Chapter 6

1186 Words
O.o . . . . . o.O . . . . . O.O . . . . . Damn!!! Hindi ako makapaniwalang nagawa kong magpuyat para maka-chat ang lalaking ito. Pano, hindi pa ko pinapayagang matulog ni Lexon at ako naman 'tong tanga, sunod naman nang sunod sa kanya. Okay, kasalanan ko rin pala. =_= Haist, time check: 11:45 in the evening at itong kapangalan ko eh mukhang hindi tinatamaan ng antok. Me: Bahala ka na nga! Basta ako, matutulog na 'ko. Lexon: Teka lang! Ang aga pa nga eh. Me: Oo nga, tama ka. Mag-uumaga na. Seriously Lexon, bakit ayaw mong magpatulog? Lexon: Minsan na nga lang tayo magkausap ganyan ka pa. Me: 'Wag mo nga akong daanin sa pag-iinarte mo. Maaga pa tayo bukas. Good night. Lexon: *sigh* Gusto lang naman kitang makausap. Binasa ko pero hindi na ko nagreply. Lexon: Uy.... No reply. Tss, bahala siya. Ang tigas ng ulo eh. Lexon: Even if we talk nonsense, as long as it is you I am talking to, everything just perfectly makes sense for no reason. Good night Lex. Dream of me. :) Parang nanigas ang mga kamay ko at napako na lamang ang mga mata ko sa screen. Manhid na lang siguro ako kung hindi 'ko to mage-gets. Why me Lexon? Bakit hindi na lang iba? You're falling for the wrong person. Next thing I knew, I'm zoning out and---------- -_________- zzzzzzzzzz.......... ************************** U_U . . . . "Uy Lex, anyare sa 'yo? Ang laki ng eyebags mo ha." -Ree "Please lang Ree, ayaw ko nang pag-usapan." Ughhhh! Humanda kang Lexon ka. "May praktis nga pala kayo mamaya di ba? Anong oras ba?" "Mamayang hapon na yan pagkatapos ng klase for sure." "Alexa! Rianna! Baka gusto niyong pag-usapan natin ang topic niyo dyan dito sa klase." "Sorry ma'am." -sabay naming sabi. "Last chance and you'll get out of my class." "Yes ma'am." Tumahimik na kami. T.T Nakakatakot si ma'am. Nakinig na lang ako sa discussion habang si Ree naman nagsusulat. Magkaseatmate kami, halos lahat ata ng classes namin kami ang magkatabi. May advantage kasi pag kilala mo ang katabi mo, pero syempre may disadvantage din. Nalipat ang tingin ko sa gilid hindi ko namalayan na sa pwesto pala ni Lexon ang matitingnan ko. Kinakausap niya si Fred na nasa kabilang seat katabi niya, nanghihiram ata ng ballpen. Tsaka siya napatingin sa kin. Ang weird. Ngingiti yan eh pag may ganitong pagkakataon. Pero ngayon, umiwas agad siya ng tingin, wala pang expression ang mukha. Pahiya ang lahi ko dun. Pero teka nga! Ako dapat ang magalit sa kanya eh! Kung hindi dahil sa kanya, edi hindi sana ako bangag ngayon. T___T Hayaan na nga. Baka meron lang yan. =___= *kriiiinggg kriinngggg* Yes!! Time na!!! ^_^ "Lex! Sabay ka na sa amin mag-snack." Tawag sa kin ni Kira, close friend ko pero mas close sila ni Casey tulad namin ni Ree. "Hindi na, mauna na kayo nina Ree at Casey. Pupunta pa ko ng library eh." "Ganun ba? Sige, sumunod ka ha pag may time pa." "Sige, susubukan ko." Mas trip ko ngayon magbasa eh. Hilig ko nang mag-advance reading ng mga pwedeng i-topic highschool pa lang ako. Nang makapasok na 'ko, I checked my bag to look for my library id. Wow, bad luck nga naman. "Asan na ba yun? Kung minamalas nga naman. Andito lang yun eh." Tsk. Makapag-snack na nga lang. Paalis na sana ako nang nasa likuran ko lang pala si Lexon. Halos mapatalon ako, ang lapit niya. May iniabot siya, yung id ko! "Naiwan mo sa room." Hmm... Nahulog ko nga siguro. Nang kunin ko sa kanya yung id, walang kibo siyang dumiretso papasok ng library. =_= Hindi na ko nakapagpasalamat. Ano bang nangyayari sa kanya? Ang babaw naman siguro ng rason na hindi niya ko pinapansin dahil tinulugan ko siya kagabi. Di ba? Di ba? "*sigh* Makapagbasa na nga lang." Naghanap ako ng mga books na pwedeng basahin. Ano kaya? Algebra, health and economics, food tips, hmm.. ah, biology na rin. Nga pala, HRM ang course ko, yun kasi ang gusto nina mama para sa akin. They never bothered asking me for what I want. Napahinto ako sa isang section ng mga shelves. Kinuha ko yung book na related sa medicine. In a minute natulala ako while looking at the book. I'm half-happy, half-sad. I'll learn to let go of my dream. Not soon but someday. Alam ko namang matatagalan bago mangyari yun. *sniff sniff* Shocks, mukhang maiiyak pa ko. Sinauli ko na agad yung book at nagpunas ng mata. Teary-eyed na ko. Hihiramin ko na lang tong books. - - - - - - There. Makapunta na nga ng classroom. Nakalabas na ko ng library nang... "Lex." Huh? Si Lexon pala. "Bakit?" "Sabay na tayo." - - - - - - - - - - "Matapos mo kong deadma-deadmahin kanina? So, ganun lang yun? Wow lang ah." "Napansin mo pala? Tsk. Sorry na." "Ewan ko sa 'yo." Naglakad na uli ako habang nasa likod ko naman sya. "Lex naman." Manigas siya. "Lex, sorry na kasi." I faced him this time. "Alam mo!? Okay lang! Hindi naman ako tanga. Alam ko namang ganyan kayong mga lalaki eh. Huh! Hindi na ko nasanay." Nagulat ako sa biglaan kong pagsigaw and so he was too. Halo-halo na ang mga emosyon na nararamdaman ko ngayon. Pero alam ko kung saan nanggagaling yung mga sinabi ko, Zic. "S-sorry." I whispered. Wag kang umiyak Lex. Wag dito. Nagulat na lang ako nang may yumakap sa 'kin. "L-lexon." "Sorry Lex. *sigh* Nahihiya na ko sa 'yo kasi hindi ko naman sinasadya na i-send sa 'yo yung message na yun kagabi. Pakiramdam ko tuloy nagconfess ako sa 'yo nang wala sa oras. Hindi ko naman na mabawi. Sorry talaga. Sorry na." Biglang humigpit yung yakap niya. "L-lex----- Ahh!" "Naku pasensya na kayo, nagmamadali lang. Late na ko eh." Kinuha nung guy yung mga books ko na naglaglagan at inabot sa 'kin sabay takbo ulit. Familiar yung mukha nun. San ko uli siya nakita? "Okay ka lang Lex?" Pasalamat din ako dun sa guy, hindi ko rin na talaga alam ang sasabihin ko kay Lexon. I feel awkward after what he has said. "O-okay na ko." I tried my very best to smile. "Sorry din Lexon. Sana okay na tayong dalawa." He smiled. "Ikaw pa. Kalimutan na natin ang nangyari. May balak naman akong magtapat sa 'yo pero hindi sa ganung paraan." "Lexon naman." "Don't worry Lex. Mawawala rin naman 'to. Malay mo makahanap pa ako ng mas maganda kesa sa 'yo." Nagtawanan kami. "Sira ka talaga. Pero sige, mas mabuti nga yun. Ayoko rin namang ma-attach sa kumag na tulad mo. Haha." Nag-iba yung expression niya. Naging seryoso na naman siya. "Uy, Lexon. Di ka naman mabiro." "Lex! Andyan lang naman pala kayo. Tayo na! Magta-time na oh." -Casey "Tayo na daw." -Lexon - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - What was that? So, hindi na naman kami okay? =______=
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD