bc

Until I Fall In Love Again(completed)

book_age18+
621
FOLLOW
2.2K
READ
drama
like
intro-logo
Blurb

The bravest thing she'll ever do is to love again... will she be succeeded in finding her true love? Or it will be another failed relationship? Is there gonna be a happy ending awaits for Yana?

"I think it's time to be happy again?." Yana

chap-preview
Free preview
One
A/N Before niyo ito basahin read niyo muna ang book 1, ang RUN TO YOU... Para hindi kayo malito. ....... I wasn't looking for anything when I found you and it somehow made me question what I wanted, was I ready for love? I don't think anyone is ever ready, but when someone makes you feel alive again it's kind of worth the risk.. It's not that I don't believe in love, I'm a very strong believer actually, I'm just deathly terrified that it doesn't believe in me....Until I fall in love again... "I'm afraid of falling..."Yana whispers. She smiles.. "Don't worry I'll catch you." A/N Thank you once again for the continued support for my works.. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ~~~DITO MAGSISIMULA ANG LAHAT~~~ ~~Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig muling pagbigyan ang pusong nagmamahal muling ibalik ang tamis ng pag-ibig sayang naman ang ating nakaraan~~ Ang kanta na naka play sa sasakyan na minamaneho ni Yana habang nasa kalsada pauwi sa kaniyang bahay. Kagagaling niya lang sa kabilang bayan para kunin ang nabili niyang mga baboy. Pero nakikipag diskusyon sa mga kasama niya sa sasakyan tungkol sa kanyang nawawalang mag ina na ilang taong Hindi na niya nakita. "Ibalik niyo muna ang mag ina ko baka sakaling maappreciate ko pa ang kanta na iyan." Wika pa nito. At muling binalik ang atensyon sa pagmamaneho. ~~~Alam mong ikaw lang ang mahal. kailangan ko ay ang tulad mo,ngunit kung sayo'y mawawalay saan ako tutungo bakit hindi natin...~~~ Ilang beses itong napabuntong hininga at napapatapik ng daliri sa steering wheel. Napapailing ng ilang beses ang dalaga dahil sa tinutukoy ng nasabing kanta. "Sabihin niyo kaya sa akin kung nasaan ang mag ina ko. Sila ba talaga ay buhay pa? O pinapaniwala ko lang ang sarili ko na mahal pa niya ako kahit na ang totoo pala eh may iba na siyang minamahal.." wika pa nito ng walang ano ano may umatungal sa likurang bahagi ng pick up truck. 'OINKKKKK! OIIINNKK! OINK ! OINK !' "Kayo ba sinasabi niyo sa akin kung nasaan ang asawa ko at anak? Sagot! Kapag Hindi kayo magsalita, lechon na kayo kinabukasan.!" 'OINK! OINK ?! Oink ?!' "Ano!? Hindi niyo alam!? Paano kasi pagkain lang nasa utak niyo! Leche! Wala kayang kwentang kausap! Tumahimikkk!" Gigil na sigaw niya sa mga baboy. Ito ang negosyong iniwan ni Brandi sa kanya na pinagtulungan nilang palaguin noong nabubuhay pa ito. Lumipat ito ng tirahan kung saan malapit na ito sa bayan. Kaya mas lalong sumikat ang kanyang Mia's Lechon. Ang kanyang gawain Ay bibili ng mga baboy at aalagaan at kung ready na pang lechon ito ang kanyang kinakatay. Tumatanggap ng order para sa kasal, binyag, birthday, anniversary, graduation, fiesta o celebration for being SINGLE. Binalingan ang isa pang kasama sa sasakyan. "At ikaw naman OBAMA sino na naman yung kasama mong babae kagabi? Aba, nung isang araw lang nahuli kita doon sa may puno ng saging at sigurado ako buntis yun at ikaw ang may kagagawan nun! Lintik ka ilang babae na ang dinala mo sa may puno ng saging para gumawa ng kababalaghan? Bakit may trabaho ka na ba na pang support mo sa mga anak mo!?" (Dog barking) "Ano, deny mo na hindi sayo yun?" Dinuro duro ang aso. "Kapag lumabas na panget sigurado ako sayo yun!"gigil niyang sabi sa kawawang aso. Biglang nag change ang music ? 'Banal na aso santong kabayo natatawa ako hi hi hi hi' "BWESIT!"  she hissed and drove faster than ever. Maya't maya lamang narating niya ang lugar kung saan nakastock ang mga baboy niya. Ilang pigpen ang kanyang pinagawa para sa kanyang negosyo. Meron siyang katulong si Mang Kanor kasama ang apo na dalagita. At mga tagaluto ng lechon. "Naku sayang hindi mo naabutan yung anak ni Gov at mga apo. Andito sila kanina para mag order ng baboy para sa darating na fiesta." "Ganun po ba.. eh Hindi kami nagkaintindihan sa presyo nitong pinagbilhan ko. Paiba iba ng desisyon." "Naku yang si Berting sasakit ulo mo diyan makipag usap." "Kaya nga po eh. Mabuti na lang at na papayag ko rin." "Ano ba ginawa mo at pumayag yun?" "Binigyan ko ng pambili ng Lambanog para matapos na ang usapan. Ayun tuwang tuwa naman po. Eh mang kanor, Ilan pala ang inorder na lechon ng anak ni Gov.?" "Ang pagkakaalam ko eh sampu yata." "Sampu!?" Gulat na reaction. "Lahat ba ng mga taga rito invited?" Habang nasa water pump at naghuhugas ng paa na natalsikan ng putik sa kakahabol sa baboy. "Ganyan si Gov kapag fiesta. Lahat pwedeng pumunta at lalo pa na dumating ang dalawang anak niya na lalaki. Yung panganay may pamilya na pero yung Doctor, binata pa rin at sobrang malapit yun sa mga tao. Napakabait ni Dok Gabriel." Kwento pa niya. "Si Dok Gabriel dumating?" Tanong ng dalagita. Tumango tango ang matanda. Nasa boses nito ang excitement. Naglipbite pa ito at napangiti si Yana sa dalagita. "Yun ang sabi ni Mike. Magkasama silang dumating dahil matagal na din na hindi sila nakauwi dito. Tingnan mo nga may asawa na pala si Mike at may mga anak na rin." "Awww may asawa na si Kuya Mike? Wala na talaga akong pag asa sa kanya."lungkot lungkutan niyang turan. "Uy bago ka magngangawa diyan tulungan mo kaming igapos itong baboy." Utos sa apo. Nakitulong na rin si Yana. Hawak hawak njya ang mga paa nito ng walang ano ano nagpumiglas ang baboy na aksidenteng nabutawan kaya nakagat nito ang binti ni Yana. "Ouch! Arayyy!!" "Hala ate Mia nakagat ka ng baboy!!" Sigaw ng dalagita. "Sana gwapong lalaki na Lang kumagat sa legs mo." "Leche na batang ito. Pumunta ka nga sa taas at kumuha ka ng pangtali sa sugat ni Mia." Utos ni Mang Kanor. Patakbong umakyat sa taas ang dalagita para kumuha ng pantali. Mia, ang kanyang ginamit na pangalan sa naging lugar simula ng lumipat siya sa bayan na ito. Madami dami na din siyang mga kaibigan. Parang rumaragasang baha na dumating ang dalagita bitbit ang pantali at ang gamot. Hinugasan nila ang sugat at nilagyan ng gamot. Then nagpunta si Mia sa may pigpen kasama ang dalagita para magpakain ng baboy, nang makarinig sila na parang may nagtatawanan. "May kausap yata ang Lolo mo Love." Since ang pangalan ng dalagita ay Lovejean kaya LJ or Love ang tawag ng mga kakilala. "Ewan ko ate baka yung mga taga lechon natin dumating na." "Ay halika at kakausapin ko muna sila." Kaya naglakad ang dalawa papunta sa matanda at malayo pa lang natatanaw na nila ang nakatalikod na lalaki. He wore a jeans ? and a long sleeve folded up to his elbow. "Oh andito na pala silang dalawa eh." dinig niyang sabi ni Mang Kanor. Biglang lumingon ang lalaki and Yana heard when Lovejean gasps. At sa kanya napunta ang tingin ng nasabing lalaki. Tantiya niya nasa 30's ang lalaki. He's handsome, yeah that's pretty obvious, with his thin yet muscular build, and a shade of black hair that almost matched to his skin color and his brown round eyes that seems like an eye catcher. Siniko ni Lovejean ang dalaga. "Gwapo di ba ate?" ngumiti lamang si Yana. "I could imagine him as a gym instructor being drooled over by the girls and gays." sambit sa isipan. "Ah Mia si Dok Gabriel nga pala. Dok si Mia ang aking-" "Apo niya na taga Manila." mabilis na wika ni Yana at kumindat sa matanda at kay Love. "Hello Mia, I'm Gabriel Mendez ,Gab for short."sabay lahad ng kamay na tinanggap naman ni Yana. "Mang Kanor ngayon ko lang nalaman na may apo ka pa palang maganda."nasa kay Yana ang mga mata nito. Nasa tabi ni Yana ang kinikilig na dalagita at binubundol bundol pa si Yana. "Naku, bihira lang kasi yan pumasyal dito kaya doon na siya lumaki sa Maynila."dagdag ng matanda. Panay ngiti naman ni Yana sa kanilang pinagsasabi. "Sige Mang Kanor dahil may bonus ka sa akin."sambit sa isipan. "Dok, pakitingnan mo naman ang binti ng apo ko na kinagat ng baboy." Turo niya sa binti ng dalaga na may tali. "Kung Bakit kasi ayaw pa mag asawa e Di Sana Hindi baboy ang kakagat sa binti niya." Biro nito. Nagkatinginan naman ang dalawa, Gab and Yana. "You don't mind if i'll check the wound?" "Yeah, it's not that bad though." sagot nito at tinaas kunti ang kanyang leggings kaya kitang kita ang makinis at maputi niyang balat. Sinipat sipat ng doctor ang sugat nito. Then nagbiro ang matanda. "Hindi sila magkakulay ng balat ni LJ. Ito kasi si Mia eh gumagamit ng...sabon na..kulay dilaw...ano bang lintik na sabon yun?" Maging si Yana napaisip din dahil wala naman siyang kulay dilaw na sabon. Nagkatinginan sila ni LJ. Maging si Gabriel napatingin din sa kanya. "Ah.. LIKAS PAPAYA!" sigaw ni Mang Kanor at naibuga ni LJ ang softdrinks na iniinom na nakalagay sa plastic. "HAHAHAHAHA!" Malakas na tawa ni Gabriel at binigyan ito ng nakakamatay na tingin ni Yana. "Sorry, I thought you're using Belo products. Kasi mostly ng mga dalaga sa maynila eh gusto ang gawang Belo." "Hehehe.. Wala akong budget sa ganun kaya nagtyatyaga sa LIKAS PAPAYA." turan niya at napasulyap sa matandang panay ang tawa. Sumabad naman si LJ. "Ay ate si Lolo pinakialaman ang gamit mo nung isang araw..." sumbong niya sa dalaga. Nagsimula nang gamutin ni Doc Gabriel ang binti niya. "Uy, Uy batang ito..." si Mang Kanor. "Kasi ate naligo si Lolo nung isang araw at nakita niya yung shampoo mo tapos gustong gusto niya yung ginamit niya na shampoo kasi mabango daw yung kulay purple daw... hindi ko nga natingnan kung ano ang pangalan nun eh." kwento ni LJ ngunit biglang nanlaki ang mata ni Yana sa sinabi nito. "Oo Mia, ang bango bango ng shampoo na yun...ano nga ba ang pangalan nun?" Hindi nakakibo si Yana at napapangiwi dahil naghihintay ang mga kasama sa sagot niya. "Yung shampoo mo na...basta violet.." "Lolo ito ba yung ginamit mo?" sabay pakita ni LJ sa hawak hawak na bagay. Napakagat labi si Yana. "Yan! Iyan nga ang ginamit ko!. Ang bango apo. Pwede mo ba ako bilhan niyan!." "Summer Eve. Cleansing wash."basa ng dalagita. "Lolo hindi ito shampoo..." "Kung hindi yan shampoo eh saan yan ginagamit, aber??" "Sa ano po-" sambit ng dalagita. Biglang tayo si Yana at hinablot ang feminine wash at nagsabing... "C-conditioner po L-Lolo..." sabay sulyap niya sa natatawang doctor at humahagikhik na si LJ. "Kaya nga po Mang kanor hindi po siya bumubula masyado, kasi CONDITIONER po siya." turan ni Gabriel at sinulyapan si Yana na napapangiwi. "Sus kaya naman pala ayaw bumula. Pero maganda sa buhok, ang dulas." sagot nito kaya lalong nagtawanan ang dalawa maliban sa namumulang si Yana. Naguguluhan naman si Mang Kanor kung ano ang pinagtatawanan ng mga kasama. After magamot ang sugat ni Yana nagpaalam na itong uuwi. Pero nagpaalam sa matanda kung pwede ba siyang makabalik para dalawin ang kanyang instant na apo na sinagot niya ng ok with thumbs up pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
416.8K
bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
54.7K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
56.9K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

BAYAW

read
82.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook