Maaga akong gumising para ayusin ang susuotin ni Van. May event kaming pupuntahan mamaya. Celebration iyon ng kumpanya nila. Pupunta rin sina Mommy at Daddy. Ayos naman na ang damit ko kaya 'yong kay Van na lang ang aayusin. "Chastine, maaga tayo pupunta ro’n. May sasabihin pa raw kasi sa akin si Papa," sabi ni Van. "O sige. Ito na nga pala 'yong susuotin mo," sabi ko at inabot sa kanya ang damit. Kinuha naman niya ito at dumiretso na sa banyo. Bumaba ako upang maghanda ng pagkain. Nag luto lang ako ng paborito ni Van at inihain na 'yon. Mayroong nag doorbell kaya naman tinungo ko ang pinto at binuksan iyon. Bumungad sa akin si Samantha na may dalang supot. "Aga mo ha," sabi ko sa kanya. "Dito na ako kakain. Ito, may dala ako," aniya’t inangat ang kanyang bitbit. Inilapag niya iyon s

