isang fan account niya. She opened it at unang bumungad sa kanya ay ang isang article.
"Andrea Del Juanco caught on cam making out in her dressing room with a mysterious guy." Basa niya sa headline niyon.
Hindi niya alam kung matatawa ba o maiinis. Kung ano-ano na naman ang naglalabasan tungkol sa kanya. She clicked the article at binasa iyon. Ang laman lamang niyon ay puro mga kasinungalingan. Yes it has a picture of her na nasa dressing room pero hindi ibig-sabihin niyon ay iyon nga ang nangyari.
What truly happened in that picture was her, talking to her PA Janelle dahil lunch time nila iyon. Malamang ay may taong napadaan at pasimpleng kinuhanan siya ng litrato.
Napatawa na lamang si Andrea nang mabasa ang mga kumento pa ng ibang users. "Ang bibilis gumawa ng konklusyon e hindi naman talaga alam ang totoong nangyari."
She again scrolled and surf in the internet. Maraming mga litrato at article pa rin ang nagkakalat at hindi na siya nagulat pa nang makita na nag-top trending siya.
'Mga tao talaga, hindi napapagod pagdating sa mga mapag-uusapan. Mga dakilang tsismoso't tsismosa!'
May nakita siyang isang post ng isang netizen. It's about her saying that she's being a plastic type of person. Ani pa nito sa post, nagpa-plastic surgery lang daw siya para magmukhang artistahin at sumikat.
Agad na nag-init ang ulo ni Andrea sa nabasa. Nais niyang ipamukha rito na walang katotohanan ang ipinapakalat nito tungkol sa kanya, but she need to be calm. Baka may makahalata sa kanya na gumagamit siya ng fake account.
She deep breath bago nagtipa sa keyboard ng laptop.
Nag-comment siya sa mismong post upang ipagtanggol ang sarili. Aniya,
?: "You know how the showbiz work. Kailangan nilang ipakita kung ano yung maganda sa kanila para magustuhan sila ng tao. Yes, showbiz is full of plastic personality at hindi lahat ng nakikita natin o napapanood ay totoo. All of it is just for entertainment only. And correction. Andrea is not a result of plastic surgery. In-born na ang ganda niya.
#AvidFan
#AndreaDJ"
She then clicked the comment button. Wala pang isang minuto ay marami na ang nagre-react at comment din sa sinabi niya. Ang iba ay naiintindihan ang nais niya iparating ngunit may iilan pa rin ang mas makitid pa ata ang utak sa butiki at pati ang fake account niya ay bina-bash na.
"Ang bibilis kasing maniwala sa fake news at pati utak kinalawang na." Sa inis niya ay isinara na lamang niya ang laptop.
Muli siyang nahilata sa kama. Nagsisi na siyang gumawa pa ng fake account dahil naimbyerna lamang siya sa ka-toxic-an ng mga tao. 'Basta talaga issue at tsismis napakabibilis.'
Kinuha niya ang cell phone na nakapatong sa night table. Mabuti pang kumustahin na lamang niya si Janelle.
She tap the phonebook icon upang sana tawagan ang kaibigan nang mapansin ang isang pangalan.
'Damien the mechanic.'
Numero iyon ng lalaking tumulong sa kanya noong nakaraang araw. She wonder, ano na kaya ang nangyari sa kotse niya? Knowing that her car was on the hand of the cheap car shop, baka na-chop-chop na ang kotse niya at ibinenta na ang mga parts nito.
Napabalikwas ng upo muli si Andrea. Should she call him now? Baka kung hindi ay kung ano na ang gawin nito sa kotse niya. 'H'wag naman sana Lord, ilang taon ko rin yung pinag-ipunan!'
Wala ng pagdadalawang isip pang pinindot niya ang numero at tinawagan. Makailang ring pa ang lumipas bago ito sinagot ng kabilang linya.
?Damien: "Hello?"
Isang baritonong boses ang nagpatigil kay Andrea. It was so deep and sexy.
?Damien: "Hello, sino 'to?"
Why is the man's voice was so manly? His voice gives her a chilling and shivering feeling. Tingin niya ay kaya niyang pakinggan ang amorosa nitong tinig buong magdamag.
Ilang segundo pa ang tumagal bago nakapagsalita ang dalaga. "Y-yes hello," She cleared her throat before speaking again. "This is Andrea, the one who owns the white McLaren car."
?Damien: "Andrea? Iyong magandang maldita ba kamo?"
Agad na nagsalubong ang kilay ng dalaga at kumunot ang noo. Seryoso? Kikiligin na sana siya nang tawagin siya nitong maganda ngunit agad na napalitan ang kilig niya ng pagkainis sa idinugtong nito. Magsasalita na sanang muli siya nang muli itong magwika.
?Damien: "Pa'no naman ako makakasiguro na ikaw nga 'yon?"
Wala pang dalawang minuto ang kanilang pag-uusap ngunit punong-puno na siya agad dito. Mukha ba s'yang nakikipagbiruan?
"Crop with your verboseness mister. How will I get back my car?" Diretso niyang tanong. Ayaw na niyang pahabaan pa ang magiging usapan nila, baka mas lalo lamang masira ang araw niya.
?Damien: "Ikaw nga si Andrea." Ani pa nito mula sa kabilang linya na tila kilalang-kilala na siya nito. "Damien. Damien ang pangalan ko."
"So? Anong gagawin ko sa pangalan mo?" Agad na umarko ang isang kilay ng dalaga. Of course she knew his name!
?Damien: "May pangalan ako kaya hindi mo na kailangan pang tawagin ako ng "mister". Pero malay ko, baka gusto mo 'kong maging MISTER MO."
Tila dragon na umusok ang ilong ni Andrea. 'Ang lakas din ng tama nito ano?'
"Excuse me Mr. Damien, hindi ako ganoon ka-low-key at easy-to-get para madaan sa mga ganyang banat. Now... How. Can I get. Back my car?" Nanggigil na ulit niya sa tanong
?Damien: "Masyado namang mainit ang ulo mo. Bukas ay pumunta ka dito sa shop para makuha mo ang kotse mo."
"Pero akala ko ba ihahatid mo sa akin ang kotse kapag naayos? That's what you told me." Kunot ang noong aniya.
?Damien: "Iyon ang problema. May mga dadating kaming grupo ng costumers bukas at kakailanganin ng maraming tao, kaya hindi ko rin maihahatid sa'yo ang kotse mo. H'wag ka naman masyadong demanding, kaya mo naman sigurong kuhanin ang kotse mo rito."
Napanganga na lamang ang dalaga. Siya pa ngayon ang demanding? 'E siya nga itong nangakong ihahatid ang kotse ko!'
"Fine." Napairap na lamang si Andrea sa hangin. "What's the name of the shop?"
?Damien: "Tonying's Hardware. Katabi niyon ay may volcanizing and repair shop, doon na iyon. Basta sabihin mo lang ang pangalan ko."
"Okay." Papatayin na sana niya ang tawag nang humirit pa ito ng sasabihin.
?Damien: "See you tomorrow, Andrea."
Iyon lamang at ito na ang nagbaba ng tawag.
Andrea suddenly felt her heart skipped. Ang pagkabog niyon ay abnormal kumpara sa normal na t***k ng puso. Maski ang mga balahibo niya sa batok ay nagtataasan. 'What in the world—'
Napahawak siya sa dibdib. Damang-dama niya ang kakaibang pagrigodon ng kanyang puso. Hindi pa rin maalis sa kanyang isipan kung papaano nito bigkasin ang kanyang pangalan.
"See you tomorrow, Andrea..."
Oh shoot his manly voice! Nakakapanghina at nginig mg tuhod! Partida, boses pa lamang iyon ha. Napaka-sexy nitong binigkas ang bawat patinig sa kanyang pangalan. Ibang-iba kumpara sa normal na pagtawag sa kanyang pangalan ng iba.
Sa boses nito ay tila mapang-akit at mapang-aros ang naging tunog ng kanyang pangalan. Tila tuloy hindi na maalis sa kanyang isipan ang pahabol na sinabi ng binata.
"What's wrong with you Andrea?" Sampal niya sa sarili.
Hindi man niya aminin ay nakaramdam siya ng kakaibang excitement na hindi niya maipaliwanag ang dahilan. Pupunta lamang siya roon upang kuhanin ang kotse at wala ng iba.
Muli niyang isinalampak ang sarili sa kama. Maganda na rin siguro iyon upang masilip niya ang lugar.
♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡
MATAPOS maibaba ang tawag ay ngingiti-ngiting ibinulsa ni Damien ang cell phone. Kinuha niya ang screwdriver sa toolbox at muling binalikan ang pagkukumpuni ng sasakyan.
"Ano iyang pangiti-ngiti mo diyan Damien? Gerlpren mo ba katawagan mo kanina?" Puna ni Glenn sa kanya habang pinupunasan nito ang windshield ng pampasaherong dyip.
"Sira! Hindi, costumer iyon." Inikot niya ang hawak na distornilyador upang higpitan ang turnilyo sa inaayos.
"Sus, e halata naman diyan sa pangiti-ngiti mo na hindi lang basta costumer ang isang 'yon." Sabat naman ni Rico na siyang nagbabantay sa counter ng hardware.
"Tigilan n'yo ko. Baka utak ninyo ang pihitin ko." Banta niya sa mga ito at itinutok ang hawak.
Nagkatawanan lamang ang dalawa.
Napailing na lamang si Damien at muling nagpatuloy sa pagkumpuni.
Ngunit tama nga ang mga ito. Hindi lang basta costumer ang kausap niya kanina. Kung sino at ano man ang dalaga, iyon ang hindi pa niya alam.
Itutuloy...
♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡
Hope you enjoyed! Don't forget to vote★ and leave a comment~