"Tara na? Dala mo na ang mga gamit mo?"
"Oo. Lika na bilis."
Parang galing kami sa kulungan ni Lexon kung maka-sneak out. Hahaha. Na-tiempo naman namin na sa tanghali kami magsa-shopping kuno para hindi kami mapansin na nawawala. Nagpaalam lang ako kay Ree na may pupuntahan ako. Aba, nakahanda na ang mahabang listahan ko ng bibilhin. Ang kulang na lang ay kulayan ni Lexon ang drawing. XD
"Kelangan pa ba natin tong suotin? Tsk. Para naman tayo niyang takas sa kulungan."
Sabi niya habang nagdadalawang-isip na suotin ang hawak niyang shades at wig na kabibigay ko lang sa kanya. Kelangan niya talaga yang suotin. Nag-effort pa naman akong bilhin yan dun sa tabi-tabi. Nasa labas na kami ng resort at naghihintay na lang kami ng masasakyan.
"Syempre naman. Ayoko ngang may makakita sa 'tin at baka may magsumbong pa."
"Wala ka talagang pinapalampas. Eto na."
Sinuot niya yung red na wig. Sakto lang sa buhok niya at mas bumagay sa porma niya. Cute. Haha. Sinuot niya din naman agad ang sunglasses. Ako naman naka-blonde na kapantay lang ng hindi gaanong kahabaan ko na buhok at para kompleto, sunglasses! Okay na! ^_^ Pumara na ako ng jeep at hinila si Lexon pasakay. Ilang minuto lang ay nakababa na kami ng mall. Hmm, ano ba muna? Stuff toys! Haha!
"Tara bilis!"
Hinila ko siya hanggang sa umabot kami sa section ng mga stuff toys. Aww, teddy bear. Hinarap ko sa kanya yung teddy bear na sobrang laki. Hmm, pero baka mahirapan lang akong dalhin to. Kinuha ko na lang yung kalahati ng laki ko. Pink para mas cute. ^_^ Hindi lang umimik si Lexon habang binabayaran tong yakap-yakap ko na bear. Hehe. Sunod, ice cream! Chocolate ang pinili ko ganun na rin siya. Andami kong pinabili sa kanya. Pakiramdam ko ang yaman-yaman ko. XD Wag kayong mag-alala mayaman yang si Lexon. Parehong business woman at man ang parents niya. Hindi naman ako dukha, sadyang masarap lang talaga kapag libre. Papalampasin ko pa ba? Hahaha.
"Meron pa ba?"
"Hmm."
Naubos ko na ang nasa listahan ko. Naka-limang malalaking plastic at paper bags na kami.
"Okay na. ^_^"
"Tsk."
"May problema?"
Sarcastic kong pagkakatanong.
"Wala. Tara na, medyo late na rin baka hanapin na tayo dun. May activities pa tayo ng 2:30."
Ni-check ko ang relo ko. Magto-two na nga.
"Sige, tara."
Si Lexon lang ang may bitbit ng lahat ng plastic bags. Pano niya nagawa yun? Eh gusto ko sanang kunin yung iba para naman may silbi ako, ayaw naman niya. Teka. Pansin ko lang, habang palabas kami ng mall bakit parang may mga kumukuha ng pictures namin? Hmm... Feeling ko lang siguro.
"Ang cute nilang couple. Awwww."
Dinig kong sabi nung isang girl sa di kalayuan. Asan? Parang wala naman.
"Alexa, nga pala, okay na tayo ah?"
"Okay lang, walang tayo."
Kumunot ang noo niya sa sinagot ko.
"Tss. Kahit kelan talaga."
"Hahaha."
Dugdug. Bakit ganun? Naalala ko na naman yung kiss. Dugdug. Ano ba Alexa? Tama na. Okay na nga kayo ni Lexon di ba?
"Teka nga. Bakit ba ang gulo ng tawag niyo sa akin? May time na Lex, minsan naman Alexa. Ano ba talaga?"
Pag-iiba ko ng topic para naman hindi ako ma-awkward. He chuckled.
"Wala lang. Pareho kasing maganda kaya nalilito ako madalas kung anong itatawag sa 'yo."
"Ganun? Yun lang? Kala ko naman kung ano."
Nakakailang hakbang na kami nang makalabas kami ng mall.
"Sh*t! May nakalimutan pala ako. Alexa, okay lang ba na dito ka muna? Babalik lang ako dun."
"Sige. Dito na lang kita hihintayin. Akin na yung bags."
"Masyadong madami to. Oh eto na lang kunin mo."
Inabot niya sa akin yung dalawang paper bags.
"Para naman may dahilan ka pang hintayin ako. Haha."
Hinampas ko siya sa balikat.
"Grabe ka. Anong akala mo sa 'kin?"
"Biro lang. Haha."
Umalis na siya pagkatapos. Seryoso nga siya. Hindi niya na binigay yung bags. Tss. Uy, may shop pala dito. Hindi naman gaanong malayo kaya makatingin na muna siguro dun. Pero napahinto ako sa isang makipot na eskinita. Something caught my eye. S-si Drey. Pinapalibutan nila yung isang guy na halatang takot na takot. May mga pasa pa ito sa mukha at duguan ang bandang bibig. Sa likod nila nay mga guys din pero mukhang hindi nila kasamahan. Ewan. Nakangiti lang yung iba, yung iba naman ay nakasandal lang sa pader at ngingiti-ngiti na parang normal lang ang nangyayari. What happened next really froze me. Si Drey... sinaksak yung guy. Napatakip ako ng bibig. I tried my best na hindi mabitawan ang mga dala ko. But then, I'm still in a state of shock. Napasandal ako sa pader, just enough para hindi nila ako mapansin. A-ano'ng gagawin ko? Tatawag ba ng pulis? B-bato? Pumulot ako ng bato. Yung pinakamalaking nahanap ko. All I can do now is to just make them go away. Lord, kayo na'ng bahala sa akin. Okay. Okay. 1, 2, 3. I was aiming for Drey even though it doesn't feel right. Tama bang manakit siya ng tao? But... but... where did they go? Asan... asan na sila. Yung guy, si Drey, yung mga kasamahan niya. They're all gone.
"Andito ka lang pala."
"Ahh! Wa---- Lexon?"
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ha? A-ah ano..."
Yakap-yakap ko pa ang bato.
"Ah hindi. May aso kasi kanina eh, natakot ako."
"Ah, let's go?"
"O-o-okay."
Why? Why hid what just happened? Gulong-gulo na ako. Nakarating din kami ng resort. Natanong ko kay Lexon kung para kanino yung mga dried mangoes na dala niya pagbalik niya kanina. Para daw kay Camille, his FRIEND from W.U. (asus!), fave daw kasi nung KAIBIGAN niya, eh nagpapabili. Tinukso ko pa siya na may ipinalit na pala siya sa akin. I tried my best na hindi magpahalata sa kung ano mang nakita ko kanina. I really can't believe Drey could do something like that. Hurt people, kill rather. Buhay pa kaya yung guy? It's all my fault. I could've saved him in the first place.
"Lex?"
"O-oh?"
"Eto na yung mga pinabili mo oh."
Nasa labas na kami ng kwarto ko.
"Ah, salamat dito. Oh sa 'yo to."
Inabot ko sa kanya yung isang plastic bag. Nagtaka naman siya pero kinuha niya rin.
"Para sa 'yo talaga yan na pinabili ko. Syempre pasasalamat. ^_^"
"Tsk. Sige, salamat. Kahit na pera ko rin naman pinambili ko nito."
"Welcome! ^_^"
Krrreeeekkkkkk.. (pinto po bumukas XD)
Napatingin ako sa likod ni Lexon. Bumukas kasi ang room sa tapat ng room ni Drey. It's Shira... Now I know the reason kung bakit andito si Drey. She's walking through the elevator.
"Hi sis!"
She waved at me. Nagwave na lang din ako at umalis na nga siya.
"What?"
Tanong ko kay Lexon.
"Close kayo?"
"Hin....di naman."
Pagdadalawang-isip kong sagot pero hindi naman talaga eh. Nagring ang phone niya.
Gumilid lang siya ng kunti sabay takip ng kamay niya sa bibig.
"Hello? Oh Camille. Oo. One week kami dito eh. Oo naman. Sige. Tawagan na lang ulit kita mamaya. Bye."
Nagtakip pa eh dinig na dinig ko rin naman. Ano ba 'to? Parang ako tuloy ang na-aawkward. Haha. Matapos yung call humarap na siya samantalang ako naka-lock ang bibig at nakatingin sa taas.
"A-ah, sige alis na ko."
I smiled.
"Bye Camiilllleee."
Panunukso ko. Haha. Ngumiti lang siya sabay kamot sa batok. Cute. Haha. Okay na nga yun at mukhang may natitipuhan na siya.
"Nga pala!"
"Oh?"
"Sabay na tayo pagbaba. Sunduin kita dito. May kukunin lang ako hintayin mo ko ah."
Parang ang layo naman ng pupuntahan.
"O..kay."
Oh well. Pumasok na ko at nagprepare. Hmm. Ano ba'ng gagawin mamaya? Ahmm. Ayun, tour! ^_^ Excited na ko. Wala na sina Ree dito, andun na ata yung mga yun sa baba. Nagpalit lang ako ng damit. Kanina pa namin tinanggal yung wigs. Nagminiskirt lang ako na blue at sando na white. Tinakpan ko lang siya ng maong na sweater, yung 3/4 lang para okay tingnan. Oh shades! Gagamitin ko na yung pinabili ko kay Lexon. There. Oops, magshoes na lang din ako. Hmm. Ah, white shoes. Okay na to. ^_^ Hindi naman ako mahilig magmakeup pero natuto pa rin ako ng kunti. Lipstick lang. Haha. Yung natural lang tingnan. Naglagay lang din ako sa gilid ng hair clip na diamonds ang design. Yan okay na. Hmm. I checked my watched, 15 minutes na. Asan na ba si Lexon? Pupunta na lang siguro ako sa baba. Binuksan ko ang pinto saktong may nagbukas din sa isang room. Si Drey. I just smiled at nauna na sa kanya. Unang tingin mo palang parang wala siyang ginawang masama. I pretended as if I know nothing about what happened earlier.
*Ting*
Syempre ,papasok din yan ng elevator. I stayed at the other side. Natatakot ako sa kanya. Sino bang hindi?
"U-uhmm.."
Si Drey. It would be better kung hindi na siya magsalita. He was about to say something pero biglang tumigil ang elevator at biglang nagblackout. What happened next is something really unexpected. Earthquake.
----- puzzled_emo -----