PROLOGUE

2131 Words
"I love you so much baby ko. . ." She pressed her lips on her forehead. A sobbed escaped in her lips then hugged her baby again tightly. "Mia. . ." hinawakan ko ang kanyang braso. I was crying too. "Walang kasalanan ang anak mo para ipamigay--" "Bunga siya ng pagkakamali, Lucille." she cried harder. "Alam kong wala siyang kasalanan kaya binuhay ko siya. At ngayon. . ." puno ng determinasyon na tinitigan niya ako sa aking mga mata. ". . .ikaw lang ang malalapitan ko. Sayo ko siya ipagkakatiwala. Sainyo ng asawa mo. Babalikan ko siya kapag ok na ang lahat. Pangako." I wiped out her tears rolling on her cheeks. "Mia, mahal ka ni Zack. Kapag nalaman no'n na nagkaanak kayo tiyak magkakandarapa 'yon na makuha kayong mag-ina." "Hindi. . ." sunod-sunod siyang umiling. "Hindi totoo 'yan. Sinungaling siya. Hayop siya!" "Mia listen--" "Nagawa niya akong halayin, Lucille!" umiiyak na bulalas niya sa akin. Natitigilang napatitig ako sa kanya. "Ni rape niya ako. Paulit-ulit. Natapakan ang ego niya dahil hindi siya tanggap ni Dad para sa akin." She paused then cried harder. "K-Kung. . . kung mahal niya talaga ako e 'di sana ipinaglaban niya ako. Sana magkasama kaming dalawa ngayon. Alam niya at alam mo naman na walang kaso sa akin ang agwat ng estado ng buhay naming dalawa. Pero anong ginawa niya? Nagrebelde siya! Binuntis niya ako tapos nagpakasal siya sa iba! Pinakilala niya pa nga ako sa asawa niya e. As a f*****g friend, pagkatapos ng kahayupan na ginawa niya sa akin! Tsaka hindi siya totoong mahirap lang. Nagbalatkayo siya sa harapan ko! Alam mo ba kung gaano kasakit no'n sa akin ha, Lucille?" Napanganga ako sa isiniwalat niya. Wala akong kaalam-alam na ganun ang nangyari sa kanya. Kaya pala matagal siyang 'di nagpakita sa akin. Tapos ngayon. . . Parang hinihiwa ang puso ko sa sakit sa nakikita kong itsura ng kaibigan ko. Hilam sa luha ang namumugtong niyang mga mata, nanginginig ang mga labi at malakas na humahagulhol. Mahigpit ko siyang niyakap. "Tiyak papatayin ako ni Dad kapag kumalat sa social media na ang unica iha niya, the CEO of high and mighty Fuentebella Group Company ay may anak na bastarda." "Mahal na mahal ka ng Daddy mo. Natitiyak kong hinding-hindi niya 'yon magagawa sayo. And sorry. . ." kumalas ako sa kanya. ". . . sorry kasi naturingan pa akong best friend mo pero wala man lang akong alam sa nangyari--" "Don't say sorry," then smiled at me. "Wala kang kasalanan. I choosed to be alone and hide everything to you. Nanliliit ako sa sarili ko, Lucille." Inabot niya sa akin ang anak niyang mahimbing pa rin na natutulog. Napatitig ako sa payapang mukha nito. Animo'y walang pakialam sa paligid kahit nagmemelodrama na kami ng Mommy niya. Wala sa sariling kinuha ko iyon. "Ikaw na lang magparehistro at magbigay ng pangalan sa kanya. Isunod mo sa apelyido ng asawa mo--" "Pero Mia. . ." Nilingon niya ang asawa kong tahimik lang na nakamasid 'di kalayuan sa amin. I know Drew wouldn't mind. In fact, he's the one who insisted to adopt Mia's baby after she contacted me a couple of days ago. We were married for more than five years now but no matter how we tried to make one still I never conceived. And this little angel in my arms is a blessing. "D-Drew. . ." tawag niya. Nilingon ko rin ang asawa ko. Humakbang ito palapit sa amin saka nakangiting kinuha ang baby sa mga braso ko. "Walang problema sa akin. Ituturing ko siyang akin, anak namin ni Lucille. But still you're the real mom. Hindi namin ipagkakait ang karapatan mo kapag dumating ang araw na sinasabi mong babalikan mo siya." ani ng asawa ko. "Hihintayin ka namin, Mia. So please lang, magpakatatag ka. Isipin mo 'tong napakagandang anak mo. Balang araw matatanggap 'din 'to ng Daddy Norman mo." Hinatak ko ang kaibigan ko. Mahigpit kaming nagyakapan. Kagaya ni Mia lumakas na rin ang hagulhol ko matapos naming marining ang sinabi ng asawa ko. "Tatanawin ko 'tong isang malaking utang na loob sa inyong dalawa." bumitaw siya sa akin saka nilapitan ang anak, mariin na hinalikan sa pisngi. "Whatever happens. . . 'wag na 'wag niyong ipapaalam sa pamilya ko at kay Z-Zack ang tungkol sa anak ko. Magagalit ako kapag ginawa niyo 'yon." Nagkatinginan kami ni Drew ng patakbong iniwan kami ni Mia kasabay ng malakas na pagpalahaw ng iyak ng kanyang anak. Na para bang ramdam nito ang pag-iwan sa kanya ng kanyang ina. Then the next day, nagimbal kami ni Drew sa balita. Mia took her life. Ayon sa balita na-overdose ito sa gamot at nalunod. Natagpuang wala ng buhay sa loob ng bathtub ng condo nito. May laslas din sa pulso. My heart sank in great devastation. Hindi ko akalain na gagawin niya iyon. Gustuhin man naming sumilip at ihatid sa huling hantungan ang kaibigan ko, minabuti namin ni Drew na umuwi na sa villa, sa Isla Guiguinto. The more baby Brielle Mia grows up, the more she looks like exactly her mom. Halos lahat ng katangian ng kaibigan ko ay nakuha niya kaya naman pakiramdam ko kasama ko pa rin siya. And I know my best friend is happy now from where she is. Araw-araw din namin kinukwento at pinapakita sa kanya ang mga pictures ng mommy niya. When our baby Mia turn to six years old, we decided to moved in States. Hindi dahil sa natatakot kami na baka malaman ni Zack at ng mga Fuentebella ang tungkol sa anak ng kaibigan ko but to start a brand new life. We want to give the best of all the best to her. The best life that she deserve, the freedom and happiness that her mom never had. But life was so cruel! ***** BRIELLE MIA Present day. SUBRANG PAYAPA NG GABI. Nakaupo ako sa damuhan sa likod ng hardin ng mansyon ng mga Altamonte. Napapaligiran ako ng mga halaman. Humahalimuyak ang bango ng mga bulaklak na sumasama sa lamig ng ihip ng hangin na tumatama sa balat ko. Nakatitig sa langit na punong-puno ng nagkikislapan na mga bituin. Maliwanag ang buong paligid dahil sa tanglaw ng liwanag na nagmumula sa bilog na bilog na buwan na nasa langit. Alas diyes na ng gabi pero 'di pa rin ako dalawin ng antok kaya lumabas na lang ako ng kwarto. Tahimik ang kabahayan kaya siguradong tulog na tulog na silang lahat. Ilang taon na ako dito sa mansyon pero hanggang ngayon binabangungot pa rin ako ng nakaraan. Kahit pinapagod ko na ang sarili ko kakaaral at trabaho wala pa ring epekto, na insomnia na yata ako ng tuluyan. Namimiss ko tuloy lalo sina Itay at Inay at ang mga makukulit kong kapatid. Kakatapos ko lang sa kursong Business Ad. Ilang beses din ako nahinto sa aking pag-aaral noon dahil sa hirap ng buhay kaya greatful ako na dumating sa buhay ko ang mag-asawang Altamonte. Matagal ng nagtatrabaho sa kanila si Tito Larry na matalik na kaibigan ni Itay. Pinakiusapan ito ni Itay na baka pwede akong ipasok ng trabaho sa amo nito. Hindi naman nagdalawang salita si Itay dahil pagkalipas ng isang linggo muli itong umuwi ng probinsya bitbit ang magandang balita. Bukod sa may trabaho na ako, pag-aaralin pa daw ako ng mga Altamonte! Maaabot ko na ang pangarap ko, matutulungan ko pa ang pamilya ko. Kaya gumorabels na ako kaagad! Nakabase sa States ang pamilya Altamonte kaya no'ng unang araw na mapadpad ako dito, maliban sa armadong mga kalalakihan na salitan sa pagbabantay sa malaking mansyon, kami-kami lang nina Nanay Gilda, Tito Larry, Elise at Kuya Bert ang magkakasama. Masaya naman kami no'ng una ngunit sa isang iglap nabalutan ng dilim at bloke ng yelo ang buong mansyon dahil sa pagkakapatay kay Tito Lars. Kung anong dahilan, hindi namin alam. Pero nang dumating galing States ang mag-asawang Alicia at Kristoffer Altamonte at bunsong dalagang anak ng mga ito na kaedaran ko lang din ay unti-unting bumalik ang sigla ng mansyon. Subrang bait nila. Parang tunay na kapamilya ang turing nila sa amin hindi isang utusan. Lalo na ng umuwi ang panganay ng mga ito. Nagtu-twinkle ang mga mata namin ni Elise, nabubuhay ang dugo pati balun-balunan naming dalawa, ngumingisay sa kagwapuhan ni Sir Keith at mga kaibigan nito. Wala kang itulak kabigin sa kanila, saksakan ng gwapo! Ang kaso may isang kutong lupa itong kasama lagi, si Richard Del Valle. Mukha namang mabait pero parang pinaglihi yata sa kutsilyo. Ang talim na nga kung makatitig sa akin, ang bastos pa ng bunganga. Ako pa ang pinagtitripan sa tuwing dumadalaw dito. Sa iba ang lamig-lamig niya pero pagdating sa akin pinapainit niya lagi ang ulo ko. Sayang crush ko pa naman sana siya. Pero syempre hanggang doon lang 'yon. Vitamins din sa mata ang kagwapuhan nila. At si Liam lang ang bukod tanging lalaking nagmamay-ari ng puso ko. Alam kong tutuparin niya ang pangako niya sa akin. Hahanapin niya ako. Pakakasalan niya ako. Bubuo kami ng sarili naming pamilya at magsasama habang buhay. Period. "Dito talaga honey? Ayy! 'Wag diyan, nakikiliti ako." Napabalikwas ako mula sa pagkakaupo sa damuhan ng marinig ko ang maarteng boses ng babae. "Shhhh, hinaan mo ang boses mo. Pauuwiin kita." boses ni Sir Keith. Teka. . . si. . . si Sir Keith?! Anong ginagawa nila dito ng dis oras ng gabi? Nagpalinga-linga ako sa paligid saka maingat na sinundan ang mga boses nila. Gumapang ako sa damuhan, para akong aso sa itsura ko. Lintik na. . . Napahinto ako sa paggapang ng makarinig ako ng ungol. Ehh? Napaisip ako bigla. Kanina ang arte-arte ng boses no'ng babae. May kiliti pa daw siya e bakit ngayon. . . Kapag nakikiliti ba umuungol? Pinakiramdaman ko ang paligid. Nagtaasan ang mga balahibo ko ng palakas ng palakas ang naririnig kong ungol no'ng babae. Tiningnan ko ang makapal na halaman na nasa kaliwa ko. Nilapit ko pa ang aking tainga doon. Parang nasa kabila lang yata sila. Nagdadalawang isip ako kung pupuntahan ko pa ba sila sa kabila o 'wag na lang. But out of curiosity, dahan-dahan kong hinawi ang mga halaman. Sumilip ako. Napanga-nga ako sa aking nakita. Nanlaki ang aking mga mata. Nakalimutan ko ring huminga. Sunod-sunod akong napalunok habang walang kurap-kurap na nakatitig sa kanila. Ang lamig ng simoy ng hangin pero pinagpapawisan ako ng malapot. Nagkalat ang mga damit nila sa damuhan. Pareho silang walang saplot! Oh my golalay! Ano 'to? Totoo ba 'to? Para akong nanonood ng live na porn movies! "Ahh, harder Keith...honey!" nagdedeliryong utos no'ng babae. "f**k--lessen your voice!" asik ni Sir Keith. Tinakpan niya ng kamay ang maingay na bibig no'ng babae saka binilisan lalo ang paggalaw sa ibabaw nito. Nabaliw naman lalo 'yong babae sa ilalim niya. Bumabaon ang mga kuko sa kanyang likod. Pinulupot pa ang mga binti sa bewang niya. Hindi ko kinaya ang ginagawa nila kaya napakaripas ako ng takbo pabalik sa mansyon. Nagkandabangga-bangga pa ako sa ibang halaman na dinaanan ko. Dalawang beses pa akong natumba sa pagmamadali kong makalayo. Daig ko pa ang hinahabol ng multo. Tiyak bukas putol-putol ang mga 'yon. Sa bilis ng takbo ko halos pangapusan ako ng hininga. Kulang na lang lumawit ang dila ko sa subrang hingal, nira-riot ang loob ng dibdib ko. Dinig na dinig ko ang malakas na pagtambol. Sunod-sunod akong nagbuga ng hangin. Itinukod ko ang kaliwang kamay sa pinto ng kusina habang ang isa nasa dibdib ko. Kinakalma ko ang aking sarili nang bigla namang bumukas ang pinto. Sa bilis ng pangyayari hindi ako nakahuma. Padapa akong bumagsak sa sahig kasama ng shorts nitong nahatak ko ng kapitan ko iyon. Napangiwi ako sa sakit. "What the hell--!" Napalunok ako ng makilala ko ang boses ni Sir Chad kasabay ng pamimilog ng aking mga mata ng makita ko kung ano ang hawak ko na nasa paanan niya. Ang shorts niya and the f*****g boxers! Halos mapadasal ako na sana bumukas ang lupa at lamunin na lang ako ng buo habang nakatitig sa matitipuno't mabalahibong niyang mga binti na nasa harapan ko. Oh. . . mahabagin na langit! Wala sa sariling nag-angat ako ng tingin sa kanya ngunit nahindik ako sa sumalubong sa akin. "M-Mia. . ." bulalas niya pagkakita sa mukha ko. I froze. My jaw dropped. My eyes widened even more when I saw his. He was f*****g naked in front of me for crying out loud! My heart flipped. My stomach twisted. I even forgot how to breath. In a span of time, my eyes devirginized twice. And all I can do is to gulped hard and gulped some more and more then. . . "Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" umalingaw-ngaw sa katahimikan ng buong kabahayan ang malakas na sigaw ko. Humalo ang sigaw din ni Sir Chad. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD