"Omg! Omg! Omg! Anong isusuot natin?"
"Magto-two piece ba tayo?"
"Wala akong dala eh."
"Na-eexcite na ko para mamaya!"
Hmm... Bakit ba ang ingay nila? Ang aga pa eh. Inaantok pa ko. U.U May naramdaman akong may yumugyog sa kin.
"Gising na. Magmo-morning exercise pa tayo." -Ree
"Hmm. Kayo na lang, inaantok pa ko eh."
"Hoy Ms. Alexa! Kasama sa sched natin tong activity na to. At wag mong sasayangin ang oras mo dito dahil lang sa pagtulog."
"Bangon na Lex. Magswi-swimming tayo sa dagat pagkatapos ng exercise."
"Haist."
Bumangon na ko at dumiretso na sa banyo para magkapagpalit. *yawn* Inaantok pa ko.
"Eto na nga oh."
"Bilisan mo Lex."
"Opo."
Sigaw ko. Nagjogging kami ng isang oras. May magandang lugar pala dito para sa pag-eexercise. Ang ganda ng view, yung mga puno, halaman. Pagkatapos nun, ayun nagswimming nga kami. Yung iba naman kumain na sa main floor. Hindi din kasi pwede na pagsabayin kaming lahat sa pagkain kasi hindi kami kasya sa table na nasa main. Mukhang nagpa-cater na sila for the rest of the week. So eto napagtripan naming magswimming muna. After nun nagpalit na muna kami ng damit at bumaba na sa dining area.
"Tara na. Nagugutom na ko."
Pagdating namin sa loob. May bakante ng seats sa table. Self-service at mukhang masasarap ang pagkain. *_* Syempre, kwentuhan habang kumakain. Magkakatabi lang kami ng upuan.
"Lex, magsho-shopping tayo mamaya ah. Free day din naman natin ngayon kaya yun mamasyal na lang din tayo habang wala pa tayong ginagawa."
"Papayagan ba tayo niyan?"
"Yep. Nakiusap na ko sa uncle ko na nakatira malapit lang dito. Siya na daw ang bahala na magpaalam sa prof natin at iniwan niya muna sa tin yung kotse with his personal driver para naman daw makatipid tayo. Sayang ang opportunity ngayon lang to noh. ^_^"
"Ano bang gusto niyong bilhin at magsho-shopping tayo?"
"Damit."
Sabay-sabay nilang sabi.
"Para san?"
This time. Pinagtitinginan na nila ko. Ang sasama ng tingin nila ah.
"Bakit? Nagtatanong lang naman."
Bumuntong-hininga silang tatlo. Sabay-sabay talaga eh noh. Alam na kasi nilang kelangan nilang mag-explain. Haha.
"Ree, mauna ka."
"*sigh* BEACH PARTY." -Ree
"Anniversary ngayon ng resort na to. Luckily to us, the owner is throwing a party tonight. -Casey"
"AT lahat ng customers, guests ay invited." -Kira
"Pwede namang hindi umattend di ba?"
"Seriously Lex?" -Kira
"Ms. Alexa, siguraduhin mo lang na hindi mo na naman pagaganahin yang pagka-kj mo dito."
Haist.
"Oo na. Anong oras ba tayo gagala?"
"Pagkatapos kumain."
O_O. Seryoso nga sila. Eh gusto ko pang matulog nang kunti. Hayyyss. Matapos naming kumain kumuha lang kami ng ilang gamit sa room namin. And we're all set. Nasa parking lot na pala yung driver namin kuno today naghihintay sa amin. First stop: mall. Sumakit na ang paa ko kakaikot pero nasa second floor pa lang kami.
"Oh my god! Slippers! *o*" -Ree
"Sunglasses! *_*" -Kira
"Swimsuits! *_*" -Casey
Uhhh. O-kay? Loko tong mga to. Inaya ako tapos iiwan din pala ako dito. Ano to? Naghiwa-hiwalay sila kaya humiwalay na lang din muna ako. San ba ko pupunta nito. Pumasok muna ako sa section ng mga damit pandagat. Ano bang pwedeng suotin sa beach party? Hmm. Eto ba? Napaatras ako nang kunti nang may mabangga ako.
"Naku, sorry."
"No, it's okay."
Shira? Nang makita niya ko napangiti siya.
"Alexa right? Nakukwento ka kasi sa kin ni Zic and Zic is currently my friend. I'm Shira."
Currently? Mag-aaway ba sila sa future kaya kelangang ipagdiinan yung currently? She offered her hand. Kaya nakipagshake hands na lang din ako. I smiled. I'm astounded, hindi ko alam ang sasabihin.
"Ano nga palang ginagawa mo dito?"
"A-ah bibili sana ako ng damit. May beach party daw mamaya eh."
"Oh? Tamang-tama, bibili rin ako ng isusuot mamaya eh. Hmm, ano bang pwede?"
Tumingin-tingin siya sa mga swimsuits.
"Anong fave mong color?"
"Hmm, violet."
"Food?"
"Ice cream."
"Place?"
"Hmm. Dagat?"
Ano ba to? Slum note?
"Tss. Cheap."
Ano daw?
"Ano yun?"
"Huh? Etong swimsuit ang cheap."
Sabay taas niya nung swimsuit at binalik niya rin agad.
"Ahh."
"Eto na lang suotin mo. Mukhang bagay sayo."
Binigay niya sa kin yung one-piece na color violet. Revealing ang likod pero tama lang naman.
"At, eto naman ang akin para terno tayo."
Kinuha niya yung one-piece na halos kapareho nung binigay niya sa kin, magkaiba lang ang design sa harapan.
"Okay ba?"
"A-ahh oo. Hindi rin naman kasi ako magaling pumili ng damit."
"Okay then, ililibre na kita."
"Wag na. Nakakahiya naman. Ako na."
"Ano ka ba? Gift ko na yan sa yo."
Pag-iinsist niya at pumunta na sa cashier. Sumunod na lang ako sa kanya. Ang bait pala niya. No wonder kung bakit siya nagustuhan ni Drey. But, there's something about her. Hmm.
"Here."
Kinuha ko naman yung paper bag.
"Thank you."
"No problem. Naku, mauuna na ko sa yo may kelangan pa kong puntahan. Oh and can I call you sis?"
"Ahmm, sure."
"Thanks. Bye sis!"
She waved goodbye.
"Lex! Andyan ka lang pala. Oh? Nakabili ka na pala ah. Ako rin. ^-^" -Ree
Tingnan ko sila nang masama. Magkakasama na ulit ang tatlo.
"Ganyan talaga kayo eh. Ang hilig niyong mag-iwan."
"Eh, sorry na. Na-excite lang naman kaming bumili ng mga gamit."
"Tss. Tara na nga."
Namasyal kami kahit saan lang. Pakiramdam ko nga ay sobrang layo na namin sa QC. Nang makabalik kami sa resort, maggagabi na. Hindi na kami nagbalak kumain para naman sumakto lang yung swimsuit. Haha. Nang nakarating kami sa labas, ang ingay na. Madilim, disco lights lang ang nagsisilbing ilaw at andaming tao. Whoah. Nagkahiwa-hiwalay na kaming apat o ako lang ang humiwalay? Hehe. Crowded places are not my thing. Feeling ko maso-suffocate ako.
"Lex!"
Si Lexon.
"Oh Lexon, ngayon na lang ulit kita napansin ah."
"Tsk. Halata namang iniiwasan mo ko."
"Che!"
"Haha. Ano bang ginagawa mo dito? Andun yung party oh?"
Medyo lumayo kasi ako dun sa madaming tao. Andito ako sa isang cottage na malayo sa ingay. Yung ilaw lang na nasa loob ng cottage ang nagpapaliwanag dito.
"Alam mo namang hindi ako mahilig sa mataong lugar."
"That's Lex. Oh."
Inabot niya yung basong may laman na tubig.
"Sige, babalik na ko dun ah. Alam ko namang ayaw mong naiistorbo."
I smiled.
"Sige na. Alam ko namang mahilig ka sa mga party."
Ngumiti lang din siya at nagwave. Tiningnan ko lang ang likod niya habang palayo siya. May gap na ba sa pagitan namin? Kung meron man, hindi ko ma-feel. *sniffs* Bakit may amoy tong tubig? Pero ang bango ng amoy ah, juice ata na color white. Meron pala nun? Haha. Tinungga ko yung laman nung isang baso. Ang sarap. ^_^ May napansin pa kong isang baso na nasa table ng cottage. Kay Lexon ata to. Naiwan niya. Oh well. Ininom ko na din, hindi pa naman nagagalaw.
"Ughhh."
Headache.
*rufff ruuffff*
"Hi dowggyyy! Anong *hik* ginagawa mo dito? *hik*"
Ang cute ni dowggy. Lumapit siya tapos dinilaan niya ko sa pisngi. Aww, cutee. *^__^* Niyakap ko siya habang pinapat sa ulo.
"*hik* Anong name *hik* mo?"
May humila ng kamay ko at niyakap ako with his arms at my back. Then....
O____O
May ilalaki pa ba tong mata ko. Hindi ako makakilos. For a moment, nawala ang sakit ng ulo ko. Someone's kissing me! I'm dumbfounded. Hindi ko siya matulak at masampal. Pakiramdam ko, na-ground ako sa kuryente at hindi ako makakaalis unless io-off ang switch. I loooked at the man kissing me. He's closing his eyes. D-drey?
*hik* Our kiss broke. He opened his eyes right after, then it widened.
*hik*
I collapsed but still a bit conscious. I opened my eyes a little and saw Lexon's face near mine. Zzzzzz.........
Lexon's P.O.V
Aist. Naiwan ko ang baso ko dun sa cottage.
"Pre, one more glass please."
Sabi ko sa kasamahan ko.
"Oh? Nakakadami ka na ah. Hinay lang."
Inabot niya sa akin ang baso. I smelled something.
"What's this?"
"Uh, white wine?"
"What?!"
Sh*t. Eto din ang binigay ko kay Lex. Tumakbo ako papunta sa cottage. Sh*t. Mababa ang tolerance ni Lex sa alcohol. I should know because I was there when she first tasted liquor. Baka napano na siya. I'm meters away when I saw a guy touching Lex's face as she is lying on the floor.
"Hey! Anong ginagawa mo!?"
Napatayo siya. Naaaninag ko na ang mukha niya nang may humila sa kanyang lalaki at sabay silang umalis.
"Bumalik kayo!"
Susundan ko sana sila but I'm a lot worried about Lex. I slightly slapped her face. She's a bit conscious pero nakatulog din siya. I checked the glasses. F*ck. Naubos niya ang laman. Binuhat ka na siya.
"Lex, wait hold on."
Nilapitan agad ako ng receptionist nang makapasok kami ng hotel. I asked them to look for Rianna. Agad naman silang sumunod.
"Lex! Anong nangyari?"
"She's drunk."
"Ano? She never likes such drinks." -Casey
"I know. Aksidente ang nangyari."
We told the receptionist that we can manage. Sinamahan kami ng prof namin paakyat ng 5th floor.
"Okay na ba siya?"
"Opo sir. Thank you po." -Rianna
"Good then, I'll go back to the party."
"Yes, sir. Thank you po ulit."
I said. I faced Rianna.
"Will she be okay?"
"Oo naman. Bumalik ka na dun sa party."
"No I--"
"Hep! Kami nang bahala dito ni Casey. Okay na siya, okay? Sige na."
Naghintay lang sila. They're waiting for me to go.
"Fine. Take care of her."
"We will."
Haist. This is all my fault. I'm in the main floor already and was about to go off but...
"Mag-ingat ka naman!"
"Sorry."
May bumunggo sa aking guy na nagmamadaling pumasok sa elevator. Mukhang kasama namin sa fieldtrip. What's with the rush anyway? Andun naman ang party sa labas. Tsk.
Alexa's P.O.V
"Ano ba!?"
Napabangon ako't napasuntok sa kawalan. Napahawak ako sa dibdib. Hindi ako makahinga nang maayos. May masama akong panaginip. May humalik daw sa kin. Errr.. Ang sakit ng ulo ko. Teka, *lingon lingon* A-anong ginagawa ko dito? 9:05 na pero wala pa dito sina Ree sa kwarto. Eh ano bang ginagawa ko dito? Wala akong maalala. Sumilip ako sa bintana. Patuloy pa rin ang party sa labas. Kita mula dito ang disco lights at dinig na dinig ang music sa labas. Ugh. Ang sakit pa rin ng ulo ko. Kelangan ko muna siguro ng maiinom. Chineck ko ang ref. Wala pang laman. Haist. Sa main floor nito ang bagsak ko. Pagbukas ko pa lang ng pinto, nakita ko si Drey walking to and fro sa front ng room namin at hindi mapakali. Ginagawa neto dito? Ipapamukha niya na naman ba na stalker niya ko? Tsk. Nang makita niya ko agad niya naman akong hinawakan sa magkabilang balikat ko.
"Are you okay?" -Drey
"Huh? Okay lang naman ako. Bakit?"
"About what happened, I'm really sorry."
"Anong...."
Ano bang pinagsasabi niya? Sinusubukan kong alalahanin ang nangyari kanina pero wala talaga akong maalala. Uminom ako ng tubig at----- at----- ano na? Napakamot ako ng ulo.
"Wait, wala kang maalala?"
"Tungkol san ba ang sinasabi mo?"
"A-ah---"
He shook his head then looked down.
"Never mind."
Then something caught my eye.
"Teka..."
"What?"
Bigla siyang nagpanic ng tinuro ko siya.
"Ano yan? Pasa?"
Bigla siyang nagtaka.
"Huh?"
Hinampas ko siya sa balikat.
"Ano ba yan!? Bakit may sugat ka na naman? Sino naman ang nakaaway mo?"
Neknek ko rin. Bakit ba ko nangingialam? Bakit din ba ko nag-aalala? Haist. Hindi siya umimik. Tiningnan niya lang ako. Anong klaseng tingin yan?
"Tsk. Teka lang."
Kuha. Kuha. Okay. Tinulak ko siya sa likod niya papunta sa balcony. Sumunod naman siya. Pinaupo ko siya para magamot ang mga sugat at pasa niya sa mukha. Ayoko nang magtanong at baka sabihan pa niya ko na tsismosa. He smiled. Ang weird niya ah. Nakatingin lang siya sa baba na parang may inaalala.
"Hindi ko alam na may mga galos pala ako. Guess, I was too worried about--- something."
Ganun? Hindi na ako nagsalita. Hindi naman siya naghihintay ng reply.
"Okay done."
Nilagyan ko lang ng band aid ang ibang sugat niya matapos kong linisin. Hindi naman gaanong kalala yung iba niyang pasa.
"Thanks."
Ughh. Nga pala, masakit pa ang ulo ko. Napahawak ulit ako sa ulo ko. Nilapit ni Drey ang mukha niya. Nakaupo pa siya nun habang ako nasa harap niya nakatayo at nakayuko sa kanya. Asdfghjkl. Parang mahahalikan niya na ko. Baliw ba siya? Hindi ako makakilos.
"Are you drunk?"
"Ano? Excuse me ha. Hindi ako umiinom. Drunk ka dyan."
Totoo naman. First time kong uminom nung high school. Aksidente lang din yun dahil sa lakas ng trip ng mga kaibigan ko dati.
"You smell liquor. Obviously, you drank."
Lumayo na siya. Nakahinga naman ako nang maluwag. Eh hindi naman talaga ako uminom ng alak.
"Ewan ko sayo. Yung tubig lang na binigay sa akin ni Lexon ang ininom ko kanina. Tsk."
Defensive. =_=
"Lexon who?"
"Never mind."
"Wait here."
Pumunta siya sa room nila, ako naman umupo na muna. Ilang minuto lang ay lumabas naman agad siya.
"Here."
May inabot siyang----
"Gatas?"
Nasa baso pa ha.
"Ginawa mo to?"
"Tsk. No, ready made na yan. I just poured it in the glass."
"Ahhh... Arte-arte naman."
Bulong ko. Tinungga ko yung laman ng baso. Ahhh.. I feel fine.
"Salamat."
Inabot ko sa kanya ang baso.
"Sige. Pasok na ko sa room."
"Ok. Thanks din dito."
Turo niya sa mukha niya. Buti na lang at kunti lang talaga ang galos niya. Gwapo pa rin siya. Hahaha. Just stating the fact. Syempre si Zic pa rin ang mas gwapo para sa akin. Nakakailang hakbang palang ako sa room nang marinig kong may tumatawag sa phone ko. Si Kira. Naka-save na rin ang numbers nila sa akin. I answered the call.
"Thank God gising ka na! Lex, I need your help si Casey binabastos dito. Hindi namin alam kong anong gagawin namin ni Ree sa kanya, lasing na siya at ayaw niyang umalis."
"Ano? Humingi kayo ng tulong sa prof natin."
"Nababaliw ka na ba? Matapos ng insidente sayo? Mapapagalitan na talaga tayo."
Ano naman ang meron sa kin.
"Oh, sige-sige. Asan ba kayo?"
Matapos niyang sabihin kung asan sila nag-ayos na muna ako. Naka-pantulog na pala ako. Pinatungan ko lang ang one-piece ko. Inalis ko muna ang pantulog ko saka binalutan ng salong sa baba. There. Nang makarating ako sa beach, nasa madilim na parte na sila ng dagat. Si Casey sayaw lang nang sayaw, halatang lasing. Inaawat siya nina Ree pero hindi naman siya nakikinig. Yung mga boys naman, gustong-gusto lang ang nakikita nila and to think na kinukunan pa nila siya ng video. Aba! Lumapit na ako dun sa mga m******s at kinuha ang cellphone nung kumukuha. Gets? Ang babastos! Mabuti na lang at dalawa lang sila mukhang kaya ko pa silang labanan.
"Wala kayong galang sa babae ah! Nakuha niyo pang magvideo. Iba rin!"
"Hoy, miss! Wala kang karapatan na sigawan kami. Yang kaibigan mo ang gumagawa ng eksena dito."
Umusok ang ilong ko sa inaasta nila. Kita niyo? Mga wala talagang respeto. Lumapit sa akin si Ree para awatin ako at umalis na lang daw kami. Sinunod ko sila pero humarang yung isang lalaking manyak, hindi naman gwapo.
"Aalis na kayo? Hindi pa tapos ang party oh. Dito na muna kayo."
Umakbay siya sa akin. That's it. Never in my life na nagkaroon ako ng lakas ng loob na labanan ang isang guy. Hinawakan ko siya sa braso at boom! Bumaliktad lang naman siya. Nakahandusay na siya sa sahig. Humarap ako dun sa isa pang bastos. Mukhang natakot.
"Ano!?"
"W-wala. Aalis na ako."
Good thing talaga na magkaron na ng gantong experience kasi alam mo na ang gagawin. Nagte-take na ako ng lessons sa martial arts. Matapos akong ma-trauma, sisiguraduhin kong hindi na ulit yun mangyayari. Buti na lang at may kaibigan akong may kakilalang instructor sa martial arts kaya ayun hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. Inapakan ko siya sa may dibdib para hindi na magbalak na tumayo. Yumuko ako nang kaunti para makita ang mukha niya.
"Kuya, matuto ka namang gumalang sa mga babae. Mukha namang hindi tayo nagkakalayo ng edad pero hindi ka naman naturuan ng magandang asal. Halatang outsider ka ah. Mamili ka, aalis ka o tatawag ako ng security para i-report ka?"
"A-aalis na ko miss. Sorry. Sorry sa inyo."
Inalis ko ang paa ko sa kanya at mabilis naman siyang umalis.
"Okay lang kayo? Si Casey?"
Hindi sila sumagot. Parang kanina pa nanlalaki ang mga mata nila sa gulat.
"Bakit?"
"Kelan ka ba natuto niyan?"
Inakto pa niya ang ginawa ko dun sa guy kanina.
"Martial arts. Si Casey?"
"Knockout na."
Inaalalayan nilang dalawa si Casey. Hawak ko pa pala ang cp nung lalaki. Touchscreen pa naman. Well, sa akin na to. Haha.
"Tara na. Pumunta na tayo sa room natin at baka may makakita pa sa atin dito."
Nauna na sila sa akin. *arrfff arfff!* Huh?
"Lex! Tara na."
"Sige, mauna na kayo susunod na lang ako."
Sigaw ko nang makalayo na sila sa 'kin. *arrfff arrfff!* Aso! Awww, ang cute. May lumapit na aso sa akin habang kumakaway ang buntot niya.
"Hi doggy!!"
Ni-pat ko siya sa ulo. Dinilaan niya naman ang kamay ko. Cutie!! ^__^ Pero..... parang pamilyar siya. Hmm. *gasps* Napatakip ako ng bibig. Dog. Kiss. Lexon's face. Asdfghjkl! Lexooonnnn!! Bakit niya ko hinalikan?! Napahawak ako sa dibdib ko? Bakit? The moment na naalala ko yun, biglang bumilis ang t***k ng puso ko. No. It can't be. I ran papasok ng hotel. Hindi ko na napansin kung saan pumunta yung aso but then, gulong-gulo ang utak ko ngayon. May humawak sa balikat ko. Nilingon ko siya. It's HIM.
"*hingal hingal* Grabe, ang bilis mong tumakbo. Bakit ka ba nagmamadali?"
Napakuyom ako. And *pak*. I slapped him.
"Bakit mo yun ginawa ha!?"
Naiinis ako sa kanya. Yun lang ang alam ko. Kitang-kita ang bakas ng pagkakasampal ko sa kanya.
"I can explain."
*pak*
"Bakit mo yun ginawa?!"
"Aksidente ang nangyari okay. Hindi ko sinasadya."
"Anong hindi sinasadya?!"
Sasampalin ko sana ulit siya but this time hinawakan niya na ang kamay ko.
"Tama na Lex. Ang sakit na."
Natauhan din naman ako. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin. *lingon lingon* *face palm* Pinagtitinginan kami ng ibang tao. Gumagawa na pala kami ng eksena. Umalis na ko at pumasok sa elevator. Sumunod din siya. Kumag talaga. Wag mo yang papansinin Alexa. Bwisit yan.
"Okay ka na?"
"......."
"Hey, sorry okay?"
"......"
"Alexa naman."
Tiningnan ko siya.
"Hindi mo talaga sinasadya?"
"Oo. Hindi ko naman alam na yun pala ang laman nun."
"Laman?"
"Laman."
"Anong laman?"
"Anong 'anong laman'?"
"Huh?"
"Huh?"
"Ano?"
Ako ba pinagloloko nito?
"Niloloko mo ba 'ko?"
*ting*
"Tabi!"
Tinabig ko siya. Pero hindi pa rin siya nagpaawat sumunod siya hanggang sa labas ng pinto namin. Humarap ako sa kanya.
"Ano? Pati ba naman sa loob ng kwarto namin papasok ka?"
"Sorry na kasi."
"Anong makukuha ko sa sorry mo?"
"Okay para makabawi ako. Magshopping tayo bukas, libre ko lahat ng gusto mong bilhin."
*0*
"*eherm* Seryoso ka?"
"Oo nga. Ayaw mo?"
"Sabi mo eh."
Ngumiti siya. Tsk.
"Sabi na nga ba. Okay, see you tomorrow."
"Tsk."
Pumasok na ko sa room. Bwahahaha. Sisiguraduhin kong mabibili ko lahat ng gusto ko bukas. >:D Papasok na sana ako but, *face palm*. Bakit ba ako nagpadala? Arrggh, muntanga ko talaga.
***********************
- puzzled_emo :) -