The Ghost Of You 1

2699 Words
MIA First day of my job. Walang naganap na interview. Walang requirements na hiningi. Basta sinabihan lang ako ni Tito Kristoff na pumunta ako ng main office nila ng Altamonte Group of Companies. May taong mag-aasist daw sa akin doon. And here I am; trembling, nervous, scared and hesitant kung tutuloy pa ba ako sa loob. Ang alam ko si Kuya Keith ang chairman. Mahigpit daw yun pagdating sa trabaho lalo na yung PA no'n. Kung sana'y nandito si Aish kaso. . . Malalim akong nagpakawala ng buntong-hininga saka humakbang papasok sa loob. Wearing a maroon 3/4 sleeve formal evening cocktail pencil dress matching with my 4 inches black high heels. "Good morning, Miss Marquez." bati sa akin ng dalawang guwardiya. Saka may tinuro sa loob. Napasunod ang tingin ko doon. "Dumeritso po kayo sa room na yun, Ma'am." "Ha? Uhm--OK." tanging nasabi ko sabay hakbang patungo sa room na tinuro sa akin. Iilan pa lang ang mga empleyadong nakita ko sa lobby. All of them were staring at me with their curious eyes. Hindi ko alam kung ngingitian ko ba sila o hindi pero ginawa ko yung una kahit hindi nila ako nginitian pabalik. Kumatok ako ng tatlong beses pagkahinto ko sa harapan ng pinto. "Come in," pamilyar na baritonong boses ng lalaki. Bigla kong nilingon ang mga guwardiya. Nakatingin din ang mga ito sa akin. Hinarap ko muli ang pinto saka nilingon muli ang dalawang guwardiya. Sabay pang nagsenyas sa akin ang dalawa na pihitin ko na ang seradura at pumasok sa loob. Gusto ko ng kumaripas ng takbo palabas pero naipako ako sa aking kinatatayuan. Lalong tumindi ang nerbiyos na nararamdaman ko. T'ngna. . . wag naman sana-- "I told you to come in. Hindi mo ba ako narinig?" I grimace when someone opened the damn door then bit my lower lip. Tila robot na hinarap ko si. . . "Good morning po, S-Sir Chad." "It's not a good morning anymore." malamig na aniya. "Pumasok ka at may pag-uusapan tayo." Natatarantang napasunod naman ako sa kanya. Umikot siya sa table saka may tinuro sa akin na nasa ibabaw ng sofa sa gilid. Isang 'di kalakihan na kahon iyon. "Change your outfit. May pupuntahan tayo?" "Ha?" "Kailangan mo ba ng Doctor para matingnan 'yang tainga mo, Miss Marquez?" pinasadahan niya ako ng tingin. "Or hindi lang tainga ang dapat e-check sayo? Namumula yang mukha mo. Kinikilig ka ba sa akin?" "Aba't. . . kapag namumula ang mukha kinikilig na agad? Hindi ba pwedeng tumataas ang presyon ko dahil sa hinayupak na nakikita ko ngayon sa harapan ko?" He chuckled then sit on top of his table. "Kumusta ka nga pala? Ang tagal nating 'di nagkita. Saan ka bang apartment lumipat?" "Pakialam mo ba? Tsaka pinapunta ako dito ni Tito Kristoff--" "Ako ang mag-a-assist sayo," agap niya. "Hindi kita hiningian ng anumang requirements dahil ako na mismo ang nangalap no'n. Pinadala ko na sa HR." Napatanga ako sa sinabi niya. Umawang ang aking mga labi sa pagkamangha. Like. . . how did he do that? "Hindi mo man lang ba ako pasasalamatan sa ginawa ko?" "Bakit inutusan ba kitang gawin mo yun?" He chuckled again. "You look elegant and sexy today, Miss Marquez." Biglang uminit ang mukha ko sa papuri niya. Umiwas ako ng tingin ng hindi ko matagalan ang uri ng titig na pinupukol niya sa akin. Para niya akong inaakit na halos ikanginig ng mga tuhod ko. Mapakla akong tumawa. "Oh. . . Thank you, Mr. Del Valle. I'm flattered." Iningusan niya naman ako. "Kailangan pa talagang purihin ka para lang pasalamatan ako. Ang tindi mo din ano," "The nerve--" Tumayo siya saka humakbang palapit sa akin. Huminto mismo sa harapan ko. Inangat ang chin ko gamit ang dalawang daliri. Nagtagpo ang mata naming dalawa. "Mas maganda ka kung wala kang make up." Inis na tinabig ko ang braso niya. "Hindi ko kailangan ng papuri mo Mr. Del Valle. Tsaka naparito ako para magtrabaho." "Yes of course. Magtatrabaho ka sa akin." "Ano?" "Siguro kailangan ko talagang ilapit lagi ang bibig ko sa tainga mo para marinig mo ng mas malinaw ang mga sinasabi ko." aniya sabay lapit ng mukha sa tainga ko pero kaagad ko siyang inambaan ng suntok. "Subukan mo lang dumikit sa akin na peste ka at dudurugin kita ng kamao ko!" Nakatawang lumayo siya sa akin saka nilapitan ang box sa sofa. Nakasunod ang tingin ko sa kanya. "Sa liit mong yan, baka madurog kita sa ilalim ko. Dapat ngayon pa lang mag-aral ka na kung pa'no mangabayo." "Anong sinabi mo?! Pakiulit nga!" Seryoso niya akong tiningnan. "Kilala mo ba si Marimar?" "Anong kinalaman ni Marimar sa trabaho ko?" "Kailangan mong maging si Marimar ngayon." Tinitigan ko siya ng matagal. Naguguluhan ako sa mga pinagsasasabi niya. Pero imposible namang ipadala ako dito ni Tito para lang pagtripan ako ng ungas na 'to. "Uuwi na ako." "Hindi pwede--" "Mas lalong hindi pwede yang pinapagawa mo sa akin! Isusumbong kita kay Tito Kristoff!" "Well for your information ang chairman mismo ang nag-utos sa akin nito." "Inutusan ka ni K-Kuya Keith?" "Yes," tinuro niya ang suot ko. "At hindi bagay yang damit mo sa pupuntahan natin kaya hubarin mo yan." "H-Hubarin ko 'to?! D-Dito sa harapan mo? Seryoso ka--gago ka ba talaga?" "Hindi ko sinabing humubad ka dito sa harapan ko pero. . . hmmm," tumango-tango siya. "Sabagay gawain mo yun dati pa diba? Pwede na rin dito--" "You---pervert!" singhal ko sabay dampot ng kahon. He laughed wholeheartedly. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Naghahanap kung saan ako pwedeng magbihis. "Nandun ang CR." Turo niya sa pinakadulong pintuan. Inirapan ko siya sabay hakbang doon. "Ano 'to?" nakangiwing niladlad ko ang manipis na dress; color red na silk, revealing masyado ang tabas. May kasama pang kulot-kulot na lampas balikat na blonde na wig sa kahon, isang pares na round gold earrings na pwedeng sabitan ng payong sa laki. "Hindi ganito ang sinusuot ni Marimar. Tsaka ano bang trabaho ang ipapagawa niya sa akin? Bugaw ba siya or ano? Imposible namang ipagawa 'to sa akin ni Kuya Keith." "Miss Marquez!" napapitlag ako sa lakas ng boses at katok sa pinto ni Sir Chad. "What took you so long to change your damn clothes?! May meeting tayong pupuntahan bilisan mo! Wala na tayong oras!" Inis na binuksan ko ang pinto sabay bato sa mukha niya ng damit. Dinuro ko siya. Pero hindi na ako nakapagsalita pa ng bigla niya akong hablutin at sapilitang hinubaran. Sa bilis ng pangyayari halos 'di ako makahuma. Yung kawawang damit ko pinunit niya. Hindi ko alam kung paano niya nagawa basta namalayan ko na lang nabihisan niya na ako ng pangpokpok na damit. Kunting tuwad ko kita na ang kuyukot ko. Kung hahatakin ko naman pababa baka lumabas ang boobs ko. Naiiyak na tiningnan ko siya. "Ano bang kasalanan ko sayo para ganituhin mo ako ha? Hindi ko naman sinasadya yung nangyari noon e. Tsaka kasalanan mo--" "Tss." akmang hahawakan niya ang buhok ko pero lumayo ako. He took a heavy sighs. "Look, mali yang iniisip mo. You just need to act as my lover. Kaya ganyan ang suot mo dahil bar yung pupuntahan natin. I will tell you the instructions once we get there. And no worry, triple ang magiging sahod mo kung hindi ka papalpak sa ipagagawa ko sayo." "Hindi ko kayang gawin ang ipapagawa mo sa akin at hindi ko kailangan ng tripleng sahod! Desenting trabaho ang kailangan ko!" "Kailangan mo yung sahod para sa pamilya mo. At kasama mo ako kaya hindi ka mahihirapan. All you need to do is just follow my instructions. Simple as that." "Ayoko--" "If you want to be an executive assistant you have to learn how to handle working under pressure." "So kaya pinipressure mo ako ngayon, ganun ba ha?" "Adaptability, quick thinker, and problem solver. You need those to excel in that role." Pailalim ko siyang tinitigan. Pilit kong binabasa ang kaloob-looban niya but he's good at hiding with his inner emotion. Napakamisteryoso ng kanyang mga mata. Tila may lihim na nakatago doon na pilit tinatakpan ng kapilyuhan. Hindi ko matukoy kung kailan siya nagsasabi ng totoo at hindi. Tumikhim siya ng tumagal ang titigan naming dalawa saka inabot ang wig sa loob ng kahon. Tila ekspertong inayos iyon sa ulo ko. Hindi ako nagprotesta. Hinayaan ko lang siya. Pagkatapos pinihit niya ako paharap sa salamin. "You look like a barbie doll." walang kurap-kurap na wika niya at lumabas ng banyo. Tinanaw ko siya. Tinungo niya ang drawer sa harap ng malaking built-in mirror. May kinuha doon saka muling bumalik dito sa akin. Red lipstick? Napaarko ang kilay ko habang nakatingin sa kamay niya. Inabot niya iyon sa akin pagkahinto sa harapan ko. "Remove your lipstick. Use this instead." Kumuha akong tissue para burahin ang lipstick ko saka ginamit yung bigay niya. "Change your earrings too." "Ayoko--" "Kailangan." "Kailangan saan? Pagkalaki-laki ng hikaw, mapunit pa ang tainga ko niyan." "May microchips sa loob niyan. We need that for safety purposes." "Safety purposes? Para saan? Saan ba tayo pupunta?" 'Di niya sinagot ang tanong ko. Nang masiyahan sa nakikita kong repleksyon sa salamin inabot kong muli sa kanya ang lipstick pero tiningnan niya lang iyon. "Check the other side of that lipstick." "Ha?" "That's tranquilizer. Just press the center in case of emergency. Make sure na nakaharap ang logo sa e-spray-han mo niyan ha." Sinipat ko naman agad iyon. There; I saw a silver diamond logo. "Pwede ko bang e-try sayo?" nakangising itinutok ko iyon sa mukha niya. He evily smirked. "Sure sweetie but didn't I tell you yet that lipstick had poison?" "What?!" bulalas ko. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat ng hatakin niya ang braso ko. Lalo na ng salubungin ako ng mapangahas niyang mga labi. Hinigop niya yung bibig ko. Nang mahimasmasan malakas ko siyang itinulak sabay bigwas ng kamay sa kanyang mukha pero hindi niya iyon ininda. Muli niya akong hinatak at isinandal sa pader. Marubdob akong siniil ng halik. Pakiramdam ko mabilis umikot yung mundo. Nalula ako sa init ng kanyang mga labi at paraan ng paghalik niya. It's my first kiss! Ganito ba yun? Para akong maduduwal na hindi. Hinahalukay yung tiyan ko at parang tinatadyakan ng kabayo ang dibdib ko sa lakas ng kalabog. Hindi kaya epekto ng lason na sinasabi niya? Pinapangapusan na ako ng hininga! Hinawakan ko ang mukha niya para ilayo sa akin pero naunahan niya ako. He released my lips but his forehead touching mine. We were both gasping and panting. Mamamatay na yata kaming dalawa! "Your lips is like a poison." he whispered then kiss my lips again. "I'll die if I didn't taste it." then hungrily claimed my lips. Naramdaman kong unti-unting pumikit ang aking mga mata. Yung kamay ko parang may sariling utak at pumaikot sa kanyang leeg. Napasabunot pa ako sa kanyang buhok ng pumasok ang dila niya sa loob ng bibig ko. Hindi ko alam kung bakit but I did kissed him back same pierce and. . . aggressive. Ilang minutong nagtagal iyon. Pinakawalan niya lang ang mga labi ko ng pareho na kaming tinatakasan ng hangin sa baga. Sumagap saka muling naghalikan na parang sabik na sabik kami sa isa't isa. "Mia. . ." he mumbled. "C-Chad--" "Rule number one," hinabol niya ang kanyang hininga. "Never fall in love with me, Mia." Pakiwari ko nilublob ako sa kailalim-laliman ng north pole sa sinabi niya. Nablangko ang utak ko. Natauhan lang ako ng tapikin niya ng dalawang beses ang pisngi ko. "You're not a good kisser either but no worry will teach you everytime I got a chance to kiss you. I'm sure you're gonna be a great lover." Malakas ko siyang tinuhuran sa gitna. "Holy f**k--awww!" Napaaringking siya sa sakit, pigil-pigil ng dalawang kamay ang kanya. Hindi makapaniwalang nakatingin sa akin ang galit niyang mga mata. Tinawanan ko siya. "Rule number two Mr. Del Valle; NEVER. MESS. WITH. ME. Mabilis ang reflexes ko. Sa susunod na magkamali ka sa akin, will chop-chop your damn hotdog. Pati yang nguso mo gagawin ko yang sisig!" ***** Walang imikan na umalis kami ng kompanya. Parehong masama ang tingin sa isa't-isa. Hindi ako nagtanong habang lulan ng sasakyan kung saan niya ako dadalhin. Hanggang sa sumakay kami ng chopper, matagal na bumyahe sa himpapawid at lumapag iyon sa rooftop helipad. "We're here in Cebu." Hindi ko pa rin siya pinansin. Binuksan ko ang pinto ng chopper pero nanatili lang ako sa upuan, iniikot ang paningin sa paligid. "May kakatagpuin tayong businessman. Si Amadeo De Luca. Pure Italian but his ex-wife is a Filipina so he understand and know how to speak tagalog. He's in Arizona Resort at the moment." "Tapos ganito ang pinasuot mo sa akin?" "You look ravishing. Tiyak luluwa ang mata no'n kapag nakita ka. He's a womanizer at mahilig sa bata." Marahas ko siyang nilingon. "And you expect me to seduce him?" "Dati akong alagad ng batas, Mia. I'm doing this for my Boss and we're helping Chief Velasquez too. We got an intel that bastard involved with human trafficking, cybersex trafficking, illegal firearms supplier. With your help malalaman namin kung may kaugnayan ba talaga siya kay Rex Chua." "Rex Chua? Yung may-ari ng Chua Group Company?" "Yes." "May kinalaman din ba 'tong ginagawa niyo sa pagkamatay ni Tito Lars?" "Yes." "Ok, I'll cooperate--" "But don't you dare tell anyone about it. I mean; A N Y O N E." sabad niya. "Rule number three; magkakilala tayo kapag magkasama lang tayo but out of it we're pure strangers. Naiintindihan mo?" "Loud and clear, Boss." "Good. That's why you need to disguise. Ayokong mapahamak ka ng dahil sa akin. Tiyak mapapatay ako ni Boss--" "Akala ko ba utos 'to ni Kuya Keith?" "Well--uhm," Umiwas siya ng tingin. Napaayos pa ng upo. Makailang ulit pang tumikhim na para bang may batong nakabara sa kanyang lalamunan. Lalo akong naghinala sa naging reaksyon niya. Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata sabay sugod sa kanya. "Sinasabi ko na nga ba--" "Teka--wait!" singhal niya habang sinasangga ang malalakas na hampas ko sa kanya. Peste siya! "Ano ba?! Tumigil ka nga!" "Isusumbong kita kay Tito Kristoff!" "Kapag ginawa mo yun hindi kita bibigyan ng trabaho sa kompanya!" "Ang kapal ng mukha mo! Bakit ikaw ba ang may-ari--" "Magkasosyo sila ng Daddy ko at ako ang pansamantalang namamalakad doon kapag wala si Boss!" Tumigil ako sa paghampas sa kanya. Sumagap ng hangin para ikalma ang sarili. Narinig ko rin siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "I. . . I just want to apologize at what I did before. I'm sorry Mia. Hindi ko gustong umalis ka sa mansyon ng mga Altamonte--" "Pwes ginawa mo na!" angil ko. "Sa tingin mo makakalimutan ko yung kahihiyan na ginawa mo sa akin noon ha?! Pati pamilya ko nadamay Chad! Alam ko sa sarili na hindi ako mayaman pero may delikadesa akong tao. Hindi ako social climber at wala akong planong patulan ka!" "That's why I'm sorry. Nasabi ko lang ang mga iyon dahil nabigla din ako tsaka kahit naman sino mawawala din sa tamang pag-iisip dahil sa nangyari diba? Isa pa matagal na yun. Pwede bang kalimutan mo na lang? Let bygone be bygone." "Ginawan mo ako ng scandal tapos--" "Look; I'm sorry, ginagawa ko 'to ngayon para makabawi sayo. Sasamahan pa kita para makauwi ka na sa inyo, para mabisita mo ang pamilya mo. Just forgive me, please?" "Ganun ka ka-sincere?" "Yes--ofcourse. I admit my mistakes and wanted to correct it in any way if possible." I scoffed. "At sa tingin mo maniniwala ako sayo, Mr. Del Valle?" "Well, you have to. In fact, naka-enrol na sa school ang mga kapatid mo kaya hindi ka na pwede pang umatras at tumanggi sa utos ko dahil na-advance na ang bayad ko sayo." "Liar." "E 'di tawagan mo ang Tatay mo ng maniwala kang nagsasabi ako ng totoo." "Nakakagigil ka. Alam mo ba yun?" He paused then smirked. "I think I like that. Hindi ako papalag kung panggigilan mo ako, Miss Marquez. Just don't forget my rule number one." "Asa ka namang mangyari yang rule number one mo. Baka lamukusin ko yan at idikdik sa lalamunan mo. Menauposal biik." "What the f--k did you say?!" ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD