"Kuya Marco, dumating na yung catering service." saad ni Jasper nang dumating si Marco kasama ang mga kapatid niyang sina Miguel, Manuel, Martin at Marcus. At ang mga magulang niya. Ang mag-asawang sina Ferdinand at Martha Alfonso. Hindi naman na nagtaka si Jasper dahil fully informed siya kung bakit naroroon ang pamilya ni Marco. "Thank you Japs." ginulo nito ang buhok ni Jasper na para bang matagal na silang magkakilala. Halos ilang beses na rin naman niya itong nakalaro sa online games. Iyon din talaga naman ang hilig ni Jasper. At naisip ni Marco na para naman makuha ni Marco ang loob ng kaisa-isang kapatid ni Yvette na lalaki. Bihira nilang makasama ang isa pang kapatid nilang babae na si Beatriz dahil sa malayo ito nagtatrabaho. Hindi pa rin naman ito na-meet ni Marco at tanging sa

