Matapos ang isang linggong pagbabati nila Marco at Yvette ay balik na ulit sila sa normal. Pero hindi na nawawala ang daily communication. Ang regular texting at calling. Kumustahan ng bawat ganap sa buhay nila. Sa buong maghapon. Sa kung anong nangyari at mga activities niya. No secrets, no lies. Ayaw na rin naman ni Yvette bumalik sa pagiging secretary niya. Inamin din ni Marco na gawa-gawa niya lang ang contract na ‘yon para wala nang kawala si Yvette sa kanya. Hindi niya lang na-realized na makiki-alam si Pam. "Hi, love. Kanina ka pa ba naghihintay?" tanong ni Marco nang makarating sa bahay ni Yvette. Paano ay may usapan silang magdi-dinner sa labas. "Nope. Kakatapos ko lang naman mag-prepare. Sa’n tayo magdi-dinner? Gutom na mga alaga ko sa tiyan." sagot ni Yvette. "I know. Kaya ng

