The Ghost Of You 8

2465 Words
THIRD PERSON's POV "Hello Boss, nandito nga siya sa Santa Monica. Kasama niya si Mr. Del Valle. Nagtanong-tanong ako sa mga tao dito Boss pero wala talagang nakakakilala kina Andrew at Lucille kahit pinakita ko na yung mga picture. Anak daw na panganay si Brielle Mia Marquez nina Antonio at Carlota Marquez. May tatlo pang kapatid; dalawang lalaki at isang bunsong babae." "Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?" "Yes Boss. Kilalang-kilala dito si Antonio Marquez. Matalik na kaibigan siya nong pinatay na dating private driver ng mga Altamonte, si Larry. Remember him?" "Send me their photos in my e-mail. I wanna see it in my own eyes. Also the address." "Right away, Boss." I ended up the call. I scroll and select the stolen photos in my gallery then send it all in my Boss e-mail. Ngunit hindi pa man ako natatapos sa aking ginagawa ng may biglang bumangga sa akin. Nabitawan ko ang cellphone, lumipad iyon at bumagsak sa lapag. "Opps--sorry po kuya!" boses ng dalagita. "Ning!" tawag ng binatilyo at patakbo itong nilapitan. "Ano ba yan, ang clumsy mo talaga." "Hindi ko napansin si Kuya e, ayon bumangga ako." Mabilis kong dinampot ang cellphone ko at sinuksok iyon sa bulsa. Tinulungan ko silang damputin ang nagkalat na school supplies na nabitawan ng dalagita. "Salamat po Kuya." "Pasensya na rin po." "Walang anuman. Mag-iingat kayo." aniko sabay talikod. ***** MIA Pinuntahan namin sa bookstore sina Ceddie at Ning-Ning. Pagkatapos kong bayaran ang lahat ng pinamili ng dalawa gamit ang na withdraw kong pera sa debit card na bigay sa akin ni Sir Chad nagtungo naman kami sa Dept. Store. Akala ko mababaliw sila kakapili ng sapatos at damit nila kaya hindi sasapat ang gulat sa aking mukha nang puro sila. . . Ate ang ganda po nitong duster, bagay kay Nanay. Ate ang ganda nitong t'shirt, kasyang-kasya 'to kay Tatay. Ate walang sapatos panlakad si Tatay, tulungan mo akong pumili ng maganda. Ate magmumukhang dalaga ulit dito si Nanay sa sandals na 'to kapag sinuot niya 'to. Mabilis kong pinalis ang mga luhang namalisbis sa aking pisngi ng humapit ang braso ni Sir Chad sa bewang ko habang nakatingin ako sa tatlong kapatid ko na paroo't parito kakapili ng damit para sa mga magulang namin. He even pulled me towards him. "Ok ka lang ba?" boses niya sa punong tainga ko. Marahan akong tumango saka kinalma ang sarili. Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok para maalis ang bikig na bumara sa aking lalamunan. "Hindi ko akalain na magiging ganito ang resulta ng pagkawala ko ng apat na taon. Mas naging responsable sila hindi kagaya noon na masyadong mga bulakbol at pasaway. Mga isip bata at puro sarili lang ang iniisip." "Hindi ka ba masaya sa outcome?" "Syempre masaya--" "E ba't umiiyak ka?" "Ate..?" "Kuya Chad ba't pinapaiyak mo ang Ate namin?" "Ha--ah ano kasi ang dami niyong pinamili. Umiiyak ang Ate niyo kasi wala na siyang perang pambayad." Nagkatinginan yung tatlo sabay bitaw ng basket sa lapag. Nagsikuhan pa sina Ceddie at Ning-Ning. "Hala ka. Ikaw kasi e." "Anong ako? Sinabihan kitang tama na e." "E sabi ni Kuya Raikko sapatos pa daw e." "O ba't pati ako--" "Tama na yan. Niluluko lang kayo ni Sir Chad." nakangiting sabad ko. Lahat sila napatingin sa akin. "Wala ba kayong bibilhin para sainyo?" "Ako gusto ko sana--" "Ning!" saway ni Raikko. "Hehe gusto ko lang po Ate bilhan ng duster at sandalyas si Nanay. Kahit kasi sira na sinusuot niya pa e." Mix emotions surged into my nerves. Naiiyak kong ibinuka ang aking mga braso. "Hali nga kayo, pa-hug ang Ate." Kaagad naman silang tumalima at mahigpit akong niyakap. Ginulo ko ang kanilang mga buhok. Si Ning-ning patiling lumayo sa akin, nakabusangot ang mukhang inayos ang nagulong buhok. I heard Sir Chad chuckled. "Sure ba kayong kasya lahat yang pinamili niyo kina Nanay at Tatay?" "Sure na sure po Ate!" "Ok. Kayo naman ang pipilian kong mga damit at sapatos." "Seryoso? Baka naman ginugood time mo lang kami, Ate?" diskompyadong wika ni Ceddie. "Pick all you want. Tag limang pares lang ha. Tsaka tag dalawang pares na sapatos na gagamitin niyo sa school at panlakad pati pambahay. Pambawi ko yun sa apat na taon na 'di ako nakauwi dito." "Talaga? Sinabi mo yan ha. Wala ng bawian." "Oo nga, kulit nito. Basta pakita niyo sa'kin. Tse-check ko kung ok yung napili niyo." "Yes! Thank you Ate--tara na Ceddie! Magbago pa isip niyan," sabay alis ng dalawa habang tumatawa. Pailalim kong tiningnan si Raikko na nag-aalangan pa rin sa kinatatayuan habang nagpapalipat-lipat ang tingin saamin at do'n sa dalawa na 'di magkandaugaga sa pagpili. "Oh ano?" "Uhm--nagdadalawang isip ako pero siguradong maiinggit lang ako do'n sa dalawa pag-uwi sa bahay." alanganin ang ngiting tinuro ang dalawa. "Pipili na rin ako--" "Raikko," boses ni Sir Chad. Sabay kaming napabaling sa kanya. Nginitian niya ako sabay pisil sa aking pisngi. Inis na tinabig ko ang braso niya. "Come here, Raikko. I'll help you choose." niyuko niya ako. "Ikaw na bahala do'n sa dalawa." Nilapitan niya si Raikko ng hindi ito gumalaw sa kinatatayuan sabay hatak papunta sa mens wear. Nakatanaw ako sa kanila habang tinutulungan niya ang kapatid ko magpili ng damit, shorts at pantalon. Sinasamahan pa papunta sa fitting room. Paglabas ni Raikko pinapabalik niya rin sa loob at binibigyan ng bagong damit para isukat. They even laughed each other na para bang kay tagal na nilang magkakilala. "Ooooy... si Ate natutulala kay Kuya Chad," magkabilaan na sundot sa aking tagiliran ng dalawa. "May crush ka sa kanya no? Aminin." Napapaigtad na inirapan ko sila. "Ano ba! Kapag hindi kayo tumigil hindi ko babayaran yang pinamili niyo." "La, sabay ganun." "Sige na, doon tayo sa sapatusan," tulak ko sa kanilang dalawa. Paglingon ko sa gawi nina Sir Chad nakatanaw din siya sa akin. Nginitian niya ako. Gusto kong gumanti ng ngiti sa kanya kaso yung dalawang asungot sa tabi ko kinakantiyawan na naman ako lalo na ng kindatan pa ako ng damuho. "Ooooy, si Ate napa-blush sa wink wink ni Kuya Chad." Pagigil kong hinatak ang buhok ni Ning-Ning pero nakatakbo ito palayo kasama ni Ceddie. Tila bulateng kinikilig ang dalawa... pinagtatawanan ako. Bwesit. PAGKATAPOS mag-shopping nag-grocery kami. Nagyaya din si Sir Chad kumain kaya naghanap kaming makakaininan pero halos lahat ng ituro niya ayaw ng mga kapatid ko. "How about here?" "Ang sosyal naman diyan Kuya." "Tsaka mukhang mahal." "Oo nga, hanap ulit tayong iba." Nakapamewang na hinarap ko sila. "Halos maikot na natin itong buong Mall puro na lang kayo hanap ng iba. Ang totoo; gusto niyo ba talagang kumain dito or hindi? Magsabi kayo ng totoo." Nagsikuhan ang tatlo. Tumikhim si Raikko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Ang totoo niyan Ate. . . ayaw talaga namin kasi kakain tayo sa mamahaling Restaurant pero hindi natin kasama sina Nanay at Tatay. Parang 'di ko kayang lunukin ang--" "Haays OO na." sabad ko. Nahihiyang hinarap ko si Sir Chad. "Actually same reason. Gutom na gutom na ako kanina pa pero pwede bang doon na lang tayo sa bahay mag-food trip? Ok lang ba sayo? Kumakain ka bang lutong bahay?" Isa-isa niya kaming tiningnan saka ngumiti. "Oo naman." "Sure kang sasama ka pa saamin hanggang sa bahay?" Nalukot ang mukha niya sa sinabi ko. "Bakit pakiramdam ko gusto mo na akong paalisin?" My lips stretched. "Ah--hindi naman sa ganun. Ano kasi... barong-barong lang... ang.. bahay namin." "Bakit yung bahay niyo ba ang ipapakain mo sa akin?" "Kaya mo bang kainin yun? Malamang hindi diba?" "O hindi naman pala. Tara na." Inakbayan niya ako, yung kabilang braso niya inakbay kay Raikko. Nakangiting tumakbo sa gilid ko si Ning-Ning, yumapos sa bewang ko. Si Ceddie naman sa braso ko. Saka ako hinatak ni Sir Chad kasama sila, naglakad palabas ng SM. "You seems like a mother of this three." bulong niya sa tainga ko. "Bakit pakiramdam mo ba ikaw ang ama?" pabulong ko ring sagot. "OO." Kinurot ko siya sa tagiliran. "Aww--" "Umayos ka. 'Di pa tayo kinakasal." "Nauuna talaga ang honeymoon, babe--ahww!" malakas niya ng hiyaw ng sikuhin ko siya sa tiyan. SAKAY NG JEEP bumyahe kami pauwi ng bahay. Pero huminto iyon ng may makitang Lechon manok-an si Sir Chad. Niyaya niyang bumaba sina Raikko at Ceddie. Pinakyaw niya na yata lahat ng buong lechon manok. May kasama pang liempo. Pati yung stall na nag-iihaw ng bangus hinintuan niya rin at bumili ng sampung buo. Bumili din siya ng sari-saring prutas. Tinanong ko siya kung magpapapiyesta ba siya sa bahay pero tinawanan niya lang ako. "O ba't dito ka huminto?" baling ko kay Sir Chad ng iparada niya ang jeep sa harapan ng 'di pa tapos na pinapagawang dalawang palapag na bahay. "Doon pa sa unahan ang bahay--" "May bisita ka yata, Mareng Lot." "NAY!" "O si Ning-Ning---Tonyo nandito na ang mga anak mo!" boses ni Inay. "Kuw--saan kayo naglamyerda ha? Nasaan ang mga Kuya mo?" "Ayon po sa jeep. Kasama namin si--" "Teka ang Ate Yang mo ba yun?" Bumaba ako ng jeep. Hindi makapaniwalang tinanaw ko ang malaking bahay. Iginala ang paningin sa buong paligid. Tambak ang mga materyales na bakal, mga semento, hollow blocks, graba, buhangin. Huminto ang mga trabahador sa ginagawa at tinanaw ako. Pati yung mga nakaupo sa kubo nagsilabasan pagkakita sa akin. Kaagad pumatak ang luha sa aking mga mata ng makita ko si Inay na naglalakad palapit sa akin. "Nay..." "Susmaryosep si Yang-Yang nga!" lumingon siya sa loob. "Tonyo nandito ang panganay mo!" Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Inay. "Juskong bata ka, ba't 'di ka man lang nagpaabiso na uuwi ka pala e 'di sana pinasundo kita sa Tatay mo." "Hinatid po ako ng chopper ni Sir Chad, Nay. Kumusta ho kayo?" "Ito masayang-masaya at napadalaw ka. Grabe tumangkad at gumanda ka lalo anak ha," binistahan niya ang kabuuan ko. "Nahiyang ka yata sa tubig sa Manila at naging ogis ka lalo." "Ginawa mo namang manok panabong yang anak mo, Lot." "Tay," patakbo ko itong sinugod ng yakap. "Na miss ko ho kayo ng subra." Hindi ito umimik pero narinig kong suminghot. Ginulo din ang buhok ko. "Welcome home, Yang-Yang!" sigaw ng mga nasa kubo. Pinalis ko ang luha sa aking pisngi at nakangiting tinanaw ang mga ito. "Ano galing abroad lang ang peg?" Tawanan sila. "Imported yong mga chocolates na pinamigay saamin ng Nanay mo kaninang umaga so malamang galing abroad ka nga siguro." "O kasama mo pala si Pogi!" "Sabi ko na nga ba. Mamanugangin yan--" "Ah--hindi ho. Boss ko po si Sir Chad. Pumunta siya sa bahay nina Tito Lars kaya hinatid niya na rin ako dito." "Mano po, Nay." Narinig kong boses ni Sir Chad sa likuran ko. Lumapit din siya kay Itay at nagmano. "Kaawaan ka ng diyos, anak." "Teka kumain na ba kayo?" boses ni Inay. "Marami po kaming dalang pagkain Nay," sabi ni Sir Chad. "Dito na daw po sa bahay niyo mag-food trip sabi ni Mia." nilingon niya ang mga trabahador at mga tao sa kubo. "Kasama po silang lahat." "Ihahanda na namin yung mesa dito sa labas Kuya," boses ni Raikko. "Ceddie tulungan mo ako." "Ako na. Nasaan yung mesa? Bubuhatin ko." "'Wag na iho. Kami na lang ni Raikko," sabad ni Itay. "Magpahinga na muna kayo ni Yang doon sa kabilang kubo. Samahan mo na siya iha." "Budol fight ba kamo?" sabad na tanong ni Inay. "Oo daw." "O sige magpapakuha ako ng mga dahon ng saging. Hoy kayo! Magsibaba muna kayo diyan. Pakitulungan akong kumuha ng dahon. Dalian niyo't mag budol fight daw tayo!" "Yown!" Hinatak ko naman si Sir Chad papunta sa kabilang kubo habang nagkakagulo sa paghanda ng pagkain sa mesa ang mga tao. Nagtulong-tulong sila. "Umamin ka nga sa akin... Anong ibigsabihin ng lahat ng nakikitang kong ito ha, Sir Chad?" "Sir ka ng Sir e wala naman tayo sa opisina. Pwede bang Chad na lang?" "Sagutin mo ang tanong ko." Nagkibit-balikat siya saka naupo sa kawayang upuan. "Peace offering--" "Peace offering gamit ang pera mo?" agap ko. "Binibili mo ba ako? May gusto ka ba sa akin? Sinusuhulan mo ang pamilya ko? Umamin ka kung hindi masasapak talaga kita." "Mia--" "Ano?!" pigil ang boses na angil ko. "Look; nagi-guilty ako sa ginawa ko sayo noon, ok. I want your forgiveness that's why I'm doing this. Simula ng umalis ka sa poder ng mga Altamonte hindi na ako pinatulog pa ng kosensya ko. Kaya hinanap kita... pinuntahan ko din dito ang pamilya mo sa tulong ni Bert." "Kaya pati bahay namin pinakialaman mo, ganun ba? Gusto mo akong malubog lalo sa utang sayo--" "Ofcourse not. Ikakaltas ko naman lahat ng gastos dito sa sahod mo." "Hindi. Ginigipit mo ako para 'di ako makatanggi sa trabahong ipapagawa mo sa akin. Gusto mo na yata akong mamatay e." "Mia listen," inabot niya ang braso ko pero umiwas ako sa kanya. He took a heavy sighs. "May tiktik sa grupo namin. Tanging ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko at makakatulong sa bawat assignment ko. Kahit sa loob ng Altamonte Group of Company palagay ko may mata doon ang kalaban. Kung sino hinahanap ko pa. At ayokong ikaw ang mapagbintangan lalo't baguhan ka lang. Limang bagong office staff na ang napatalsik doon ng walang solidong dahilan." "Kahit gaano pa kaganda ng paliwanag mo hindi ko pa rin maiintindihan ang mga sinasabi mo." "Just cooperate with me, that's all I ask. Tutulungan din kita, ang buong pamilya mo. Lahat ng accomplishment natin may kabayaran yun." "How much? Triple? Triple yung tawag mo doon sa tatlong pinagawa mo sa akin? Kung namatay ako doon sa ingkwentro maibabalik ba ng triple payment mo yung buhay ko sa pamilya ko? Ginawa mo akong spy agent e ni hindi nga ako marunong humawak ng baril." "Sorry na." "Sorry." patuyang ulit ko. Frustrated na napahilamos siya ng kamay sa mukha. "Ok... Yung ginastos ko lahat dito sa bahay niyo tsaka yong laman ng nasa debit card yun na yung kabayaran lahat sa ginawa mo kahapon." "O so dapat na ba akong matuwa dahil subrang laki ng ibinayad mo sa akin ganun ba?" "Mia naman," "Pwede ba 'wag mo akong dramahan diyan. Hindi ako naaawa sayo." "Sorry na. Hindi naman kita pinabayaan diba?" Inirapan ko siya. Tila nalugi na humakbang siya palapit sa akin. "Mia--" "Lumayo ka. Wag mo akong hahawakan. Tatadyakan talaga kita." "Nagsosorry na nga e." "Wala ka ba talagang gusto sa akin?" bigla kong kinaltukan sa isip ang sarili ko sa tanong kong iyon. He paused then smirked. "Bakit, dapat ba akong magkagusto sayo?" "Ang tanong kaya mo bang baliin yung rule number one mo?" "NO." "Good. Yun din ang rule ko kaya tantanan mo ang kakalandi sa akin." He laughed. "Sus, sinasakyan mo rin naman ako ah." "Ah--basta! Kung gusto mong magkasundo tayo tigilan mo ako!" ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD