PAGKATAPOS maligo lumabas ako ng banyo. Wearing his big t-shirt and damn boxers!
Hinanap ko siya. Naabutan kong busy sa pagluluto. Sumandal ako sa pader, pinagsalikop ang mga braso sa aking dibdib, humalukipkip at pinanood siya sa kanyang ginagawa. He looks sexy on his topless pants. Mukhang bagong ligo lang dahil mamasa-masa pa ang kanyang buhok. Kung saan siya naligo IWAN dahil mag-isa lang naman ang banyo dito.
"Gutom na gutom ka na ba?" untag niya pero hindi man lang nag-angat ng tingin sa akin, patuloy pa rin sa ginagawa. "Makatitig ka sa akin wagas ha. Hindi ako pagkain pero mamaya pwede mo akong gawing dessert."
"As if makakatanggal ka naman sa umay e mukha mo pa lang umay na umay na ako, gawing panghimagas pa kaya? Maiisip ko pa lang yun parang nag-suicide na ako."
Umalingaw-ngaw sa buong paligid ang malakas niyang halakhak. Bitbit ang bandehadong may lamang dalawang malaking steak, nilapag niya iyon sa ibabaw ng counter island. Itinukod niya ang dalawang braso doon habang nakangiting nakatitig sa akin. Napatutok ang aking mga mata sa braso niyang namumutok sa muscle. Pinasadahan niya naman ng tingin ang kabuuan ko.
"My clothes perfectly fit and looks sexy on you."
I rolled my eyes. "Kung may iba lang akong mapagpipilian hinding-hindi ko 'to susuutin. Muntik ko na ngang itapon sa basurahan pagkakita ko kanina e."
"Ows talaga? Sayang naman. Dapat pala tinapon mo na lang sa basurahan. Bigla tuloy akong na-excite na makita kang. . . NAKED."
Inis na pinamewangan ko siya. "Alam mo kalalaki mong tao ang halay-halay mo."
"Bakit may mahalay ba sa sinabi ko?"
"Wala. Ang ganda-ganda ng sinabi mo. Ang sarap nga sa tainga e. Parang signal number five sa lakas ng sense of humor mo."
"Malabagyo pala." he grin then wink at me. "Maupo ka na lang muna. Hindi pa ako tapos--" sabay kaming napatingin sa kanyang cellphone na gumagalaw sa ibabaw ng counter island. He took it right away. Umaliwalas ang mukha niya pagkakita ng screen niyon saka nilagay sa kanyang tainga ang aparato. "Yes my love--what? Kailan pa? Kanina ka pa ba--oh no. I'm not--hindi ako busy. Ba't 'di mo sinabi para sinundo kita--ha?" tiningnan niya ako. "A, e, 'wag dito--I mean I reserved something special for you. Yeah--wait for me there. Papunta na ako."
Nakasunod ang nagtataka kong mga mata sa kanya na halos mataranta at napatakbo pa papasok sa loob ng kwarto. Saglit lang siya doon. Paglabas bihis na bihis na, inaayos pataas ang kanyang buhok. He looks so hot on his light blue fitted long sleeve shirt na nakarolyo hanggang siko. Bukas ang ilang butones sa kanyang dibdib. Tuck in on his black denim jeans. Matching with brown belt and brown leather boots.
"May... lakad ka?"
"Ah--yes. Actually magpopropose sana ako sa long time girlfriend ko bukas ng gabi pagbalik natin ng Manila but since pumunta na siya dito, ngayon ko na lang gagawin." umawang ang labi ko sa sinabi niya. Tiningnan niya ang kanyang suot saka nahihiyang nag-angat ng tingin sa akin. "Ok lang ba ang outfit ko?"
I closed my mouth then look away. I even shifted on my feet. Umayos ng tayo saka muli siyang tiningnan.
"You look good with your outfit. I'm sure ma-e-in love sayo lalo yung gf mo kapag nakita ka."
"Talaga? You're not joking, right?"
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Bigla yatang naglahong parang bula yung kayabangan mo, Mr. Del Valle? Your long time girlfriend must be something for you to transform like a school boy."
"She is. In fact she's the only girl I've ever dreamed to be with for the rest of my life."
"Wow. Sino yung malas na babaing natisod mo? What's her name?"
"Her nickname same like yours Mia, short for Melissa Yvette Alejo."
"Oh she must be maganda like me. Goodluck with your marriage proposal to her then."
"Thanks." tinuro niya ang pintuan. "Diyan lang naman ako sa baba ng resto next floor pero 'wag mo na akong hintayin pa. Kumain ka na lang ha. Pasensya na pero ikaw na lang magluto no'ng ibang lulutuin ko pa sana."
"Its fine. I can manage." nilingon ko ang niluto niya saka muli siyang hinarap. "Saan mo pala nakuha ang mga yan?"
"Hiningi ko kay Franz. We can cook here on our own or can order food downstairs."
"Oh ok. Puntahan mo na siya baka mainip yun."
He took a deep breath then smile. "Sige. See you tomorrow." sabay labas.
Saglit akong nanatili sa aking kinatatayuan. Pagkarinig kong sumara na ang lift, dali-dali kong kinuha ang key card at lumabas ng kwarto. Hinanap ko ang hagdanan at doon halos lumipad pababa. Sakto pagdating ko sa baba palabas din siya ng elevator. Muntik pa akong makita ni Franz na naghihintay doon sa kanya. Mabilis akong nagtago sa pader.
"Kanina pa sila." boses nito.
"Sila?"
"Yes. May kasama siyang lalaki."
"Lalaki?"
"Ayokong magsalita. Mas mabuting ikaw na mismo ang makakita sa sarili mo."
"Sige. Salamat. Ako ng bahala."
Sumunod na narinig ko mga papalayong yabag. Meron ding papunta sa gawi ko. Sa subrang pagkataranta muntik na akong mangudgod sa pagmamadali kong pumasok muli sa pintuan na nilabasan ko kanina. Sumandal ako sa likod niyon at nakiramdam. Nang masigurong wala na ito muli akong lumabas at hinanap si Sir Chad.
Maraming taong kumakain kaya nahirapan ako kakahanap sa kanya. Yung ibang mga kumakain pinagtitinginan ako. Malamang sa suot kong damit pero patay malisya lang ako. Nginingitian naman ako ng mga staff na nakakakita sa akin na para bang kilala nila ako kaya ngumingiti din ako pabalik.
Sinuyod ko ang buong restaurant. Loob at labas. Hindi ko alam kung bakit ko siya sinundan at hinahanap. Kung bakit ako nandito. At kung bakit nagkakandahaba ang leeg ko kakatanaw sa kanya. Nasa pinakagitnang mesa sila malapit sa kinaroroonan ng mga bandang tumutugtog ng IT'S HARD TO SAY GOODBYE song by Celine Dion & Paul Anka.
Nakaupo yung mala dyosang babae sa ganda at yung lalaking mukhang banyaga paharap sa gawi ko kaya kita ko ang kanilang mukha. The guy looks like a businessman and matured. Nakatalikod naman si Sir Chad. Nagsasalita yung babae habang magkahawak ang kamay nila no'ng lalaki sa ibabaw ng mesa.
How sweet. Pero teka... diba sabi niya FIANCEE niya? So bakit magkahawak kamay yung dalawa?
Habang tumatagal na pinapanood ko sila napapansin kong parang akmang-akma sa kanila yung kinakanta no'ng babae't lalaking singer sa unahan.
Maya-maya tumayo na ang dalawa. Iniwan si Sir Chad sa table. Bigla akong nakaramdam ng awa. Kumikirot yung puso ko. Feeling ko ako yung nasaktan.
Tumayo siya, nagsalin ng alak sa baso at tinungga iyon saka nilisan ang lugar. Tinanaw ko pa siya hanggang sa mawala sa paningin ko. Patakbo ko naman tinungo ang hagdanan. Halos hingalin ako sa pagmamadali sa paghakbang paakyat. Pagdating ko sa taas dali-dali kong binuksan ang presidential room ni Kuya Keith. Sumandal ako sa pinto matapos ko iyon e-lock.
"Hays... buti wala pa siya."
"Where have you been?"
Napatalon ako sa gulat ng biglang may nagsalita sa gilid ko. Marahas ko iyon nilingon. There; I saw Sir Chad leaning on the wall. Nakakrus ang mga braso sa dibdib, even his legs were crossed. Walang ekspresyon ang mukhang nakatingin sa akin. But his eyes were red. . .
"Is he going to transform into a vampire?"
"What?"
Ipinilig ko ang ulo ng ma-realized kong naisatinig ko pala ang nasa isip ko.
"Sinundan mo ba ako?"
"Ofcourse not! Ba't naman kita susundan?"
"Saan ka galing kung ganun?"
"Uhm... hinanap ko si Franz. Magtatanong sana ako kung may malapit bang bilihan dito na damit."
"At this hour?"
"B-Bukas naman ako magpapasama sa kanya kung meron."
Tinitigan niya ako ng matagal na para bang nililimi kung nagsasabi ba ako ng totoo or hindi saka umahon sa kinasasandalan niya. Naglakad papunta sa counter island. Inabot yung cellphone niya. I noticed his topless again and on his barefoot. Tanging yung denim jeans na lang ulit ang suot.
"Kumain ka na ba?"
"H-Hindi pa."
Kunot-noong nilingon niya ako. "Umalis ka pagkaalis ko?"
"Bakit bumalik ka agad?" pag-iiba ko sa usapan. Tinungo ko ang kinalalagyan ng dalawang plato, kutsara't tinidor at knife. Inayos ko iyon sa ibabaw ng counter island sa harapan niya pati yung tinakpan kong steak, mga ginayat na pipino at kamatis. "Akala ko ba bukas ka pa babalik?"
"Ayaw mong nandito ako?"
I looked up on his face. "May nangyari ba?"
"May dapat bang mangyari?"
"Gusto mong uminom?"
Tumaas ang gilid ng kanyang labi sa sinabi ko. Amusement were visible on his face. "Sabi nila kapag may alak, may balak."
"Rest assured wala akong kabalak-balak sayo Mr. Del Valle." sabay irap.
"Do you have a boyfriend, Mia?"
"Why a sudden question?"
"I'm just curious."
"Curious saan?"
"Curious sa lahat ng sinabi mo sa magtiyuhin na yun."
Sunod-sunod akong napaubo.
T'ngna... narinig niya ba lahat ng kalandian na sinabi ko? But how? Imposible!
Tinungo niya ang mini bar. Pagbalik niya bitbit na ang isang bote ng alak. Nagsalin sa kanyang baso habang nakatitig sa akin. Nilapag niya ang bote sa island counter at sumimsim sa kanyang baso ng alak. Still staring at me.
Umiwas ako ng tingin. Tinalikuran ko siya. Kinuha ko ang dalawang basong nakataob malapit sa water dispenser at sinalinan iyon ng tubig. Bumalik ako sa harapan niya saka nilapag ang dalawang basong may malamig na tubig sa counter island. Nilagyan ko ng beef steak ang plato niya, sa akin naman yung isa. Nagsimula akong kumain.
"Imagine yourself in my shoes. Kung pagbabantaan kita kagaya ng mga sinabi mo sa akin gagawin mo rin ba ang mga ginawa ko?"
Saglit siyang natigilan saka nagsimula na ring kumain.
"Definitely yes."
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. We continue munching our food. Tanging ang ingay na likha ng kutsilyo't tinidor ang naririnig ko. Sumasabay sa malakas na kalabog ng dibdib ko. Naaasiwa ako sa uri ng titig niya sa akin.
"Gusto mo ba ng kanin? Mag-papaakyat ako dito." untag niya sa akin. "Pati ibang pagkain."
"'Wag na. Ok na sa'kin to. Pero kung gusto mo ikaw na lang."
"Ikaw ang tinatanong ko kung gusto mo ba?"
"Bakit pa last supper mo na ba 'to sa'kin?"
He chuckled.
"Alam mo feeling ko talaga may kasunod pa 'tong pinapagawa mo sa akin. Hindi mo ako titigilan hanggang sa--"
"Na... meron talaga pero 'wag mo na munang isipin yun." agap niya. "Uuwi muna tayo sa inyo."
"A-Anong sinabi mo?"
Inabot niya ang baso ng alak saka tinungga iyon. Nagsalin siyang muli at pinagpatuloy ang pagkain.
"Nag-promise ako na babawi ako sayo diba?"
"Seryoso ka ba talaga do'n sa sinabi mo?"
Matiim niya akong tinitigan habang ngumunguya. "Ako ang taong may isang salita, Mia. Wala akong binibitawang pangako na 'di ko tinutupad."
Excited akong napapalatak. "Basta promise mo yan ha. Wala ng bawian."
"'Wag mo ng hanapin pa si Franz. 'Wag ka ring makikipag-usap sa kanya. Ako mismo ang sasama sayo pagbili ng mga kakailanganin mo bukas."
"Wow ang daming bawal. Boyfriend ko yarrrn?"
"I'm your lover."
"Ehh lover? Bakit may nangyayari ba sa atin para sabihin mong lover kita?"
"Gusto mong gumawa tayo ng milagro ngayon para maging legal na ako'y sayo at ikaw ay akin."
Bigla akong nasamid. Sunod-sunod akong napaubo. Inabot ko ang baso ng tubig pero naunahan niya ako, inilayo niya iyon sa akin.
"Akin na! Ano ba?!"
"Anong tingin mo sa sinabi ko? G ka ba?"
"Anong G? Tsaka pwede ba 'wag mo akong gawing rebound!"
He evily smirked then gave me the glass of water. "Sabi ko na nga ba sinundan mo ako. Anong nakita mo?"
"Wala!"
Tinungga ko ang laman ng baso saka muling nagsalin ng tubig. Ininom ko ulit lahat iyon.
"Nakita mo yung fiancee ng girlfriend ko?"
"Meaning engage na sila?" bulalas ko. He laughed. Napamaang ako sa naging reaksyon niya. "Hindi ka broken hearted I mean... ok lang sayo? Base sa nakita ko doon sa restuarant kanina emotionless ka rin. No reaction na para bang patay na kahoy na nakaupo lang doon at nakatingin sa kanila habang nagsasalita yung babae. Ano ba yung sinabi sayo no'ng gf--este ex-gf mo?"
"Hindi ka halatang tsismosa."
Bigla akong nahiya sabay kamot sa ulo. "Ito naman. Curious lang ako."
"Matulog ka na doon. Maaga pa tayo bukas. Ako na magliligpit--"
Mabilis kong inagaw ang plato niya sa kanyang kamay. "Ako na lang maghuhugas. Ikaw na nga nagluto kanina e. Share mo na sa akin yung nangyari. Promise makikinig lang ako. Hindi kita e-dya-judge."
Ngumisi siya sabay pisil sa aking pisngi. Dinampot niya ang baso at bote ng alak at tinalikuran ako. Tinungo ang half-moon sofa.
"Sir Chad!"
"Bilisan mo na diyan!"
"Ang KJ mo naman."
"Kapag hindi mo pa binilisan diyan at nauna akong pumasok sa kwarto doon ako matutulog."
"Magtatabi tayong dalawa sa kama?!"
Nilingon niya ako. "Bakit ready ka na ba sa mangyayari sa ating dalawa kapag nagtabi tayo sa iisang kama?"
"Ha?"
"I'm telling you Brielle Mia Marquez, hindi ako natutulog kapag may katabi akong maganda sa kama lalo't nakainom ako. And we have something in common. Ayoko ng quickie. Mabibitin lang ako no'n. Gusto ko... MAGDAMAG."
Malakas akong napasinghap sa sinabi niya sabay dampot ng mga pinagkainan.
Tila ipo-ipo sa bilis na natapos ko iyon iligpit lahat sabay takbo papunta sa kwarto. Kaagad kong ni-lock ang pinto at nahiga sa kama. Pinilit ang sariling makatulog. Ngunit ilang oras na ang lumipas na pabiling-biling lang ako sa higaan. Ayaw akong dalawin ng antok. Napapaisip ako kung anong klase yung microchips na nakalagay sa malaking hikaw na yun. Malamang nagsinungaling siya sa akin. It's either audio device yun or tracking device. Hindi ako sigurado pero why the f-ck he knows exactly the words I said to Mr. De Luca? He's eavesdropping! Nakakahiya!
Padaskol akong bumangon at naupo sa kama. Inabot ko ang purse ko na nasa ibabaw ng night stand. I took out my phone and check the time. It says two o'clock in a morning.
Ano na kaya ang ginagawa no'n sa labas?
Binalik ko iyon sa ibabaw ng night stand saka dahan-dahan na binuksan ang pinto ng kwarto. Sinilip ko si Sir Chad. I saw him sitting on the carpeted floor. Sa baba ng sofa. Nakasabunot ang kamay sa buhok at umaalog ang mga balikat. He's probably crying. Nagulat ako ng damputin niya ang isang bote ng alak na nasa lapag at tinungga iyon. Pagtingin ko sa center table meron pang isang bote doon. Nilulunod niya ang sarili sa alak habang tahimik na umiiyak.
Malalim akong nagpakawala ng buntong-hininga. Gusto kong lapitan siya. I wanna comfort him. Pero sino ako para gawin iyon? We're not even close. He's still my boss, I'm just his employee. And he has a RULES! Bawal lumampas doon. Crossing the borderline means I'm a dead meat. Lahat mawawala sa akin.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023