Marco's Move Halos ilang minuto na lang ay magsisimula na ang meeting nila ng client niya pero hindi pa rin ito dumarating. "I hate it. Bakit wala pa ang client na ‘yon. Makapag-demand ng place and time tapos hindi naman pala darating nang maaga." may pagkainis na sambit niya. At ang mas nakakainis pa ay hindi akma ang place kung saan sila amgmi-meeting. Sa TsaaTeaMe Shop? "Gano’n ba ka-tipid ang client na ‘to? Hindi man lang sa mamahaling resto or office man lang sana." saad pa niya. Mayamaya ay lumapit na ang crew sa kanya. "Ma'am, can I take your order? Kahit tumalon sa bangin ay gagawin ko..." saad ng crew. "Huh? What did you say?" pag-uulit niya para masigurado kung mali ba ang narinig niya. "Your order, ma'am. Kahit ano po susundin ko." sabi nito. Hindi na pinansin ni Yvette an

