The Ghost Of You 5

2615 Words
"Master, napapalibutan tayo ng mga pulis!" "Ano?!" bulalas na boses ni Deo. "Putcha salubungin niyo!" Umaalingaw-ngaw ang malakas na palitan ng putok ng baril saan mang panig, kaliwa't kanan na nagmamadaling yabag, sigawan ng mga babaeng kasama kong nasa loob; nagpapanic na sila. Nagkulasan din ang mga kaibigan ni Seb kasama ito na umalis sa ibabaw ko. Pumasok sa. . . Tiningnan kong mabuti ang pinasukan ng mga ito. Looks like. . . a secret door. Ang daming armas! "What is it all about, Mr. De Luca?" nagbabantang boses ni Sir Chad. "Akala ko ba hawak mo si Cong. Salonga? Did you invited me here to be capture by a cop?" "NO. Malamang nilaglag ako ng hayop na Salonga na yun!" "Kapag nahuli kami ng mga pulis, Mr. De Luca, I swear, uunahin kita sa hukay," sigunda ng isang lalaki. "Sabi mo safe. But what the f-ck is this?" "Wag na tayong magsisihan dito," boses ng isa pang lalaki. "We need to escape!" "Narinig niyo naman diba?" sabad ng isa pang lalaki. "Napapalibutan na nila tayo, saan tayo dadaan?" "T'ngna naman Amadeo, think faster! Kapag nakalabuso tayong lahat dito, I swear, burado ka na sa grupo." galit na wika ng lalaking mukhang dayuhan pero ang galing manalog kahit may accent pa din iyon. "Uncle," patakbong nilapitan ito ni Seb. "I thought everything is under control? Ano 'to?" "Isa ka pa!" singhal ni Deo. "Kunin mo si Kitty! Sa underground tayo dadaan." Kaagad naman akong tumayo at nagpalinga-linga sa paligid. All the girls were gone. Where did they go? Tinawag ni Deo yung lalaking kanina pa 'di mapakali sa kinatatayuan. Siya yung inakala kong businessman na nakasalubong namin kaninang umaga doon sa lobby ng hotel. Tiningnan ko si Sir Chad. Alam kong may nilusot sa bulsa niya yung babaeng bumangga sa kanya kanina sa lobby ng hotel. And that girl is none other than but the one who put me inside the gift box. "Give me the master key card!" "Uhm--Master... I don't know how it happens but kanina pa pong umaga nawawala yung master key card. Pati po yung duplicate. Even the other keys were gone. Sira din yung secret vault and the CCTV footage were sabotage. Hinanap namin yung--" "Whaaaat?! Anong sinasabi mong nawawala?! Ba't ngayon mo lang sinabi--" "Master," humahangos na sumulpot yung babaeng pumasok sa akin sa kahon kanina. "The underground door is opened. Doon dumaan yung mga babae. Maybe one of them took the master key card!" "SonOfABitch--" "Ano pang hinihintay niyo, magsilabas na kayo!" sigaw ng lalaking bigla rin sumulpot sa likuran no'ng babae. Tagaktak ang pawis at hinihingal. "They're headed here! Subrang dami nila!" Nagkulasan ang mga ito. And that asshole Richard Del Valle left me too! Sumabay sa agos ng mga kalalakihan. Tinakbo ako ni Seb. Hinaklit ang braso ko. "Come with me--" "NO!" sigaw ko sabay bawi ng aking braso. Nakita kong napahinto si Deo at Sir Chad sa pagtakbo palabas ng pinto at nilingon kami. "Money down first. Hindi ako sasama sayo kung hindi mo ako bibigyan ng pera!" "What the f-ck!" "Kitty!" dumadagundong na sigaw ni Deo sa akin. Nakangising nilingon ko ito. "Akala niyo maiisahan niyo ako? Kung walang pera, walang tanan na magaganap!" "What a damn gold digger b***h--iwanan mo na ang t'ngnang babaeng yan!" Dumilim ang mukha ni Seb sa galit. Halos gustong durugin ang braso ko sa higpit ng hawak nito. Malakas ako nitong tinulak bago ako tinalikuran at patakbong sumunod sa tiyuhin nito. Tumalbog ako sa ibabaw ng couch. "Kitty!" tawag sa akin ni Sir Chad pero 'di ko siya pinansin. Tinanggal ko ang suot na mataas na heels. Ang sakit na ng paa ko. Dinampot ko ang bundle na pera na nasa couch at mga pellet ng doublemint gum. Sinuksok ko din sa bra ko yung swipe key card na nakuha ko sa bulsa ni Seb kanina. "What the f-ck you're doing?!" Nagpalinga-linga ako sa paligid. Naghahanap ng bagay na pandagdag dito sa mga nakuha ko. This stag party seems suspicious to me. Mukha silang high na high. Pati yung galawan at titig ng mga babae sa akin kanina kakaiba sa nakita ko doon sa labas ng Club pagdating namin ng tauhan ni Deo dito. I'm sure may something sa inumin nila. "Bahala ka nga diyan sa buhay mo!" Akmang dadamputin ko ang bottle wine ng marinig ko ang sinabi niya. Marahas akong napaangat ng tingin sa kanya. There; I saw him running away. Nataranta ako ng makarinig akong mga yabag papalapit sa kinaroroonan ko. Oh damn... "Hoy! Wait for meee!" sigaw ko sabay karipas ng takbo. Hinabol ko siya pero pagdating ko sa pinakadulong dinaanan niya wala na ito doon. Nagpalinga-linga ako sa paligid sabay takbo sa kanan na pasilyo. "T'ngna iniwanan niya talaga ako." Nakapaa lang ako kaya mabilis yung pagtakbo ko pero kahit ganun 'di ko na makita pa ang anino ng hinayupak na lalaking yun. Kahit saang lagusan lumusot ako. Hanggang sa may nabangga akong dalawang lalaki. Bumagsak ako sa sahig kasabay ng pagbagsak ng dalawang lalaki, duguan at wala ng buhay. Pagbaling ko sa likuran ko may pulis doon na nakatayo nakatutok ang baril sa akin. Sa subrang takot napasiksik ako sa pader. Ibinaba nito ang baril at humakbang palapit sa akin. Bumalikwas ako ng bangon sabay takbo. "Kitty wait--!" Narinig ko pang sigaw nito pero 'di ko na ito pinansin pa lalo't umalingaw-ngaw na naman ang mga palitan ng putok ng baril. Pagdating ko sa dulo ng pasilyo kaagad akong lumiko, binilisan lalo ang pagtakbo nang may biglang humablot sa akin. Napatili ako sa pinaghalong gulat at takot. Mabilis nitong tinakpan ang bibig ko. "Shhhh ang ingay mo." bulong nito sa punong-tainga ko. Nilingon ko ito ng makilala ko ang boses at malanghap ang pamilyar na pabango. Nakatingin ito sa labas sabay sara ng pinto at ni-lock iyon. Kinalas ko ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko. Niyuko niya ako. Our eyes met. Our face were just inch apart. Ramdam at nalalanghap ko ang amoy alak at init ng kanyang hininga na tumatama sa aking mukha. "C-Chad," "Ok ka lang ba?" Tumango ako. "Ba't nandito ka pa? Akala ko iniwan mo na ako." He grinned then pinch my cheeks. "Pwede ba yun? We're partners in crime. Kung nasaan ka nandun din ako. At wala din akong sinabing ibibigay kita sa magtiyuhin na yun." "Bitiwan mo ako sabi!" Sabay kaming napalingon ng pabalyang bumukas ang pintuan sa kabila. Pumasok ang isang matangkad na lalaki at nagwawalang babae. Kaagad akong lumayo kay Sir Chad ng makilala ko iyon. Yun yung kahalikan niya kanina. "Gusto mo ba talagang mamatay?!" singhal ng lalaki dito. "Ano bang pumasok sa kukute mo at bumalik ka pa talaga dito sa loob ha?" "Wala kang pakialam!" "May pakialam ako dahil ibinilin kayong lahat--" natigilan ito. Nanlaki ang mga mata pagkakita saamin. Marahas kaming nilingon ng babae. Lumiwanag ang mukha nito pagkakita saamin or mas tamang sabihin kay Sir Chad. "Mr. Brown!" patiling tawag nito sabay takbo. Sinugod ng yakap si Sir Chad. "Thanks goodness you're here! Sinasabi ko na nga ba e. Alam kong hindi mo ako iiwan dito." kumalas ito saka muling nilingon yung lalaking dismayadong umiiling habang nakatanaw saamin. "Ba't 'di mo sinabi na hinihintay pala ako dito ni Mr. Brown?" Tiningnan ako ni Sir Chad. Inirapan ko siya sabay atras palayo sa kanila. Binaklas niya naman kaagad yung mala sawang braso ng babae, saka sinenyasan yung lalaki lumapit. "Take her out safely--" "NO! Sayo lang ako sasama Mr. Brown!" Sunod-sunod muling nagpalitan ng putok ng baril sa labas. May narinig pa akong mga nagtatakbuhan. Tinulak ni Sir Chad ang babae papunta do'n sa lalaki saka nilapitan ako pero mabilis itong pumagitna saamin. "Sabi mo tutulungan mo akong makatakas?" naiiyak na wika ng babae. "Pero bakit mga pulis ang mga nakita ko doon sa underground? Balak mo ba kaming ipakulong lahat? Kagaya ka din ba nina Amadeo De Luca ha?" "Enough with this f-cking drama!" madiin na sabi ni Sir Chad. "They're here to save you all. At malamang tinutugis din ako ng mga pulis so you're not safe with me. Sa kanya ka sumama 'wag sa akin. Let's go Kitty." Nilampasan ni Sir Chad ang babae but I wonder why he grab her hands instead na kamay ko since pangalan ko yung binanggit niya? Nakasunod ang tingin ko sa mga ito ng nagmamadali pang lumabas ng pinto. Tila demonyita pa akong nginisian ng babae. Then minutes passed a gun fire and bullets crossed inside the room. "RUN!" nanlaki ang aking mga mata ng malingunan kong duguan ang braso ng lalaki habang nakikipagpalitan ng putok ng baril. Bumagsak din ang sirang pintuan. "Umalis ka na hurry!" may dinukot itong granada sa side pocket. Doon na ako nahimasmasan. Tumakbo ako palabas ng pinto, nasa likuran ko ito. He even covered me with the loud explosion due to the grenade he thrown to the enemy. Sabay kaming bumagsak sa lapag. "You ok, Miss Kitty?" "Y-Yeah--" "Kitty!" humahangos na boses ni Sir Chad. Tinulungan niya akong makatayo sabay hatak sa braso ko. Napasunod ako sa kanya ng takbo. Nasa likuran namin yung lalaki. Mangilan-ngilan na tauhan ni Deo ang bigla na lang sumusulpot sa kung saan at pinapaulanan kami ng bala. Walang palya ako kakatili sa subrang takot while Sir Chad and the wounded guy behind us shoot them back. Dalawang makitid na pasilyo pa ang dinaanan namin bago kami tuluyan nakalabas ng building. May tatlong lalaki kaming dinatnan doon sa tabi ng dalawang kotse. "May tama siya!" turo ni Sir Chad sa lalaki. "Take him to the safe house!" Halos itulak ako ni Sir Chad papasok sa loob ng kotse sa pagmamadali. Umikot siya sa kabila, naupo sa driver seat then start the engine right away. Napahikbi ako ng umandar na ang kotse paalis sa lugar na iyon. "What's wrong? May tama ka ba? May masakit ba sayo Mia?" Hindi ko siya sinagot. Patuloy sa pag-agos ang masagana kong luha. Napatingin ako sa mga hawak ko. Halos hindi ko maaninag ang mga iyon sa kamay ko ng nanlalabo kong mga mata. Lalo akong napahagulhol. Binitawan ko ang mga iyon. Bumagsak sa nanginginig kong mga paa. Tinakpan ko ng mga kamay ang aking mukha, sumiksik sa gilid ng sasakyan at doon umatungal. I heard him cursed multiple times. But who cares? Halos mamatay ako kanina. Nakikipaghabulan ako kay kamatayan. Pa'no na lang pala kung tinamaan ako ng ligaw na bala? Pa'no na sina Inay at Itay? Ang mga kapatid ko? Sino pa ang tutulong sa kanila? Nang isipin iyon lumakas lalo ang hagulhol ko. Ramdam kong tila lumilipad na ang sinasakyan namin pero wala na akong pakialam pa. Hindi ko alam kung ilang oras ang tinagal ng byahe namin. Sumisinok na ako sa kakaiyak ng huminto iyon. "Mia," dumantay ang kamay niya sa aking balikat. "Mia. . . I'm sorry." Hilam sa luha at namumugto ang mga matang nilingon ko siya. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako or ano pero yung mukha niya hindi na si Mr. Brown kundi back to Richard Del Valle na. If how it happens? I don't have an idea. "Sorry? Para saan? Kung. . . kung namatay ako kanina--" "Shhhh," tinakpan niya ng daliri ang aking bibig. "Don't say that. Hinding-hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo." muling umagos ang luha sa aking mga mata. He cursed again then grab me for a tight embrace. "Hush now, baby. 'Wag ka ng umiyak please." "T-Tapos na ba ang trabaho ko, Sir Chad?" Kumalas siya sa akin. Sanapo ng dalawang kamay ang mukha ko at pinalis ang aking mga luha. "Thank you for helping us, Mia. We couldn't made it without you. I promise babawi ako sayo." I sniffed. "Na--Nasaan na yung babaeng kasama mo--" "Oh--forget about her." may inabot siya sa backseat, ang kanyang coat saka pinasuot sa akin. "Nasa pangangalaga na sila ng kapatid ni Chief Velasquez. They'll take over them to the DSWD." Bumaba siya ng kotse. Umikot papunta sa gawi ko. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto. "C'mon you need to change and get some rest." Tinanaw ko ang building na nasa likuran niya. May dalawang lalaking lumapit saamin. Inabot kay sir Chad ang key card. "Presidential room is ready." Kinuha ni Sir Chad ang key card at tinapik ito sa balikat. "Thanks Franz." "So pa'no? Puntahan ko muna sina Chief." wika no'ng isa pang lalaki. "Ikaw na bahala sa kanila Franz." "Wait," sabad ko ng akmang tatalikod na ang lalaki. Mabilis ang kamay na dinampot ko ang isang bundle na pera at pellet of doublemint gum na nasa paanan ko. Tumalikod ako saka hinugot sa loob ng bra ko yung key card ni Seb saka inabot dito. "Baka makatulong 'to as evidence." They looked at each other. Niyuko ako si Sir Chad saka kinuha ang mga hawak ko at ibinigay sa lalaki. Pagkaalis nito muli akong niyuko ni Sir Chad. "Shall we?" "Uhm. . ." Niyuko ko ang walang sapin kong mga paa. Pag-angat ko ng tingin kay Sir Chad nakatingin din siya doon. Tinanaw ko ang building na labas-pasok ang mga tao. Nakakahiya pero... Hinakbang ko ang paa palabas ng kotse pero kaagad akong pinigilan ni Sir Chad. Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Tinanggal niya ang kanyang suot na sapatos at binitbit iyon. Ginagap niya ang aking kamay saka nginitian. "So, lets go?" Inalalayan niya akong makalabas ng kotse. He even encircle his arms around my waist while walking inside the Hotel. Dinala niya ako sa pinakamataas na palapag. Anim lang ang nakita ko doon na pintuan. "This is Boss Keith presidential room." aniya pagtapat namin sa pangatlong pintuan. He swipe the key card to unlock the door. Iginiya niya ako papasok. Sinalubong kaagad ako ng lamig at mabangong amoy. I close my eyes then sniffed the air. "Hmmm, smells like... lavender." "I instructed Franz to spray lavender to help you calm your senses." iminulat ko ang aking mga mata. He's standing in front of me. Eyeing me with his worried face. Hinatak niya ako sa aking braso. Nagpatangay naman ako sa kanya. Pumasok kami sa isang pang pintuan. I saw the huge bed. Nilampasan namin iyon. Ang sumunod na pinto na binuksan niya ay isang malaking comfort room. Tinuro niya sa akin ang bathtub na puno ng pulang rosas. "I know you're exhausted so I instructed Franz to prepared the bathtub too for a hot bath." tinanggal niya ang pinasuot niyang coat sa akin. "Wash yourself." tinuro niya sa akin yung towel at damit na nasa ibabaw ng malapad na sink. "Nandun yung damit mo. Pagkatapos mo puntahan mo ako sa labas. Will cook something for us. I'm famished. How about you? Anything you want to eat?" Natitigilang napatitig lang ako sa kanyang mukha. Hindi ako makaimik. And I couldn't believed in my eyes what I'm seeing right now. Napapitlag ako ng bumagsak ang mainit niyang palad sa aking pisngi. Marahan niya iyong hinaplos. Dumoble ang pag-aalalang bumalandra sa kanyang gwapong mukha. "Ok ka lang ba talaga?" "Uh--uhm," marahan kong tinabig ang kanyang kamay sabay iwas ng tingin. "Oo. Ok lang ako." "Are you sure? Mukha kasing hindi e." "Ok nga lang ako." "Parang hindi e. Gusto mong paliguan kita?" Pinanliitan ko siya ng aking mga mata. "'Pag sinabi kong ok lang ako, ok lang ako!" angil ko. Malakas siyang napahagalpak ng tawa. Inis na sinuntok ko siya sa kanyang dibdib na ikinalakas lalo ng kanyang tawa. "Bwesit ka, lumabas ka na nga doon!" "I'm glad Mia is back." he said then gave me a swift kiss in my lips. Gulat na napasunod ang tingin ko sa kanya ng kumaripas siya ng takbo palabas matapos ng ginawa niya. What was that kiss for? ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD