Kunot-noong pupungas-pungas na nagising si Yvette sa kanyang pagkaka-himbing. Napuyat kasi siya sa trabaho niya kagabi. May hinahabol kasi siyang deadline and kailangan niyang ma-isend sa email ang lahat that same day. Kusot-kusot ang matang bumangon siya sa pagkakahiga at pikit pa ang kaliwang mata na sumilip sa bintana. "Sino kaya ‘yon?" sambit niya nang makita ang isang lalaking nakaitim na cap at naka-leather jacket na black. That creeps her out. "I'm not expecting any visitor this early morning." sambit niya. And one thing more ay sobrang aga nito. Though sapat lang ang oras na ito para makapag-prepare siya ng breakfast at mag-start sa work niya. Maganda naman ang nakuha niyang online job and she's not required to wake up early because she doesn't have to go to an office. She just

