The Ghost Of You 7

2674 Words
HINDI ko alam kung ilang oras lang ang tinulog ko ng maalimpungatan ako. Nakangiwing bumangon ako ng kama sabay inat ng mga braso. "Mabuti naman at gising ka na." Bigla akong napamulat ng aking mga mata. Naiwan sa ere ang nakanganga kong bibig gawa ng paghikab sabay takip ng kamay. Fresh na fresh na anyo niya ang bumungad sa akin. Bagong ligo na at nakagayak panlakad. Nakasandal sa hamba ng pintuan habang matamang nakatitig sa akin. "Ano na naman kaya ang pakiramdam mo ngayon habang himbing na himbing na natutulog sa malaking kama na yan?" Sinimangutan ko siya. "Ba yan kaaga-aga ang sungit mo. Inaantok pa nga ako e." "Don't tell me feeling mo ikaw si Sleeping beauty kaya tinanghali ka ng gising? Dinaig mo pa akong may hangover anong oras na." "Pa'no kung ganun nga ang pakiramdam ko? May angal ka?" "So maybe you need a torrid kiss from me for you to wake up." "Bakit Prinsipe ka ba?" "Hindi ba ako papasa sa taste mo to be your Prince Charming?" "Hindi ka kasali sa fairytale ko." He shrugged his shoulder. "Sabagay. Si Amadeo De Luca nga pala yung knight in shining armour mo." "Yuck! Over my sexy body! Hindi ko siya type no!" "So maybe you prefer his nephew? Mas gwapo at bata nga naman si Seb." Nandidiring bumaba ako ng kama. Pinandilatan ko siya ng aking mga mata. Amused na nginisian niya lang ako. "Ew ka talaga!" "Ayaw mo din sa kanya?" "NO!" "How about Franz?" "Wala akong gusto kahit sino man sa kanila! Taken na ako. Matagal na." "T-Taken ka na? Ba't 'di ko yata alam?" "O bakit Tatay ba kita para e-report ko sayo lahat ng ganap sa personal life ko?" He chuckled then bit his lower lip. "Maligo ka na nga. Aalis na tayo." "Wala akong--" "May bagong damit doon sa loob ng CR." "You mean damit at boxers mo?" "Mas gusto mo ba yun? Sabihin mo lang. I wouldn't mind sharing my clothes to you." "Nakalimutan mo na yata yung sarili mong rules, Mr. Del Valle?" "Sharing clothes doesn't mean I'm breaking my own rules." "Ano sa tingin mo ang iisipin ng mga taong kakilala mo kapag nakita nilang suot-suot ko ang damit mo ha, aber?" "They probably think there's something intimate between us." "As if mangyayari yun." "Malay mo bigla kang tumalon sa kama ko." "Tss. Asa ka naman." Nagdadabog akong pumasok ng banyo saka mabilisang naligo. Nagulat pa ako sa nakita kong nakapatong na puting bulaklaking bestida doon at mga panloob. Meron ding flat sandals. Na para bang nahulaan ang sukat ko at lahat iyon kumasya sa akin. Lumabas ako ng kwarto bitbit ang purse ko. Naabutan kong may kausap siya sa labas. Si Franz. Lumampas ang tingin nito sa likod ni Sir Chad. He smiled at me. Nginitian ko din ito pabalik pero kaagad din nalusaw iyon ng lingunin ako ni Sir Chad. Salubong ang mga kilay na pinasadahan ako ng tingin. "Buti mabilis kong nahulaan ang sukat ng buong katawan mo ng bilhin ko ang mga yan." namula ang mukha ko sa sinabi niya lalo na sa humahanggang titig niya sa akin. "C'mon we need to leave." Humakbang ako palapit sa kanila. "Hi Mia--" "Franz," nagbabantang tono ni Sir Chad. "Ako ng bahala dito. Hindi mo na kami kailangan pang ihatid sa rooftop." "Tss. Lahat na lang ng Mia tinutuhog mo." "Isa. Tatamaan ka na talaga sa akin. Kagabi ka pa." "Bakit, hindi mo ba nagustuhan yung pinakanta ko--" "T'ngna.. lumayas ka na sabi!" He bark a laughter sabay takbo. Pagdating sa unahan kumaway ito. "Bye Mia! Text na lang kita mamaya a." then left. Nagulat ako ng hablutin ni Sir Chad ang braso ko. Kinaladkad ako papunta sa elevator. Hanggang sa rooftop hindi niya ako binibitawan. Padaskol niya pa akong pinapasok sa loob ng chopper. "Ano na naman bang problema mo?" sita ko sa kanya habang hinihimas ang braso ko. "Where's your phone?" "Anong kailangan mo sa phone ko?" Hindi niya ako sinagot. Basta na lang hinablot ang purse na hawak ko sa ibabaw ng kandungan ko. "Teka anong--" "Shut up your mouth! Tara na Matt." baling niya sa piloto. Kaagad iyon tumalima. Umangat ang chopper at nilisan ang lugar. Makalipas ang matulin na oras lumapag iyon sa rooftop helipad ng tatlong palapag na bahay. Nagtatanong ang mga matang nilingon ko siya. "Finally. Glad to be back here again. I felt refreshed." "Saang lugar 'to?" "Santa Monica." "B-Bat 'di mo sinabing--" "I did tell you, didn't I?" sabad niya. "Pero... hindi mo sinabing dederitso tayo kaagad dito. Hindi man lang muna--" "I know what's your thinking." muling sabad niya. Binuksan niya ang pinto saka lumabas ng chopper. "Tara, pupunta muna tayo sa bayan para makapamili ka pa ng gusto mong bilhin bago tayo umuwi sa inyo." "May ibang pinamili na ako doon sa apartment--" "I know. And I'm sure na nasa bahay niyo na ang mga iyon kanina pa." "Ano?" "Sorry pero pina-raid ko kina Aish at Eli yung apartment mo kaya 'wag ka ng mag-emote diyan. Tumatakbo ang oras." Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. Inalalayan niya akong makababa ng chopper. Pagdating sa baba dumeritso kami sa kinapaparadahan ng secondhand na red toyota owner-type jeep ni Tito Lars. Pinasakay niya ako sa unahan, nakasunod pa rin ang tingin ko sa kanya hanggang sa naupo siya sa driver seat at binuhay ang makina niyon. "Sa kakatitig mong yan baka hindi mo mamalayan hulog na hulog ka na pala sa akin." "Why are you doing this, Mr. Del Valle?" "Back to formalization again?" "Sir Chad--" "'Wag mong haluan ng malisya ang ginagawa ko. Tinutupad ko lang ang pangako ko sayo." nakangiting nilingon niya ako. "Aren't I deserve your gratitude too?" I gulped then cleared my throat. "T-Thank you. . . Thank you so much. This really mean a lot to me." "You're most welcome." Inabot niya sa akin yung purse ko. Kasama ang phone ko na kalas ang baterya sa likod. Inis na hinablot ko iyon sa kamay niya. "Anong ginawa mo sa phone ko?" "Kailangan mo ng bumili ng bagong sim card--" "And who do you think you are para manduhan ako at pakialaman ang personal na gamit ko? Sumubra ka naman yata, Sir Chad." "Nakalimutan mo na ba yung rule number three ko?" "Bakit anong meron sa rule na yun? Ang sabi mo lang naman sa akin magkakilala tayo kapag magkasama lang tayo, hindi mo sinabing--" "Kasama yun sa rule number three. Kapag kasama kita... AKIN KA." madiin niyang sabi sabay maniobra ng sasakyan. My lips fell apart with confusion. "What? Are you out of your mind?" "NOPE." "Alam mo pumipitik na ang ugat sa ulo ko. Hindi ko alam kung aabot ka pa ba ng buhay sa bayan or dito pa lang masasakal na talaga kita!" "You can't do that to me--" "Oh I will and I can!" Akmang susugurin ko siya ng itaas niya ang palad sa mukha ko. "Tumigil ka kung ayaw mong bumyahe agad tayo papunta sa langit." Napatingin ako sa kalsada. Paroo't parito ang mga tricycle at jeep. Nagdadabog na bumalik ako sa kinauupuan ko. Umusod palayo sa kanya. May dinukot siya sa bulsa saka inabot sa akin. "O... sayo na yan. Ako na lang ang bibili ng bagong sim card." "Kanino yan?" "Sa'kin." "Sayo pala ba't mo binibigay sa akin?" "Para 'di ka na magalit sa'kin." "As if natutuwa ako diyan sa ginagawa mo." "Mas matutuwa ka sa pupuntahan natin, promise." Inirapan ko siya. Nilingon niya ako sabay abot ng kamay ko at sapilitang nilagay doon ang sim card. "May one thousand load na yan. Memorize mo naman siguro yung number mo diba? You can call me anytime." "Ano?" Inulit-ulit ko sa aking utak ang sinabi niya. Nang ma-gets iyon galit na hinarap ko siya. Mukha siyang nakangiti kahit 'di labas ang ngipin habang seryosong nakatingin sa unahan at patuloy sa pagmamaneho. Lalong binilisan ang pagpapatakbo. "So you did swap our sim card without my permission ha?" "Yes Miamor." "Nababaliw ka na ba talaga, Sir Chad?" asik ko sa kanya. "Yan ba yung epekto ng ginawa sayo kagabi ng Melissa Yvette Alejo na yun? Naalog yung puso mo pati utak mo kaya ako ngayon ang pinipeste mo!" Inihinto niya ang kotse saka nakangiting hinarap ako. "You're my pain reliever. My stress reliever. And my happy pill. Yun ang epekto mo sa akin, Mia." "Nababaliw ka na nga." umiiling na anas ko. "Kaliwa't kanan ang trabahong hinahawakan ko, Mia. Mostly... the dangerous one. Buhay ko ang kapalit. I gave you my sim card so I can easily track down and contact you." he then took a heavy sighs. "Starting today you're part of my obligation. Kasama na doon ang protektahan ka. And my mission today is to fullfil my promise and make you happy." May tinuro siya sa labas. Napasunod ang tingin ko doon. "Ateee!" "Kuya Chad!" Malakas na sigaw ng dalawang kapatid kong lalaki, si Raikko na nasa huling baitang na sa high school at second year level na si Ceddie. Tumatakbo papunta sa kinaroroonan namin, abot langit ang ngiti. Manghang nilingon ko si Sir Chad. He just smiled at me. Muli kong binalingan ang dalawa. "Anong ginagawa niyo dito, Ceddie, Raikko?" bungad ko sa kanila pagkahinto sa harapan ko. "Wala ba kayong pasok?" Nagkatinginan ang dalawa sa tanong ko saka nakangiti akong sinugod ng yakap. "We miss you so much Ate Yang-yang!" "Teka..." pinagtutulak ko silang dalawa palayo ng hindi ako makahinga sa higpit ng yakap nila pero 'di nila ako pinakawalan. "Lumayo nga muna kayong dalawa--ano ba! Naso-suffocate na ako sa ginagawa niyo!" Nakatawang pinakawalan naman nila ako. "Naks Ate ang arte mo na ngayon a." Kaagad ko naman binatukan si Raikko. Dinuro ko sila. "Kayo, umayos kayong dalawa ha. Nag-cutting classes ba kayong dalawa? Ano? Umamin kayo--" "Sabi nila sa akin when I texted them they had a general meeting." sabad ni Sir Chad. "Meaning they're free... no class." "Yeah that's right," wika ni Ceddie. "That's why we're here. Sabi ni Kuya Chad isasama niyo daw po kami sa bayan." "Hop in boys." "Yes!" Nag-apir pa ang dalawang kapatid ko sabay sampa sa back seat. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanila. "Dadaanan din ba natin si Ning-ning, Ate?" "Ofcourse." sagot ni Sir Chad. "Hindi kayo kompleto kung hindi siya kasama." I glared at him. Mabilis siyang umiwas ng tingin sabay maniobra ng sasakyan. "May pasok si Loraine--" "Hindi po siya pinapasok ni Kuya Chad ngayong hapon, Ate." sabad ni Raikko. "Ano?" "Actually in-excuse naman siya ni Teacher Nicky, Ate e." sigunda naman ni Ceddie. "At pinagtulungan niyo pa talaga akong tatlo!" singhal ko. Tumahimik ang dalawa. Pinanliitan ko ng aking mga mata si Sir Chad. "Bakit 'di mo rin sinabi sa akin ang tungkol dito?" "Surprise nga diba? I thought matutuwa ka sa ginawa ko." "'Wag ka ng magalit kay Kuya Chad Ate." boses ulit ni Raikko. "Wala namang gagawin na sa school ngayong hapon sina Ning-ning. Maggagarden lang naman daw sila sabi ni Teacher Nicky kaya pinayagan siya tsaka kinakamusta ka din pala no'n. Tuwang-tuwa nga do'n sa imported na chocolate at chanel na bag na pinadala mo sa kanya kaninang umaga e." "Imported na chocolate at chanel na bag na pinadala ko kaninang umaga?" ulit ko pa. "O, ayun si bunso sa bench." boses ni Ceddie. "Ning!! sigaw nito habang kumakaway sa labas. "Ning-ning!" Sumilip din ako sa labas. There; I saw our little Loraine on his jumpsuit. Nakaponytail pa ang buhok sa magkabilaang ulo. She's graduating student in elementary grade level. Mabilis itong nagpaalam sa mga kaibigan sabay takbo papunta saamin. "Kuya Chad!" Bumaba ako ng jeep. Pagbaling nito sa akin nanlaki ang kanyang mga mata. "OMG--Ateee Yang!" napatalon pa sa tuwa sabay sugod ng yakap sa akin. "Ate. Na miss po kita ng subra!" I hugged her back saka ginulo ang kanyang buhok. Maarte nitong tinabig ang kamay ko habang napapadyak sa ginawa ko. "Ate naman e!" Iginiya ko ito papasok sa loob ng jeep. Magkatabi kami sa unahan. Pinasibad naman kaagad iyon ni Sir Chad. Dumeritso kami sa Gaisano Pacific Mall sa bayan. "Saan po ba tayo, Ate?" excited na tanong ni Ceddie pagkapasok namin sa loob. "Punta muna tayo ng bookstore. You can get whatever you need." sabad ni Sir Chad pero mabilis ko siyang siniko sa tagiliran. "Yung kailangang-kailangan lang ang kukunin niyo ha. Sige na. Mauna na kayo. Susunod kami." Patakbong tumalikod ang dalawa pero hindi si Raikko. Nanatili itong nakasunod lang saamin. Nagpapalipat-lipat ang tingin. Huminto ako sa paghakhang saka hinarap ito. "Wala ka bang kailangan sa bookstore?" Tipid kami nitong nginitian. "Masaya na ako na makita ka at makasama Ate. Apat na taon ka din hindi umuwi dito kaya," his voice cracked. Mabilis ding pinalis ang luhang tumakas sa kanyang mga mata sabay iwas ng tingin. Nadurog ang puso ko sa nakikita kong itsura nito kaya 'di ko mapigilan ang sarili kong hatakin ito at ikulong sa aking mga bisig. "Gusto mo bang dito tayong dalawa mag-iyakan sa gitna ng Mall? Maraming audience Raikko. Kalalaki mong tao iyakin ka na pala ngayon." He laughed. Ginulo ko ang buhok nito. "Sige na. Bilhin mo na doon yung mga kakailanganin mo sa school. Ako magbabayad lahat." "Pero--" "No worry may bagong trabaho na ako kaya 'wag mo akong alalahanin pa, ok." "Pwerket may bagong trabaho ka na ngayon ganun-ganun ka na lang maggastos Ate?" Tinuro ko si Sir Chad. "Siya yung Boss ko kaya malabong mawawalan ako ng trabaho." "Boss mo si Kuya Chad? Hindi kayo. . ." tiningnan niya kami pareho ng nagtataka niyang mga mata. "Hindi kayo mag-on?" "Anong mag-on na sinasabi mo diyan?" "I mean--iba kasi yung tinginan niyong dalawa--" "T'ngna kung ano-anong sinasabi mo diyan." sabad ko sabay tulak sa kanyang likod. "Boss ko siya. Malaki din siya magpasahod kaya matutuloy pa rin yung pangarap mong makapasok ng Winx State University sa susunod na pasukan. Kering-keri ko na ang pang-tuition mo doon kaya lumayas ka na't puntahan mo yung dalawa. Magwi-withdraw lang ako ng pera." "Hindi na kailangan. Suma-sideline ako sa school kaya nabibili ko naman yung mga kailangan ko. Iniipon ko din yung baon na binibigay sa akin ni Nanay kaya may kunting naitabi naman ako." "Tss. Nahiya ka lang yata sa akin e." "Hindi nga. Promise, ok lang ako. Masaya na ako na binisita mo kami Ate. And I'm sure magugulat nito sina Nanay at Tatay kapag nakita ka nila." "Asus... kunwari ka pa. Kilala kita Raikko. May girlfriend ka na ba? Umamin ka." sinundot ko ito sa tagiliran. Nakatawang lumayo ito sa akin. "May pinupormahan ka na no?" "Wala nga! Sige na... Kuya, puntahan ko muna yung dalawa." baling nito kay Sir Chad sabay sibat. "Bilisan niyo ha." pahabol niya pa. "After no'n punta tayo ng Department store--ahhw," hiyaw niya sabay hawak sa kanyang tiyan. "Bakit ba?" "Anong imported na chocolate at chanel bag na sinasabi nila?" "Ba't ka nagtatanong? Yung about ba kay Amadeo De Luca na sinabihan kang you look familiar nagtanong ba ako kung magkakilala na kayo? Hindi diba?" "Ha?" Walang paalam niya akong tinalikuran. "Chad. . . Sir Chad!" Pigil ang boses na tawag ko sa kanya pero 'di niya ako pinansin, deritso lang siya. Gigil na hinabol ko siya. Akmang hahablutin ko ang braso niya ng maunahan niya ako. Kumawit iyon sa aking leeg. Napasubsob ako sa kanyang tagiliran, napakapit ang aking mga kamay sa kanyang damit habang humahabol sa malalaki niyang hakbang. I felt his lips landed on my head. Matulog akong hinalikan doon. Lalo ko iyon ikinagulat. "Gusto ko ang mga kapatid mo especially Raikko. He seems like a responsible young man. Kilala ko ang owner ng Winx State University and his eldest son is my bestfriend. Will talk to them for your brother. Either you've got a discount for his tuition fee or baka libre na since Uncle Win have full scholarship program." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Ba't mo naman gagawin yun?" "Honestly, I don't know. I just felt like I wanted to help your brother. I wanted to help... YOU." ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD