Chapter 8

1188 Words
Everything seems a blur. Pero klarong-klaro ng isip ko ang mga nangyayari. Ang sakit, Zic bakit kapatid ko pa? Sa lahat ng pwede mong ligawan. Hindi ko kaya ang nakikita ko. Ang saya-saya nila, mukhang gusto pa nga siya ng mga magulang namin. Andito kami ngayon sa bahay, kinakausap siya ng mga magulang namin, habang itong kapatid ko, katabi ko ngayon. "Ate." "O-oh?" Sinusubukan kong hindi magcrack ang boses ko at baka ako mapaiyak nang wala sa oras. "Ang sweet niya noh? Ate, balak ko na siyang sagutin." Sambit niyang abot tenga ang ngiti. Pigilan mong lumuha Lex. "K-kelan?" "Ngayon din. Naghahanap lang ako ng tiyempo." At hindi na ako, nakapagsalita. "Iha, ipinagpaalam ka na sa akin ni Zic. May lakad daw kayo. Basta hindi lang gagabihin Zic." – Mama "Opo tita. Makakaasa po kayo." "Tara na." Papaalis na sila, alam kong sumulyap sa 'kin si Zic. Napakuyom ako, hindi ko na siguro kaya. Tama na. Itigil niyo na 'to. Isasakay niya na sana ang kapatid ko sa sasakyan niya pero pinigilan ko siya. "Ate, bakit?" Diretso lang ang tingin ko kay Zic. "Hindi ako papayag na isama mo ang kapatid ko. Hindi ako papayag na saktan mo lang siya." "Lex, hindi ka kasali sa kung anong meron kami. Wala kang kinalaman sa amin." Aalis na sana siya't sasakay na pero hinila ko siya sa kamay bago niya iyon magawa. "Anong wala!? Kilala na kita. Ano 'to pati ba naman kapatid ko lolokohin mo?" With one sudden move, he brushed his face with his right hand. I know he couldn't hold it much longer. Then, he burst out. "Yan ang hirap sa'yo Lex! Lagi mo kong pinapangunahan. Hindi mo man lang ako tinatanong kung bakit ganito o ganyan. Hindi mo ko hinahayaang mag-explain. Nag-aasume ka na lang palagi!" I saw tears flowing against his cheeks. I was dumbfounded. I was lost in words. I could hardly breathe. My heart, it's beating so fast. And then, I woke up. *inhale* *exhale* *inhale* *exhale* It was one surreal dream, yet it felt so true. Though wala akong kapatid, yung part na nangyari sa amin ni Zic sa panaginip ko, yung part na may "something" sa amin, parang totoo. I covered my face with my both hands. Bakit ko ba siya napanaginipan? Pakiramdam ko naiiyak ako. Parang may gusto pa siyang sabihin eh. Pero paniniwalaan ko ba ang ISANG PANAGINIP? I tried my very best para kalimutan yun, pero ang hirap pala. Hahahaha, nakakatawa talagang isipin na parang totoo yun. Natapos na ang klase pero bumabagabag pa rin ang mga bagay na yun sa akin. Aist, kelangan ko nang pumunta sa gym. --------------------------- "Buti naman at andito ka na," -Frank "Sorry ah? Medyo natagalan kasi ako sa huli kong klase." "Ay, nga pala. Eto si....."  Pinakilala niya isa-isa ang mga makakasama ko sa paggawa ng mga props at ng iba pang mga kakailanganin nila. And to my surprise pati siya. "at ito si Drey." I smiled na parang normal lang. Alanga namang tumunganga ako at ipakitang nagulat, mukha naman ako nung tanga. -_- At sa wakas ulit Drey pala ang pangalan niya. Hahaha. *************** Natatapos pa lang naming gawin yung ibang props para sa SCUAA kaya eto pauwi pa lang ako. Palabas na ko ng gym nang... "Drey!"       Napapikit ako. Sigurado akong si Shira yun. Ang weird ng nararamdaman ko ngayon. Pamilyar na ko sa boses niya. At kung may iniisip kayo, yup kasama rin si Shira sa paggawa ng props. Kelangan ko na talagang tanggapin na palagi ko nang makikita si Drey. Hindi ako naniniwala sa destiny kaya sigurado akong yung times na nagkakatagpo kami ay mere coincidence lang. SUPER MAJOR COINCIDENCE. Haist. Anong oras na ba? Hmm. 6 na pala, medyo madilim na rin pero dinala ako ng mga paa ko sa  field. Gusto ko munang magpahinga sa ilalim ng puno, kelangan ko ng peace. Nahiga ako at tumingin sa langit. *sighs* This is quite a view. *sshrekk* Hmm. Parang may nasa likuran ng punong ito. Pero hindi na ko nag-abalang tingnan. Naku, sa dami ng species dito malamang isa lang yun sa mga yun. *Zzzzzzz Huh? Napatayo ako. Anong oras na!? I grabbed my phone. 30 minutes na kong andito!? Aisht, napasarap ata tulog ko. T.T "Sorry hindi kita ginising, ang himbing ng tulog mo eh." "Z-zic. A-anong ginagawa mo dito?" Bakit ba ko nauutal? >.< Nakatalikod siya sa 'kin, pero boses niya palang hindi ko na kelangang tanungin kung sino siya. Ano ba talaga kasing ginagawa niya dito? I heard him chuckled. It wasn't nice for me to hear. "Grabe, nakilala mo ko agad. Nagmumuni-muni lang. Kanina lang kita napansin. Andyan ka pala." Sabay harap niya sa 'kin at ngiti. Bakit ganun? Parang ang daming sparkles sa paligid niya nung ngumiti siya? Hindi ko gusto tong nararamdaman ko. Agad-agad akong tumayo but---- wrong move bigla akong nahilo. Tsk, biglain ba naman ang sarili buti nalang at hindi niya yun napansin. "Sige. Mauna na ko. Late na eh." "Ihatid na kita sa sakayan. At saka, ang tagal na nating hindi nagkausap. Gusto sana kitang kamustahin." "Wag na. Kaya ko namang mag-isa." "Hindi, sasamahan na kita. Gabi na-----" "Pwede ba!? Ayaw kitang makita o makausap, please lang! Nakakainis lang! Bakit ba nagpaparamdam ka na naman? Tapos ano?! Huh? Lalayo ka na naman na parang hindi tayo magkakilala? Wag mong ipakitang concern ka, hindi tayo close." Tumalikod na ko't naglakad palayo. - - - - - - - - - - *face palm* S-sinabi ko ba yun? O__O Eto na naman yung ugali kong nagbu-burst out na lang bigla. Hindi man lang ako nag-iisip bago magsalita. Nakalayo naman na ko kaya hindi na niya ko mapapansin dito. But come to think of it, nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Part lang yun ng mga gusto kong sabihin sa kanya. =__= I was about to walk when someone grabbed my hand. Now, I'm facing Zic again. Tsk. "Yung tungkol dun, sorry." Sabi niya, sabay yuko. "Yung ano? Sorry din hindi kita maintindihan." "Lex naman---" "It's Alexa. Wag mo kong tawagin sa nickname ko, hindi nga tayo close." Ayoko talagang tinatawag akong Lex, lalo na kung hindi ko naman talaga ka-close. Weird ba? "Lex naman, sige mag-usap tayo. Magpapaliwanag ako sa 'yo." "Tungkol ba san? Kanina ka pa ha?" "Alam mo na 'yun." "Huh! Yan! Ipapa-assume mo na naman ako sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Papahulain mo na naman ako. Tsk, dyan ka na. Ang labo mong kausap." Bago ako makalayo, *exhale* kelangan ko 'tong sabihin. "Nga pala, wala ka naman talagang kelangang i-explain sa 'kin. Hindi naman ako nasaktan dahil sa ginawa mo. Natuwa pa nga ko kasi dun ko lang nalaman na may tao palang handa akong damayan kahit anong mangyari. Masaya ako na nakilala ko siya. Kaya salamat, naging way ka para magkakilala kami." Then, I walked away as fast and as far as I can. White lies. I can't believe I lied. Imposible talagang magsinungaling ako kasi nahahalata talaga ako pag ginagawa ko yun. Pasalamat na lang talaga ako at hindi ako nabuking kanina. *sighs* Now, I want to move on. For real. ----------------------------------------------- ----- puzzled_emo -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD