"Okay na ako," sabi ni Xander at hinawakan ang kamay ko upang pigilan sa pag punas sa ilong niyang dumugo kanina. May sugat din siya sa labi kaya naman ginagamot namin. Nandito kami ngayon sa loob ng bahay ni Samantha. Hindi ko alam kung paano napaalis ni Sam si Van pero mabuti na rin 'yon. "Sigurado ka bang ayos ka na? Baka may masakit pa?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at ngumiti sa akin. Inilapag ko na 'yong bimpo sa lamesa at tinignan lang si Xander. "Ayos lang ako, Cha. 'Wag ka na mag alala," sabi niya. "Dito ka na matulog. Late na. Baka mamaya nandiyan pa si Van tapos inaabangan ka." "Oo, sa guest room ako. Mag pahinga ka na," sagot niya sa akin. Niligpit ko lang ang mga ginamit namin kanina tapos dumiretso na rin ako sa kwarto. Si Xander naman ay nagpahinga na sa gue

