Tanghali na ako nagising kinabukasan dahil anong oras na rin naman ako nakatulog kagabi. Ramdam ko ang hapdi sa mga mata dahil sa pag iyak. Bumangon na ako at nag punta sa banyo para mag hilamos at mag ayos ng sarili. Naabutan ko si Manang na naghahanda ng pagkain. Si Samantha naman ay nasa sala at mukhang may kausap. "Hindi ka na nakapag almusal. Tanghalian na 'to," sabi ni Manang sa akin. "Oo nga po. Dahil po siguro sa pagod," sagot ko. "Sa kaiiyak? Hayaan mo, mabuti nga't nakapag pahinga ka na." Kumuha na ako ng plato at nilagyan iyon ng ulam at kanin. Umupo na rin si Samantha sa harap ko at sinabayan ako kumain. "Kumusta ka na?" tanong niya. "Okay lang ako. Kaya ko 'to," sagot ko at pilit na ngumiti. "O siya sige, kumain ka na. Tapos maligo at mag ayos. May susundo sa 'yo rito.

