Hindi na mabilang kung makailang beses nagpabalik-balik sa bahay ni Yvette si Marco. Nakabalik na rin ng Singapore si Denesse kasama ni Ride nang matapos ang kasal ng kapatid ni Denesse. Balik naman sa pagpa party-party si Pam dahil kahit ilang beses niyang dalawin sa opisina si Marco ay hindi siya nito hinaharap. Nagpaka-busy si Marco sa trabaho para makapag-focus pero sa kabila no’n ay hindi niya nakakalimutan si Yvette. "Oh, Migs napadalaw ka?" sambit ni Macoy sa kuya niyang si Miggy. Although mas matanda ng isang taon si Miggy sa kanya ay nakasanayan na nilang tawagin lang ang isa't isa sa pangalan. "Pa’no si Mom nag-aalala na sa ‘yo. Ilang sundays ka nang hindi dumadalaw sa kanila. Dad is even worried kung napa’no ka raw. They asked me to visit you here. And I don't think it's about

