Papunta na kami ngayon sa next class namin. Kasama ko sina Casey, Kira at Ree. After nung nangyari kaninang umaga sa library, hindi na 'ko nag-abalang kausapin yung kumag na yun.
"Lex, napapansin kong hindi kayo nag-uusap ni Lexon ah, matapos lang ninyong mag-usap sa library kanina. Ano yan? LQ?" Tanong sa 'kin ni Casey.
And may nakakapansin din pala.
"Wag mo nga akong binibiro Casey. May topak ata ngayon yung Lechon na yun. Hayaan niyo na nga! Nakakasira lang yun ng araw eh!"
"Ay, LQ nga. Yieeee!!!! Hahaha" -Ree
Tsk. Pero hindi yun ang inaalala ko ngayon. Kelangan ko nang makapunta sa gym mamaya.
"Naku Lex, ayusin niyo yan. Kayo ang magkatabi sa Algebra class natin di ba?"
Napahinto ako.
-
-
-
-
-
-
-
Shocks!! Oo nga pala! >_______Sorry na.
Tss. Mukha niya. Nireplayan ko siya. Mahirap na ang magsalita. Mas terror kaya ang prof namin sa klaseng ito.
Ano'ng gagawin ko sa sorry mo?
Sabay abot sa kanya habang nakatingin sa board.
Lex naman eh. Mag-usap tayo mamaya ah. Pagkatapos ng klase natin dito.
Neknek mo. Sinong may sabing gusto kitang makausap? Kausapin mo sarili mo.
Minsan nakokonsensiya akong tinatarayan ko si Lexon at kung anu-ano na lang nasasabi ko sa kanya pero naman eh, pa'no ba magpaturn-off ng guy?
"Lexon! Please solve the problem on the board."
Napa-smirk ako. Haha. Yan, buti nga.
"Very good. You explained it well. Have a seat."
=____= At nakalimutan ko yung part na Math geek pala siya. Kahit hindi na yan makinig, kaya niyang sagutan yang mga problems nang walang kahirap-hirap. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin siya sa side ko at ngumiti. Grrrr.... Inaasar ako nito panigurado.
---------------------------------------
4:45 na. Tapos na rin naman ang klase, kelangan ko nang pumunta sa praktis.
"Lex."
Here we go again.
"Uy, sabi kong mag-usap muna tayo. Aalis ka na agad?"
"Pupunta pa ko ng gym. At isa pa, wala naman na tayong pag-uusapan. Okay na ko, nakamove-on na ko sa nangyari kanina."
"Lex!" - Ree
"Oh? Ree."
"Ano, sabay ba tayong uuwi?"
"Naku, mauna ka na baka matagalan ako sa gym eh."
"Ganun ba? Sige. Siya, mauna na ko."
"Ingat."
Tumungo ang tingin niya sa direksyon ni Lexon saka sa 'kin, ngumiti, at umalis. May laman yung ngiti na yun, at hindi ko yun gusto. =__= Napatingin ako kay Lexon, may sasabihin 'to kanina eh, sumingit nga lang si Ree.
"Oh ano?"
"Hindi pa nga tayo, nakamove-on ka na?"
"Ha-ha-ha. Sige na. Alis na ko. Okay na ko, promise."
"Teka nga, ikaw lang ang ok eh, tayo ba? Okay na?"
"Aba, malay ko sa 'yo. Alam mo, kung may galit ka pa sa akin, ayos lang. Bahala ka. Bye. Please lang tapusin na natin tong isyung to."
Hinawakan niya ko sa braso at hinarap sa kanya. For the record, siya palang ang gumawa sa 'kin niyan. He smiled. It was full of sincerity.
"Hindi naman ako galit. Nagtampo lang ako sa sinabi mo."
I'm amazed about how modest Lexon can be. He's never afraid to say what he truly feels and I admire the way he embraces honesty. I tried to calm myself and I smiled.
"Oh, di okay naman pala tayo. Hindi naman sa galit ako sa 'yo pero ang gulo mo kasi. Nahawaan ka ata ng pagka-bipolar ng kung sino dyan."
He chuckled.
"Para makabawi ako sa 'yo ihahatid na kita sa gym."
" Eh Lexon, may sasabihin lang naman ako dun eh. Mauna ka na lang."
"Eh di mas okay pala. Sabay na lang tayong umuwi. Hihintayin kita dun. Total pareho lang naman tayo ng pupuntahan pauwi."
Hayyss. Kulit!
"Sige na nga. Tara na. Bilisan na natin."
------------------------------------
"What!!!?? Lex naman eh! Pumayag ka na di ba? Bakit ka naman magbaback out?! Magsisimula pa nga lang tayo ng praktis. Lex naman." Frank. Siya yung panay ang kumbinsi sa 'kin na sumali sa performance for the SCUAA.
Yeah, napag-isipan kong hindi na lang sumali sa performance na to.
"Sorry talaga. Fixed na talaga ang desisyon ko. Napag-isip-isip ko rin kasing hindi ko kayang pagsabayin lahat lalo na't may mga requirements din kaming kelangan tapusin."
Nanlulumo na tong baklang to. Hindi ko alam kung matatawa na lang ako o ano eh.
"Pero may ipa-promise naman ako."
"Ano yun?" Walang gana niyang tanong.
"Tutulong ako sa paggawa ng mga props niyo. Narinig ko kasing kulang kayo ng mga members na gagawa nun. AT walang bayad tong pagtulong ko. Okay ba yun?"
"*sigh* Sige na nga! Ayos na rin naman yan kesa naman sa wala talaga."
"Salamat! Sorry talaga."
"Ayos lang. Mahirap namang ipagpalitan ko pa yun sa 'yo."
"Sige, Frank. Bukas na lang ako mag-istart na tumulong. Alis na 'ko ah."
"Sige, ingat ka."
"So, ayaw mo na palang sumali?" - Lexon
Nasa likod ko pala siya. Akala ko kasi dun siya sa labas naghintay.
"Yup. Next time na lang pag hindi na hassle sa schedule."
"Sayang. Hindi kita makikitang sumayaw."
"Wag ka nang mangarap. Hindi ako magaling sumayaw."
"Sus. Patingin nga."
"Che!"
Napalingon ako. May nase-sense kasi akong aura ng kong sino. O__O J-jay? Ay hindi, Drake? Hala, bakit ba nakalimutan ko agad yung pangalan niya? Yung guy na palaging kong nakikita? Naaalala niyo ba yung name? Ano ulit yun? >____<
Nakasakay na kami't lahat-lahat pero andito pa rin siya. Yup, sumakay din siya ng tricycle. T-teka nga, ano ba'ng ginagawa niya? Gabi na ah. Wala ba siyang balak na umuwi sa kanila?
"Lex? Okay ka lang?"
"A-ah. Oo."
---------------------------------------------------
*buzzzzzzz* (may nagmessage po sa f*******:, wag nang umangal sa sound effects. XD)
"Hey."
Hmm.. Sino naman 'to? I checked the profile name and to my surprise. BlackAngel is back again.
Me: Oh, himala. I thought you blocked me?
Dumugo na ang ilong ko sa kaka-english pero bahala na. Hahaha.
BlackAngel: I don't know.
BlackAngel: I feel like I need someone to talk to.
Hindi niya ba kasi kayang magtagalog for once? T___T Fight Alexa! Wag mong ipahiya ang lahi mo!
Me: What makes you think I'm the right person huh? After what happened?
BlackAngel: It's okay. I forgive you.
Pakiramdam ko umusok ang ilong ko. Wow! I forgive you daw! Ako pa pala ang may atraso ngayon. Ugh! Calm down Lex... Just, calm down.
Me: Then we're good. Hope not to talk to you again. Bye.
BlackAngel: Okay, look. I'm sorry.
BlackAngel: I didn't mean to threat you or whatever I've done that day.
BlackAngel: Just forget about what happened.
Me: Ok-ok. Unang-una, pwede pag magme-message ka, isahin mo na lang? Hindi ko kayo ma-gets na mga guys eh. Pag mgtetext kayo o ano putol2x. Ano yun? Para may thrill?
BlackAngel: Hahahaha. Right. Sorry for that.
First time niyang tumawa ah. Kahit sa message lang parang nakakagaan ng pakiramdam. Wala na kong kaaway. Sana. Hahaha.
BlackAngel: So, are we good?
Me: *sigh* I guess. Why did you message me anyway? It seems like you don't have lots of friends. But still..
BlackAngel: Whoah. Miss, I may not be a friendly type of guy but I still know how to socialize.
Me: Tsk. Obviously.
BlackAngel: Now what does that mean?
Me: Nothing.
Yung ilong ko. TT_____TT Neeesssblledddd heeerrrree.
-
-
-
-
-
*Yawn*
BlackAngel: Yeah. I get a lot of that.
Me: Hey, sorry pero inaantok na ko. Still got a class tomorrow. Nice talking to you though. :)
BlackAngel: Sure. Good night.
Wala man lang smiley o ano. Oh well... Zzzzzzzz....