Isang malakas na katok ang bumulabog sa umaga ni Marco. Ang Sabado ng umaga kung saan ay araw dapat nang pahinga niya. Walang trabahong iisipin at walang ibang gagawin kung hindi ay suyuin ang mahal niya. "Sir, may naghahanap po sa inyo." marahang katok ng kasambahay pero hindi nakuntento ang bisita at sila na ang kumatok nang pagkalakas-lakas sa binata. "Macoy! Wake up! Macoy! Come out here!" sigaw ng daddy ni Pam habang umiiyak naman ang mommy nito. Pupungas-pungas na bumangon si Marco sa kama. Saglit na isinuot ang shorts at sando niya. Nakasanayan na kasi niyang naka-boxer shorts lang matulog na walang suot na pang itaas. Pagkatapos ay agad na tinungo ang maingay na pinto na akala mo ay mawawasak sa sobrang pagkatok dito. "O, tito? tita? What brought you here?" tanong niyang may pag

