How great! Sa sobrang pagmumuni-muni ko, nawala ko tuloy. Binigyan nga ako ni Lexon ng bagong bracelet pero yung bracelet naman na bigay sa kin ng parents ko ang nawala. T_T Ano yun, pinalitan lang? Kahit na malayo na ang nilakad ko, bumalik pa rin ako sa WU. Hindi pwedeng mawala yun, pinakaiingatan ko pa naman yun sa lahat ng gamit ko kasi yun ang pinakaunang regalo sa kin nina mama.
"Ay!"
Kinabahan talaga ako, muntik na kong madulas! How clumsy of me, nakakahiya talaga kung nangyari yun. May nakahawak pa pala ng kamay ko, buti na lang tinulungan niya ko kung hindi----
"S-salamat."
Tumango lang siya at tumalikod na. Napahawak ako sa dibdib ko, hindi ko maintindihan parang naiinis ako. Kasi naman-UGHH!!! SIYA NA NAMAN!!Hindi ba pwedeng for one month, kahit one month lang hindi ko siya makita?! Napahinto ako, tinitigan ko ang likod niya habang papalayo but something caught my attention, the thing he's holding in his left hand. O_O B-bracelet, kapareho nung akin! T-teka, baka nagkataon lang na may bracelet din siyang ganun, diba? Di ba?
Napahakbang ako. Lalapitan ko ba? Tatanungin ko ba? Arrgghh!!! Pero hindi siya pwedeng makaalis pano kung itapon niya? Sa sobrang desperate ko, baka naman kasi akin yun T_T napakasentimental nun at hindi ako papayag na walain lang yun ng iba, kahit na ako ang unang nakawala >_>.
"Ah, ano."
Ang ganda ng panimula ko.-_- Lumingon naman siya at saka ako lumapit.
"Ano kasi, pwede bang makita yang hawak mo?"
Hindi siya umimik o kumibo man lang, o-kay? Napahiya na ba ako? Tsk.
"Pasensiya na ah pero titingnan ko lang naman, nawala ko kasi yung bracelet ko kanina at kamukha yun ng hawak mo ngayon. Nagbabakasakali lang ako na baka napulot mo lang yan."
Lalim ng sinabi ko. Aaawwkward. Ano na? Ano Lex, napahiya ka ngayon?
"A-ah, k-kuya pwede bang makita y---"
Hindi na ko nakaimik nang bigla niyang inabot yung bracelet. Kinuha ko yun at unti-unti siyang tumalikod at naglakad.
"A-ahm."
Ok. -_-. Malayo na siya eh, mukhang hindi rin naman niya na maririnig.
"Salamat."
Kahit ang rude niya, tsk. Ikalawang beses ko na yung pagpasalamat sa kanya. Tumalikod na 'ko at umuwi na rin. Malas man o swerte ang nangyari ngayon kasi nakita ko na rin 'tong bracelet ko, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit parating siya ang nandiyan. Like seriously, sarap niyang batukan eh. On the other side, kasalanan niya bang palagi kaming nagkikita? Teka, napapansin niya kaya yun? na halos araw-araw kaming nagkikita? Ah! Ewan!
******************************
"Lex!"
"H-huh?"
"Ayos ka lang? Tulala ka na naman." - Ree
"A-ah. Ok lang ako."
"Sigurado ka? Pa'no kung magkita kayo?"
Hindi ako umimik.
"Sorry. Mabuti sigurong hindi ko muna siya mabanggit sa 'yo."
"Hindi ok lang. Kung magkita man kami, eh ano naman? Hindi ko naman yun ikamamatay ikaw talaga. Haha."
I tried to smile which we both know it's a fake one. Matamlay niya rin akong nginitian.
"Hay naku! Tara na nga. May appointment pa tayo."
"Haha. Sira."
Kung itatanong niyo sa 'kin kung anong pinag-usapan namin. Not now, wala pa ko sa mood magkwento.
"Hoy! Alam niyo ba yung balita? May mga transferee daw dito sa Wilholm! *_* Nakakaexcite! Sana naman may kaklase tayo sa isa sa kanila at buti nalang pinayagan pa sila dito kahit late na noh?"
"Oo nga! Isa daw sa kanila bumisita nung saturday dito. Ang pogi pa naman . Naalala niyo yung sinayaw ni Shira? Maging kaklase sana natin. Omg!"
"Alam niyo, alam na namin ang tungkol dun. Pwedeng mamaya na natin yan pag-usapan? Nagdidiscuss pa si sir oh."
"Tsk. Oo na."
Usap-usapan na ang ganoong topic mula pa kanina---- pero hanggang ngayon hindi pa rin magsink-in sa utak ko ang mangyayari. Makikita ko na naman siya. *sighs*
"Lex!"
Pa'no na 'to?
"Lex! Uy!"
"H-ha?"
"Kanina pa kita tinatawag ah."
"Ah. Akala ko kasi sarili mong kinakausap mo."
"-_-!. Pwede ba yun?"
"Wala ako sa mood Lexon. Ano na naman ba kasi?"
"Yung bracelet na binigay ko sa'yo, asan na?"
"Nawala ko ata."
"Alexa naman eh!"
"Para kang bata =_=. Andito sa bag, baka mawala. Magdabog ka pa sa harap ko."
"Suotin mo."
"Tss. Baka nga mawala. Kulit."
"Basta! Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo yun sinusuot."
Tsk. Kahit kelan talaga. Hindi na ko umimik. Tinitigan ko siya pero mukhang matatalo pa ata ako. Magaling kaya yan sa staring contest. Hayy. Hindi ba siya nahihiya? Nasa harapan lang si sir oh.
"*sigh*"
Kinuha ko sa pitaka ko yung "precious" bracelet niya saka dahan-dahan kong sinuot nang hindi nakatingin sa kanya. Matunaw pa ko. Scratch that. Kanina pa pala ako tunaw sa titig nya. Matapos kong isuot tiningnan ko siya nang masama. -_- Yung ngiti niya abot tenga.
"Ok na? Makakaalis ka na."
Ngumiti lang ulit siya saka umalis. Minsan hindi ko maintindihan ang trip ng lalaking yan. But I came to think of it, salamat kay Lexon kasi medyo hindi ko na naiisip yung tungkol sa ano.
"Ok class dismissed. By the way, I need the requirements I have said earlier to be submitted tomorrow. Goodbye class."
"Goodbye Sir!"
-
-
-
-
"Lex, sabay na tayo?" tawag sa 'kin ni Ree.
"May pupuntahan pa ako eh. Mauna ka na."
"Sige, ingat ka ha."
"Ikaw din."
Sa totoo lang, wala naman talaga akong pupuntahan. I-I just want to be alone. Dinala ako ng mga paa ko sa field. Tago itong spot na ito so I am sure na walang makakapansin sa 'kin. I sat down under the tree. I closed my eyes, feeling the warmth of the air pressing against my cheeks and at the same time, feeling the comfort it's giving me behind all my loneliness and sorrow. I've been like this since I don't know. I feel so perfectly incomplete. I don't even know kung ano ang mga bagay na makakapagpasaya sa 'kin ngayon. Matapos tanggihan ng parents ko na kunin yung course na gusto ko, I feel like asking myself kung ano'ng mangyayari sa 'kin ngayong hindi rin naman pala matutupad ang mga pangarap ko sa buhay which I have been working on for so many years. What's my fate? Kung pwede ko lang sana makita ang future ko.
I have never been into a relationship ever but I know how it is to be in love. Pero, mukhang hindi maganda ang impression ko when I felt it.
*Flashback*
"Alexa! Bilis-bilisan mo naman!" sigaw sa 'kin ni chingu.
"Eto na nga oh."
"Ano ba yan? First day na first day natin dito sa high school, ang kupad mo pa rin."
"Tss. Mamaya mo na ko insultuhin."
"Who wishes to be a temporary secretary?" tanong nung president na nasa harap.
*dugdug* Ano'ng nangyayari? First time kong maranasan na tumibok nang ganito ang puso ko at ashfglk lang, crush at first sight ata 'to.
"Lex, your turn. Mr. President! Si Ms. Alexa raw po."
Sabay turo sa 'kin. Sinamaan ko siya ng tingin.
" Chingu, ano ba'ng trip mo?" bulong ko sa kanya.
"Ano ka ba? Points din yan sa extra curr. noh."
"Alexa? Can you please come in front?"
Ito pala yung sinasabi nilang "no choice".
*****
"----tas ayun kaya medyo hindi ko gusto yung ugali niya."
"Ok lang yan. Siguro nga rin kasi hindi mo pa siya gaanong kakilala."
Nginitian ko siya, hindi ko akalain na mag-oopen up siya sa 'kin nang ganito hindi naman kami ganoon ka-close.
"Ako nang hahawak ng payong mo. Pasensiya na, nakalimutan ko. Haha. Napahaba ata ang kwento ko."
"Haha, ayos lang."
Bakit parang bumabagal ang ikot ng oras? Pero mas okay nga yun. Ay, may isa pa pala kaming kasama, co-member namin, napalingon ako. >.< Nakakahiya 'to, ngumiti na lang siya. Feeling ko may sinasabi ang utak niya, sa expression palang ng mukha eh, "sige lang, moment niyo ito".
*****
"Alexa! Uuwi ka na? Sabay na tayo," tanong niya ni Zic sa 'kin nang mapansin niya kong naglalakad palabas ng campus gate.
"A-ah, s-sige," pansin ko lang, kapag hindi ako ang nauutal pag nag-uusap kami, siya naman ang ganun. Parati ko yung napapansin, araw-araw ba naman kaming magkausap eh. Weird nga, palagi kaming nagkakatagpo at nagkakailangan kami o feeling ko lang yun?
"Oh, mukhang uulan."
Kukuha sana ako ng payong, kung hindi niyo pa alam, "girl scout" kaya ang tawag sa 'kin ng mga kaklase ko.
"Huwag na, may dala naman akong payong eh. Kasya naman tayo dito," sabay ngiti sa 'kin. Kapag ngumingiti siya, parang nakakalimutan ko ang mga problema ko. Pero, ano ba 'tong nararamdaman ko sa kanya? G-gusto ko na ata siya, bakit ko naman pipigilan ang sarili kong mahulog sa kanya di ba? Sa mga ipinapakita niya mukhang---- may gusto rin naman siya sa 'kin. Sana nga.
*****
"Uy, sina Zic at Lyssa oh. Ang sweet nilang couple ang pagkakaalam ko sila na. One month na nga ata sila eh."
Lumingon ako kung sino ang tinutukoy ng kaklase ko. S-si Zic nga, kasama ng isang babae, kaklase niya rin ata yun eh. Nakaupo sila sa bandang gilid ng damuhan. Silang dalawa lang. Masayang nagkukwentuhan. Ang sweet nilang tingnan. Napansin ko, lumakas ang t***k ng puso ko but this time, not because of love, it's because of pain. W-wait, both pala. Now, I know, mahal ko na pala siya dahil kung hindi, hindi ko sana 'to nararamdaman ngayon, yung sakit nang makita ko sila.
*Flashback ends*
Actually, tanggap ko yung part na yun, na nagka-gf siya. Ang hindi ko matanggap eh yung pagtrato niya sa 'kin na binigyan ko ng ibang meaning. Hindi ko alam kung sarili ko ba ang sisisihin ko o siya. After kong malaman na may gf na pala siya, okay na sa 'kin yun. Hindi naman ako nangarap na maging kami. Pero, everything changed. Hindi niya na ko pinapansin, 'pag nagkakatagpo kami hindi niya man lang ako matingnan. Hindi ko siya maintindihan that time. Mas nasaktan ako kasi pinaramdam niya sa 'kin na parang wala ako sa mundong ginagalawan niya, "invisible". Nung grumaduate siya, yeah one year agwat namin, hindi ko man lang siya nakausap or what. Kelangan pa ba yun? Hindi naman talaga kami close eh. Nakalimutan ko yung part na yun. Haha. Naiinis ako sa kanya kasi iniwan niya ako leaving my love and pain for him. That was all he left for me at hindi niya man lang winala yung feelings kong yun para sa kanya bago siya umalis.
But it was three years ago, I can't even remember kung kelan ako nakamove-on o ilan ang tinagal ko para makalimutan siya. Binaon ko na lahat sa limot kasi alam kong hindi ko na siya makikita. But the fear that I've been worrying about dati pa is going to happen. I am going to see him again. Hindi ko na alam kung ano'ng mangyayari ngayon. I swear to myself na kahit anong kagandahan ang ipinapakita ng isang lalaki, it was nothing. They are selfish, inconsiderate, and numb. I won't take any chances na ulit. Sapat na lahat ng nalaman ko, experiences, at lahat ng mga nakita ko about sa relationships and I will never play that game just to have my heart broken into pieces again. Napahawak ako sa pisngi ko. Luha, yes, tears, yan ang palagi kong inaabot when it comes to love.
"Lex."
Pinunasan ko muna ang mga pisngi ko bago lumingon.
"Sabi na nga ba. Kung magda-drama ka, sana sinama mo nalang ako para naman may karamay ka."
"Kelangan ko pa bang hingin ang permiso mo eh andito ka na?"
"Hehe. Sinundan na kita, alam mo naman pag may naaamoy akong fishy."
"Kailan ka pa ba nagbago?"
Umupo sa tabi ko si Ree.
"Tawagin ko na rin ba sina Casey? Para naman marami tayo dito at malibang ka."
"Huwag na baka busy din yung mga yun eh."
Nagtagal kami ng ilang minuto at pagkatapos ay naisipan na naming umuwi. Hindi pa masyadong malayo ang nilakad namin nang-------
"Lex!"
"Naku, sorry hindi ko sinasadya."
Pa'no ba naman may nakabangga sa 'kin. Ang liit ko ba at hindi niya ako makita?
"Sorry talaga h---- Alexa?"
Oh my....