Kabanata 9

981 Words

Ala sais na ng umaga pero hindi pa rin ako bumabangon sa kama. Gusto ko lang titigan ang maamong mukha ng aking asawa. Gusto ko man bumangon at ipagluto siya ng agahan ay hindi ko magawa. Mahimbing kasi ang tulog niya at ito lang ang pagkakataong matititigan ko siya. Simula noong umuwi kami galing sa resort ay bihira na niya akong pansinin. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Sanay naman na ako sa ganito. Hinaplos ko ang kanyang buhok. Tumagilid siya kaya naman magkaharap na kami ngayon. Ang gwapo gwapo talaga ng asawa ko. Hindi mo iisipin na kaya niyang manakit. Lalo na sa maamo niyang mukha. "Paano kita iiwan? Ni alagaan nga ang sarili, hindi mo magawa. Hay, Van. Alam ng Diyos kung gaano kita ka-mahal. Alam Niya na gagawin ko ang lahat para sa 'yo. Ikaw lang ang mahal ko. Ikaw at ikaw lang,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD