Chapter 10

4089 Words
"A love story will not be a perfect one if there's a past following it." ************************************************************ "Siya pala ang tinutukoy mo. Ang sweet niyo kanina." Tiningnan ko siya. Magkatabi kasi kami kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. Nakatingin lang siya sa kawalan habang nag-iimagine ng kung ano. Nakangiti siya pero bakas sa mukha niya ang lungkot. Teka, ano bang pinagsasabi niya? "Ang sweet niyo kanina ni Lexon." Pag-uulit niya nang hindi pa rin nakatingin sa 'kin. Ano raw!? Kahit naguguluhan ako hindi ako nagsalita. Iniisip ko pa lang ang nangyari kanina, hindi ko na alam kung ano ang irereact. Baka rin kasi hindi siya maniwala sa akin. *Flashback* "Pare, pasensiya na pero kelangan na naming umuwi. Maggagabi na rin." -Lexon Hindi siya pinakinggan ni Zic. Nakatingin lang siya sa 'kin. "Please Alexa." Hindi ko alam kung ano'ng dapat sabihin. Naramdaman ko na lang na may humawak sa bewang ko. Si Lexon. -__- Ano na namang pakulo nito? "Sorry pre, aalis na kami." Pero humarang si Zic sa daraanan namin still not taking his eyes off me. "Ihahatid ko siya!" pahabol niya *sigh* Handa na ba kong pakinggan siya? "Lexon, iwan mo muna kami. Sige na, mauna ka na." "Pero...." Tiningnan niya ko nang maigi, siguro para masiguradong seryoso ako at magiging okay ang lahat. Alam kong nalilito siya ngayon. Hindi niya kilala si Zic, hindi rin naman kasi siya officer dati. Kahit malakas ang laban niya, hindi siya nahilig sumali kapag may election. Nang makuha niya ang assurance mula sa kin saka lang siya unti-unting bumitaw. "Tawagan mo ko kapag nakauwi ka na." Saka siya tumingin kay Zic. "Please bring her home safely kung hindi, hindi kita mapapatawad." "I promise." *End of Flashback* Wala akong load! Gusto ko sana yang isigaw kanina pero hindi ko kayang i-break ang tension sa ganung paraan. Ang OA rin kasi, tawag talaga? Pwede namang chat na lang. Libre pa. =_= Hanggang sa naalala kong may kasama pala ako. "Ano ba!? Hindi ka ba magsasalita?" Bigla siyang nataranta. Pa'no tumayo ako. "Teka! Eh may sinabi naman ako kanina, wala ka namang reply." Sa bagay. "Pero hindi naman tungkol dun ang gusto mong pag-usapan di ba? Niloloko mo ba 'ko?" Tumayo na rin siya, slowly and he looks so masculine that way. He looked at me like there was something. Ayokong i-assume kung ano yun. "How will I have you back?" Nag-iba ang expression ng mukha ko. Nanlalambot ako. Napayuko ako, no I can't take the look in his eyes. He's pleading. "Ano ba'ng gusto mong mangyari?" "Lex, I came back for you." Lexon's P.O.V "I came back for you." Takte. Dumada-moves ang gag*. Ano ba'ng meron ang lalaking yun Alexa ha? At siya ang nagustuhan mo? Parati akong nagpapanggap kay Lex na hindi ko siya kilala. Ewan ko ba pero kilala ko na yang epal na Zic na yan. Sikat siya nung highschool palang kami at pareho silang appointed ni Lex sa iisang organization, one thing na pinagseselosan ko dati. I thought I had the chance. Mula pa nung una, palagi na kaming pini-pair ni Lex ng mga kaklase namin. Isa rin siguro yung dahilan kaya na-inlove ako sa kanya. Hanggang sa nagsimula na 'kong magparamdam sa kanya. Pero, takte. Sumingit siya! May nababalitaan din na 'ko nung mga oras na yun na may gusto raw si Zic sa kanya, may part din dun na si Alexa naman daw ang may gusto kay Zic. Bwisit lang! Ang mas malala pa nun, kumalat sa school namin na sila na daw! Pero kahit kelan hindi umabot ang balitang yun kay Lex. Sobrang nagalit ako that time so I made a way to stop the rumors and it did. Hanggang sa nagkaroon ng gf ang gag*ng yun. Hindi niya alam kung gaano nasaktan si Lex. I was there. Tinitingnan ko siya sa malayo. I saw how her precious tears came out of her eyes by just seeing Zic with that other girl. He doesn't know how Alexa came through a lot just to get over him. Gag* siya! Bwisit siya! Author: Sorry po sa mga mura. Hindi niya na po talaga mapigilan ang emosyon niya. Tabi dyan author! Eh gag* naman talaga siya eh! Di ba? He cupped Alexa's face and I am hurt to see how her cheeks turned red as he touched her chin to lift her head up. Lex, hindi ba pwedeng ako na lang? What does that stupid guy have that I don't? He only gives you pain in the as*. Is he worth your pain? Wasn't it enough that you still ask for more? Why can't it be you and me? Umiwas ako ng tingin. Hindi ko na 'to kayang panoorin. Alam kung tinapos ko na kay Alexa ang tungkol sa nararamdaman ko sa kanya pero hindi naman yun basta-bastang mawawala. I walked away as fast as I could, not minding the tears I shed. I smirked. Okay lang, sanay na 'ko. This wasn't the first time I cried anyway, the first time I cried for my first love... Alexa's P.O.V I can't look directly through his eyes. Pakiramdam ko malulunod ako sa mga tingin niya anytime soon. And the way I'm feeling right now, I think I already have the answer to my question, sa kung anong mararamdaman ko pag nagkita ulit kami. "How will I have you back?" Hinawakan niya ang chin ko with his right hands, it was gentle and calming. "Lex, I came back for you." "Please I don't need more lies." "Then I will tell you everything." *Flashback* Zic's P.O.V Ang ganda niya talaga. She's simple, may pagka-geek pero hindi maipagkakailang maganda siya. I love everything about her. She's unconsciously honest, sensitive, friendly, ladylike and I like it that way. The very moment I've known her, I already felt something for her. She doesn't have a single idea how I looked at her everytime she passes by, the way her precious smile made my day, and how day by day my feelings for her started to grow into something more------- something intimate. Nakakatawa lang isipin na kapag nag-uusap na kami, nauutal na 'ko. It was very unusual for me. Siya lang nakakagawa nun sa 'kin. Pero nung mga pagkakataong nun, wrong timing ang pagkakakilala namin. Bago ko pa siya nakilala, may nililigawan na 'ko. Hindi ko alam na magkakagusto ako sa kanya. Pero bago ko pa pagsisihan ang lahat, tinigil ko na ang panliligaw ko kay Lyssa. Hanggang sa kumalat na kami daw ni Alexa. Ang saya ko nun. Biruin mo? Hahahaha. Nagkaroon din ako ng lakas ng loob para ligawan na sana siya. Kaya lang, nung araw ding yun, sinagot ako ni Lyssa. Hindi ko alam kung anong nangyari, nabigla rin ako, yun din ang naging pagkakamali ko dahil hinayaan ko lang. Kasi baka nga naman may pag-asa pa kami. Baka naman mawala rin ang nararamdaman ko kay Alexa. Naging selosa si Lyssa habang tumatagal kami, palagi niya kong binibintangan na kinakausap ko si Alexa at kung anu-ano pa. Binantaan niya rin ako na hindi ko gusto ang mga mangyayari kapag pinagpatuloy ko ang pakikipag-usap sa kanya. Naging cold ako kay Lex at habang tumatagal dun ko narealize na hindi ko kaya.... Wala na talaga, si Lex na talaga ang nasa puso ko. I miss her. I long for her. I love her..... I did everything I could to break up with Lyssa and when I was about to succeed, she begged for one last request ----- the 3-month rule. I don't know na may rule pala na ganun. But that was the only way na sinabi niya for her to agree with the break-up. For me thinking there was no other choice, pumayag na lang din ako. But time and time passed, nawawalan na rin pala ako ng chance para makasama pa sana nang matagal si Alexa. "What?! You want me study in the USA!? No dad! I won't allow it." "And so am I. Whether you like it or not son, sa US ka magka-college o baka gusto mo na namang tanggalin ko ang koneksiyon mo sa lahat ng mga kaibigan mo? You know what I am capable of. Who's pulling you back huh?" "Stay away from my friends." I warned with a gritted teeth. "Then I guess it's settled. Don't worry I have everything covered. You'll get there anytime soon." *End of Flashback* "I didn't even had the time to say goodbye kahit sa 'yo lang sana. I'm so sorry Lex. I'm really sorry. After nun, hindi na ko pumayag na imanipulate ni dad. Gumawa ako ng paraan para makabalik sa 'yo. I want to see you. I miss you. I really miss you. Half a year nakahanap ako ng university dito sa Pilipinas at napapayag ko si dad na dun ako mag-aral. Then I get the chance to look for you. I found out na dito ka sa Wilholm nag-aaral so I did everything I could para makalipat agad." His holding my face now with his both hands looking at me like he's memorizing every part of me. Saka ko lang din napansin, he hasn't changed a bit. He's the same person I know. I'm lost in words. "I finally found you. Lex, late na ba 'ko? Wala na ba 'kong chance?" "Z-zic---" "Si Lexon na ba?" Nakikita ko kung gaano siya nasasaktan ngayon. Zic, sincere ka ba talaga sa mga sinasabi mo ngayon? Nakatingin pa rin ako sa kanya, not uttering a word. Hanggang sa unti-unti niya na kong binitawan nang nakayuko. "I know. Late na nga ko. Ilang taon na din. Alam kong nasaktan ka rin sa mga ginawa ko. Well, atleast makapagsorry na lang ako sa 'yo at makitang masaya ka na. Okay na sa 'kin yun. I'm happy for you Alexa." He smiled genuinely. Naglakad na siya paalis. - - - - - - Napakuyom ako. "Eh bwisit ka pala eh! Ano yun?" Hindi ko alam kung matatawa ako eh, lumingon siya agad at halatang natataranta. Hahahaha. "H-ha? B-bakit?" "How dare you assume na may bf ako!" Nag-iba ang expression niya, yung tipong kumalma. Lumapit ako sa kanya. "L-lex..." "Please Zic, don't ever break my heart again." I pulled his shirt and with my heels raised, I closed my eyes and...... I kissed him. I missed him too. Alam kong nagulat siya pero nung naka-recover na siya, he grabbed me in the waist and kissed me back. This is my first kiss and I'm glad it's with him. Finally, makakamoveon na ko sa past ko. Now, I'll face what I have in the present, the moments I'll be having together with him . Bakit ko pipigilan ang sarilli ko kung siya pa rin ang tinitibok nitong puso ko? Tanga na kung tanga pero handa akong magtake ng risk. 'Cause that's part of love. With that few seconds na parang ayoko nang matapos, we broke the kiss and I told him the words I want him to know. "I love you, Zic." *************************************************** "Alexa!" "Oh? Bakit?" Si Ree pala. "Ano'ng bakit? Ang aga-aga tulala ka naman. Kinakausap kita! Ano ba'ng meron huh?" Andito kami ngayon sa room, at kunti pa lang kami. Oo nga pala, hindi ko pa naikukwento kay Ree ang mga nangyari. Mukhang na-sense nya naman na seryoso ang pag-uusapan namin kaya lumapit siya sa 'kin. "Ree, nagkausap na kami ni Zic kahapon." Medyo gabi na nga yun eh pero ayoko namang mag-isip pa siya ng kung ano. =_= Hindi siya umimik, halatang hinihintay ang susunod kong sasabihin. "Ayun, pinatawad ko na siya." "Ano!?" Sabay tayo niya. Gumawa pa ng eksena. =_= Nang matauhan na siya, agad siyang umupo. "Nasisiraan ka na ba? O tapos?" Kinuwento ko sa kanya lahat-lahat ng nangyari. Kahit naguguluhan siya, nakinig lang siya. Hanggang sa dumating sina Kira at Casey. So kelangan ko na naman ulit magkwento. Hayyyy, yun pang mga yun. Hindi sila papayag na mahuli sa balita. "So, hindi pa kayo?" "Hindi." Sinabi ko sa kanya na pinapatawad ko na siya but it doesn't mean na kami na. Okay, I know I kissed him pero ----- basta hindi ko alam pero ayoko munang maging kami. But despite that, he was so glad, he still looked so happy. Tuwang-tuwa siya na okay na kami. Makita lang siyang ganun, ano ulit yun? Kilig? Ganito pala ang feeling. Hahahaha. He told me that he's willing to wait. "Lex, sigurado ka na diyan?" Pag-aalalang tanong ni Ree. Nginitian ko siya. "Yes, Ree. Masaya ako sa desisyon ko." "Sige, susuportahan ka namin." "Basta andito lang kami para sa'yo. Naku! Pag inaway ka niya lapitan mo lang kami." - Casey Natawa ako. Ang saya din talagang magkaron ng kaibigan. "Oo naman. Sisiguraduhin kong bugbog-sarado siya sa inyo. Haha." Habang nagkukwentuhan kami, may pumasok na guy sa room at lumapit sa 'min. Hmm, naka-highschool uniform siya at halatang mas bata siya sa 'min. May iniabot siya sa kin. Ano to? Isang rose at may letter pa. "Pinabibigay po sa inyo." Sabi nung bata. "Sino'ng nagpapabigay?-Kira "At bakit inutusan ka pa? Bakit hindi na lang siya ang mag-abot dito?" -Ree "Hoy, chill nga kayo kawawa yung bata sa inyo." "Ate, hindi na ko bata. At saka may klase kasi si kuya Zic kaya ibinilin nlng niya sa kin yan." Ah, kay Zic pala. ^___^ "Sige po. Alis na ko." May pagka-bad guy yung dating nung bata. Oh well. Haha. Bubuksan ko na sana yung note na nakasabit sa rose pero inagaw sa 'kin ni Casey. -_- I'll drop by. See you later. :) Kinuha naman ni Ree sabay tingin sa likod ng note. "Yun na yun?" Inagaw ko nga yung sulat kay Ree. "Haist naman, kayo talaga." "Basta Lex ah. Yung bilin namin sa'yo." "Opo." ------------------------------------------------------------------ Aisht. "Asan na ba yun?" Andito pa ko sa labas ng room namin hinihintay si Zic. Sa lahat pa naman ng ayaw ko yung paasa. Nakikiuso lang. Haha. Tapos na ang klase namin at kelangan ko na ring pumunta sa gym. Alam niyo na. Sa may di kalayuan napansin ko si Zic na tumatakbo palapit. Nang makalapit siya, hinawakan niya ang magkabila niyang tuhod habang hingal na hingal. "Oh? Napano ka?" "Alexa, sorry talaga. *hingal* Natagalan kasi kami sa klase." "Okay lang. Andito ka naman na." Tumayo na siya nang maayos. "Pupunta ka na ba sa gym?" "Huh? Pa'no mo nalaman?" Tumawa siya. "Syempre kelangan kong alamin ang sched mo para naman mahatid-sundo kita." "Huh? Ano ka ba, hindi mo naman kelangang gawin yun." Nagkibit-balikat siya. "Gusto kong gawin yun para sa'yo. Tara na?" Hindi na ko nakasagot sa sinabi niya. Nagsimula na kaming maglakad nang may maalala ako. "Nga pala, pumunta ka dito sa univ. nung saturday di ba?" "Ah oo. Gusto ko kasi sanang makita tong W.U. pero hindi ko naman alam na may klase kayo." "Ah, magkakilala kayo ni uhm, Shira?" Tumango siya. "Childhood friend ko siya. Huli ko siyang nakita nung umalis ako papuntang U.S. Nung time lang na yun ulit kami nagkita." "Ah, kaya pala normal na lang sa inyo ang magsayaw na dalawa." Napa-pout ako ng kunti. Pwede naman kasing magkamustahan lang. Buti na nga lang at hindi ko siya nakilala that time. Baka selos na selos ako pag nagkataon. Tulad siguro nung naramdaman ni Drey. He chuckled. Huminto siya saka humarap sa akin at hinawakan ako sa kamay. "Wag ka nang magselos. Kaibigan ko lang siya okay." Napatingin ako sa gilid anytime kasi magba-blush na ko. Lumapit siya at mahina niya akong tinabig gamit ang balikat niya. "Uy?" "Oo na. Hindi na." Napangiti na lang kaming dalawa. I can't believe I'm having this moment with him. Pagdating namin sa gym, nagsisimula na sila. Napansin kong walang balak umalis si Zic. "Oh? Okay na ko." "Nag-alok din ako ng tulong dito. Kinausap ko na si Frank nung pumunta ako dito kahapon." "Zic! Alexa! Andito na pala kayo. Sige Zic mauna ka na dun. Kakausapin ko lang si Alexa." Nang makalayo na siya hinampas ako ni Frank sa balikat, hindi naman malakas yung tama lang. "Bakla ka. Hindi mo man lang sinabing nagkakamabutihan na pala kayo ni Zic." "Pa'no ko sasabihin sa'yo eh kahapon lang kami nakapag-usap." "Ganun ba? Naku girl, sa wakas! Botong-boto na ko sa inyo highschool pa lang. Alam mo girl, grabe kanina yan mangumbinsi. Hindi ko kasi pinapayagan na tangggapin yung tulong niya." "Oh, eh bakit andito siya?" "Hay naku! Ang kulit kasi! Tinanong ko kung bakit ba napakadesperada niyang makasali. Eh yun nabanggit ka niya. Syempre kilig ang lola mo, napapapayag niya ko. Hahaha." Hindi ako maka-react. Pakiramdam ko ang pula na ng mukha ko. Parang ako ang nahihiya kay Frank. "Sorry ah." "Asus! Basta para sa'yo. Ay! Isa pa pala. May instructor na kami na magtuturo ng back flip. *o*" "Huh? Sino naman? Eh pagkakaalam ko nagtitipid kayo sa gastusin di ba? Magastos pa naman ang maghire ng instructor." "Ayos lang. Si papa Zic mo naman ang gagastos. Hahahaha." Hihirit pa sana ako. "Oh, hindi ko yun sa kanya hiningi. Kusa niya yung inalok. Natakot ata nung makita ka na ginagawa yun kahapon." Dumbfounded na yata talaga ang pinakatamang term sa nararamdaman ko ngayon. Napalingon ako kung nasan si Zic. He still has those smiles from that day na nagkaayos kami. I smiled then I heard someone whispered. "Girl, wag mo nang pakawalan. I'm so glad nabigyan kayo ng chance." Nginitian ko nalang siya at pumunta na kami sa kanya-kanyang pwesto. Hindi umalis sa tabi ko si Zic at sa tuwing may gagawin ako, tutulong agad siya. Awww, ang sweet naman. Hahaha. Hanggang sa makauwi na kami. Hindi na ko pumayag na samahan niya pa ko pauwi. Magkaiba kasi kami ng direksyon pauwi, opposite direction kumbaga. Ayoko namang gabihin siya masyado sa pag-uwi. Nakababa na ko ng tricycle pero medyo malayo pa tong lalakarin ko bago ako makarating ng bahay. Gabi na rin, at nakakapagod pero sulit naman. Haha. Napahinto ako. Nasa madilim ako na part ng kalsada, tanging street lights lang ang gumagabay sa 'kin para makita ang daan. Dagdag pa na hindi ito ang usual na dinadaanan ng maraming tao pero, weird. Bakit pakiramdam ko may sumusunod sa 'kin? *lingon lingon* Hmm.. Wala naman.... Tumakbo ako. Jusko! Mahirap na, ayoko pang mamatay! Hindi pa ko nakakalimang hakbang may humila sa braso ko. "AHH!!" "Ano ba miss? Wala namang iwanan, gusto ka lang naman namin makasama ngayong gabi. Sa ayaw at sa gusto mo!!!" Pakiramdam ko napantig ang tenga ko sa lakas ng pagsigaw niya. That's it. Nagburst out na ko. Ghad! Liblib na lugar to. Walang makakarinig sa min. Hindi ko na alam ang gagawin hindi ko siya matakasan. Nagpupumiglas ako, but it's useless. Ang lakas ng pagkakahawak niya sa braso ko. May dalawa pang mga lalaking nasa 30s ang edad ang nagsilabasan mula sa kung saan. Hindi ko na talaga alam ang gagawin, iyak na ko nang iyak. Yung isang pangit na lalaki hinablot ang bag ko at hinagis. May humawak ng kwelyo ng uniform ko. I totally freaked out. "BITAWAN NIYO KO!!! TULONG!!! TU-----" Sinampal ako nung isa. Never in my life na may sumampal sa 'kin. How dare him! How dare them! "Hindi lang yan ang aabutin mo! Sige mag-ingay ka pa!" "P-parang awa niyo na." Pero parang wala silang narinig. "Pare wag dito, baka may makakita sa 'tin." "Tara." No, no, no please no. "Hoy!! Anong ginagawa niyo? Aba, mga gag* kayo ah. Ang tanda niyo na pero hindi kayo marunong mahiya. Pakawalan niyo siya!" Hindi ko makita kung sino ang sumigaw. Namumugto na ang mga mata ko dala na rin sa sobrang pag-iyak. Naramdaman kong may matulis na bagay na tinutok sa 'kin yung pangit na lalaking may hawak sa 'kin. Damang-dama ng leeg ko ang talim ng kutsilyo na parang kahit anong oras handa niya kong patayin nang wala awa. I feel so hopeless. I can't do anything except to cry. God, wala na ba kong ibang purpose sa mundong ito? Am I that useless? Doesn't this world need me anymore? I'm ready to be with you kung ganun man b-but please, please not this way. *sobs* "Sige, subukan mong lumapit. Huh! Hindi mo alam kung anong kaya naming gawin bata!" But before anything happens, someone kicked this old man and grabbed me. Right then, I feel protected but I can still feel my heartbeat, it's so fast. It can't get over from that fear of death. Ang dami nung guys na tumulong sa 'kin. I know so, they're fighting before my eyes. Dinala ako nung isang guy na humila sa 'kin sa isang spot na siguradong hindi ako malalapitan nung mga masasamang lalaki na yun. "Dito ka lang." Pinaupo niya ko at hinubad niya ang jacket niya saka isinuot sa 'kin. Nakayuko lang ako, still crying. Tumakbo na siya para makipaglaban. Still, nag-aalala pa rin ako para sa kanila. I watched them fight. Mukhang magiging okay naman sila. Pero malalakas pa rin yung mga pangit na yun. I looked for something useful. Pwede na to. Nakahanap ako ng kahoy. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Napansin ko yung isang tanda na sasaksakin na ng kutsilyo sa likod yung lalaking tumulong sa 'kin. Kaya bago pa niya magawa yun, pinalo ko na siya ng kahoy sa likod. Nang matumba siya, napalingon si D-drey? Nang mapansin niya 'ko, nag-iba ang reaksyon niya at hinawakan ako sa balikat. Ang sakit ng pagkakahawak niya. "Ano ba!? Di ba ang sabi ko sa 'yo, dun ka lang!!!" Pakiramdam ko tutulo na naman ang luha ko anytime. Nag-iba na naman ang reaksiyon niya kung kanina galit na galit siya nawala agad yun sa mga mata niya. "Drey!!" - guy1 May susugod sana sa 'min. Niyakap ako ni Drey patagilid at nang safe na ko saka rin siya sumugod. That was the last. Napatumba nila lahat. Lumapit sa 'kin si Drey. Yumuko ako para makaiwas ng tingin. "Are you okay?" "S-sorry. S-sorry talaga." "Hindi. Sorry nasigawan kita. Ihahatid ka na namin sa inyo." Ngayon ko lang napansin, lima silang lahat. "H-hindi. Okay na ko. Kaya ko nang mag-isa." Ang pinakamahirap na gawin para sa 'kin ay ang magtiwala. Oo, palagi kaming nagkikita pero hindi ibig sabihin nun na kilala ko na ang pagkatao niya. Alam kong sila ang tumulong sa 'kin pero ----- nang hawakan niya ko sa balikat kanina, mas malakas pa siya dun sa pangit na mama. Natakot ako.  Napansin kong magagalit na naman siya pero nawala din agad yun.  "Haist." Moody pala siya. Yumuko ulit ako. "Sana maintindihan mo." "Sige na. Mauna na kayo." Sabi niya dun sa isa niyang kasamahan. "P-pero may lakad pa tayo di ba?" "Sige na. Susugod nalang ako." Nagtinginan yung iba na parang hindi pa payag pero sumunod pa rin sila.  "Oh eto." May inabot siyang --- pocket knife? "Proteksyon mo na rin yan. At kung pakiramdam mo may gagawin ako sa 'yong mali, gamitin mo yan laban sa 'kin." Tanga ba siya? Eh sa tingin ko nga siya ang pinakamalakas sa kanilang lima. Malamang wala rin akong panlaban kahit na gamitin ko pa 'to sa kanya. Nagsimula na siyang maglakad. "Halika na. Ihahatid na kita sa inyo." Medyo nag-aalangan pa ko. But in the end, pumayag na lang din ako.  "Asan ba ang boyfriend mo? Bakit mag-isa ka lang? Kanina kung makadikit sa 'yo sa gym sobra-sobra. Ngayong kelangan mo siya----" "Pwede ba? Wala siyang kasalanan. Kinukulit niya 'ko kanina na ihatid ako. Pero ako tong matigas ang ulo na hindi pumayag. Hindi niya rin kasalanan na may gantong nangyari." Hindi na siya nakaimik. Hindi ko lang maatim na sabihan niya ng masama si Zic kasi in the first place, kasalanan ko naman talaga eh. Matapos nun wala na sa amin ang nagsalita. Though hindi nakaka-awkward yung katahimikan na bumabalot sa 'min. Huminto na ko sa tapat ng bahay. Humarap na ko sa kanya at hinintay siyang umalis. Pero ang loko, nakipagtitigan pa sa 'kin. "Dito na ang bahay ko." "Oh? Pumasok ka na." I rolled my eyes at binuksan na ang gate. Natarayan ko tuloy siya nang wala sa oras. Bago pa ko tuluyang makapasok. I missed something important. Bumalik ako. Ang tagal namin nakarating pero nakalimutan ko man lang sabihin to. Nagtaka siya. "Oh? B-----" "Salamat Drey." I smiled. Sincere ako sa pagkakasabi ko nun. "Maraming salamat." I'm still lucky indeed. Thanks God. ********************************************** A/N: Let's face the fact na marami nang mga ganitong cases kaya sa mga estudyante dyan na malayo ang inuuwian, please huwag masyadong magpagabi. Lalo na sa mga girls/gals chuchu. It's better to prevent it than to ask for a knight in shining armor that comes once in a lifetime. Be safe. :)) Ciao!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD