"Anak..?"
"O Nay... anong oras na ba't hindi pa po kayo nagpapahinga?"
Kasalukuyan akong nasa kwarto ng mga kapatid ko. Nagtsismisan kami hanggang sa makatulog na silang lahat maliban kay Raikko na tinatapos pa ang kanyang project.
The room was huge. Sabi ni Chad ito ang magiging master bedroom nina Nanay, sa kabilang room ako. Sa 2nd floor naman ang kwarto nitong tatlo. But since hindi pa tapos ang bahay sama-sama sila dito sa loob. Tinanong ko ba't ayaw nila doon sa kwarto ko ang sagot sa akin kapag natapos na ang bahay may kanya-kanya na silang kwarto kaya sinamantala na daw nila ang pagkakataon na magkakasama pa sila sa iisang kwarto na para bang milya-milya ang magiging layo nila sa isa't isa.
"May problema ba kayo ni Chad?"
"Ha?"
"E kanina pa yun doon sa labas. Hindi maawat ng Itay mo. Lasing na lasing na. Tapos puro pa siya Mia. Umamin ka nga sa akin... may relasyon ba kayong dalawa? Yung mga sinasabi niya kasi parang tinanggihan mo yung marriage proposal niya e."
Nakangiwing napakamot ako sa aking ulo. "Walanghiyang lalaking yun." anas ko. Pagtingin ko kay Inay nag-isang linya na ang mga kilay. "Hindi po ako yun Nay pramiz. Yung palayaw po kasi ng ex niya MIA din po as in Melissa Yvette Alejo."
"Alejo?"
"Bakit kilala niyo po ba, Nay?"
Mabilis itong nag-iwas ng tingin. "Ah...wala. Wala. May naalala lang ako."
"Feeling ko may something talaga sainyong dalawa, Ate." sabad na boses ni Raikko.
Sabay kaming napalingon sa kanya ni Inay.
"Anong something ang pinagsasasabi mo diyan?"
"Like I said kanina... iba yung tinginan niyong dalawa tsaka nagtatanong sa akin si Kuya Chad kung may boyfriend ka na ba daw."
"Tinanong ka niya? Ano naman ang sinagot mo?"
"Oyyy gusto niyang malaman."
I sent him my dagger eyes. "Ako tigil-tigilan mo diyan Raikko ha. Gumaya ka pa talaga sa dalawang kapatid mo e gurang ka na. Gusto mong e-pull out kita sa school?"
"LOL sa pull out. Blackmail yarrn?"
"Nay o, si Raikko."
"Parang naaalala kong nasabi din yan dati ni Onyok sa Tatay mo, Nak. Tinatanong ni Chad--"
"Nay! Pati ba naman po ikaw?" sabad ko. "Wala kaming relasyon na dalawa. Boss ko po talaga siya."
"E sa nagtanong naman talaga siya, Ate. Tinanong pa nga ako kung ano ba daw ang gusto mo sa lalaki."
"Ano nilaglag niyo na din ako sa kanya?"
"Parang mukha naman siyang matino, anak."
"Naku, patay na patay yan sa Liam niyang engkanto Nay."
"Tse!"
He laughed. "Or baka naman mas bet na ni Ate yung kagaya ni Engineer."
"Sinong engineer?"
"Yung friend mo, si Kuya Mak. Big time na. Umuwi dito last month lang galing daw ibang bansa. Tiyak nabalitaan na no'n na nandito ka. Paparito yun bukas."
"Engineer na si Mcdo?" bulalas ko.
Mcdo short for Donald McAlister. Anak ng kapitbahay naming si Tiya Madonna sa isang dayuhan. Nakilala nito ng mamasukan itong trabaho sa Cebu. Pinakasalan ito sa huwes ngunit nalamang nitong void iyon dahil kasal na pala ang lalaki sa ibang Filipina.
"Yeah... pinupormahan din no'n si Teacher Nicky kaya ligwak na siya saamin. Team Kuya Chad na kami."
"Wala bang relasyon sina Sir Chad at Nics? Sabi mo kanina binigyan siya ng imported na chocolate at chanel bag?"
"Diba ikaw nagpadala no'n?" sabay pang tanong nila.
"Aw--ako ba nagpadala?"
Nagkatinginan ang dalawa sabay iling.
"Sign of aging."
"Kailangan mo na sigurong mag-asawa anak. Nag-uulyanin ka na."
"Nay--!"
"Ang iingay niyo naman," reklamo ni Ceddie at Ning-Ning na naalimpungatan. "Magsitulog na nga kayo."
"Hindi maawat ng Tatay mo at mga kainuman si Chad doon. Puntahan mo na."
"Ano naman po ang gagawin ko sa lalaking yun? Di ko naman kayang buhatin yun paalis doon." binalingan ko si Raikko na nagliligpit na ng gamit. "Ikaw na lang Raikko tutal magkasundo--"
"Pag hindi lasing magkasundo kami." agap nito. "Mukhang super close naman kayo kaya ikaw na lang Ate. May pasok pa ako bukas. Sige matutulog na ako. Goodnight!" sabay higa sa papag at talukbong ng kumot.
"Anong pasok e sabado bukas?"
"Pasok sa trabaho."
Pagtingin ko kay Inay humihikab na humakbang ito papunta sa akin. Naupo sa kabilang gilid ng papag na kinauupuan ko sa tabi ni Ning-Ning.
"Inaantok na rin ako. Ikaw na lang bahala kay Chad, anak."
Nagpakawala ako ng buntong-hininga sabay tayo.
"May choice po ba ako? Mukhang nag-aalakupido kayong lahat e."
Lumabas ako ng kwarto. Tinanaw ko ang kinaroroonan nina Sir Chad. Base sa itsura niya mukhang lasing na lasing na nga. Marami silang nag-iinuman, yung mga trabahador at asawa ng mga kapitbahay namin na tila bang magkakatropa silang lahat. Nasa pinaka gitnang dulo ng mesa siya. Katabi niya si Itay at si Onyok na foreman. But that guy seems like not just an ordinary foreman. Pati yung apat pang kasamahan nila maliban sa ibang trabahador na taga rito talaga saamin.
"O ayon yung Mia mo," turo sa akin ni Onyok kay Sir Chad na mabilis tumingin sa gawi ko. Namumungay na ang mga mata. Abot langit ang ngisi. Lahat sila nakatingin na sa akin. "Mukhang galit bossing, awat na 'tong inuman. Magsiuwi na kayo." baling niya sa mga kasamahan na nagkanya-kanyang pulasan.
"Mga walanghiya! Iiwanan niyo ako ditong mag-isa?" sigaw ni Sir Chad. "Akala ko ba magdamagan 'tong inuman dahil magde-day off kayo bukas?"
Tinanaw ako ni Itay. Muli akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga saka humakbang palapit sa mesa nila.
"Sir Chad,"
He grinned. "Yes baby?"
Tinapunan ko siya ng matalim na tingin.
"Gusto niyo ba ng kape?"
"Yes please. Make it hard... black and no sugar."
Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Itay at Onyok.
"Ba't niyo naman po nilasing ng todo ang kumag na 'to?"
"Whoa--! We're just having fun!"
"Tumigil ka. Wala ka sa bahay niyo, Sir Chad."
Napakamot sa ulo si Itay. "E anak siya naman ang may gusto e."
"Tsaka Madam wala kaming powers para kontrahin si Bossing." sigunda ni Onyok.
"May mainit na tubig po ba--"
Nagulat ako sa biglang tayo ni Sir Chad. Natumba yung upuan niya, pati yung mesa nausog. Natumba yung mga bote na nasa ibabaw, buti mabilis yung mga kamay ni Onyok at naagapan ang mga iyon bago pa mahulog sa lapag. Lumayo siya saamin kahit tagilid na ang lakad niya at mabuhay.
"Anong gagawin mo sa akin? Bubuhusan mo ba ako ng manit na tubig?"
Nakatawang tumayo na rin si Onyok. Niligpit ang mga bote at kalat.
"Punta na po ako sa barracks namin Tay, Madam," paalam nito saamin saka binalingan si Sir Chad. "Mauuna na ako bossing." sabay layas.
Pinamewangan ko si Sir Chad. "Sabi ko na nga ba e. Sugapa ka sa alak kaya imposibleng malasing ka ng ganun-ganun na lang."
"Grabe ka sa'kin a. Ngayon lang ako uminom ng ganito karami. Syempre tinamaan din ako pero alam ko pa naman ang ginagawa ko."
"Yang," napatingin ako kay Itay ng hawakan niya ako sa braso. "Lasing yan. Wag mo ng pagalitan."
"Magtitimpla po ako ng kape--"
"Si Chad na lang timplahan mo. Matutulog na ako."
Gumiwang si Itay ng humakbang. Mabilis ko naman itong nahawakan. Pati si Sir Chad tila kidlat sa bilis na nasa tabi na bigla ni Itay.
Pailalim ko siyang tinitigan. "Kung gusto mong magpakalango sa alak dapat hindi mo na dinadamay si Itay. Alam mo namang matanda na siya diba?"
"Yang..." awat ni Itay sa akin.
"Sorry. Ako na lang maghahatid kay Itay sa loob."
"Ako na! Nakikitatay ka pa. Maupo ka na nga doon. Babalik ako--"
Natigilan ako ng biglang itulak ako ni Itay. Napaatras ako ng dalawang hakbang. Pasuray-suray itong naglakad papunta sa pader at doon nagsuka ng nagsuka.
Pagtingin ko kay Sir Chad nakatingin din siya sa akin. Apologetic ang mukha.
"I'm sorry hindi na 'to mauulit pa. Pwedeng gawan mo siya ng mainit na sabaw? Ako na lang magpapakain please--hmmp." napatakip siya sa kanyang bibig saka nagpalinga-linga sa paligid.
"Don't tell me susuka ka rin?"
Napasapo na lang ako ng kamay sa aking noo ng patakbo niyang tunguhin ang lagayan ng basurahan na kahalating putol na drum na nasa gilid ng kubo at doon nagsuka.
"Akala ko tigasin ang isang 'yon," marahas kong nilingon si Itay na nakangiti na sa gilid ko, nakatanaw kay Sir Chad. "Never daw siyang nagsusuka sa inuman."
"Susuka pero 'di susuko Tay!" pasigaw pang sabi niya na para bang narinig yung sinabi ni Itay.
"Yabang mo!" balik sigaw ko.
Malakas na napahagalpak ng tawa ang dalawa.
KINABUKASAN sumama ako kina Inay sa bukid. Hinanap ng aking mga mata si Sir Chad pagkagising ko pero hindi ko makita ang anino niya. Hindi ako nagtanong sa kanila baka putaktihin na naman ako ng tukso. Ang lala pa naman ng ginawa ng damuhong na yun sa akin kagabi. Hindi na nahiya sa mga magulang ko--kainis!
"Ang ganda po ng palayan, Nay."
"Lahat ng natatanaw mong 'yan Ate, atin na lahat yan."
Napahinto ako sa paghakbang saka nilingon sila. Matamis akong nginitian ni Inay.
"No'ng nakaraan taon pumunta ng bahay si Ka Ambo dala-dala yung titulo ng lupain na 'to nakapangalan na sa Tatay mo. Nagulat nga kami e."
"Ha?"
"Alam namin na nagpapakahirap ka sa Manila magtrabaho anak para saamin kaya sinisiguro namin na hindi napupunta sa wala ang lahat ng mga pinapadala mo."
Nilapitan nila akong tatlo; si Nanay, Ning-Ning at Raikko, mahigpit na niyakap. Naguguluhan na naitulos naman ako sa aking kinatatayuan.
"We're grateful for all the help, support and sacrifices you did for us, Ate."
"Kaya pinagbubuti po namin ang pag-aaral namin, Ate Yang." sigunda ni Ning-Ning. "Para one day kapag hindi mo na kaya kami naman ang tutulong sayo."
"Nay!" boses ni Ceddie.
"Hala ang daya!" bulalas ni Ning-Ning sabay takbo. "Ba't kayo lang nagbuko?"
"Marami yan," muli kami nitong tinanaw.
Nakangiting inakbayan kami ni Inay ni Raikko at hinatak papunta sa kanila pero yung mga mata ko sinusuyod ang paligid, still didn't see any trace of his shadow.
Umuwi na ba siya? Hindi man lang nagpaalam sa akin.
"Ang daming bungang hinog po no'ng mangga." nakangiting bungad ni Ceddie saamin. Si Ning-Ning todo kutsara na sa laman ng mga biniyak na buko at sinasalin sa tatlong malaking pitsel. May cooler box din sa tabi ng mga buko. Sa ibabaw may isang garapon na gatas at asukal. "Saktong-sakto yung dating mo Ate sabi ni Tatay. Gusto mong samahan kita sa kanya?"
"Pupuntahan ko ang Itay niyo."
"Sama po ako Nay," si Raikko. "May basket bang dala si Itay, Ceddie?"
"Meron Kuya." tumanaw ito sa gawing kaliwa ko kaya napasunod din doon ang tingin ko. "Nandun po si Kuya Chad sa treehouse. Kanina pa 'di bumababa. Na-amazed yata sa ganda ng gawa niyo ni Itay, Kuya Raikko."
Nahuli kong nakatitig sa akin si Inay pero agad itong umiwas ng tingin sabay hatak kay Raikko.
"Puntahan lang namin ang Itay mo, Yang. Ayahin mo si Chad. Sumunod na lang kayo." sabay talikod.
Tinungo ko naman ang treehouse. I wonder why I felt nervous. Hindi ko rin alam sa sarili ko ba't grabe ang kalabog ng dibdib ko na para bang gusto ng tumalon iyon palabas.
Pagdating ko sa punong hagdanan tiningala ko ang treehouse sa ibabaw ng malaking puno. Gawa iyon sa kawayan na nilagyan ng varnish. Dahon ng Anahaw yung atip.
Nagpakawala akong malalim na buntong-hininga saka tahimik na humakbang paakyat sa hagdanan na yari naman sa kahoy.
"Napatay si Rex Chua ng sarili niyang asawa?" boses ni Chad. "Baka sumabit kayo diyan---si Third? Siraulo talaga. Itago niyo sa secret volt--hindi wag dun. Delikado. Doon niyo itago sa underground. 'Wag niyong sasabihin kahit kanino--kahit pa kina Boss. Basta! Ang dami mong tanong t'ngna kami na bahala nina Thur sa kanila. Magagamit natin yun as evidence one day. Sagot namin kayo basta itikom niyo yang bibig niyo!"
Namayani ang katahimikan. Muli akong humakbang paakyat at sinilip siya. Nakatalikod siya sa gawi ko. Nakatukod ang kaliwang braso sa hamba ng bintana at nakatanaw sa labas. Hawak naman ng kanang kamay ang aparato na nasa kanyang tainga.
He took a heavy sighs. And sighs once more then cursed.
"Nandito pa ako sa Santa Monica. Hindi sinabi sainyo ni Franz? Hayop na yun--malamang nakitawag lang ako kay Miss Marquez! Lowbat yung phone ko--t'ngna wala ba akong karapatan maubusan ng baterya?! O so ako mag-a-adjust? Alam ni Franz na kasama ko si Miss Marquez--ano? Wala siyang number ni... Mia? Bakit sabi niya--oh never mind." he chuckled. "Ano? Sinong may sabi? Kailan pa? Wala pang sinasabi sa akin ang hinayupak na Onyok na yun--at natsismis niya pa talaga ako sa inyo? Ang tatabil ng mga dila--Putangina niyo!"
He ended up the call. Nanlaki ang kanyang mga mata ng mabalingan niya akong nakatayo sa hamba ng pintuan.
"Kanina ka pa ba diyan?"
"May problema ba?" balik tanong ko.
"Uhm--" he smile then shook his head. "Wala naman--"
"Base sa narinig ko parang may problema ka."
Saglit niya akong tinitigan saka umayos ng tayo.
"I have new assignments. Kailangan ko ng bumalik ng Manila."
"Ba't ka nagpapaalam sa akin?"
"I'm not." tumikhim siya saka ibinulsa ang cellphone. "Sinabi ko lang."
Humakbang ako papasok sa loob at iginala ang paningin sa buong paligid. Malinis at maaliwalas ang loob. May mga upuan at mesa sa gilid na yari sa kawayan. Sa kabilang gilid may ginawang parang maliit na open na aparador; may nakita akong banig at dalawang unan sa loob niyon. May limang hanger din na nakasabit sa taas at isang itim na long sleeve shirt. Meron din parang lababo; may maliit na kaldero doon, plastik na plato, baso, at sandok.
"You can stay here with your family for a month. Pagkatapos babalikan kita."
Hinarap ko siya. "Ikaw ba nagpapadala ng pera sa pamilya ko sa mga nakalipas na taon?"
"Uhm--"
"Ikaw din ba ang bumili ng lupa kay Mang Ambo?"
"I... I can explain--"
"Magpaliwanag ka na ngayon ba't mo ginawa ang lahat ng yun pero 'wag mong uulitin sa akin yung unang dahilan na sinabi mo na." madiin kong sinabi. "Tell me."
"That's the only reason why I did that Mia."
Tinuro ko ang pinto. "Umalis ka na."
"Mia--"
"I'm telling you Mr. Richard Del Valle, nagsasayang ka lang ng pera sa pamilya--"
"NO dahil magtatrabaho ka sa akin whether you like it or not."
"Ano pupwersahin mo--"
"By hook or by crook or by force, whatever you call it; magtatrabaho ka sa akin. WITH MY OWN RULES AND COMMAND."
"Great," tumango-tango ako. "Gagawin mo akong puppet ganun ba?"
"NO." he sighed. "Binili ko yung lupa dahil ginigipit ni Ambrosio Feliciano ang pamilya mo. Ikaw ang gusto niyang kapalit para manatili kayo sa lupang kinatitirikan ng bahay at sinasakahan niyo na pag-aari niya. Mamili ka sa dalawa; magpakasal sa gurang na yun o magtrabaho sa akin?"
Napaawang ang labi ko sa gulat. "Wa--Walang sinasabi sa akin ang mga magulang ko--"
"Well, I'm telling you now. Nandito ka na. Pwede mo silang tanungin. Pero kapag ginawa mo yun malalaman nilang hindi ikaw ang may gawa kundi ako mismo. Iisipin nilang sinungaling ako dahil sinabi kong pera mo lahat, padala mo lahat at nakikisuyo ka lang sa akin sa tuwing pumupunta ako dito sa Santa Monica dahil sa trabaho ko."
Hindi ako nakaimik sa lahat ng sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na nagawa iyon ni Mang Ambo sa pamilya ko. Buong akala ko. . .
"Uuwi na ako--"
"Pwede bang next week na lang?"
"Hindi pwede--"
"Bukas?" agap ko. "Pwede bang bukas ka na lang umuwi? Sasama ako sayo pabalik."
"Hindi--"
Mabilis akong lumapit sa kanya. Ginagap ko ang kanyang kamay. Napatingin siya doon. Nagtama ang mata naming dalawa ng mag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Please? Pwede naman siguro bukas, Chad."
"Pero--"
"Kung babalik ka ng Manila ngayon sasama pa rin ako. Will start my job right away."
"Pero Mia--"
"Take it or leave it. Your choice."
"Wow kumander," he sexily chuckled. "OK."
Tumingkayad ako saka mabilis na pinatakan ng halik sa kanyang pisngi. Nagulat ako sa ginawa ko pero wala nagawa ko na out of impulse. Nadala lang siguro ako sa tuwa sa lahat ng mga ginawa niya sa pamilya ko.
"T-Thank you so much, Chad."
Nahihiyang binitawan ko ang kamay niya pero hinuli niya iyon at mahigpit na hinawakan. Hinatak ko iyon pero hinatak niya rin ako; mas malakas kaya napasubsob ako sa dibdib niya. Hinawakan niya ang mukha ko at itiningala sa kanya.
"It won't settle for a simple kiss in my cheek just like that, Miamor." anas niya. "I'll teach you the right way how to thank me."
I unconsciously parted my lips when he abruptly lower his face and captured my lips.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023