"Kahit pa nasasaktan na kita?" Tumango ako sa kanya. "Titiisin ko ang lahat para sa 'yo, Van. Kahit na paulit ulit mo akong saktan, pagmamahal ko pa rin 'yong panghahawakan ko. Mahal na mahal kita. Kahit sobrang sakit na," sabi ko sa kanya. Lumapit ako at hinawakan ang pisngi niya. "Hihintayin ko bumalik 'yong bestfriend ko. 'Yong bestfriend ko na mahal ako. 'Yong hindi ako sinasaktan. Hihintayin ko bumalik 'yong Van na minahal ko at minamahal ko hanggang ngayon. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. Tanga? Okay lang. Hindi naman sila 'yong dahilan kung bakit ako masaya." Pinagdampi ko ang mga labi namin. Ipinikit ko ang mga mata kasabay ng pagdama sa malambot niyang labi. Napadilat ako nang maramdamang gumalaw rin ang labi niya. Akala ko'y itutulak niya ako palayo. Pinagmasdan

