Hmm.. Ilang araw na ba matapos mangyari ang incident na yun? Ah hindi, isang buwan na pala. Matapos ang nangyari, nagdesisyon na 'kong magquit na lang sa pagtulong para sa SCUAA. Kahit labag sa kalooban ko, yun na siguro ang best choice ko para maproteksyunan ang sarili. Hiyang-hiya na nga ako kay Frank pero naintindihan din naman niya lalo na't sinabi kong personal ang rason. Alam niya namang hindi ako basta-bastang umaalis nang walang dahilan. Si Zic naman, ayun tinuloy niya pa rin ang pagtulong dahil na rin sa malaki ang maiaambag niya para sa pag-organize ng event. Syempre, hindi rin nawala ang mga tanong niya at panay ang pangungulit sa kung bakit daw ako nagquit at kung ano ang rason. Pero, hindi ko nagawang sabihin sa kanya. Ang hirap pala, kahit gaano ko kagustong sabihin sa kanya in the end, kinakain ako ng takot at hiya. Siguro may na-sense siyang something at ginawa niya ang lahat para hindi umalis sa tabi ko. Naging panatag na din ako dahil sa kanya. Palagi niyang ini-insist na ihatid ako at hindi ko na siya pinipigilan. Takot ko lang eh. Naging successful din ang SCUAA event, ang saya nga eh. Andami nilang pakulo. Napaka-worth it din ng practice ng mga performers ng cheerdance. Ang galing nila! Napanood niyo? Hahaha. But after nun, medyo nahirapan na kaming mag-adjust ni Zic. Minsanan na lang kami nagkikita, naging busy din kasi kami sa studies namin. Kung hindi ako ang busy, eh siya naman. Mga twice a week na lang kami nagkakaroon ng time para magkita. Haist, sana magkita kami sa araw na yun, dun ko na siya balak sagutin eh. Sekreto na muna kung kelan yun. Si Ree naman, siya na ang madalas kong makasama pag uwian lalo na kung nalalate si Zic dahil sa klase niya. Tinetext ko na lang siya na mauuna ako. Oo, textmate na kami. Haha. Sina Kira naman at Casey, may lakad parati. May iniistalk daw kasi sila eh. Hindi naman sinasabi kung sino. Hayy, ano kayang trip nung mga yun? -_- Si Lexon, naging aloof sa 'kin. Hindi naman gaano pero nakakamiss lang minsan yung pang-aasar niya. Binalaan niya naman ako na medyo lalayo siya sa 'kin. Hindi na ko nagtanong kung bakit. Ganun pa rin naman ang trato namin sa isa't-isa. The same old us. Nabawasan nga lang. Si Drey naman, sa wakas! Hindi ko na gaanong nakakasalubong. Thrice a week na lang. Achievement na yun noh. Ginawa ko talaga ang lahat para hindi kami magkatagpo ng landas. Sinisigurado ko muna na hindi niya pa ko napapansin para hindi ako mahalata at pag naka-tiempo na ko, saka ako iiwas. Galing ko di ba? :D Pag wala naman akong pinagkakaabalahan, si BlackAngel madalas ang nakakausap ko. Kung tatansyahin nga eh close na kami. Ang dami ko na rin nalaman tungkol sa kanya at parang childhood friend ko siya sa dami kong nalaman. Nakakalungkot lang na wala siyang alam tungkol sa 'kin. Pa'no, kapag nag-uusap kami, ako lang ang laging nagtatanong sa kanya. Nakakainis lang minsan na hindi siya interesado sa buhay ko, ginawa niya kong diary sa lagay na to eh. But, okay na rin ata yun kasi di ba, hindi ako mag-aalalang baka makilala niya ko. Hep! Wag kayong mag-alala, alam ni Zic ang tungkol dito. Alam niya naman na mula highschool pa lang mahilig na kong makipag-usap kahit kanino. Nature ko na ata yun eh.
*yawn*
Napatingin ako sa lappy, may nagmessage eh. Hmm, speaking of.
BlackAngel: Hey.
Nakakapagtaka lang minsan yung mga gantong time na siya ang unang nagmemessage. Aba, ang hilig kong magcheck ng kung sino ang online saka sila kukulitin eh. Haha. At madalas talaga, ako ang unang nagmemessage sa kanya.
Me: Hey, what's up? :)
Either way, ako pa rin ang nag-oopen ng conversation. =__=
BlackAngel: Just with my horses in the barn. You?
Aba, may barn pala sila. Ang sosyal ah.
Me: What are you doing there at this late hour?
Oh di ba? Kahit papano kaya ko nang makipagsapalaran sa madugong digmaan. Madugong digmaan ng Inglesan.
BlackAngel: Just getting some fresh air. I'm not usually like this until the break-up.
Yep. Break na sila. Pero--------
BlackAngel: I still miss her.
See?
Me: We both know you've made the right choice. After all, she's not worthy of your love. You deserve someone better.
I'm the kind of girl who defends girls most of the time. Pero sa gantong time, knowing his story, I think mas tama lang na panigan siya. But there are moments pa rin na gusto kong marinig ang side nung girl.
BlackAngel: Yeah, it'll take long before I can finally move on and have someone to love but I'm sure army training is a lot harder to do.
Me: I just don't get it. You're a gang leader, at least that's what you said. Then, why do you want to be in an army?
BlackAngel: Only a few actually knows I am a member of a gang. We have rules you know. The very reason I joined is just that I want my girl to get out of it.
Grabe naman tong magmahal. Isasakripisyo niya talaga ang sarili para makalabas yung "Girl niya" sa Gang World na yan?
Me: Does the girl want to be out of it too?
BlackAngel: Nah, but I don't really like it. It's very dangerous for her to be in it.
Ang hindi ko lang maintindihan, ayaw nung ex niya na nakikipag-away tong si BlackAngel eh bakit pati siya pala kasali sa gang na yan?
BlackAngel: It's not that easy to get out once you get in. Just so you know.
Me: What's your plan now?
BlackAngel: I don't know actually.
Pa'no niya mapoprotektahan yun ngayon eh break na sila? Nga pala, never ko pang nacheck ang profile niya. Nakakalimutan ko kasi. Hindi ko pa siya kilala, yung profile pic niya kasi hindi naman mukha niya. Skull lang siya na black na something. Basta, hindi ko maintindihan....
Ma-check nga timeline niya.
Bastang alam ko lang ay masaya ko pag siya
Yung tipong bahala na makasama lang siya
Kahit di sigurado at hindi matantsa
Ang nararamdaman ko para sa kanya
Si Zic.
"Hello?"
"Hi Lex! Na-istorbo ba kita?"
"Ha? Hindi naman. Nakikipagchat lang naman ako."
I closed my laptop sabay higa.
"Bakit ka pala tumawag?"
"Yung BlackAngel na naman ba ka-chat mo?"
Sa boses pa lang niya na-iimagine ko nang naka-pout siya. Haha.
"Haha. Siya nga."
Hindi na siya nagsalita. Chineck ko ang cp baka kasi naputol lang pero hindi. Hinintay ko na lang siya magsalita.
..............
Pero mukhang walang balak.
"Zi--------"
"Nakakaselos naman."
"Z-zic.."
"Sorry, alam kong hindi dapat pero hindi ko maiwasan."
"Namiss kita."
Dagdag niya. Napangiti ako . Ano ba yan, hindi na naman ako nito makakatulog nang maayos sa kilig.
"Thank you."
"Yun lang?"
"Err, alam mo namang hindi ako sanay sa mga matatamis at nakakalanggam na mga salita."
"Haha. Bakit ba ko hindi nasanay?"
"Zic, seryoso ka sa sinabi mo kanina?"
"Na na-miss kita? Bakit ko naman gagawing joke yun?"
"Hindi yun. Yung nagseselos ka."
Paghinga niya lang ang narinig ko ng ilang segundo.
"Normal lang naman yun pag nagmamahal ka di ba? Kaya oo."
Kainis. Nagwawala na naman tong puso ko.
"Sorry Zic. Wag kang mag-alala ititigil ko na ang makipag-usap sa kanya."
"No, Lex. Ayoko naman na masakal ka nang dahil sa 'kin. At saka may tiwala naman ako sa 'yo. Yun ang importante. Sorry sa sinabi ko kanina."
"Bakit naman ako masasakal nang dahil lang dun? Haha. Ano ka ba? Maghanda ka nga lang. Ikaw na ang palagi kong kukulitin."
"Haha. Sige. Aasahan ko yan. Ano'ng oras ka pala aalis bukas sa field trip niyo?"
"6 ng umaga. Bakit?"
May fieldtrip kami sa Quezon at magsstay kami dun ng limang araw. Major requirements kasi ng isa sa prerequisite subjects namin. Sigurado akong meron din kaming ibang makakasabay na mula sa ibang kurso. Pa-major kasi yung ibang subjects, maiintindihan niyo lang ako kapag pareho tayo ng nararamdaman. Haha.
"Ihatid na kita sa W.U. Para naman makita kita. Hindi na tayo nakakapagdate ulit eh."
"Asus. Haha, sige ba."
Anong gamit niya pag sinusundo o kaya hinahatid ako? May kotse siya actually. Pero madalas, motorbike lang ang dinadala niya.
"Okay, I'll be there at 5:45 tomorrow."
"Okay."
He was about to hung up.
"Ay, Zic."
"Hmm?"
"Hindi naman kita ma-mimiss eh. Palagi ka naman kasing nandito. Alam mo ba kung sa'n ako nakaturo?"
"Saan?"
"Sa puso ko."
I ended the call. Ayokong marinig siyang magsalita baka mahiya na ko. Arrrggghhh. Pumatalikod ako sa kama at isiniksik ang mukha sa unan habang panay ang padyak ng paa. Arkkk--- hindi ako makahinga. Haha. May nagmessage sa phone.
-Good night my Lex. See you tomorrow. Dream of me. Casey's P.O.V
"Kira, ano na'ng balita?"
"Huh?"
"Tsk. Yung ini-stalk natin."
"Ay, oo nga pala. Wala eh. Masyadong tago yung mga info tungkol sa kanya. Basta leader siya sa isang something at mayaman ang pamilya niya."
"Haist. Kaya mas ginaganahan akong kilalanin siya dahil dyan eh. Masyado siyang mysterious."
Kung ano'ng pinag-uusapan namin saka ko na lang isi-share. Wag kayong mag-alala, walang kinalaman ang lovelife ko o ni Kira dito. Gusto lang namin pumatay ng oras. ^__^
"Oh? Ree! Buti nakaabot ka?"
Lumapit sa amin si Ree na hingal na hingal.
"*exhale* Na-late ako ng gising eh. Si Lex?"
"Hindi namin napansin eh." -Kira
Lumingon-lingon naman siya.
"Hindi napansin? Eh andyan lang si Lex sa harapan niyo oh."
Huh? Kanina pa ba siya diyan? Hindi ko napansin. Hahaha.
"Na-busy kami kaya hindi namin napansin. Hahaha."
"Haist. Sige, sa kabilang bus nalang ako. Wala na palang bakante dito eh."
"Sige, byes!" –Kira at ako
Nang makaalis naman si Ree. Inabot sa 'kin ni Kira ang cellphone niya.
"Casey, tingnan mo. Leader siya ng Tross' Gang, magaling kumanta but hindi niya ini-expose, at meron siyang younger sister, plus he's been to States for five years. Yun lang yung nakuha ko."
"San naman galing yang source mo?"
"Secret. Hihi."
*toooogshh toogggssshh*
O___O
"Ano 'yun?"
Grabe ang impact ng tunog. Pakiramdam ko nag-echo sa buong bus yung sound. Napako ang tingin namin sa harap. Si Lex naumpog sa bintana! Ano ba naman to si Lex? Baka napano na ang utak niya. Baka nga nag-c***k na ang bungo niya. TT.TT Ang malala pa niyan eh hindi man lang natinag. Natutulog pa rin siya. Tatayo na sana ako para gisingin siya kasi naman, mauuntog uli siya! Pero nagulat ako nang kunin nung guy na katabi niya yung ulo ni Lex saka ipinatong sa kaliwang balikat niya. And omg! Si Drey Tross! Siya pala katabi niya.
*click click*
"Kira, ano'ng ginagawa mo?"
Pinandilatan niya ako na parang shut-up-look. I raised my two arms like saying "Fine."
*evil smile*
Kinuha ko rin cp ko. Aist, likod lang ang nakikita eh. Napatingin ako sa harapan ng seat nina Alexa. May kumukuha rin ng pic! Makipasa nga. Bwahhahaha. >:)
Alexa's P.O.V
I stretched my two arms the very moment na nakababa ako ng bus. Nakatulog din nang maayos sa wakas! Pero napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit ah. Anyare? Di bale, iinom na lang ako ng gamot. Baka nahilo lang sa byahe.
"Tsk."
I heard Drey. *lingon lingon* Sinong kausap nito? Umalis din naman siya agad.
"Lex!"
"Oh, Kira!"
Hinawakan niya ako sa mukha at ininspeksyon na parang ewan.
"Hmm. Mukhang ayos naman siya Casey wala namang dugo."
Huh? Pinagsasabi nito? Umalis din sila agad. Nakakatakot lang yung evil look nilang dalawa. 'no bang meron sa mga tao ngayon? Pati yung iba pinagtitinginan ako. Tss. -_- Anyways, ayokong sirain nila ang araw ko. I'll enjoy the rest of the week in this fieldtrip. Aba! Minsan lang to! ^-^
--------------------------------------------------------------
- puzzled_emo :) -