Sa beach resort
Grabe! Ang ganda ditoooo. *_* Yep, sa beach resort kami magsstay. Yamanin! Hahaha. And guess what, six-storey yung hotel with elevators and 6 ft. na pool. Syempre may cottages din. Ang ganda ng ambiance at may musical instruments pa sa gilid ng main floor. *o* May mahabang table din sila na pwedeng pagkainan ng maramihan. May balcony pa ang bawat floor. Okay din ang mga room with aircon siya, ref and mini sink. Ideal place! Ayosss. Ang ganda ng view mula dito sa 5th floor. Kitang-kita ang beach dito sa bintana ng room.
"Ree, ano ba yan? Na-aawkward na ko kakatingin mo sa 'kin ng ganyan ano bang meron?"
Kanina ko pa talaga siya napapansin na ang lapad ng mga ngiti niya while looking at me. Mabuti at karoommate ko siya para mausisa ko na rin. Sakto lang at apat kami dahil 4 persons daw dapat ang occupied ng bawat room, akalain mong mahigit-kumulang 50 kaming lahat at may kasama kaming 5 profs na magbabantay sa 'min. Share kami ni Ree ng bed, malaki naman to kaya kasyang-kasya kami. Sa kabilang bed naman sina Casey.
"Eh akala ko may Zic ka na? Anyare dun kanina ha?"
"Ha? Ang alin ba?"
"Yung p---"
Tinakpan ni Casey ang bibig ni Ree.
"Uy Lex, yung mga gamit mo oh. Pakiayos nga. Ree, samahan mo naman ako sa baba."
This time, hinarangan ko na sila. Si Kira andun lang sa tabi nag-aayos na ng gamit niya.
"Tell me, what is up?"
Sabay tingin nilang dalawa sa taas.
"Wala naman Lex. Ano ka ba, hindi madaling makahanap ng butiki dito sa linis ba naman ng kwartong to. Aray ko naman!" - Casey
Binatukan ko nga. Namilosopo pa. =_=
"Ako ba niloloko niyo? Kanina ko pa gustong-gusto na tanungin sa inyo. Ano ba kasing meron?"
Ganito talaga ang magkaibigan. Kapag nacu-curious ka syempre hindi ka mahihiyang magtanong sa kanila. Ang laki na talaga ng question mark sa ulo ko dahil sa ikinikilos nila.
"Ano?!" ulit ko nang walang nagbalak magsalita.
"Haist. Sige na ipapasa ko na sayo. Akin na cellphone mo."
"Sige."
Tss. Nga pala.
"Nakalimutan ko cp ko."
Pinandilatan ako ng mata ni Ree.
"Of all things ba naman na pwede mong makalimutan yun pa?"
"Sorry, kay? Nakalimutan ko lang talaga. Ano bang meron sa cellphone mo?"
"Ipakita niyo na kasi." -Kira
Nagdalawang-isip pa sila bago iabot ang cp sa akin. O_O
"Kelan to?"
"Kanina lang."
Huh? Wala naman akong naaalala. But anyways, kung eto lang naman pala, okay na. Inabot ko na agad yung cellphone ni Casey.
"Yun na yun?" -Ree
"Sabihin niyo na lang kasi sa 'kin agad. Hindi naman pala big deal."
"Hmp. Hindi ko ineexpect na ganyan magiging reaction mo." -Ree
"Tsk."
Medyo big deal din naman talaga sa 'kin kaya lang ayoko nang palakihin yang issue na yan. First time ko kayang makatulog nang ganun sa sasakyan at first time kong sumandal sa balikat ng isang guy. -.- Gusto kong gawin yung mga first times ko sa taong mahal ko. (__!) Pero ngayon pa lang, failed na ang mission ko.
Nagpahinga kami ng dalawang oras pagkatapos ay nagstart na ang fieldtrip. Pumunta kami sa iba't-ibang factories na gumagawa ng samu't-saring products like pasta, hotdogs, syrup, preserved milk, atbp. Syempre may tour guide kami na mula sa travel agency na hinire ng W.U. Mahirap na pagsabay-sabayin kami though may service naman kami, kaya naman nagdecide ang mga prof na 25 students muna sa umaga at yung matitira ay sa hapon mag-iikot. Fortunately, hindi kami nagkakahiwalay nina Ree, Casey, Kira at si Lexon na rin. Okay, si Drey din. Yung iba hindi ko na kilala pero mukhang friendly naman sila at nabigla ako nang makita ko si Shira. Nandito na kami ngayon sa isang resto nagla-lunch. Katatapos lang namin actually pero syempre kaunting kwentuhan lang muna. So yun napansin ko si Shira (nasa kabilang table lang naman sila, which is malapit lang sa 'min, kasama nung iba pa) and Drey is trying to approach her. Magkatabi lang nga sila eh pero hindi siya pinapansin ni Shira. Hmm, mukhang may away yung dalawa. Pake ko ba? Ahahahahaha.
"Drey, take a look."
Rinig kong sabi sa kanya nung guy sabay pakita ng kung ano sa phone niya. Pamilyar yung mukha. Ahh! Tama isa siya sa mga kasamahan ni Drey at siya rin yung nakabangga sa 'kin nung time na nag-away kami ni Lexon. Tama anim kasi silang lahat hindi ko lang siya nakita nung niligtas ako nila Drey. Hmm. Ngiting-ngiti yung guy na parang inaasar si Drey, hanggang sa napatingin sa 'kin si Drey nang hindi sadya. Shoot! Nahuli niya pa kong nakatingin sa kanila. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Hindi ko naman ma-explain ang expression ng mukha niya. Tinabig niya yung kamay nung guy na may hawak ng cp at umiwas siya ng tingin sa 'kin. Then he tried to talk to Shira again. Kung tama ang hinala ko, yung pic yata namin sa bus yung pinakita sa kanya. T_T Kill me now. Tumayo si Drey, parang badtrip.
"Lex!"
Humarang sa harapan ko si Lexon habang nakahawak sa mga balikat ko. Next thing I know, nagsosorry na yung waiter kay Drey. Ako sana yung matatapunan nung pagkaing dala niya pero nang humarang si Lexon, natabig niya yung waiter kay Drey tuloy nagbagsakan yung pagkain at juice na nasa tray.
"Sorry po talaga sir."
"Back off! What kind of service do you have here?!"
Hinawakan siya ni Shira sa balikat para kumalma.
"Anong nangyayari dito?"
Sabi ng prof namin. Todo explain naman yung waiter at humingi ng pasensya.
"Ayos ka lang Lex?"
"Oo, salamat."
Nasa kalagitnaan pa rin ng kaguluhan ang lahat ng umalis si Drey. Out of my conscience sinundan ko siya.
"Magc-cr lang ako."
"Gusto mo samahan kita?" -Ree
"Hindi. Wag na. Maiwan ko muna kayo."
Lumabas talaga siya ng resto with those dirty clothes at pumunta sa spot ng resto na parang garden. Wala ring tao ngayon dito. Medyo tago rin kasi siya. Umupo siya sa isa sa mga bench, nasa likod niya lang ako. He took a deep breath as he brushes his hair with his hand then covered his face. It was 15 seconds then...
"Why are you here?"
Mahinahon niyang sabi pero maririnig mo pa rin yung pagka-badtrip sa boses niya. *gulp* Malamang ako ang kausap wala namang ibang tao dito. Kinuha ko yung tissue sa shoulder bag ko since malaki-laki din tong bag ko kaya kasya lang ang gamit na gusto kong dalhin. Lumapit na ko sa kanya, nasa likod pa rin ako at inabot yung tissue.
"Sorry talaga sa kanina. Ako dapat yun eh."
Hindi siya gumalaw but he replied.
"Don't worry. Wala kang kinalaman sa nararamdaman kong galit ngayon kaya bumalik ka na dun."
Ay, galit siya? Ay hindi, hindi halata, slight lang. At likas na matigas ang bungo ko kaya umupo ako sa tabi niya. This time, nakatingin na siya. Mukha siyang mangangain ng tao. Inabot ko ulit sa kanya yung tissue.
"Kunin mo na please nakakangalay na eh."
"Tsk."
Kinuha din naman niya. ^__^
"Ano bang problema mo?"
"It's none of your concern."
"Of course it is. Sa ganitong paraan lang naman ako makakabawi sayo. Ang makinig dyan sa problema mo. After all, you saved my life. At isang advantage pa..."
Lumapit ako sa kanya at bahagya kong tinakpan ang bibig ko ng kanang kamay ko. Para namang may makakarinig sa 'kin dito. Haha.
"madali akong makalimot kaya safe yang ayaw mong iparinig sa iba."
I even raised my eyebrows twice. Ano ba tong ginagawa ko? Muntanga na ko dito. -.- Haha.
"Hindi ka talaga aalis?"
Still mukhang badtrip.
"Hm-hm." -shaking my head still making myself look stupid. Haist. Kahit nakikipag-usap ako randomly, what I hate most ay yung makipagclose sa mga guys. Ewan ko ba dito. Nasapian lang ata ako ngayon. Or dahil na rin sa ang laki ng utang na loob ko sa lalaking ito. I heard him sigh.
"Love problems."
"Yan tayo eh. Basted?"
Tiningnan niya ko ng masama. Nagtatanong lang.
"Tsk. I guess."
"Game. Spill na."
"It's just that I don't want to lose her. Hindi ko kayang mawala siya."
"S-si Shira ba?"
Bakit ba ko nautal?
"Yes."
Sagot niya sabay sigh.
"She's worth it alam mo, I can't let her go. Ikakamatay ko ata yun."
"Sure ka?"
"Anong klaseng tanong yan?"
Nakikita kong pawala na yung kunot sa noo niya.
"Teka nga, mahal ka ba niya?"
Yumuko siya.
"That I don't know. But most probably not."
Mukha talaga siyang heartbroken. He's tough enough to not let anyone show it.
"Alam mo bakit hindi mo siya bigyan ng time? I mean let her go for a moment."
"No."
"Haist. Hindi mo kasi malalaman na kaya mong mabuhay nang wala siya kung hindi mo susubukan di ba? At hindi mo rin malalaman na may feelings siya sayo kung hindi ka mawawala sa kanya."
Napaisip siya.
"My point is sa tingin ko kelangan niyo lang makarealize ng mga bagay-bagay. Maybe then, baka mas sumaya ka o kayo sa kung ano man ang pwedeng mangyari."
Ngumiti siya at parang nagtaka.
"De javu?"
Huh? Anong de javu? Nagring ang phone niya. Kinuha niya naman sa bulsa niya, nakitingin din ako. Haha. Big time. Yung latest iPhone to ah. May nagsend sa kanya ng pic. Yung pic namin sa bus!
"Akin na! ----"
Tinaas niya ang kamay niya para hindi ko maabot ang phone.
"Bakit sayo ba 'to?"
Napatakip ako ng mukha sa hiya.
"Sorry talaga. Hindi ko naman alam na napasandal ako sa balikat mo. Antok na antok lang talaga ako nun."
He smiled. Yung smile na mapanloko. Bago pa siya makareact may napansin ako mula sa kamay niya. O_O Dugo?
"May sugat ka?"
"Huh? *sabay tingin sa kamay* Ah.. hindi ko napansin."
"Akin na."
I took his right hand and also my bandage, betadine at cotton na nasa bag ko. Panong hindi niya napansin ang sugat niya eh dalawang pulgadang hiwa sa palad niya to eh.
"Bakit meron ka niyan? That's strange."
"Ah eto ba?"
Tinaas ko yung betadine at inapply na sa sugat niya.
"Gusto ko kasing maging doktor at nakasanayan ko na rin magdala ng mga pang-first aid na gamit."
"And what's your course again?"
Napayuko ako ng kunti.
"HRM. Ikaw?"
Pag-iiba ko.
"Engineering."
"Ahhh.."
Matapos kong linisin ang sugat niya, binalot ko na ng bandage and done! Nag-usap lang kami ng kunti. Hindi pala talaga siya kasama sa fieldtrip na to. Sumama lang siya para kay Shira. Nagbayad din naman siya sa registration at lahat. Pano kaya siya pinayagan? Hmm. Naisipan na rin naming bumalik na sa loob dahil baka hinahanap na rin kami. Hindi pa kami nakakalayo ay may nakita akong binubully na batang lalaki sa may parking lot banda. Aba! Nilapitan ko nga. Apat silang mga bully hindi man lang naawa.
"Hoy! Anong ginagawa niyo ha? Ang lalaki niyo na pumapatol kayo ng bata."
Mga highschoolers sila halata sa uniform, eh yung binubully nila elem. pa lang. Ang dumi ng damit nung bata at iyak pa nang iyak. Kawawa naman.
"Ale, wag nga kayong makialam dito. Problemahin niyo po ang problema niyo."
Abaaa, tinawag pa kong ale.
"Wala kayong galang ah. Isauli niyo na yung bag nung bata. Ngayon na!"
Pananakot ko. Sasabat pa sana yung isa pero dumating si Drey. Nanlaki ang mga mata nung mga bully sa gulat.
"S-sabi ko nga po isasauli na namin. E-eto na, sorry."
Pagkatapos nilang iabot ang bag, nagsitakbuhan na silang lahat. Yumuko ako para mapantayan ang bata.
"Anong pangalan mo?"
"A-andrew po."
"Hi Andrew! Ako nga pala si Ate Alexa, eto naman si Kuya Drey."
Tumingin siya kay Drey pero bigla siyang umiwas at parang natakot.
"Ayos ka lang ba?"
"O-opo okay na po ko. Sige po, salamat."
Yumuko lang siya tsaka nagmadaling umalis. Pinalo ko si Drey sa balikat, mahina lang naman.
"Ano bang ginawa mo ha? Bakit takot yung mga yun sa 'yo?"
Nagkibit-balikat lang siya.
"Drey! Andito ka lang pala, are you okay?"
Si Shira pala.
"Okay na 'ko."
"Let's go. Bumalik na daw tayo sa resort."
Umalis sila nang hindi man lang ako pinansin. Wow lang. Hindi ko alam kung ako dapat ang mahiya sa kanila eh. Haist. Makapasok na nga rin.
"Ree, pahiram naman ako ng phone mo."
Andito na kami ngayon sa resort. Sa dami ng napuntahan namin, 8 na ng gabi kami natapos. Syempre nagdinner naman kami sa labas and here we are in our respective rooms magpapahinga na. So much for our first day.
"Oh."
Lumabas ako ng kwarto namin at pumunta sa balcony. Mas maganda ang view dito sa balcony lalo na't ang presko ng hangin. Tumayo lang ako para mas makita ang view sa baba. Okay, enter number. Errr, ano ulit no. niya? Ay, teka. Bumalik ako sa room at kinuha yung maliit na notebook ko. Girl Scout kasi ako, prepared lagi. Haha. Ayon! Number ni Zic! Hindi kasi ako magaling sa memorization ng no. Yung 3 huling digits lang kasi ang napapansin ko lagi. Haha.
"Uy Lex, late na ah. Bakit may bisita ka sa gantong oras?" -Kira
"Huh?"
"Tumawag dito yung receptionist."
Tinaas ni Kira yung telephone na hawak niya.
"May bisita ka raw."
"Sino naman daw?" -Ree
"Malay. Binaba agad eh."
"Sige, tingnan ko na lang sa baba."
Nabigla ako nang pagbukas ko ng pinto, bumungad sa kin ang mukha ni Zic. Namamalik-mata ba 'ko? Ngumiti siya kaya nasilaw ako. Joke! Haha.
"Buti pinayagan akong umakyat dito."
"Anong ginagawa mo dito?"
"Tsk. Kararating ko lang papalayasin mo na agad ako?"
"Nakakapagtaka lang kasi. Tara, sa balcony na lang tayo."
"Huwag na. Pumunta lang ako dito para ibigay sa 'yo to. Naghihintay din kasi si Dad sa akin, uuwi rin agad kami ngayon. Nabanggit sa kin ni Ree na naiwan mo ang cellphone mo kaya eto oh."
"Hi Zic!" -Ree
Kumaway naman si Zic nang sumilip si Ree sa may likod ko.
"Kinontact ko siya. Wag ka nang magselos kung hiningi ko no. niya. Hindi ka kasi sumasagot sa tawag ko. Nag-alala tuloy ako."
"Sinong may sabing nagseselos ako? Tss."
Tumawa lang siya. Tsk. Inabot niya sa 'kin yung cellphone daw na naka-plastic pa at halatang kabibili lang niya. Inabot niya rin yung flowers na dala niya. Ako nang kinikilig. ^___^
"For you."
"Ano ka ba, bakit ka pa bumili ng phone? Pwede naman kitang tawagan sa phone ni Ree eh."
"Naku Lex, wag niyo na 'kong istorbohin noh."
Grabe, ang saya lang Ree. Ilaglag mo pa ko. -.- Sa bagay, kung tutuusin maliit na bagay lang to para kay Zic. Mayaman sila. Palagi kong nakakalimutan ang part na yun. Hindi naman kasi si Zic yung tipong ipapamukha sa ibang tao na mayaman sila. All I know is CEO ang Dad niya ng isang sikat na corporation at yung Mom naman niya ay President ng prestigious company sa ibang bansa. Kung gaano sila kayaman, yun ang hindi ko alam. Haha.
"Hahaha. Sinave ko na yung no. mo sa phone ko. Nakasave na rin ang number ko dyan. Pag may problema ka, I'm one call away."
Asus. Kumuha pa ng lyrics sa kanta.
"Thank you Zic! Ihatid na kita sa baba."
"Wag na. Magpahinga ka na. Bye."
Nagwave na siya. Wala man lang kiss? Ahahaha. Oo na. Hindi pa naman kasi kami officially na mag-on. Haist. Bago pa siya makalayo at makapasok sa elevator...
"Zic!"
Napalingon naman siya. Tumakbo ako palapit and... Smack sa cheeks will do. ^_^
"Salamat ulit. See you soon."
Ngumiti siya.
"Sabihin mo lang sa 'kin kung gusto mo ng kiss. Hindi mo naman kelangan magnakaw."
Tsk. His laugh made my day. Haist. Hindi pa siya umaalis pero namimiss ko na siya. He cupped my face.
"Take care, okay?"
"You too."
He kissed me on the lips. Smack lang din naman. Then slowly, pumasok na siya sa elevator, moment na parang gusto ko siyang hilahin pabalik. (__!) Ugghhhh. T.T
Zic's P.O.V
I blocked the door of the elevator bago pa eto tuluyang sumara. For the last time I took a look at my girl. Nakatalikod na siya, with her shoulders down I can see that she's sad. I'll miss her. She fin'lly closed the door and so I am ready to go.
"Wait!"
She entered. It's Shira.
"Oh. I didn't expect to see you here. Akala ko nasa baba ka pa. Pupuntahan sana kita dun. Did you come to see me?"
She wrapped her arms around mine pero tinanggal ko agad ang mga kamay niya then pressed the button.
"No, and who told you?"
"Hmm? Ah, that you're here? Your dad. You know that my mom and your dad are business partners kaya syempre gusto nilang maging close tayo. After all, we will take over the business once we are at the right age."
"But it doesn't mean that we should be way more than friends. Please Shira, stop already."
"And why not? Huh! Dahil dun sa babaeng yun noh? Is that why you're here? Look, she's not even worth it. Come on Zic."
Hahawakan niya sana ulit ako but I stopped her.
"Look Shira, you're being way too much. Stop this nonsense."
"Alam mong may feelings ako para sa 'yo bata palang tayo. How dare you treat me like this! Me? Shira Santico? Sinusubukan mo ba talaga ako? You know what I'm capable of. What I want is what I get. You want a game do you, and that girl too?"
I leaned closer to her and grabbed her hand.
"Nasasaktan ako! Ano ba!?"
"Don't mess up with my girl. Hindi mo rin magugustuhan na kalabanin ako, Shira. Baka nakakalimutan mo rin, I am Zic Montergo."
*ting*
Lumabas na ko ng elevator. She better leave her alone. I saw Dad getting in the car.
"So, nagkita ba kayo ni Shira?"
"Dad, you know why I'm here. Bakit mo pa siya kinontact?"
"What? I just want you to see her. That's all."
"Please naman Dad, back off. Business is business. Wag mo namang idamay ang personal life ko."
"My intentions are pure. You should atleast thank me na pinapayagan kita sa kung anumang lovelife ang meron ka ngayon. It won't last."
"Stop saying that!"
I brushed my hair with so much frustration. Pumasok na si Dad sa kotse. I heard my phone rang. Si Alexa. Buti na lang at may load na ang sim niya. Hindi niya na kelangang mag-abala.
"Hello."
"Oh? Bakit parang galit ka?"
"I'm sorry. May-may nangyari lang kasi."
"Okay ka lang?"
"Now that you called I'm fine."
I can see that she's smiling.
"Mag-iingat kayo sa byahe ng dad mo ha? Ma-mimiss kita."
"Finally, nagiging sweet ka na."
"Tsk. Minsan lang to. Sige na. Ba-bye!"
She dropped the call. I can feel that she was embarrassed. Haha. She always knows how to make me happy. I get in the car. See you soon my Lex.
Alexa's P.O.V
"Yieeeee!!!! Grabe ka talaga Lex! Naaapakan ko na yung buhok mo oh."-Kira
"Teka nga, kelan mo ba siya sasagutin ha?" -Ree
Hindi matatapos-tapos ang pag-uusisa nila sa 'kin nang makaalis na si Zic.
"Basta, malapit na. ^_^"
"Asus. Wag mo nang pag-intayin. Sige ka. Baka mamaya niyan----"
"Naku naman Kira. Wag mo namang takutin si Lex sabi nga nila di ba "Good things come to those who wait." Kaya take your time. Ang sweet niyo talaga. Yieee. Eh pano na nga si Drey?
"Uy Ree, pano nasali dito si Drey ha?" -Casey
"Hehe. Bagay kaya silang tingnan."
Naman tong mga to.
*buzzzzz*
Oh. May nagtext. Baka si Zic. Siya pa lang naman ang may alam ng no. ko.
-unknown-
Please let's talk. Hihintayin kita sa baba, sa cottage. Please. I'll wait for you.
-----
Sino naman to? Wrong send? Pero, pano naman niya malalaman na nasa beach ako? Cottage daw oh. Time check: 9:00. Hmm.. Pwede ko pa naman atang i-check sa baba.
"Ree, magtetext na lang ako sa yo pagbalik ko ah? Baka kasi i-lock niyo ang pinto. May iche-check lang ako sa main floor."
"Samahan kita gusto mo?"
"Hindi, saglit lang to."
"Okay."
I brought my phone with me at sumakay sa elevator. Nang nasa main floor na ko agad naman akong pumunta sa seashore. Jusme, andami namang cottages dito. At saka mukhang wala namang tao. Kapagod pa namang umakyat-baba. Tutal andito naman na ko, magpahangin muna siguro ako. Hayyyy, umupo ako sa gilid ng cottage. Antanga ko lang eh pwede namang sa loob ng cottage umupo. Eh ano ba? Trip ko eh. Hahaha.
Sun goes down and we are here together
Fireflies glow like a thousand charms
Stay with me and you can dream forever
Right here in my arms tonight.
Feel ko lang kumanta. I love barbie songs. Naku, mukhang pagtanda ko hindi na maalis tong pagkahilig ko dun. Tamang-tama din tong kanta ko, may mga fireflies akong nakikita sa taas ng dagat. Para silang mga stars na makikita sa malapitan at kahit madilim na, kitang-kita ko ang hinahon ng dagat. Ang sarap sa pakiramdam.
"Magaling ka palang kumanta?"
"Ay palaka!"
Napatalon ako sa gulat. Ang OA ko ngang tingnan. Nakaupo pa ko kanina eh. Lumingon-lingon ako, walang tao. Multo?! Multo!?
"Ahhhhhhhhh!!!!!!"
May napansin akong bumangon sa kabaong. Joke! Bumangon sya mula sa pagkakahiga sa upuan ng cottage na tyempo namang nasa gilid ko lang. Mukhang natutulog siya kanina. Habang ako, nakahawak na sa dibdib ko para kasing mahuhulog na ang puso ko sa sobrang kaba. Nang maupo siya nang maayos, I sighed deeply.
"Jusko naman Drey, wag ka ngang nambibigla! Mamatay ako nito sa nerbyos eh. Kala ko kung ano."
"Tsk."
Si Drey nga. But seriously, nagulat talaga ako. Ang ganda ng pag-emo ko dito at feel na feel ko pa ang pagkanta. Andyan pala siya? Nakakahiyaaaa.
"Ano ba'ng ginagawa mo dito?"
"What about you? What are you doing here? It's getting late."
"Wow. Question answered by another question. Saya"
Ang weird. Paunti-unti kasi nababawasan yung awkwardness na nafi-feel ko kapag kausap siya. Yung tipong I'm getting used to it. Umupo ulit ako sa pwesto ko. Bale andyan siya loob ng cottage, ako naman nasa gilid nakaupo sa buhanginan. Haha, kita ko naman siya kasi maliit lang naman tong cottage.
"Oh, sorry. Nagpapahangin lang. Ikaw?"
"H-ha. Eh, ganun din. Kamusta na pala ang kamay mo?"
Hindi ko na sasabihin ang dahilan ng pagpunta ko dito. Tawagin pa kong weirdo nito at sumusunod lang ng basta-basta sa hindi kilala.
"It's just a scratch. Gagaling din to."
He raised his hand. Hmm. Mukhang okay na nga.
"Buti naman pala."
Moment of silence. Yung paghampas ng alon lang ang naririnig ko. Wala na rin akong naiisip na pwedeng pag-usapan pero ayoko pang umalis, ang sarap ng simoy ng hangin eh. Kanta? Haha.
"Nga pala----" "Bakit----"
Natahimik kaming pareho. Sabay talaga? Hindi ako nakatangin sa kanya. Nakatingin lang ako sa dagat, sa tingin ko naman ganun din siya.
"Ano yun----" "What?-----"
O-kay. Ayoko na. Tumahimik na ulit ako but he broke the ice, not literally.
"Tatanungin ko sana kung bakit mo ko iniiwasan these past few days nung nasa W.U. tayo?"
I stiffened. Napansin niya? Super effort naman daw ako na hindi mahalata. -.-
"A-ahahaha.(so fake. Sobrang halata pa. Huhu) S-sorry. Hindi ka ba naa-awkward? Kasi ako, oo. Hindi ko alam kung ako lang pero, palagi kasi tayong nagkikita dati pa. Kaya sinubukan ko na iwasan ka."
"You can't change fate you know?"
Ano daw? Fate?
"Pffft. You call it fate? It's more like a curse to me."
"I didn't know seeing me is a curse. You should consider yourself lucky. Not anyone can see me most of the time as much as you do."
Conceited. May side pala siyang ganto.
"Kaya pala mahangin. So, napapansin mo palang palagi tayong nagkikita? Accidentally?"
"Not sure. I think you planned it well to make it look like it was just a coincidence."
Napatayo na ko.
"I can't stand the wind. Masyado na talagang mahangin."
With emphasis sa mahangin. Tsk. I stretched my arms.
"*yawn* Sige ha? Inaantok na rin ako."
Aalis na sana ako.
"Anong floor mo?"
"5? (Hindi sure? Haha.) Bakit?"
"Sa 5th floor din ako. Sabay na tayo."
O_O
"Sinasadya mo ba talagang sundan ako? Stalker ba kita? Ha?"
"Look who's talking. Baka nga sinadya mong mapunta sa 5th floor para makita ako palagi."
Nakikita niyo ba yung usok sa ilong at tenga ko?! Oo, nakakaasar na siya ha! Napansin kong huminto siya at tumingin sa kung saan, may hinahanap ata. Wala namang tao eh. Nauna na ko sa kanya pero nang mapansin kong nakasunod na siya....
"Lumipat ka ng floor!"
"No."
"Lumipat ka nga!"
"No."
Nakapasok na kami sa elevator pero hindi ko pa rin siya nakumbinsi. May sayad ata to eh.
*ting*
"Bye stalker."
He waved his hand at nakangiting-aso pa. Oo na gwapo siya, pero mukha siyang papatay ng tao kapag naka-smirk. Tss. Pinanood ko lang siya hanggang sa makapasok siya ng room. O_O Katabi lang ng room namin! Kung minamalas nga naman. Arrrghhhh!!!!
**************************************************
- puzzled_emo :) -