"Cheers!" sabi ng Alfonso brothers habang nakataas ang kanilang mga bote ng beer na pinag-untog pa. Ganyan sila kapag nagsasama-sama. Hindi nila iniintindi ang mga tao sa paligid nila maliban kay Marco. Nasanay ang magkakapatid na palaging may ka-table ito na mga babaeng nakikilala sa bar. Pero iba ngayon. "And how's our bro here? Nakakapanibago ka, Coy. Dati kabi-kabila ang girls mo ngayon wala kahit isa." sambit ni Manuel. Si Nuel ang pangatlong bachelor sa kanilang magka-kapatid. Madalas kasi itong makausap ni Marco at yayain sa inuman kahit mahina ang tolerance nito sa alak. Pero natataon naman na busy ito sa business nito. Ito ang sumunod sa kanya. Nakababatang kapatid niya. "Oo, nagbago na ‘yan. Tingnan mo nga. Wala kahit isang bakas ng lipstick sa labi niya." kantiyaw ng panganay

