MIKE's GROUP Galit na galit si Mike sa kanyang mga tauhan dahil nabigo silang mahabol ang van na kumuha sa kanyang asawa at mga anak. Mas lalo pa siyang nanggigil sa galit dahil nakilala niya ang taong nasa kabilang sasakyan. Pareho silang nakahinto at kapwa nagkatutukan ng mga baril sa bawat grupo. Bumaba si Mike bitbit ang bag na may laman na pera. Bumaba din ang lalaking kumikislap kapag nasisilawan ng araw dahil sa mga suot nitong mga kumikinang sa kanyang katawan. Maging ang tatlong ngipin nito may gold din. Ngayon kapwa na sila magkaharap. In just five meters away, nakuha pa nilang magsigawan. "Hayop ka Camello! Kung pera lang habol mo, ito! Ito ang perang hinihingi mo! Ibalik mo lang sa akin ang asawa ko at mga anak!" "Anong asawa at anak ang pinagsasabi mo Mike?! Wala sa akin an

